Hinatid siya ng mom at tito Rey niya sa school nila. 7:30 na ng umaga at 8 o'clock ang 1st class nila ni Georgette. Ang usapan nila ay magkita na lang ulit sila sa gazebo. Hindi pa ito nakatext sa kanya, kaya ang ibig sabihin ay nauna siyang nakarating sa school.
Pagkarating niya sa gazebo ay agad niyang tinext si Georgette at si Christine. She wonders if Christine knew the way papunta dito sa gazebo. Sa pagkakaalam niya ay kapag TTh ay pareho silang tatlong 8am ang unang subject.
Tumunog ang cellphone niya, nagreply si Christine.
Christine: "Nasa classroom na ako, girl. Goodmorning! :)"
Siya: "Oh, okay. Aantayin ko na lang si Georgette. See you na lang mamaya sa lunch break. Goodluck on our 1st day. :)"
Christine: "Okay. Text na lang later. Goodluck din. Ingat kayo. Mwah."
Chineck niya ang watch niya, it's already 7:50. Hindi pa din nakareply si Georgette. Mayamaya lang ay tumunog na ulit ang cellphone niya. It was Georgette calling her.
"Hello?" Sagot niya dito.
"Giiiirl... I'm really sorry. I woke up late. I'm really, really sorry. Malapit na ako sa school. Dumiretso ka na sa building natin, I'll meet you downstairs. Please don't be mad at me..." Sabi nito sa kanya sa kabilang linya.
"Okay lang, ano ka ba. I'm not mad!" Tumawa siya. "Sige. See you. Magconcentrate ka sa pagdadrive ha? Ingat." Sabi niya dito.
Agad siyang tumayo at nagsimulang lumakad papunta sa building ng department nila. Pagkarating niya doon sa labas ng building nila ay naupo lang siya sa bakanteng bench na nasa labas ng entrance.
Maraming estudyante ang papasok na sa building. Mayamaya lamang ay nakita niyang humahangos na dumating si Georgette. Hindi pa ito nakamake-up at basang basa pa ang buhok nito.
Hinihingal na nagbeso ito sa kanya, "I'm really sorry, girl. Hindi talaga ako makatulog kagabi sa sobrang excitement. Wooh!" Buga nito ng hangin.
Natawa lang siya dito, "Ano ka ba! Okay nga lang!"
"Wooh! I need water." Sabi nito sabay paypay sa sarili. Natawa ulit siya at binigyan niya ito ng tissue para mapunasan ang pawis nito. "Thank you, girl. Tara na. 8 na. May surprise pa naman ako sa'yo." Yaya nito sa kanya.
Pagkarating nila sa classroom nila sa 2nd floor ng building, agad siyang napahinga ng maluwag at wala pa ang teacher nila. Gumala ang paningin niya sa loob ng classroom at nagulat siya ng nakitang nandoon sa loob si Z at Mikael. Nakaprenteng upo sa harapan. Tumingin din ang mga ito sa kanila. Ganoon din ang ibang mga classmates nila.
Magclassmates sila ni Mikael!!! Oh, my ghad! Bumaling siya kay Georgette na nakangiti ng malapad. Naunang naglakad si Georgette sa dalawang magkatabing bakanteng upoan sa likod na bahagi ng classroom. Sa paglalakad nila ay bumabati ang ibang mga classmates nila kay Georgette. Sumunod din siya dito at agad iniwas ang tingin kay Mikael habang naglalakad.
Pagkaupo nila ay agad niya itong binulongan. "Why didn't you tell me na classmates pala natin sila?" Akusa niya dito.
"Surprise nga girl!" Sabi nitong humagikgik. Napailing na lang siya at tiningnan ang likod ni Mikael.
Hindi na ito katulad ng dati. Mas lalo kasi itong tumangkad at naging mas matipuno pa. Oh, how she missed looking at his back. Nostalgic talaga ang lahat ng ito sa kanya.
Mayamaya lang ay dumating na ang teacher nila. Nagstart na ang klase at siyempre una ang introduction ng mga bagong students. Lima silang new students doon. Noong turn na niya para mag introduce sa sarili ay hindi man lang lumingon si Mikael sa kanya. Si Z lamang ang lumingon sa kanya at nakita niyang nakatingin ito ng seryoso sa kanya. Pagkatapos ay bigla itong bumaling kay Georgette at umirap at humarap ulit sa teacher.
"Welcome to Anthony Smith University, new comers. I hope all of you will enjoy your stay here in our university. Hindi na kailangang mag introduce ng mga old students since most of them ay magkakilala na. Now, its my turn to introduce myself. My name is Ma'am Lorene Abella." Sinulat nito ang name nito sa whiteboard. "I am your teacher for History 301. I'm happily married to my highschool sweetheart." Tinukso ito ng mga classmates niya. Napasmile lang ito at halatang kinikilig. Bakas ang pagmamahal nito sa asawa.
Highschool sweethearts. Malungkot siyang ngumiti. Meron naman talagang nagkakatuluyan pa din at nananatiling happily married. Hindi naman lahat talaga ay katulad sa parents niya. Sana noon pa lang ay narealize niya na iyon. Sana hindi nangyari ang ganito sa kanila ni Mikael.
"Now, we will talk about our dos and donts in class. First of all, I hate late comers. If you're late then you'll be considered absent. So, it would be much better to not attend my class. I don't like distractions. No one should use their cellphones durin my class, unless its an emergency..." Pagpatuloy nito.
Marami pa itong sinabi at sa buong duration noon ay nakatingin lang siya sa likod ni Mikael. Hindi talaga ito lumingon sa kanya. Ano kaya iniisip nito? Napayuko na lang ulit siya.
Nagbigay si Ma'am Abella ng mga kailangan nilang bilhin para sa subject nila dito at nagbigay din ito ng homework na kailangan nilang i-submit sa Thursday. Kaya nagsulat sila sa notebook nila. Mabuti na din iyon at ng mawala muna ang atensiyon niya kay Mikael.
Dalawang oras ang klase nila dito at may natitira pa silang 30minutes pero dinismiss na sila nito. Sabay silang tumayo ni Georgette at nagyaya itong pumunta na sa next subject nila na classmates pa din sila.
Huminga siya ng malalim ng malapit na silang dumaan sa pwesto nina Mikael, nakaupo pa din si Mikael at nag-aayos ng bag nito habang si Z naman ay nakatayo na. Nag-ipon siya ng lakas bago niya binati si Mikael.
"Mikael..." Paunang bati niya dito. Napaangat ito ng tingin sa kanya at naramdaman niyang hinawakan ni Georgette ang kamay niya. Siguro nagulat ito sa ginawa niya. "C-classmates pala tayo. Ka..katulad noong highschool, hindi ba?" Nagsmile siya dito. Napansin niyang natigilan din ang ibang mga kaklase nilang hindi pa nakalabas ng classroom katulad nila.
"So?" Malamig nitong sagot sa kanya. Tumayo ito, at binalingan ulit siya, "I told you, huwag mo kong kausapin. And my name is Mimi, now. Stop calling me Mikael.." Tiningnan siya nito pababa at paakyat. "Whoever you are." At agad itong nagmartsa palabas ng classroom. Sumunod din dito si Z na tumawa ng nakakaloko.
Hiyang hiya siya sa sarili niya nang narinig niyang napasinghap ang mga naiwan sa classroom kaya kailangan niyang bumawi. "Mahal mo pa din, ako! Alam ko! Hindi ka magseselos kung wala ka ng nararamdaman sa 'kin."
Napalingon sa kanya si Mikael, bakas sa mukha ang pagkanuya sa sinabi niya, "Selos? Assumera lang ulit, te? Kanino ako magseselos? Excuse me, hindi tayo talo! So, will you pretty please stop embarassing yourself!" Tapos ay maloko itong tumawa.
Napahikbi siya, ang sakit. "Bakit ganyan ka na? Stop doing this. Nasasaktan na 'ko!" Hinawakan siya ng mariin ni Georgette, it's like she's asking her to stop.
"Oh. My. Ghad. F.Y.I. ikaw ang nananakit sa sarili mo! I don't even know you!" Sabi nito sa kanya, "Let's go, Z! Nakakaimbyerna!"
Bago ito nakalabas ng pinto ng classroom nila ay sumigaw ulit siya, "I'm still not giving up, Mikael! Kahit ano mangyari! Mahal pa din kita kaya itatak mo iyan sa isip mo!"
Narinig niyang tumawa lang ito at dumiretso ng lumabas ng classroom nila. Naiwan siyang napaiyak at nanghihinang napaupo sa silyang inupuan ni Mikael kanina.
Tumabi sa kanya si Georgette, "Girl.... Shhhh..." Alo nito sa kanya. Hinahaplos nito ang likod niya.
"Ang s-sakit.. ang sakit, sakit..." Sabi niya habang humihikbi.
Niyakap siya ni Georgette at inalo hanggang sa tumigil siya sa pag-iyak.
Naglalakad na sila papunta sa next subject nila. Marami ang napapatingin sa kanya at nagbubulongan. Siguro ay narinig ng mga ito ang nangyari kanina o dahil kapansinpansin ang pamamaga ng mga mata niya.
"Girl... I'm sorry.. classmate natin ulit sina Mikael sa next subject. Gusto mong i-skip muna natin? Your eyes are really swollen." Sabi nito sa kanya ng malapit na sila sa classroom nila.
Napailing siya, kaya niya 'to. Gusto niya din makita si Mikael kahit sinasaktan siya nito. Martyr na yata talaga siya.
"Sige... Ikaw bahala.. Iwasan mo munang makausap si Mikael. Ayokong umiyak ka na naman ulit.." Sabi nito sa kanya.
Napasmile siya dito at tumango ng marahan.
Pagkarating nila sa classroom ay nandoon na sina Mikael at Z. Nagcecellphone si Mikael kaya nakayuko ito, habang si Z naman ay nakangisi sa kanya.
Pareho pa din ang mga classmates nila noogn 1st subject at lahat ay tumahimik noong pumasok sila. Dumiretso sila ni Georgette sa bakanteng seat at agad napabaling ang tingin niya sa likod ni Mikael.
Ano ba talaga ang kailangan niyang gawin para bumalik ulit si Mikael sa kanya? Ang sobrang hirap talaga ng ganito. Napahugot siya ng malalim na hininga.
After 15minutes ay dumating na iyong next teacher nila. Nag-introduction ulit at nagbigay ito ng mga requirements. Pagkatapos ay nagstart na agad sa lessons. Kaya nawala sa atensiyon niya si Mikael.
On time talaga natapos ang klase nila. Habang nagpapaalam ang teacher nila ay nakita niyang may nakaabang na sa labas ng classroom nila na mga lalaking nakajersey. Sina Markie, Jasper at ibang mga lalaking nakilala nila kahapon sa cafeteria ang nandoon. May mga kasama ang mga itong mga babae.
Naunang kumaway si Markie kay Georgette at ganoon din si Jasper sa kanya, napahalf-smile lang siya dito. Hindi na niya chineck kung namamaga pa ba ang mga mata niya. Bahala na, wala din naman siyang pakialam.
Nagmamadaling lumabas sina Mikael at Z pagkadismiss sa kanila. Napatingin lang siya sa likod nito hanggang sa mawala ito sa paningin niya. Tumayo na din sila ni Georgette para lumabas sa classroom.
"Hey, girls!" Bati sa kanila ng mga lalaki.
"Hi, Chloe!" Bati ni Jasper sa kanya. Nagsmile lang siya dito. Nagulat na lang siya ng inakbayan siya nito. Ganoon din si Markie kay Georgette na nakasimangot.
"Paano niyo ba nalaman ang schedule namin?" Angil ni Georgette kay Markie.
"From mom?" Malokong sagot ni Markie. Napaismid na lang si Georgette.
Hinayaan na lang din niya si Jasper na akbayan siya at sabay silang pumunta sa cafeteria. Habang naglalakad sila ay kwento ng kwento si Jasper sa kanya. Napapangiti lang siya dito. Naramdaman na lang niya bigla ng nagvibrate ang cellphone niya sa bag. Kinuha niya iyon at chineck. Si Christine pala. Nasa cafeteria na daw ito at nakaupo sa isang mesa. Jampacked daw ang cafeteria.
"Punong-puno daw ang cafeteria sabi ni Christine. Good thing nakahanap pa siya ng bakanteng upo-an." Sabi niya kay Georgette.
"Punong puno talaga, girl. Lunch time kasi. Bukas, sa labas tayo kumain." Sagot nito sa kanya.
"May mga mesa na kami doon, Georgie ko. Bukas sama kami sa inyo, ah." Sabat ni Markie.
"Tse! Bahala ka sa buhay mo!" Inis na sabi ni Georgette dito at tinampal nito ang braso ni Markie na nakaakbay dito.
Pinagtawanan lang ng mga kasamahan nila si Markie, "Tiklop talaga si Captain!" Tukso ng mga ito.
Tumatawang inayos ni Markie ang pag-akbay kay Georgette at inis na kinurot iyon ni Georgette. "Ang sakit mo talaga magmahal, babe!"
"Babe mo mukha mo!" Inis ulit na sabi ni Georgette dito.
Nakarating sila sa cafeteria at matagal na hinanap si Christine. Nang nakita nila ito ay sa likod lang nito ang ibang mga kateam mates yata nina Markie na nakaupo sa dalawang mesa. Dumiretso ang ibang mga kasamahan nina Markie sa mesa ng mga ito, habang naiwan naman sina Markie at Jasper at nanatiling nakaakbay sa kanila ni Georgette. Agad silang lumapit kay Christine na nakatulalang nakatingin sa kung saan man at nabigla ng bumeso silang dalawa ni Georgette dito.
"Uy! Hindi ko kayo napansin." Sabi nito sa kanila at agad bumalik ang tingin nito sa kung saan man ito nakatingin kanina. Noong sinundan niya ang tingin nito ay nagulat siya ng nakitang nasa pagitan ng tatlong mesa sa harap nila ang mesa nina Mikael.
Nahuli niyang nakatingin ng galit sa kanya si Mikael at agad umiwas ng tingin noong napansing nakatingin siya dito.
Hindi ka nagseselos ha?
Alam niya na kung paano pagselosin si Mikael. Sa tulong iyon ni Jasper. Pero ayaw niya namang gumamit ng tao, kahit desperada na siya. Bahala na lang talaga.