Lumipas ang dalawang linggo at pasukan na nila. Sabay silang bumili ni Georgette ng mga gamit sa school kaya may pagkahawig ang mga ito. Hindi na rin nila pinag-usapan ang tungkol sa nangyari noong gabing iyon. Excited na silang dalawa at magkaklase sila sa mga regular subjects. Meron nga lang siyang tatlong subjects na irregular kaya hindi sila magkaklase nito.
Mag aalas-siyete y mediya ng umaga ng nakarating siya sa ASU. Usapan na nila ni Georgette na magkita sa playground para sabay silang papasok sa loob ng auditorium. Mauuna ang orientation nila kasabay ang lahat ng estudyante sa naturang school. Nagtext na ito sa kanya 5 minutes ago na nasa gazebo na ito.
Pagkarating niya sa playground ay agad niya ito nakitang nakaupo sa gazebo kasama ang isang matipunong lalaki. Naka jersey jacket iyon na may AUS na print sa likod. Nang nakita siya ni Georgette ay agad siya nitong kinawayan. Kaya lumapit siya dito. Napatingin din ang lalaking kasama nito. May american features ang lalaki kaya halatang half nga ito at gwapo din ito.
"Chlooee!" Bati ni Georgette sa kanya at agad tumayo para magbeso sa kanya.
"Hi!" Bati naman niya dito.
"This is Markie pala, girl! Anak siya ng dean natin. Markie, this is my long lost sister from another mother, Chloe." Pakilala nito sa kanila.
Agad naglahad ng kamay si Markie kaya tinanggap niya ang kamay nito pagkatapos nilang mag- 'hi' sa isa't isa.
"I'm Georgette's future husband, by the way." Sabi ni Markie. Nakairap na tinampal ito ni Georgette sa balikat at natawa na lang si Markie.
"Loko ka! Dream on!" Sabi ni Georgette dito. "Tara na, girl! Iwan na natin siya!" Yaya naman nito sa kanya.
Pahakbang na si Georgette ng inagaw ni Markie ang bag nito at sinukbit sa balikat nito. That scene is nostalgic for her. Napa-half smile na lang siya ng inagaw ito ni Georgette kay Markie. Pero nakaiwas si Markie at naunang naglakad palabas ng playground.
"Markie!! Iyong bag ko!!" Sunod ni Georgette dito, nakasunod lang din siya sa mga ito.
"Ako na! Ang bigat, eh! Orientation pa nga lang, ang dami mo ng dala. May bato ba dito?" Pilit ni Markie dito.
Napairap lang si Georgette at hinayaan na lang si Markie. Habang papasok na sila sa corridors ay may narinig silang komosiyon sa likod nila. Nakita niyang napatingin din ang ibang mga estudyante sa direksyon ng komosyon kaya napatigil din silang tatlo.
Narinig niyang tumutugtog ang kantang Milkshake ni Kelis. At may apat na lalaki at isang lalaking naka dress na naglalakad ng parampa.
Sina Mikael!!!
Si Henry ang may hawak sa speaker na Beats, naka full volume yata iyon. Napatulala lang ang ibang mga estudyante sa mga ito. Agaw pansin talaga silang lima, not just because of the music but because ang gagwapo talaga nila. Kung nag aayos lalaki lang si Henry ay lima talaga silang mga gagwapo. Pero kahit nakaayos namang lalaki ang apat ay halatang may pagkabakla din ang mga ito sa paraan ng paglakad pa lang. Narinig niyang may mga tumitili sa mga pangalan ng lima. Akala mo'y kilig na kilig.
Nagfocus siya kay Mikael, naka pink polo shirt ito at skinny black jeans. Nakita niyang napatingin din ito sa kanya pero agad ding umiwas. Palapit na ang mga ito sa pwesto nila ng biglang may umalingawngaw na sigaw sa paligid.
"CHRISTOPHEEERR????! What the?!!"
Bumaling ang lahat ng tao sa babaeng sumigaw. Nasa unahan lang nila ito. Gulat na gulat ang itsura at laglag ang panganga nakatingin sa limang naglalakad na akala mo nagrarampa. Maganda iyong girl, may pagkamorena siya pero hindi naman masiyadong maitim. Nakacurl ang dulo ng buhok nito na halatang pinasadya. Nakita nilang tiningnan lang ito ni Christopher at nilampasan ang gulat na gulat na babae. Nanghina din iyong babae kaya napasandal ito sa pinto ng isang classroom.
Nilapitan agad ni Georgette ang babae pagkalampas ng limang nagrarampa, "Hey! Okay ka lang?"
Nakatulala pa ding tumango ang babae, pagkatapos ng ilang segundo ay nagsalita ito. "Kilala mo si Christopher Advincula di ba, Miss?" Tanong ng babae kay Georgette nang tumango si Georgette ay nagpatuloy ito, "Now.. tell me.. was that him? Or may sira lang ang mata ko?"
"That was him. He's gay." Sagot ni Georgette ng diretso, siniko niya ito. Dineretso talaga eh.
Nakita nilang napahilamos sa mukha ang babae, "My ghad. Kaya pala nagbago siya noong nagplano na ng kasal namin ang mga parents namin. Ghad. Ano gagawin ko? I love him!"
Tumawa si Markie na hindi nila alam na sumunod din pala sa kanila. "Marami pang ibang lalaki, Miss. Once na maging bakla ka, hindi ka na talaga magiging lalaki ulit. Hindi ko nga alam kung bakit may mga babaeng fans pa ang mga iyon. Sayang daw kasi mga gwapo. Oh sige, mga gwapo nga pero gusto din ng gwapo." Tumawa ulit ito. Napairap kaming tatlo dito.
"Akin na nga ang bag ko! Umalis ka na! Tse!" Irap ni Georgette dito.
"Bakit kayo nakairap? May gusto kayo sa mga iyon?" Gulat na conclusion nito. Tumingin ito kay Georgette at sa kanya at bumalik ulit kay Georgette. "Sino sa mga iyon ang gusto mo? At ipapabugbog ko!" Galit nitong hayag.
"Ewan ko sa'yo, Markie! Umalis ka na nga! Ayan na naman ang pagiging basagulero mo!" Sabi ni Georgette dito.
"So, may gusto ka nga sa mga 'yon?" Tanong ulit ni Markie dito.
"Wala!!! Ano ka ba! Wala pa sa isip ko ang mga boyfriend boyfriend thingy na iyan, no!" Tanggi ni Georgette.
"Siguraduhin mo lang, kung may gusto ka sa isa mga iyon ay pipikutin talaga kita." Malokong sabi ni Markie.
"Gago!" Sabi ni Georgette sabay batok dito.
Pinagtulukan na ni Georgette si Markie palayo. Pagkaalis ni Markie ay bumaling ito sa kanila. Tiningnan lang din nito ang babaeng nanatiling nakatulala.
"Punta muna tayo cafeteria, girl." Sabi niya sa mga ito.
Agad namang tumango si Georgette at hinila ang babae. Tahimik lang ding sumunod ang babae.
Pagkarating nila sa cafeteria ay agad silang naghanap ng mauupoan. Naupo si Georgette katabi sa babae at siya naman ay sa harap ng mga ito.
"Gusto mo ng water?" Tanong ni Georgette dito.
Umiling lang ang babae. Nagulat sila ng bigla itong malakas na pumalahaw ng iyak. Napatingin agad ang ibang mga estudyante sa kanila. Buti na lang at hindi masyadong marami ang tao ngayon sa cafeteria. At malayo din ang mesa nila sa iba. Hindi tuloy alam ni Georgette kung ano ang gagawin dito para mapatahan.
"Oh my ghad! Stop crying, please!!" Sabi ni Georgette dito hinahaplos ang likod nito. Siya naman ay binigay dito ang panyo niya.
"Paano siya naging bakla? I still can't believe it! We used to be close! Super close! Kahit noong naging fiancee kami hindi siya umangal. Then, bigla na lang siyang naging distant noong nagplano na ng wedding namin ang parents namin... kaya pala..." Hayag nito sa kanila.
"Shhhh.. stop crying. Don't worry. Nandito kami ni Chloe to help you. Pareho lang tayong tatlo. Shhhh." Sabi nito sa mababang tono.
Bumaling ang mga basang mata nito sa kanilang dalawa, bumulong din ito. "So, tama nga iyong lalaki kanina?"
Tumango lang silang dalawa.
Napabuntong hininga iyong babae na napapasinghot na lang at napa-oh na parang may naalala, "I forgot my manners, I'm Christine, by the way. BSN, 3rd year. Transferee ako dito. Nagtransfer ako para kay Christopher." Napabuntong hinga ito ulit. "Magkababata kami. Our parents are inseperable, mag bestfriends kasi ang mga ito since toddlers pa sila yata. So, they wanted to arranged our marriage. Okay naman noong una, noong engaged pa lang kami. Ngayong nagmamadali na ang parents naming magpakasal kami ay nagbago na si Christopher. I didn't know it's because he's... like that."
Kwento nito sa kanila tapos siya naman ang nagkwento. "I'm Chloe, Management kami ni Georgette, 3rd year din pero irregular ako. Ex-fiancee ko si Mikael, the one wearing a pink polo shirt. We broke up 2 years ago, then pagbalik ko naging bakla na siya." Sabay silang napabuntong hinga ng malakas ni Christine.
Si Georgette naman, "Hi, I'm Georgette. Secretong malupit lang itong pagkagusto ko kay Z, so, please don't tell anyone. He's the one wearing a white long sleeves shirt. We're neighbors."
Naghandshake sila kay Christine. "Nice meeting you two. Atleast I know, I'm not the only one with this kind of situation. Thanks for comforting me." Sabi ni Christine.
"Don't mention it. Let's help each other na lang." Sabi ni Georgette. Tumango silang dalawa sa sinabi ni Georgette at nakipagexhange numbers sa kay Christine.
Mayamaya lang ay tumunog na ang speakers ng school. Pinapapunta na ang lahat ng estudyante sa auditorium sa pagstart ng orientation. Kaya nahiwalay na sila kay Christine, since iba ang department nito. Nag-usap na lang silang magkita mamaya after ng orientation.