"Georgette! Ayoko... Aaminin ko! I don't like your friends.. Ayoko makipagplastikan.." Sabi niya kay Georgette, kausap niya ito cellphone. Kakalapag lang ng eroplano nito sa airport at agad siya nitong tinawagan para pilitin tungkol sa pajama party mamayang gabi.
"Why!!?? Oh, my ghad! Sinungitan ka ba nila or something? Inaway ka nila? Wait! Kausapin ko sila!" Sagot ni Georgette sa kabilang linya.
"Huwag!! Ano ka ba? Hindi ko lang talaga sila feel, okay? Bukas! Promise! Pupunta ako sa bahay niyo." Kumbinsi niya dito.
"Eeeehhh! I want you to be here! Namiss kita, girl! Its like, I miss my sister! Pero wala naman akong sister, kaya iyon! Ikaw na ang sister ko! Sige naaaa! Pretty pleassseee... pleeeeaasseee..." Makulit nitong sinabi.
Natatawang napailing na lang siya.
"Tumawa kaaa! Is that a yes? Promise, hindi ka ma-oOP!! Mabait naman ang mga bitches eh. Malay mo! Once na makabonding mo sila, eh, magugustuhan mo din sila. Sige naaa! Excited na din akong ibigay sa'yo ang pasalubong ko! You'll love it, I promise!" Makulit pa ding pagkukumbinsi nito sa kanya.
"Fine. Suko na 'ko!" Natatawang sinabi niya.
"Yeees!!! I'll see you later, okay? Mga 7pm! Do you want me to fetch you?" Masiglang sinabi nito.
"Huwag na! Magtaxi na lang ako." Sagot niya dito.
"Alright! See you! Love you, Chloe!! Mwah tsup!" Paalam nito sa kanya.
Tumawa lang siya and bid her farewell, too.
Magpapaalam pa siya sa mom niya, but she's sure na papayag naman ito. Naikwento na niya dito si Georgette and her mom is eager to meet her. One of this days magkikita din ang mga ito.
May dalawang unread messages siya. Nagtitext kasi sila ni Mike ng tumawag si Georgette kaya hindi siya agad nakareply dito. Maloko din si Mike, pero never na nito inopen-up ang tungkol sa kagustuhan nitong ligawan siya. Friendship lang talaga ang kaya niyang ibigay sa ngayon. Hindi talaga pumasok sa isip niya na magkakaboyfriend siya ng iba. Si Mikael lang talaga.
Quarter to 7 na nang natapos na siyang mag-ayos. Ihahatid siya ng mom niya, sa kagustuhan nitong mameet si Georgette. Nakasuot lang siya ng maong shorts at red na sleeveless, nasa bag niya ang pajama niya at doon na lang sa bahay nina Georgette niya planong magbihis.
Kanina pa nagtitext si Georgette sa kanya, nasabi niya na rin dito na kasama ang mom niya. Excited daw itong makita ang mom niya.
Pagkarating nila sa bahay nina Georgette bumaba din ang mom niya sa sasakyan and agad naman silang sinalubong ni Georgette na nakacrop top at short shorts.
"Hello po tita Selene!" Bati ni Georgette dito.
"Hello iha, ang ganda ng bahay niyo." Sagot naman ng mom niya after nilang magbeso.
"Hindi naman po!" Napahagikhik si Georgette. "Para lang po kayong magkapatid ni Chloe, tita. I never thought you're that young looking and mas maganda ka po kay Chloe." Sabi nitong binelatan pa siya. Natawa lang din siya.
Natawa ang mom niya. "Asus! Nambola pa tong batang 'to! Pareho lang tayong magaganda! Tama nga si Chloe. Para kang angel!"
"Oh, my ghad! Girl, ha!! Crush mo pala ako!" Sabi ni Georgette.
"Sira!" Sabi niya at sabay silang lahat tumawa.
"Tara sa loob tita, Chloe? Dito ka na lang mag dinner tita!" Yaya ni Georgette.
"Huwag na, iha. Alam ko namang pangdalagang party pa itong party niyo. Next time na lang! Hinatid ko lang talaga si Chloe para mameet din kita." Tanggi ng mom niya.
"Oh. Sige po tita. Thank you po ah!" Sagot ni Georgette.
"I better go ahead. It was nice meeting you, iha?" Sabi nito kay Georgette and nagbeso ulit bago bumaling sa kanya. "Mag ingat ka dito anak ah. Text me if magpapasundo ka bukas. Okay?"
"Okay mom! Thanks po! Ingat po sa daan ah." Sagot niya and yumakap sa mom niya.
Her mom went inside their car and nag wave goodbye sila hanggang sa lumabas na ng gate nina Georgette ang sasakyan nila.
"Ang ganda ng mom mo, girl! Parang dalaga pa!" Sabi ni Georgette sa kanya.
Nagsmile lang siya and tiningnan niya si Georgette. Gumanda ito lalo ng nagkaroon ito ng kunting kulay. "You're pretty yourself! Ganda ng pagkatan mo! Bagay sa iyo, girl!"
Tumawa ito, "Tse! Mamaya niyan mainlove ka pa sa kin." Tinampal niya ito sa balikat at tumawa sila. "I missed youuuu! Thanks at pumunta kang loka ka!" Sabi nito and hinug siya.
"I missed you, too! Pasalubong ko?" Sagot niya sabay lahad ng kamay after nilang magyakapan.
"Sa loob! Tara! Nasa pool area ang mga bitches! Instead ng pajama party, magswimming na lang daw. Hindi pa yata sila nakuntento kakaswimming sa beach doon sa Busuanga." Yaya nito sa kanya at agad hinawakan ang kamay niya.
"Wala akong dalang swimwear." Angal niya dito.
"No problem! Pwede mong isuot ang pasalubong ko sa'yo!" Sabi nito.
"What?! Bikini ba yan?" Sagot niya dito. Nag evil smirk lang ito sa kanya. "Loka ka talaga."
Humagikgik ito at niyaya siya sa taas papunta sa room nito. Nakita niya sa sliding glass door papunta sa pool area nila ang mga kaibigan nito. Nakatingin ang tatlo sa kanila habang naka upo sa nipa hut. Habang ang dalawa naman ay hindi niya napansin. Baka nagsiswimming na.
Nakarating na sila sa kwarto nito at agad tumambad sa kanya ang mala-prinsesang disenyo nito. May kurtina effect pa na white ang kama nito. Parang royal princess talaga. Kumpleto pa sa mga gamit. May mini ref at malaking flat screen tv. Paharap ang room nito sa gate ng mga ito. Kaya napaisip siya kung sino kaya ang binabantayan nito sa labas. Imbes na dumiretso siya sa kama nito ay dumiretso siya sa bintana.
"Sino iyong parati mong inaabangan dito, girl?" Sabi niya. Naramdaman niyang sumunod ito sa kanya.
Makikita niya ang mga bahay ng kapitbahay ng mga ito. Napatingin siya sa isang color white na bahay na may mataas na bakod. Nakaopen ang gate noon kaya nakita niya ang red na Mustang. Napatingin siya kay Georgette. Nagsmile ito sa kanya.
"Yeah. Bahay nina Z yan. Inaabangan ko kasi siya. Naririnig ko pagdadating siya kasi always siya nagbubusina para mabuksan ng katulong nila ang gate nila. You know, I'm very much attentive when it comes to him!" Sabi nito. "Iyon lang kasi ang time na makikita ko siya kapag gabi. Iyon is kung lalabas siya. Kapag umaga naman ng saturday and sunday or kapag walang pasok, always ko siya nakakasama."
"Always nakakasama?" Napamaang siya dito.
Tumawa ito. "Basta!!"
"Sabihin mo na!" Pilit niya dito.
"Ayoko! Kikiligin ako eh!" Sabi nitong natatawa.
"Loka ka talaga!" Sabi na lang niya dito.
"Here!" Sabi nito sabay abot sa kanya ng isang malaking paper bag.
Tiningnan niya ang sa loob at agad napamulagat dito. May tatlong pares na bikini doon, may tatlong t-shirt, may mga accessories made of shells at straw hat.
"Ang dami naman nito, girl!" Sabi niya dito. Agad niyang chineck ang mga bikini. "May itatago pa ba ako dito? Ang iiksi!!" Reklamo niya.
Tumawa ito, "Loka! Pwede mo gamitin iyan sa school! Magiging lalaki ulit si Mikael niyan kapag makikita kang suot yan!" Tumawa ito ulit.
"Sira! Hinalikan ko na nga eh nandiri lang eh. Ito pa kaya? Baka masuka na iyon..." Sagot niya dito, natawa siya ng mahina. Bumalik na naman ang sakit ng naalala niya.
"Huh? Oh em geeee! Nagkiss kayo?!!! Oh my ghad! Ba't hindi mo kinwento sa kin? Nakakainis ka!" Tampo-tampuhan nitong hayag sa kanya.
"I kissed him, he didn't kissed me back. I don't want to ruin your vacation tsaka madaling araw na nangyari iyon, girl." Ssgot niya dito at nagsmile ng malungkot.
"Kahit na! Kwento mo na, please..." Pilit nito sa kanya. Kaya ayon nagkwento na lang siya. Nakikinig lang din ito sa kanya. Patapos na siya sa kwento niya at naiiyak na siya ng narinig nila ang busina sa labas. Napatingin silang dalawa sa labas ng bintana at napanganga siya ng nakita ang katulad sa sasakyan ni Mikael sa harap ng bahay ni Z.
Mayamaya lang ay lumabas si Z at sinalubong ang mga bagong dating. At tama nga ang hinala niya. Si Mikael ang lumabas sa driver's side, bumukas din ang sa front seat at sa back seat. Magkasunod na lumabas ang dalawang lalaki sa likod at isang bakla na nakasuot ng fedora, maiksing dress at killer heels.
'What the hell!?? Sino mga iyon?'
Lumipad ang tingin niya kay Georgette na nakatingin din sa labas. Hindi humihiwalay ang tingin nito hanggang sa nakapasok na ang mga ito sa loob ng bahay ni Z.
"Sino iyong naka dress, Georgette?" Sabi niya dito ng napatingin din ito sa kanya. Nakangiti si Georgette.
"Ang gwapo talaga ni Z. Haaay..." Sabi nito instead na sagutin ang tanong niya.
"Loka ka! Sino iyong mga iyon?" Sabi niya ulit dito.
"Remember Henry? The one I told you about na baklang bakla talaga? That's him iyong nakasuot ng dress, they call him Mother Hen. Iyong matangkad na naka neon blue is si Christopher, they call him Christy at iyong macho na naka white naman is si Johann, bago lang iyon sa barkada nila, they call him Joanne."
Napamaang siya. "Bakla silang lahat?" Tanong niya dito.
Tumango ito at napatingin ulit siya sa bintana. Paano naging bakla ang mga ganoon kagwapong mga nilalang? Grabe. Sayang sila, sobra!