Umupo si Georgette sa tabi ni Christine, kaya kahit anong tulak ni Georgette kay Markie na doon ito umupo sa table ng mga kagrupo nito ay tumanggi si Markie at pinilit umupo sa tabi ni Georgette. Naupo na lang din siya sa harap ng mga ito at tumabi din si Jasper sa kanya. Hindi niya tuloy makita si Mikael dahil nakatalikod siya sa mesa nito.
Naglabas na siya ng wallet niya nang tinanong siya ni Jasper kung ano ang gusto niyang kainin.
"Ako na, Jasper. Gusto kong pumili, eh." Sabi niya dito.
"Sige. Sabay na tayo kung ganoon." Sabi nito.
"Ikaw, Georgie ko? Ano gusto mo?" Tanong ni Markie kay Georgette.
Sa kanya bumaling si Georgette, "Sama na ako sa inyo ni Jasper." Akmang tatayo na ito ng pinigilan ito ni Markie. Hinawakan ni Markie ang baywang nito, agad namang tinampal ni Georgette ang kamay ni Markie na tawang-tawa naman.
"Ako na kasi. Dito ka na lang. Prinsesa kita eh. Kaya pagsisilbihan kita, aking kamahalan." Malokong sabi ni Markie dito.
"Tse!" Napairap na nagcross hands si Georgette dito. "Bilhan mo 'ko ng tuna sandwich at orange juice!" Singhal nito kay Markie.
"As you wish, my princess." Malokong sabi ulit ni Markie.
"Ikaw, Christine? Ako na lang bibili ng food mo. Para sama na kayo ni Georgette na maiiwan dito." Baling niya kay Christine. Akmang bubunot ng pera si Christine sa pitaka pero agad niyang pinigilan ito. "Mamaya mo na ako bayaran."
"Okay. Fried chicken tsaka garlic rice sa'kin, girl, at isang iced tea." Sabi nito sa kanya.
"Okay. Got it!" Sabi niya. "Tara na." Yaya niya kay Jasper at Markie.
Inakbayan ulit siya ni Jasper at pagtingin niya sa pwesto nina Mikael ay nakatiim-bagang ito habang nakatingin sa kanila ni Jasper.
"Woah! Galit siya?" Bulong ni Jasper sa kanya pero nanatili ang kamay nito sa balikat niya.
Nanatili din ang tingin niya kay Mikael habang naglalakad sila palapit sa mga ito. Nagulat siya ng huminto si Jasper sa mesa nina Mikael.
"Hey, Mikael.. este Mimi. Nanliligaw na ako kay Chloe, ha? Hindi na kayo talo, hindi ba? Kaya kahit alam kong bakla ka na, pinagbibigay alam ko lang sa'yo, as a sign of respect kasi lalaki ka naman dati." Sabi nito kay Mikael na nagpamaang sa kanya. Hindi niya napigilan si Jasper sa sobrang gulat. Hindi niya ineexpect na sasabihin nito iyon kay Mikael.
"Woah!!" Gulat ding reaksiyon ni Markie sa likod nila.
Napansin niyang tumahimik ang buong cafeteria at nagbulongan ang mga kapwa nila estudyante. Napalakas yata ang pagkasabi ni Jasper. Nakita niya ding napanganga sina Henry at Christopher, habang nakangisi naman si Johann at si Z ay seryosong nakatingin sa kanila ni Jasper katulad ni Mikael. Napabaling si Henry kay Mikael.
"Siya iyon?!" Maarteng tanong ni Henry kay Mikael na hindi man lang nagreact.
Agad niyang hinawakan sa kamay si Jasper para hilahin palayo doon pero nagulat na lang sila ng bigla na lang umalingangaw ang tawa ni Mikael pagkatapos ng ilang segundo. Gulat siyang napatingin dito.
"Excuse me lang, fafa Jasper ha? Wala akong pakialam sa babaeng kasama mo. Hindi ko naman kilala iyan. Ikaw ang type ko." Malandi nitong sinabi na agad nagpalaki ng mga mata nila ni Jasper.
"Fck!" Mura ni Jasper at nagmamadali siyang hinila palayo sa table nina Mikael. Nagpatianod lang din siya dito. Narinig niyang tumawa ang grupo nina Mikael kaya napabaling ulit siya sa mesa ng mga ito.
What the fck! Seriously? Kinilabutan siya sa sinabi ni Mikael agad niyang kinapa ang singsing na nakatago sa loob ng damit niya na bigay nito. Ginawa niyang pendant ulit iyon noong nakaraang araw. Ayaw niya kasing maging agaw pansin iyon. Isusuot na lang niya ulit iyon kapag si Mikael na ulit ang magsusuot sa kanya. Nababahalang napatingin siya dito hanggang sa nakapasok na sila nina Jasper sa bilihan ng pagkain.
"What the hell was that, dude?" Tanong ni Markie kay Jasper na sumunod sa kanila.
Nawalan siya ng gana, pero ramdam niyang kumukulo ang tiyan niya. Kakain siya kahit kunti lang, ayaw niya magka-ulcer.
"Fck. Nanindig balahibo ko, pare!" Sagot ni Jasper dito. "Ex iyon ni Chloe."
Gulat na napatingin si Markie sa kanya, "Totoo?!"
Tiningnan niya lang ito at hindi na sumagot. Tumingin na lang siya sa nakasulat na menu at agad pumili ng kakainin niya. "Lasagna na lang sa 'kin. Ano sa inyo?" Pag-iiba niya ng usapan.
Napamaang pa din si Markie sa kanya at wala sa sariling sumunod sa pila nila.
After mabayaran ni Jasper ang mga pagkain nilang tatlo ni Christine at si Markie naman ang nagbayad ng para kay Georgette, ay naglakad na sila pabalik sa table nila. Si Jasper at Markie na rin ang nagdala ng tray. Hindi na niya nakayang tumingin ulit sa mesa nina Mikael. Kaya napayuko na lang siya habang naglalakad hanggang sa nakarating sila sa mesa nila.
"Anong nangyari?" Agad na usisa sa kanila ni Georgette.
Tumahimik lang siya at si Jasper na ang nagkwento. Simula noong magkaklase sila sa highschool hanggang sa nangyari kanina.
"So, iniwan mo pala siya?" Sabi ni Markie noong naliwanagan ito.
Napatango lang siya ng marahan. Hindi niya napangalahati ang inorder niya. Nawalan talaga siya ng gana.
Naglalakad na silang tatlo nina Georgette at Christine papunta sa playground. May 45 minutes pa siya para sa susunod niyang klase. Hindi na sila magkaklase ni Georgette, since ito iyong isa sa irregular subject niya. Pupuntahan na lang daw muna nito ang mga bitches nito na kanina pa naghahanap sa kanya, hanggang sa matapos ang klase niya. Tapos ay magkikita ulit sila para sabay na silang pumasok sa next subject na classmates sila.
Inamin ni Georgette sa kanya na pinachange nito ang schedule ng mga bitches nito para hindi nila maging kaklase ang mga ito. Ayaw daw kasi nitong maleft-out siya. Mabuti naman at hindi niya talaga kayang makasalamuha ang mga babaeng iyon.
Kakatapos lang din nilang mag-CR. Kahit anong pilit nina Jasper at Markie kanina na sumama sa kanila ay tumanggi ng mariin si Georgette at sinabihan ang mga ito na lubayan muna sila kasi pupunta sila ng girl's CR. Sinabihan na lang ni Georgette ang mga ito na babalik ulit sila para hindi na magpumilit na sumama.
Pagkarating nila sa playground ay dumiretso sila sa gazebo.
"Ang ganda talaga ng ASU. Sana dito na lang ako nag-aral noong 1st year pa lang." Sabi ni Christine habang gumagala ang paningin sa buong campus. "Siguro dati pa ay nalaman ko ng bakla pala si Topero." Napabuntong hininga ito.
"Topero? Si Christopher?" Tanong niya dito.
Tumango ito, "Iyon ang nickname ko sa kanya dati pa. Tintera naman iyong sa'kin." Napahugot ulit ito ng hangin. "Alam niyo, hindi ko alam kung makakaya ko siyang habulin. Hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin sa parents namin na bakla siya. Hindi ko alam kung ano magiging reaksiyon nila. Ayoko ding ako ang maging rason para itakwil ito nina tita at tito. Ang hirap.. Ilang beses ko tinanong ang sarili ko if I still love him, despite of knowing that he's gay, oo talaga, eh. Hindi pa rin nagbabago." Malungkot na sinabi ni Christine.
"Ako din.. I still love him.. kahit ang sakit, sakit na talaga.." Sabi niya. Biglang tumulo ang luha niya.
Inakbayan sila ni Georgette na nasa gitna nila at sabay naman silang humilig sa balikat nito. "Haaaay.. ako nga hindi ko na rin iniisip iyong sa'min ni Z. Aantayin ko na lang kung ano ang mangyayari sa'min. If it's God's will, then magiging kami talaga. Kaso minsan old habits die hard talaga. Kapag nasa bahay ako, eh ganoon pa din mga ginagawa ko. Nakasanayan na kasi." Sabi naman ni Georgette sa kanila.
Napahikbi silang tatlo.
"Mga lokaloka tayong tatlo, sa mga bakla pa talaga, eh." Malokong sabi ni Georgette. "Kahit na bakla sila, hangga't hindi pa sila nagpapaputol ng ano nila, eh may pag-asa pa, right? Right, girls?"
Natawa silang dalawa ni Christine sa sinabi nito. Baliw lang talaga.
"Hi."
Nagulat sila ng may lumapit sa kanilang isang petite na cute na babaeng mas bata yata sa kanila. Probably, a year or 2 years younger than them.
Nagpunas sila ng luha bago hinarap ito.
"Yes?" Tanong ni Georgette dito.
Napahagikgik ito, "I'm Gaile. New student ako dito sa ASU. I'm lost, actually. Ang laki kasi ng school na 'to." Sabi nito sa pilit na tagalog. Ang lambing nitong magsalita. Siguro hindi ito taga Manila. "Pwede magtanong mga ate? Saan ba dito iyong Agriculture building? May hinahanap kasi ako."
"Oh! Diretso ka lang dito, iha," Inemphasize talaga ni Georgette ang pagkasabi ng iha. "Tapos liko ka sa left, then right ulit, doon ang Agri. Makikita mo naman agad iyong building since may sign iyon sa taas." Pagbibigay direksiyon dito ni Georgette.
"Ahh. Straight, then left tsaka right. Sige po! Thank you, ate." Akmang aalis na ito ng bumaling ulit sa kanila, "Kilala niyo po ba si Johann Nolasco?"
"Johann? Yeah. I know him. Why?" Kuryosong tanong ni Georgette dito.
Nakita niyang lumiwanag ang mukha ni Gaile. Napakagat labi ito. "Siya ang hinahanap ko! Kaibigan niyo ba siya? Please, tell him nandito ako! And I'm going to court him!" Maligayang sinabi nito.
Oh, oh!
Nalaglag ang panga nilang tatlong napatingin kay Gaile.
Seriously? Si Johann?