Chereads / Unveiled Love / Chapter 23 - Chapter 22

Chapter 23 - Chapter 22

"Mrs. Campbell, this is illegal."

"Wala akong pakialam!"

"Maaaring malaman ito ng anak niyo."

"Basta huwag mo lang sabihin!"

Kahit namimilipit pa sa sakit ay pinilit ko ang sarili na bumangon mula sa kama. Hindi pa halos nakadilat ang mga mata ko at ramdam ang pagod at panghihina sa buong katawan ko.

Akala ko panaginip lang iyon lahat, pero totoo nga. Ang anak ko! Nasaan si ares?

Inilibot ko ang mga mata ko at napansin ang puting dingding na nakalibot saakin. Nasa hospital nga ako.

"How much do you need? Babayarn kita kahit magkano, just please get rid of the baby."

Halos huminto ako sa paghinga dahil narinig ko ulit ang boses na iyon. Get rid of the baby?!

Ibig sabihin..walang nangyaring masama sa anak ko! Buhay pa siya at gusto niyang makunan ako!

Hindi ako nagkakamali..si Mrs. campbell iyon! Humigpit ang pagkahawak ko sa kumot. Wala siyang awa! Wala man lang siyang konsensya! Akala niya ba hindi ko narinig ang lahat?!

Nangingilid ang mga luha ko na naalala ang nangyari kaninang umaga. Halos patayin niya na ako. Kung wala si ares, baka possibleng may nangyari nga dito sa dinadala ko. Hindi ko na hahayaang saktan niya ako. At itong mga naririnig ko galing sakanya ay mas lalong binigyan niya ako ng rason para hindi na siya respetuin bilang tao at ina ng magiging ama ng anak ko!

Wala na akong panahon para hanapin pa ng mga mata ko si ares. Ang gusto ko nalang ay makaalis dito, makaalis at mailayo ang anak ko sa babae na ito!

"I can pay whatever you want."

"Mrs. Campbell, hindi po ganoon kadali."

Pumikit ako ng mariin at hindi na nakayanan itong naririnig ko mula sakanya. Wala sa sarili ay tumayo agad ako mula sa pagkakahega.

"Just get rid of the baby!" Mariin na sabi nito.

Gusto kong sumabog sa galit. Mabilis kong nabuksan ang pinto ng labasan at nakita ang gulat sa mga mata nila nang makita ako. Hindi na rin ako nagdadalawang isip ay lumipad sa ere ang mga kamay ko sa pisngi niya.

"Wala kang awa!" Bulyaw ko.

Mabilis na hinawakan niya ang pisngi sa gulat. Nakita kong umawang rin ang kanyang mga labi, na para bang hindi siya makapaniwalang sinampal ko nga siya. Baka gusto mo sa kabila rin para matauhan ka!

"Did you just...how dare you!" Dumilim ang mga mata niya sa galit habang tinuturo na ako. Sa lagay niyang ito ay handa niya na akong gantihan pero pa mangyari iyon ay mabilis na hinawakan at pinigilan ng lalaki ang binabalak niya na saktan ako.

"Mrs, campbell!" Pigil niya dito.

Sumulyap ako dito at napansin ang kanyang suot. Hindi ako magkakamali, isa siyang doctor!

"Pitiwan mo ako!" Pumiglas ito. Nakita kong mas humigpit din ang hawak ng lalaki.

"Pasalamat ka at walang nangyari sa anak ko!"

Laking pasalamat ko sa lalaki at hindi niya rin hinayaang makatakas ang babaeng ito. Matangkad siya at sa tingin ko magkaidad lang sila siguro ni ares.

"Hinayaan kitang saktan ako, pero itong tungkol sa abortion na sinasabi mo, hindi ko na ito palalampasin!"

Hindi siya nakasagot at matalim na tinignan ako.

"Ganyan ka naba ka desperada para ipakasal si ares sa iba? Napakasarili mo! Kaya mong manakit ng ibang tao para lang sa kagustuhan mo!" Mabigat ang bawat hinga ko habang mariin ang paninitig ko sakanya. "Mawalang galang na po, pero kadugo mo rin itong dinadala ko!"

"Hindi yan anak ni ares! Siguro pinapaikot mo lang siya!"

Namumula na ang mga mata ko sa iritasyon. Hindi ako makapaniwala! Hindi ako makapaniwala sa babae na ito!

"Hindi mo alam kung anong kaya kong gawin pag pinagpatuloy mo itong pangingialam saakin. At hindi rin sa lahat ng pagkakataon ay makukuha mo ang gusto mo dahil lang sa pera. Hindi lahat ng tao mukhang pera, Mrs. Campbell!"

Hindi ito natinag sa sinabi ko at mas naging bayolente pa ito sa pagtulak sa lalaki.

"Shut up! Hindi mo rin alam anong kaya kong gawin, iha." She smiled without humor already. Nagdilim rin lalo ang kanyang mga mata. "Nang dahil lang naman sa bata kaya dumidikit ang anak ko sa'yo, diba? Alam mo yan. Pitawan mo nga ako!" Ngayon ay nakawala na siya sa hawak ng lalaki.

Natahimik ako doon. Nagbara muli ang lalamunan ko sa narinig. Kasi totoo naman talaga.

"Hindi ka mahal ng anak ko. Ang isang katulad mo ay hindi mamahalin ni ares!"

Hindi ko na napigilan ang sariling damdamin at gustong-gusto ng sumabog sa harapan niya. Nagtiim bagang ako. Kahit ramdam ang paninikip sa dibdib ay pilit na nilabanan ko ang titig niya saakin. Ayokong maging mahina ulit sa harapan niya.

"Ni kahit kailan hindi ako minamaliit ni ares. At kahit kailan hindi niya ako trinato ng basura. Tinanggap niya ako ng buo. Tinanggap niya ako kung sino ako!"

"Kasi nakakaawa ka kaya niya ginawa ang lahat ng iyon! At kahit anong kabaitan pa ang pinapakita niya sa'yo, walang pagmamahal iyon, malasakit lang sa bata!" She fired back.

Sa lahat ng sinasabi niya mas dito ako nasaktan. Bawat salitang binitawan niya ay parang pinapatay na ako. Kinagat ko ang labi ko pilit na pinakalma ang sariling damdamin. Ayokong makita niya na naging apektado ako sa lahat, na mahina ako.

Huminga ako nang malalim at Inangat muli ang tingin sakanya. Kahit ano pang sabihin ko alam kong hindi kami mapupunta sa matinong usapan. Galit kami sa isat-isa. Kaya kung gusto ko ng matapos ito, kaya kong magpakumbaba para sakanya.

"Ano ba ang gusto mong mangyari?"

Tumaas ang kilay nito sa tanong ko.

"Simple lang naman, layuan mo ang anak ko."

Pumikit ako ng mariin at tumango. Ngumiti ako ng pilit sakanya.

"Iyon lang ba? Sige, gagawin ko."

Pakiramdam ko babawian ako ng malay dahil sa panghihina ko, pero pilit kong maging malakas sa harapan niya. Ito lang ba ang gusto niya? Sige susundin ko itong gusto niya. Kaya kong buhayin itong anak ko. Kung ito lang din ang paraan na hindi na gugulo at madadamay ang anak ko, aalis ako gaya ng sabi niya at hindi na babalik pa. Hindi ko na rin makakaya kung may mangyayari pang hindi maganda sa susunod.

Maintindihan din naman ito ni ares, diba? Ginawa lang din niya ang lahat ng ito dahil lang naman sa bata. At iyong tinutukoy ng ina niya na babae, hindi ko alam kung sino iyon. Ni hindi niya nabanggit kahit kailan iyon saakin. Parang sinaksak ang puso ko habang iniissip kung sinong masuwerte na babae ang pinalit niya kay lianna.

He likes someone else..hindi ko alam ano na itong naramdaman ko.

Bumalik ako sa loob at nag-ayos sa sarili. Nakita kong may bag sa gilid ng kama kaya nilapitan ko iyon at binuksan. May iilang nakita akong damit doon. Siguro ay dinala ito ni ares para saakin. Wala rin dito ang cellphone ko kaya hindi ko makokontak si mama o kahit si stefan.

Pinili kong suotin ang puting dress. Hindi na rin ako nagpaligoy-ligoy pa at lumabas na.

"Ms. Aragon!"

Tumingin ako sa likod kung sino iyon at nakita ang doktor na nakausap kanina ni Mrs. Campbell. Sinulyapan ko ito. Hindi ko alam kung nababaliw na ba talaga ako o sadyang nakikita ko talaga sakanya si ares dahil sa itsura niyang ito. Seryoso at hindi malaman ang mga iniisip. Kung noon madali akong nahuhumaling sa gwapo, pero ngayon...wala akong ibang iniisip kung hindi siya. Bumaba ang tingin ko at nakita ang pangalan niyang nakasabit sa kabilang dibdib. Levi Plein Garcia Muling binalik ko ang sarili at nakangiting tumingin dito.

"Huwag mo nalang sabihin kay ares ang pag-alis ko. Tsaka, iyong nangyari kanina, huwag mo rin sabihin."

"I'm sorry for what happened earlier, Ms. Aragon."

Ngumiti ako.

"Hanga ako saiyo..." muling tinignan ko ang pangalan nito. "Doctor Levi, dahil hindi kayo nadala sa pera ng babaeng iyon. Mauna na ako." Huminto ako sa paghakbang at lumingon sakanya ulit.

"Okay lang naman ang anak ko, 'diba?"

Tumango-tango ito.

"Don't stress yourself too much, Ms. Aragon."

"Thank you.." ngumiti ako at hindi na nakapagpaalam pa ng mabuti.

Ngumiti ako at tuluyan nang umalis. Ilang sandali rin ay nakarating na ako sa bahay. Agad namataan ko si mama na pabalik-balik ang lakad sa mga namimili. Ayokong dagdagan ang isipan ni mama kung sasabihin ko pa ang buong nangyari.

Kumawala ako ng buntong hininga at inayos ang sarili bago ito nilapitan.

"Mama!"

Bumaling ito saakin at malawak ang mga ngiti sa labi.

"Ivanna, anak! Buti at nakabisita ka rito. Si ares nasaan?"

Hindi ko rin alam, mama. Baka pinuntahan niya ang babaeng iyon.

"Namiss ko po kayo." Niyakap ko ito. "Si karius po, mama?"

"Nakipaglaro kay junjun. Kumain ka na ba?"

Umiling-iling ako.

"Naku! Huwag mo nga pinabayaan ang sarili mo. Nasaan ba si ares? Baka hindi ka inalagaan doon ng maayos!"

Tumawa ako at pilit na pinagaan ang damdamin.

"Hindi naman po, mama! Maalaga nga si ares saakin."

"O, sya kumain ka rito. Diyan ka muna at tutulungan ko pa si meneng."

Ngumiti ako at tumango.

Ayokong madamay si mama rito. Tsaka, sandali lang naman ito. Mayroon naman kaming bahay sa butuan kaya hindi ako mahihirapan pa maghanap ng matutuluyan.

Hindi ko na nakayanan ay tumalikod ako at bumuhos ang mga luha.

Kumain na rin ako sa karenderya ni mama. Ayoko naman hayaan lang magutom ang anak ko sa loob. Pagkatapos nun ay dumiritso agad ako sa kwarto.

Hindi ako makapaniwalang mangayayari saakin ito. Wala na rin akong oras para kausapin pa si mama tungkol sa nangyari. Alam kong hindi niya palalampasin ang lahat pag nalaman niya nga ang nangyari saakin. Naghanap agad ako ng damit sa closet. Mas pinili kong dalhin din ang puting dress dahil mas komportable iyon saakin. Ni hindi na ako nag abalang magpalit ng damit.

Kailan man ay hindi ako madalas magpakita ng kahinaan kay mama. Pero sa oras na ito alam kong kailangan ko siya. Ilang saglit din ay hindi na ako nagpaligoy pa at umalis na. Sobrang sakit para saakin na gawin ang bagay na ito, na iwan sila na hindi man lang nagpapaalam.

Naninikip ang dibdib ko. Magkahalong galit na nararamdaman para sa ina ni ares at awa rin para sa sarili. Kung mananatili ako rito, alam kong totohanin niya nga iyong mga pagbabanta saakin. Hindi ko siya kilala at hindi ko alam anong kaya niya pang gawin.

Bumili na rin ako ng plane ticket. Laking pasalamat ko at may kaonti akong naitago sa para sarili.

Panay ang buhos ng mga luha ko at kasabay nun ang pag-andar na ng eroplano.