Mabilis akong napabangon at tumakbo sa banyo nang maramdaman ang pagbaliktad ng sikmura ko.
"Ivanna!" Si ares na mabilis akong inalo. Ramdam ko rin ang panghihina ng katawan ko. Nakita kong kumuha ito ng tissue at pinunas saakiin. "We're going to call Dr. Caldwell. baby..I'm worried." Mariin na sabi nito. Nakita ko ang pag-alala niya sa buong mukha. Hindi ko naman mapigilang ngumisi dahil sa nakikita ko.
"Stop smiling, Ivanna!"
"Huwag ka kasing mag-alala. Parte lang naman ito ng pagbubuntis ko!" Tumawa ako.
"Shut up!" Hinilot nito ang sentido niya at parang problemado parin. Tinikom ko agad ang bibig ko nang makita ang pagdidilim ng kanyang mata.
Ngayon ko lang din napansin na wala siyang saplot pang-itaas. Short lang ang tanging nakatakip sakanya. Hindi na naalis ang tingin ko sa katawan nito. I can even see his V line at..ang umbok sa kanyang gray short!
Bumaba ang tingin ko saaking katawan. Hindi ko na suot ang mga damit ko kagabi, kung hindi ang kanyang puting shirt! At..nakapanty na lang ako!
Nakita ko ang pag-angat ng kanyang labi habang pinagmasdan ako.
Parang time machine ay bumalik ang ala-ala kagabi. May nangyari..may nangyari saamin ulit!
"Fuck, baby.."
Hindi ko makakalimutan iyong sinabi niya kagabi! Kahit ang mga ungol ko ay nanatili sa aking isipan. Nakakahiya!
"Ivanna." tawag nito. Bumalik ako sa sariling ulirat.
Mabilis na umiwas ako ng tingin at ramdam ang pamumula sa mukha. Kinagat ko ang labi ko at pinigilan ang sariling tuwa.
Biglang may naalala ako kahapon. Bayolenteng tinulak ko ito.
"Akala mo nakakalimutan ko, may girlfrriend ka!"
Isang hila niya lang sa baywang ay napabalik ako sa kinatatayuan ko.
"I told you, she's not my girlfriend!" Mariin na sabi niya.
"Eh, ano yung mga litrato na nakita ko?" Tinaasan ko ito ng kilay
"I really just need to talk to her, Ivanna. There's nothing going on between us!"
"Talaga?"
"Kung ano man ang makikita mo, don't believe it.."
Nagtaka naman ako doon sa sinabi niya. Gusto ko pa sanang magtanong nang marami pero tinikom ko nalang ang bibig ko.
"What are you thinking?" Biglang tanong nito. Ngumuso ako.
"E, sino ang girlfriend mo? Sino pala iyong diana avila na iyon?" Hindi ko na napigilan tanongin iyon.
Hindi ito sumagot at tinanaw lang ako. Hindi ako maniniwala pag wala! Ang kagaya niya ay hindi nawawalan ng babae! Nakikita ko iyon sa teleserye o 'dikaya sa nababasa ko minsan!
"Siguro naman may natipuhan ka.."
Ngumuso pa ako lalo dahil hindi parin siya sumasagot sa mga tanong ko. Kakainis!
"Sino pala ang gusto mo ngayon? Baka nagseselos siya na andito ako."
He smirked.
Hindi ko kayang isipin o makita siyang may kasamang iba. Pakiramdam ko guguho ang mundo ko pagnakita ko iyon sa sarili kong mga mata. Nangingilid tuloy ang luha ko!
Pero sa totoo lang..magiging masaya ako para sakanya. Ang kasiyahan niya ay kasiyahan ko na rin. Tsaka, kung mangyayari iyon, hindi ko naman ipagkakait ang anak niya.
Hindi ko alam ano rin itong ginagawa namin. Ni hindi ko kayang tanungin siya. Okay na saakin ang ganito. Masakit, pero kakayanin ko.
"Then you must ask yourself, Ivanna."
Umangat ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Kumunot ang noo ko. Bakit ko naman tatanungin ang sarili ko? Hindi ako sumagot at nanatili na ganoon ang ayos. Ramdam ko rin ang paninitig niya saakin.
Bago ko pa maibuka ang bibig ko ay may narinig na akong kalabog mula sa labas.
"Ares! Ares!"
"No, buksan niyo! Alam kong andiyan siya sa loob! Bilis! Edwardo!"
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Boses babae iyon!
"Ares, ano iyon?"
Sumulyap ako kay ares at nakita ang frustration sa mga mata. Pumikit ito nang mariin at paulit-ulit na nagmura. Nagtaka naman ako doon.
"Ares!" Rinig na rinig ko parin ang boses babae sa labas.
"Ares..may tao sa labas!" Nataranta na ako.
Pakiramdam ko parang hindi may tama. Hindi ko maiwasang mag-alala at matakot ng bahagya.
"Please, stay here no matter what, Ivanna."
"Ano ba kasi ang nangyari? At sino yun?"
Ramdam ko ang kaba saakin. Nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga.
"Just do what I said." Mabilis na kinuha niya ang damit at sinuot iyon sakanya.
Hindi ko na siya muling tinanong dahil mabilis itong lumabas at iniwan ako rito. Hindi ko alam anong nangyayari. Ang alam ko lang ay kinakabahan ako.
"Ma, what the hell are you doing?"
Ma? Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Shit!
"I told you to date with diana, Ares! Pinahiya mo ako sa mga avila!"
Andito ang mommy niya! Avila? Sino iyon? Gulong-gulo ang isipan ay naririnig ko parin ang pagtatalo nila. Ni hindi ko alam kung ano ang pinag-awayan nila.
"You went there for only a seconds, ares! Nakakahiya kay diana!" Rinig na rinig ko ang galit at iritasyon sa boses ng ina niya.
"I don't want to marry her, ma."
"Bullshit! She will be your insurance, ares." Mariin ang bawat salita nito.
Insurance?! Marry? Para akong naubusan ng hininga dahil sa narinig. Hindi ko na maintindihan lahat ng naririnig ko. Ang alam ko lang ay magpapakasal si ares at hindi niya iyon gusto..
Gusto kong magalit sa narinig. Nakita ko ang shorts short sa sahig at agad na sinuot iyon. Nanginginig naman ang mga kamay ko. Tangina!
Hindi ko na alam anong gagawin ko. Hindi ko naman kayang makinig lang sa bangayan ng mag-ina. Pero ang sabi ni ares, dito lang ako. Sa sitwasyong ito, hindi ko rin alam anong kayang gawin ni Mrs. Campbell pag nakita niya ako rito.
Ganito naman talaga kadalasan ang tradisyon ng mga mayayaman. Sila lagi ang nasusunod kung sino ang mapapangasawa ng anak. At isa lang ang dahilan bakit nila iyon ginagawa, dahil lang naman sa pera. Gusto kong mainis at magalit kay ares dahil ni hindi niya iyon nasabi saakin. Kaya ba..kaya ba nahihirapan siyang sabihin ang tungkol sa bata?
"I don't need that fucking insurance, mama!" Medyo tumaas na ang boses nito.
"Isn't that girl again, ares?"
Hindi ko alam ano ang nangyari. Sobrang kinakabahan na ako.
"Ni hindi ko kilala ang babaeng iyon! Baka kung saan-saan mo yan pinulot!"
Halos namumula ang mga mata ko sa iritasyon at pangamaba. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya na babae. Ang alam ko lang..wala siyang karapatan magsalita nang ganoon!
"Pagnakita ko 'yan baka hindi mo magugustuhan itong gagawin ko." May pagbabanta na sabi nito.
"Stay out of this, ma!"
"Then marry diana avila, anak.."
"I told you..I won't marry her, ma. I like someone else."
Nawala na ako sa sarili nang marinig ang huli niyang sinabi. Nanginginig na nabitawan ko bigla ang cellphone ko. Kumalabog iyon sa sahig dahilan nang pagbukas ng pinto. Sa sobrang lakas ay nahulog ang sketch na gawa ko sa gilid kaya nabasag iyon.
Agad namataan ko ang babae na nasa harapan ko. Naninilsik ang mga mata niya sa galit. Hinahabol ko ang bawat paghinga ko. Pakiramdam ko mahihimatay ako ngayon dito.
"Siya ba.." Tinuro ako nito. "Siya ba, ares!" Her voice thundered. Dumilim na ang kanyang mga mata na hinagod ako ulo hanggang paa. Kung sa isipan, baka pinatay niya na ako.
Nanunuyo ang lalamunan ko. Nakita ko ang paghawak ni ares sa braso niya. Agad niya naman iyon iniwas.
"I'll take you home, please.. "pumikit ito ng mariin at pilit hinila ang ina niya. Pero nagmamatigas ito.
Akala ko kaya kong harapin ito, pero hindi..parang umaatras ang kaluluwa ko sa takot at possibleng gagawin niya saakin at sa anak ko. Pilit kong pigilan ang sariling takot pero nang-uunahan na ang negatibo kong pag-iisip
"Gusto kong makausap ang babae na ito!"
Nakita ko ang pagsulyap ni ares saakin at parang nangungusap ang kanyang mata.
"Ivanna, hayaan mo muna kami mag-usap. Magkita nalang tayo mamaya.."
Hindi ko alam kung susundin ko ang sinabi niya. Ayoko naman iwan sila rito. Hindi ko kayang hayaan lang na manipulahin siya ng babaeng ito. Umiling-iling ako at nangingilid na ang mga luha.
"Pero—"
"Ivanna!" Ulit nito sa galit na boses.
Tumango ako at nanginginig ang buong katawan ko na hinakbang ang sariling paa para makaalis sana. Nang biglang hinmablot ng babae ang buhok ko. Nataranta naman ako at napa-aray sa sakit.
"Mama!" Halos sumabog ang boses ni ares sa buong kuwarto. "Mama! Damn it!"
Naramdaman ko rin ang paglandas ng mga luha ko dahil sa paraan ng paghila niya sa mga buhok ko. Wala akong ibang iniisip kung hindi ang anak ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili pag meron mangyaring masama sakanya. Pilit na inalis ko ang mga kamay niya pero mas lalo niya iyon hinila.
"Tama na po.."
Isang angat ay nailayo ako ni ares sa ina niya. Yumuko ako at iniinda ang sakit sa katawan. Taas-baba rin ang paghinga dahil sa nangyari.
"Hindi pa ako tapos sa'yo! Kaya ba..kaya ba wala ka ng oras sa companya dahil sa babaeng ito, ares?!"
Kumawala ako ng hikbi at hindi na napigilang ang sariling umiyak sa harapan nila. Hindi ako makapaniwalang kayang gawin ng ina niya ang bagay na ito. Kahit kailan ay hindi ito nagawa ni mama saakin. Wala siyang karapatan para saktan ako!
"Mawalang galang na po, pero huwag niyo po pilitin sakanya ang bagay na hindi niya gusto." Nanginginig ang boses na sabi ko.
"I'm not talking to you!" Tinuro ako nito. Napayuko ako ulit at nahiya pa dahil sa biglaang pagsulpot ko. Kailan pa ako naging mahina? Bakit ngayon pa...hindi ko na maramdaman ang buong katawan dahil sa takot ko para sa anak ko. Alam kong isang galaw ko lang ay baka mapatay niya na ako.
Sa ganitong sitwasyon, alam kong wala kaming patutunguhan. Nilagay rin ako ni ares sa likuran niya para itago at hindi maulit ang pananakit ng ina niya.
"I told you to stop, mama! Hindi ko alam anong magagawa ko pagsinaktan mo ulit si Ivanna!"
Nalaglag ang panga ng ina niya at matalim na tumingin saakin muli. Parang gusto niya na akong patayin sa titig niyang ito. Para lang sa kagustuhan niya, kaya niyang manakit ng ibang tao.
Nataranta ako nang muling lumapit ito at hinila ang buhok ko. Halos nawalan ako ng lakas nang maramdaman ang kuko niya sa braso ko.
"A..aray! Tama na po!"
"Mama!"
Bahagyang tinulak ni ares ito. Unti-unti ay naramdaman ko ang sakit na dumagan sa tiyan ko. Hindi ko iyon pinansin at pilit na pinaalis ang mga luha. Napansin ko rin ang duguan doon sa braso ko.
"Hindi mo ako madadaan sa iyak mo! Iwan mo ang anak ko kung ayaw mong maulit ito!"
Halos nabingi na ako. Wala na akong ibang inisip kung hindi ang pagsikip ng puson ko. Nakita ko ang mariin na pag-pikit ni ares sa mga mata niya at hindi na alam anong gagawin sa sitwasyon ngayon. Pabalik-balik ang pagkuyom ng panga at kamao.
"God damn it! Tumigil ka na, mama!" Parang kulob ay nabingi ako sa boses nito.
"You can't stop me, ares! Isang hiling ko lang naman..hindi mo pa sinusunod dahil lang sa babae na iyan! Tignan mo nga, baka pera lang ang habol.. Palamunin!"
Nanikip ang dibdib ko at wala ng magawa kung hindi tanggapin ang mga panget na salita galing sa ina niya. Pilit na tinakpan ko ang bibig ko para hindi marinig ang pag-iyak at hikbi ko. Gusto ko nalang umalis ngayon..gusto kong magsalita sa harap niya, gusto kong ipakita na hindi ako mahina, na ako si Ivanna, iyong babaeng walang tinatakutan..pero ngayon, nanlabo lahat..nanliliit ako sa sarili ko...
"Please stop, mama.." marahan at pag-mamakaawa niya rito. Pero hindi parin natinag ang ina niya at pilit na makuha ako sa likuran ni ares. Alam kong napansin ni ares ang panginginig ko. Napatalon kami pareho nang marinig ang malakas na mura nito.
"Damn it! She's pregnant with my child, mama! At hindi ko alam kung kilalanin pa kitang ina kung may mangyari sa mag-ina ko!"
Hindi ko na nakita ang reaksyon ni Mrs. Campbell pagkatapos sabihin iyon ni ares. Bago pa ako makapagsalita ay napaurong ako nang maramdaman ko ang hapdi na dumagan sa tiyan ko. Iniinda ko ang sakit na iyon at halos yumuko na dahil sa hindi alam kung ano iyon.
"Ares.." nanginginig ang boses na tawag ko.
"Damn it! Edwardo! Ipahanda mo ang kotse!" Narinig kong sigaw niya doon sa lalaki.
"Ares...ang baby ko..."nanghihina at pag-alala na sabi ko.
"Damn it! Ares! Ano itong ginawa mo?! Buntis..goodness! Nakakahiya ka! Sa babaeng mukha pa talagang palamunin!"
"Just...shut up, mama! Shut up!" Kumalabog ang boses niya sa buong kwarto at ramdam ko doon ang matinding galit. His bloodshot eyes told me how frustated he is, rightnow. Wala na akong lakas para magsalita. Bago pa ako bumagsak sa sahig ay mabilis na nabuhat ako ni ares. Sumigaw ako sa sakit ng tiyan at unti-unting dumilim ang paningin.