Chereads / Unveiled Love / Chapter 17 - Chapter 16

Chapter 17 - Chapter 16

"Hi!" Bati ko nang makita ang mukha niya sa screen. He didn't say anything. He only looked at his screen too.

Kagaya ko, nasa kama na rin siya. Hindi ko rin maiwasang bumaba ang tingin ko. Wala siyang saplot na damit. Natulala naman ako saglit dahil sa nakita ko. He smirked at my reaction.

"Uhh..ano nang gawa mo?" Tanong ko para maibsan ang kahihiyang pagnanasa.

Tignan mo naman, anak. Kung sinuswerte, ang gwapo ng ama mo. Tsaka, maganda rin naman ang mommy mo.

He licked his lower lip. Pakiramdam ko talaga, mababaliw ako rito! Lahat nalang ng kilos niya ay namamangha ako.

"Can you..lower your camera?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Huwag mong sabihin.. Agad nataranta ako.

"Hoy, ares! Hindi porket magkakaanak na tayo, masusunod na lahat ng gusto mo!"

"What are you talking about? I just wanna see your tummy, Ivanna."

Pumikit ako at mabilis na inilayo ang camera saakin. Pakiramdam ko makikita niya ang pamumula ko. Nakakahiya ka, Ivanna! Kung ano-ano nalang iniisip mo!

Ngumisi ako at natahimik. Nang ibinalik ko muli ang sarili sa camera ay kitang-kita ko ang pagngiti niya. Tumihaya ito kaya nakita ko nang bahagya ang dibdib niya. Umawang ang mga labi ko.  Napansin ko naman ang pag-angat ng labi nito.

"Ivanna, Let me see the baby."

"Okay.." sabi ko at unti-unting tinaas ang damit para makita niya ang tiyan ko. Hindi ko naman maiwasang lumabas ang ngiti ko sa labi.

"It's still small."

"Yeah.." sago ko at inangat muli ang camera saakin.

Matapang na tumitig ako sa buong mukha niya. Seryoso ito at parang may malalim na iniisip.

Hindi ko maiwasang pagmasdan siya lalo na sa screen. Hindi narin ito nagsalita at tumitig lang  din kagaya ko. His hair is long and too messy, pero guwapo parin iyon sa paningin ko. Kailanman ay hindi naman talaga siya naging panget para saakin.

Ano kaya ang magiging itsura ng anak ko? O saan kaya siya magmamana?

Laking pasasalamat ko rin kay stefan. Kung siguro hindi niya ako nakombinse, baka nalaglag ko nga ang batang ito. Sa buong buhay ko, alam kong pagsisihan ko nga kung sakaling mangyari iyon. Hindi ko maipaliwanag itong sayang nararamdaman ko.

"Ares.." tawag ko.

"Hmm?"

"Paano pag hindi sang-ayon ang pamilya mo?" Hindi ko na napigilan itanong iyon.

"Don't worry too much. Ako na ang bahala sakanila."

Tumango ako sa sinabi niya. Sa tingin ko, hindi niya naman kami pababayaan.

Bago ko pa maibuka ang bibig ko ay narinig ko ang dalawang katok mula sa labas ng pinto.

"Ivanna?"

Si mama!

"Ivanna.." tawag niya ulit. Bumukas ang pinto at iniluwa siya doon.

Si mama nga!

Lumapit ito at ngumiti saakin. Wala sa sarili ay nagmamadaling tumayo at tumakbo ako para yakapin siya nang mahigpit.

"Mama!"

Narinig ko ang bahagyang pagtawa niya.

"Alam mong hindi kita matitiis." Bulong nito malapit sa tenga ko habang sinusuklay niya naman ang buhok ko.

Hindi ko narin napigilan ang sariling damdamin at umiyak na sa dibdib nito.

"Sorry po, mama.."

"Hindi ko sinasadyang pagbuhatan ka ng kamay, ivanna. Nabigla lang ako. Hindi ko matanggap iyong mga narinig ko galing sa'yo."

Hinawakan niya naman ang magkabilang pisngi ko, at pinunas ang lumalandas na luha mula sa mga mata ko.

"Sorry talaga, mama.." iyon lang ang tanging nasabi ko.

"Gusto kong makausap ang ama nang magiging apo ko, bukas."

Tumango-tango ako at niyakap siya muli. Gumagaan narin ang pakiramdam ko. Akala ko ganito nalang kami lagi ni mama. Ang sakit para saakin na lagi niya akong iniiwasan. Pakiramdam ko wala akong kasama o kakampi sa bahay na ito.

Ilang oras bago kami natapos ni mama sa pag-uusap.

"Matulog ka na at bawal ka nang mapagod ngayon, ivanna." Si mama. Nagpaalam narin ito at lumabas na sa kwarto

Ngayon ko lang din napagtanto na katawagan ko pala si ares!

Inayos ko ang sarili ko bago hinarap ang sarili sa screen. Nagulat naman ako nang makitang andoon parin siya!

"Ares! Akala ko wala ka na."

"Hinintay ko lang matapos kayo." Simpleng sabi nito.

"Ibig sabihin, narinig mo ang pinag-usapan namin?"

Tumango ito. Natahimik kaming dalawa. Namumungay naman ang kanyang mata. Muli ay binasag niya ang katahimikan.

"I'll talk to her tomorrow, Ivanna."

Hindi ako kumibo at hinintay na dugtungan nito ang sasabihin niya.

"You should go and sleep."

Unti-unti ay tumango ako sa sinabi niya. Hindi ko narin hinintay na magsalita ito at pinatay na ang tawag. Isang malaking buntong hininga ang pinakawalan ko.

Nag-alala at pinakitaan ka lang ng maganda dahil sa bata, ivanna. Huwag kang umasang may mangyayari sainyo.

Hindi ko alam ilang oras akong nakatulala at lumilipad sa ibang bagay ang pag-iisip bago ako nakaidlip.

Sabado at wala kaming pasok bukas. Dahil sa sarap ng tulog ko, halos alas nuwebe na akong nagising sa umaga. Nanghihina at nakasara pa ang mga mata na tumayo ako. Agad naalala ko ang binili niya kahapon. Dumiritso ako sa drawer at kumuha agad ng isang mansananas doon.

Hindi naman ganito kasarap ang apple noon, a.

"I'll take care of her, ma'am. And I already hired Mrs. Lourdes para sa natitira niyang subject. It is way better, kung sa bahay nalang siya mag-aaral."

"Iyon din ang gusto ko. Ayokong siya ang pag-uusapan ng lahat. Ayokong magaya siya saakin noon."

"Huwag po kayong mag-alala, hindi ko sila pababayaan."

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses na iyon mula sa labas. Nagulat rin ako nang pumasok bigla si karius. Mabilis na hinila ko ito at sinara muli ang pinto.

"Ate, andito si kuya ares."

"Ano?! Bakit siya andito?" Nataranta na ako.

"Ewan ko, nagusap sila ni mama. Tsaka, kanina pa yan dito. Ang tagal mo kasing magising."

"Sana ginising mo'ko!"

Kanina pa siya rito? Sana man lang sinabi niya kagabi na pupunta siya! Tapos..hindi pa ako nakaligo! At ano ba iyong narinig ko, sa bahay ako mag-aaral? Sinong bahay?

"Huwag na huwag mo siya papasukin dito at maliligo pa ako." Sabi ko sa kapatid ko at mabilis na tinulak siya palabas. Nagreklamo naman ito.

Napatili ako nang malakas pagkalabas ko mula sa banyo nang namataan ko ito sa kama habang sinusuri ang mga gamit ko sa paligid.

"Ares!" Bulyaw ko habang hinawakan nang maigi ang suot kong tuwalya dahil muntikan na itong matanggal dahil sa gulat!

Bakit ba siya andito? Bakit hinayaan ni mama papasukin siya dito? Sinabi ko naman kay karius huwag niyang papasukin si ares! Pumikit ako ng mariin. Wala man lang siyang ka reak-reaksyon at kalmadong bumaling sa direksyon ko. Kinabahan naman ako nang bumaba ang tingin niya sa katawan ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Bungad ko.

"I almost waited for almost three hours, Ivanna. And that's what I only get from you?"

Tumayo ito at humakbang. Umatras naman ako at naramdaman na ang sarili sa likod ng pinto.

"S..sana man lang hinintay mo ako sa labas!" Taranta at nauutal na sabi ko. Hindi ko naman maiwasan mamangha sa nakikita ko. Parang natutuwa pa siya sa dahil sa sitwasyon kong ito.

"baby, What's wrong with that?" He smirked.

"W..wala!"

Mabilis na nilagpasan ko ito at dumiritso sa gilid ng kama kung saan andoon ang kabinet ko. Doon lang din ako nakahinga nang maluwag. Grabe, hindi ko iyon namalayan! Magkakaanak na kami pero iba parin ang epekto niya saakin!

"Lumabas ka muna at magbibihis ako."

Humarap siya muli saakin. His lips twisted at nanatili ang tingin saakin. Hindi ko na nakayanan ay ako na mismo ang umiwas ng tingin. Kung nakakamatay lang ang titig niya, baka noon pa nasa kabaong na ako.

Ngumuso naman ako at nahiya sa titig niyang ito.

"I'll wait for you outside." Sabi nito bago nagpaalam at lumabas na.

Agad nakahinga na ako nang maayos.

"Mamamatay na ata ako!"

Bakit normal lang sakanya ang lahat ng ito? Habang ako mahihimatay na sa mga ginagawa niya!

Bumaba ang kamay ko sa tiyan at hinihimas-himas iyon. Ngumiti ako. Hindi na ako makapaghintay na lumaki ka. Paniguradong, kasing guwapo mo rin ang ama mo, o kasing ganda saakin.