Chereads / Mimi and Chloe (GGIS #1)(Filipino) / Chapter 26 - Chapter 25

Chapter 26 - Chapter 25

Natapos ang orientation ng tatlong oras. Napuno ang auditorium sa dami ng estudyante sa ASU. Ipinakilala ang mga bumubuo sa school nila mga deans, teachers, staffs, at mga taong nasa matataas na position. Nandoon din ang parents ni Georgette. First time niyang nakita ang mga ito. Manang-mana si Georgette sa mom nito, may lahing banyaga din pala ang mom nito kaya sobrang ganda talaga ni Georgette.

Tiningnan niya si Georgette habang nagsispeech ang parents nito. Nakasmile lang ito ng tipid pero bakas sa mata nito ang longing para sa pamilya. Alam niyang namimiss nito ang parents nito. Kahit nandito lang din sa Pilipinas ang pamilya nito ay hindi naman ang mga ito nagkikita. Sobrang busy kasi ng mga ito. Mabuti na lang at hindi katulad sa ibang mga anak si Georgette na nagrerebelde. Kaya bilib talaga siya dito sa kaibigan niya.

Naitext na nila si Christine na magkita na lang ulit sa cafeteria. Wala pa silang pasok ngayong araw, bukas pa daw ang start ng regular class nila, kaya pwede na silang umuwi kung gusto nila. Pero naisip ni Georgette na magbonding muna sila nina Christine. Kaya sa cafeteria muna sila magkikita para sabay na silang pumunta sa mall kung papayag si Christine na sasama sa kanila.

Puno ang cafeteria ng mga estudyante. Nakita agad nila si Christine na nakaupo sa parehong mesa nila kanina. May tinitingnan ito, napatingin din siya sa direksiyon ng tinitingnan nito. Doon sa pinakaunahan ay nakaupo ang grupo nina Mikael. Kaya pala nakatingin si Christine doon. Pero hindi lang si Christine ang nakatingin sa mesa nina Mikael kungdi ang halos lahat ng estudyanteng nandoon.

Nag-uusap lang ng mahina ang mga 'to. Pero mayamaya lang ay nagtatawanan na. Nakita niyang ngumisi si Mikael. Namimiss niya ang ngising iyon. Napansin niya din si Z nang bigla itong napatingin sa direksiyon nila. Agad nitong siniko si Mikael na nasa kanan nito, kaya tumingin din sa kanila si Mikael.

Napasinghap si Georgette at nagulat siya ng muntik na itong matalisod. Narinig niyang napa 'shit' ito at umayos ng lakad. Nakalapit na sila sa mesa ni Christine at agad umupo si Georgette sa harap ni Christine at yumuko.

"Nakakahiya.." Bulong ni Georgette sa sarili.

"Okay ka lang, girl?" Tanong niya dito.

"Nakatingin kasi si ano, shit! Muntik na kong matumba!" Sabi nito sa kanya.

Natawa siya dito, "Okay lang yan." Umupo na siya sa tabi ni Christine. "Kanina ka pa?" Baling niya kay Christine.

"Hindi masyado... nandoon sila oh..." Sagot nito sa kanya sabay sulyap ulit sa mesa nina Mikael.

Sumulyap din siya doon at nakita sina Mikael at Z na nakatingin pa din sa kanila. Nakakunot ang noo ng mga ito. Bakit kaya? Mayamaya lang ay nakita niya si Z na siniko ulit ang nasa kaliwa nito. Si Christopher yata iyon. Nakatalikod sa kanila iyong si Johann at iyong naka-dress na si Henry.

"Hey girls, future wife!" Bati ni Markie sa kanila na natakpan ang view nila sa mesa nina Mikael. May apat na mga kasama itong parehong naka jersey jacket, umupo ito sa tabi ni Georgette na nakasimangot. Tumayo lang din sa gilid nila ang mga kasama nito, nakangiti ang mga ito sa kanila.

"Pakilala mo naman kami sa mga magagandang binibini, Markie." Nagpapacute na sabi noong isang mamaskuladong lalaki.

Tumawa si Markie, "This is Chloe.. and this is..."

"Christine." Sabi niya. Hindi pala nito nalaman ang name ni Christine kanina.

Sabay sabay na bumati ang apat na lalaki sa kanila. Nagpapacute ang mga ito. Napailing na lang siya.

"Georgie ko? Ba't ang tahimik mo?" Tanong ni Markie dito. Napairap lang si Georgette dito. "Sus. Pakipot talaga. Uuwi na ba kayo after dito?"

Tumingin lang si Christine sa kanya, "Nope. Pupunta pa kami ng mall. Sama ka Christine, ha?" Lingon niya kay Christine, at tumango naman ito.

"Sama kami!!" Sabay sabay na sinabi ng mga lalaki.

"It's girls' bonding. Mga babae ba kayo?" Mataray na sinabi ni Georgette.

Tumawa ang mga lalaki, aangal din sana si Markie nang biglang may sumulpot sa likod ng mga lalaki.

"Mga pare!" Bati ng bagong dating sabay high five sa mga ito at kay Markie. "Ui, Chloe!" Sabi nito pagkakita sa kanya.

Nagulat siya at si Jasper pala iyon. Agad itong tumabi sa kanya at akmang bebeso sa kanya pero umiwas siya. Tinukso tuloy ito ng ibang mga lalaki. Tawa sila ng tawa.

"Sorry. Huwag ka magalit, Chloe." Sabi ni Jasper sa kanya.

"Hindi ako galit. Nagulat lang." Sagot niya at matipid na ngumiti dito. Inakbayan naman siya nito kaya hindi na siya nakaiwas.

Nagulat siya ng may ingay siyang narinig. May matinis na tili silang narinig. Napatingin sila doon at nagulat ng nakitang si Henry iyong tumitili. Natapunan pala ito ng softdrinks in can na kay Mikael yata. Nagsitayu-an ang mga ito at agad dinaluhan ni Mikael si Henry. Tawa naman ng tawa si Johann. May biglang lumapit na isang babaeng may pagkaboyish kay Henry at binigyan ito ng panyo. Dinedma iyon ni Henry at mukhang tinaboy ang babae. Umalis din naman agad iyong babaeng nakasimangot.

"Ingay talaga ng mga bakla." Reklamo noong isang kasamahan nina Markie. Tumahimik lang sila nina Georgette at Christine.

"Nakita mo na pala si Mikael?" Bulong ni Jasper sa kanya.

Tumingin siya dito. "Yeah..." Sagot naman niya.

"Now, you know bakla na siya." Sabi nito sa kanya ulit. Tumango lang siya dito at agad nag-iwas ng tingin. "You know, back in highschool. Plano na talaga kitang ligawan. I really like you. Naunahan lang ako ni Mikael."

Napatingin siya ulit dito, nagulat siya na magkalapit lang pala ang mukha nilang dalawa. May ingay ulit silang narinig sa mesa nina Mikael. Nakita niyang tumayo si Mikael at padabog na tumayo at umalis.

"Mikael!! Where are you going?!" Sigaw ni Z.

"What the hell is wrong with him?" Maarteng sabi ni Henry yata.

Tumayo na din sina Johann, Christopher at sinundan si Mikael. Si Z naman ay napatingin sa direksiyon nila. Si Henry ay napalingon sa kung saang direksiyong nakatingin si Z at napataas ang isang kilay nito. Sabay din ang mga ito umalis at naglakad sa parehong direksiyon nina Mikael.

Nakita kaya ni Mikael iyong naganap sa kanila ni Jasper? Bakit bigla itong nag walk-out? Kung nakita nga niya, so meaning nakamasid talaga ito sa kanila? Napabangon ang pag-asa sa puso niya. Nagseselos ang Mikael niya. May pag-asa pa.

"Tara na, girl, Christine?" Yaya sa kanila ni Georgette. Agad itong tumayo kahit pinigilan ni Markie.

Tumayo din silang dalawa at nagpaalam sa mga lalaki. Aangal sana si Jasper pero hindi na niya ito tiningnan ulit.

Dumiretso sila sa parking lot at sumakay sa sasakyan ni Georgette. Katabi niya ito habang sa likod naman si Christine.

Narinig niyang napabuntong hininga muna si Georgette pagkatapos ay tumawa bago pinaandar ang sasakyan. "Girl.. Feeling ko nagseselos si Mikael."

Napatingin siya dito, nagsmile din. "Naisip ko din iyan..."

"Haaay.. kahit wala ng development sa akin with Z basta meron sa iyo, eh masaya na ko. Dapat ikaw din Christine, fight for your love!" Sabi ni Georgette.

"Tama! Huwag tayo mawalan ng pag-asa, Georgette. Kaya natin 'to! Para sa love! Go! Go! Fight!" Cheer pa ni Christine. Nagulat silang dalawa ni Georgette dito, mahinhin kasi si Christine at hindi masyadong umiimik, mahiyain ba, pero kapag magsasalita na ito ay tuloy-tuloy pala.

Natawa tuloy silang dalawa ni Georgette dito. At naghigh five pa silang tatlo bago tumulak papunta sa mall.