"Sabi nila, walang kahit sino pa ang kinasal rito. Kaya kung ikakasal tayo rito, tiyak tayo ang maalala nila!"
Ngumiti ako at dinuduyan ang magkahawak naming kamay. Nanatili ang sikat ng araw at tumama iyon saamin. Napapansin kong marami parin ang napupunang maligo sa dagat kahit sa ganitong oras.
Halos nabali na ata ang leeg ng mga dayun dito kakatingin sa direksyon ko. Kung pwede lang umuwi at itago nalang itong kasama kk. Umirap ako at nakita iyon ni Ares.
"What is it?"
"Kanina pa sila tinging na tingin sa'yo!"
Humalkhak lang ito.
"Don't mind them ang just look at me."
"Pero sila, titig na titig sa'yo." Nakasimangot na sabi ko.
"Baby, I only look at you and your lips." Seryoso ang mga mata niya at ni walang kahit anong biro roon.
Umawang ang labi ko at hindi na napigilan uminit ang mga pisngi dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko may naglalarong paru-paru sa tiyan ko. Ngumuso ako para sa nababadyang ngiti.
Dahil sa sinabi ni Ares, hindi ko nalang pinapansin paninitig nila sa direksyon namin. Minsan may naririnig ako sa likuran ko. Sigurado naman ako kami ang pinag-uusapan nila. Alam ko naman na pinupuri nila itong kagandahan at kagwapuhan ng boyfriend ko. Hindi lang boyfriend, fiancee ko na si Ares slash magiging ama itong dinadala ko!
"Kagwapo og gwapa ba aning mga bataa."
"Taga manila guro na."
"Kagwapo saiyang kauban uy!"
"Lamion ba!"
Hindi ko alam kong pinupuri ba talaga kami o minumura ng mga ito. Nanatili lang ang kalmado at seryosong mga mata ni Ares. Habang ako namomoblema na rito. Ganito na ba talaga ako kabaliw sakanya at kahit ultimo paninitig ng ibang babae ay naiinis na ako.
Ang alon ng dagat sa dulo ay tumatama sa paa namin. Minsan napapatingin ako roon. Simple lamang ang dagat rito sa burasao. Walang kahit anong jetski, surfing o kahit anong activities. Kung tutuusin, mas maraming nakalatag na iba't-ibang kubo o kabayahan para sa rentahan na gustong maligo. Ang iba'y mamahalin ang iba naman mura lang. Meron nga, fifty pesos lang. Kung lalakarin namin ito hanggang dulo, baka mapapagod lang kami.
Hindi ko akalin makakatapak ako ulit rito. At ngayon, kasama ko ang lalaking pinakamamahal ko. Sa buhay ko, hindi ko kailanman ito napaginipan. Noon, pinapangarap kong tumira sa malaking mansyon at marangyang bahay kasama ang pamilya ko. Pero ngayon..mas hinihiling kong mabuhay nalang sa simple at walang gulo, kasama si Ares, si Mama at si Karius. Mas gusto ko pa rito sa burasao. Oo, mayaman si Ares, at hindikailanman sumagip sa isipan ko ang gamitin ang mga pera niya. Simula pa lang naman, gusto ko na siya. Hindi dahil sa pera, kung hindi minahal ko siya ng totoo.
"Do you really like it here?"
Mabilis na tumango ako sa naging tanong niya. Sinuklian niya naman ang mga ngiti ko sakanya. Hindi parin talaga ako sanay sa mga ngiti niyang ito. Pakiramdam ko, tumitigil ang mundo ko at gusto kong kunan iyon ng litrato.
"Nagustuhan mo ba rito? Gusto mo bang maligo?" Tanong ko kahit ayaw ko naman talagang maligo siya sa dagat. Tignan mo nga, kung makatingin ang mga babae ito parang hinuhubaran na nila itong kasama ko. Pero buti nalang talaga at saakin lang ang mga mata niya. Na para bang wala na siyang nakita, kung hindi ako lang.
"I'm fine being with you, Ivanna." Seryoso at kalmado na sabi nito.
Bakit ba normal lang para sakanya na sabihin ang lahat ng ito? Habang ako gusto ng mahimatay dahil sa nakakalusaw at nakakamatay niyang mga salita. Hindi nga ako sigurado kung binabanatan niya ako o ganito lang talaga siya. Wala man siyang gawin, alam kong mahuhulog kaagad sakanya ang mga babae. Buti nalang talaga at nabuntis ako nang maaga!
Biglang may naalala ako at hindi maiwasan isipin iyon. Huminto ako at hinarap ito. Ayokong dahil saakin, andito siya. Ayoko naman pabayaan niya ang lahat kung anong meron siya doon dahil sa pagsunod saakin dito.
Simula noong nalaman niya ang pagbubuntis ko, wala na siyang inatupag kung hindi ako. Kahit may galit ang ina niya saakin, nirerespeto ko iyon. Parte rin iyon ng buhay ni ares kaya kailangan ko parin makuha ang loob nun.
"Ares.."
Huminto ito at sumulyap saakin na para bang tinitimbang ngayon ang ikinikilos ko.
"What is it?"
Bumaba ang tingin ko at hindi kayang matingnan ito.
"Paano ang pamilya mo?"
Hindi ito agad nakasagot sa tanong ko. Agad na umangat ang ulo ko para masulyapan ito. Pero nagsisi agad ako sa ginawa ko. Umigting ang mga panga niya habang mariin na tinatanaw ako. Hindi rin naalis ang iritasyon niya sa buong mukha. Kinabahan agad ako doon.
"I told you, Don't worry to much. I'll stay wherever you are." Iritadong sabi nito.
"Pero--"
"Hush, baby. I can handle everything, okay?"
Bumuntong hininga ako at sa huli ay tumango nalang ako rito. Alam ko kasing hindi ko siya mapapasunod. Hindi gaya niya, isang salita lang ay natataranta na ako.
Humakbang ito at bumalik ang lambot sa kanyang mukha. Umangat ang dalawang kamay nito at hinawakan agad ako sa magkabilang pisngi. Halos naipikit ko na ang mga mata dahil sa iginawad niyang haplos. Sa sobrang rahan ay parang gusto ko ng matulog.
"Stop pushing me, Ivanna. It fucking hurts me." Mariin niyang sabi.
Nakitaan ko ang sakit na dumapo sa maganda niyang mga mata. Umiwas ako ng tingin at naramdaman ang panunuyo ng lalamunan.
"Ina mo rin naman iyon, ayokong magkaaway kayo dahil saakin."
Nilagay niya ang nakatakas na buhok ko sa likod ng tenga. Kumawala ito ng malalim na hininga.
"How about you? Hindi ka rin ba
nag-alala?"
"Ayokong madamay si Mama rito, Ares.."
Hindi na ito nagsalita sa harap ko at alam kong nakatingin siya sa bawat galaw ko. Narinig ko ulit ang pagbuntong hininga niya bago nagsalita.
"Let's just go home, okay? Someone's was waiting for us."
Umangat ang ulo ko sa sinabi nito. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya. Tumitig lang ito saakin at mabilis na pinatakan lang ako ng halik sa labi. Umawang ang labi ko at ramdam ang pamumula sa pisngi. Damn it, Ares! Magpaalam ka naman.
Unti-unting tumango nalang ako at sinunod ang gusto niya.
Marami akong nakitang shell sa gilid at mga bato-batong kulay puti. Gusto ko sana iyon pulutin, pero nakahawak si ares sa baywang ko.
Bago pa makaapak sa bahay ay may pamilyar na boses na akong narinig. Sa sobrang lakas ng tawa at ingayan nun, ay rinig na rinig ko talaga rito!
Sumulyap ako kay ares at nakita ang mapaglarong ngiti nito.
May tao sa bahay!
Muli ko iyon narinig at nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako nagkakamali! Si stefan iyon! Andito si stefan!
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang o totoo talagang boses iyon ng malanding baklang kaibigan ko!
Sumulyap ako ulit sa katabi ko at tinaasan lang ako ng kilay. Napatakip ako sa bibig ko.
"Huwag mong sabihin...ares!" Bulyaw ko sa tuwa. "Andito sila?! Si mama andito? Si karius din ba?" Sunod-sunod kong tanong sa sobrang saya at tuwa.
"I even asked that guy to come here for you. But still, I hate him." Umiwas ito ng tingin at iritadong binalingan ang dagat.
Kumunot ang noo ko. Hindi alam sinong tinutukoy.
"Sino, ares?" Ulit ko.
"I don't want to say his name, Ivanna."
Hinampas ko ito. Nagliwanag ang buong mukha ko nang maisip ko kung sino iyon. Si christian!
"Si christian? Andito rin?" Hindi ko mapigilang matuwa.
"I don't like your reaction, Ivanna."
Bahagya akong natawa na ikinainis niya lalo.
Napakaseloso talaga! Akala mo naman hindi ko nahahalata! Ikaw lang naman mahal ko, ares. Hmp!
Ewan ko ba at natutuwa talaga ako sa itsura niya pagnagagalit. Hindi ko narin napigilan ang sarili at mabilis na tumingkayad ako para mahalikan ito sa labi. Nakita ko naman ang pag-awang ng labi nito sa ginawa ko. Mukhang nagulat pa. Akala mo siguro ikaw lang pwede, ako rin kaya! Akin ka na, kaya hahalikan kita sa gusto ko. Hmp!
"Thank you, ares!"
Mabilis na pumasok kami sa loob ng bahay at hindi ko napigilan ang sariling maluha nang makita sila. Andito nga sila! Andito silang lahat!
"Baby, be careful." Si ares at hinawakan agad ako sa baywang.
"Mama! Karius!" Tumakbo ako at niyakap ito nang mahigpit. "Mama!" Halos matumba na nga kami dahil sa ginawa ko. "Sorry, mama.." hindi ko na napigilan maging emosyonal.
"Pinag-alala mo ako nang sobra, Ivanna!" pumiyok ang boses nito.
"Bruha ka!" Napalingon ako sa bakla at ngumiti nang malawak.
"Stefan! Omygod! Andito ka!"
Mabilis na niyakap niya ako.
"Mabuti nalang at may private plane itong si ares!"
Private plane? Napalingon ako kay ares at seryosong nakatingin saakin. May private plane sila? Hindi ko alam iyon! Pero hindi na ako magtataka pa.
Ang yaman ng ama mo, anak! Dapat maging piloto ka talaga!
"Ivanna, Thank God and you're safe!" Si christian.
Ngumiti ako. Lumapit ako at niyakap rin ito gaya kay stefan.
"Christian!"
Humiwalay ako sa yakap at tiningnan ito.
"Huwag mo na iyon ulitin. Pwede ka naman humingi ng tulong saakin." Nakangiti na sabi nito. Pero bago pa ako makasagot ay inunahan na ako ni Ares. Tumaas naman ang kilay ko kung paano niya mariing binalingan si christian. Ayaw niya man aminin, alam ko naman bakit niya laging sinusungitan itong kaibigan ko!
"She can have me. No need to ask for help." Kalmado at seryoso na sabi nito.
"Ares!" I glared at him.
Umiwas lang ito ng tingin at halos irapan niya na ako. What?!
Siniko lang ako ni stefan at mapang-asar akong sinulyapan.
Magkakaanak na tayo, ares. Wala na akong panahon para lumandi sa iba, no! Sana naman alam mo iyon. Pero..gusto ko naman itong pagseselos niya.
Hindi ko akalaing ginawa ito lahat ni Ares. Ginawa niya ito para saakin. Kahit ang mga kaibigan ko ay napapayag niya. Wala naman siguro akong dapat pang ikwento kasi sigurado akong nasabi niya na ang tungkol dito.
"Ate, nakakatakot pala sumakay ng eroplano!" Si karius.
Tumawa ako at ginulo ang buhok nito. "Talaga? Sa susunod ihuhulog na kita!"
"Hala, mama!" Sumbong nito.
Tumawa lang kami lahat.
Siguro nga, hindi impossible ang lahat. Lahat ng gusto mo, possibleng mangyayari. Hindi ko mapigilan ang sariling maging emosyonal ngayon. Makita lang sila lahat rito ay sobrang saya ko na. Hindi ko alam na sa simpleng bagay na ito ay ikakatuwa ko na. Hindi naman ako ganito dati
Lalaban ako, kahit anong mangyari. Siguro, kailangan ko lang maging matapang at huwag intindihin ang sasabihin ng lahat. Mahal ko si Ares at sapat na iyon para manatili ako sa buhay niya. Hindi baleng isipin ng tao na pera lang ang habol ko.
"Ito, magbihis ka!" Si stefan na pinipilit saakin ipasuot ang offshoulder lace boho. Nilagyan rin ako ng bulaklak sa ulo ko. Hindi ko alam kung saan niya ito binili at bakit kailangan namin gawin ito!
Hindi ko alam kung maiirita ba ako. Wala naman rason para magsuot kami ng ganito, a!
Kanina pa kami dito sa loob ng bahay at hindi niya naman ako pinapayagan lumabas.
"Bakit ba kasi kailangan ko itong suotin!" Padabog na sabi ko.
"Para kasi terno tayo ng suot!"
Suot niya ang black short at long white sleeveless at nakakalas ang dalawang butones nito. Ano naman kaya ang trip ng baklang 'to? Ni hindi ko nga alam saan si Ares at si Mama!
Napansin ko rin ang kaguluhan at pagtipon-tipon ng mga tao sa dagat. Sinubukan kong sumilip sa bintana pero agad din iyon sinara ni Stefan. Sumimangot ako.
"Stefan, ano ba yan!"
"Saglit lang kasi! Bilis! Lagyan narin kita ng makeup."
Umirap ako. Wala narin akong magawa kung hindi hayaan siya sa gusto niya. Ewan ko ba sa baklang to. Kung titignan, para kaming ikakasal!
"Ayan, grabe! Ang ganda mo!"
"Matagal na." Irap ko.
Nagulat nalang ako nang bigla niya akong niyakap nang mahigpit. Ano bang problema ng baklang ito? Kumunot ang noo ko at kinalas ang yakap na binigay niya.
"Sobrang saya ko para sa'yo, girl Mamaya pasyalin natin itong Butuan at para naman makahanap ako ng gwapo rito!"
Tinampal ko ito.
"Ikaw talaga!"
"Halika na nga!"
Mabilis na hinatak ako nito pero agad ko rin iniwas ang braso ko sakanya.
"Nababaliw kana ba? Baka mapagkamalan tayong ikakasal nito!Bakit ba kasi pinasuot mo saakin ito?" Reklamo ko.
Hindi niya ako pinansin at tuluyan ng hinila palabas ng bahay. Bahala na nga! Ngumuso ako dahil hindi ko alam saan si Ares. Siguro pinapasyal siya ni mama rito.
Napansin ko rin ang pagsulyap nang iilang kalakihan sa direksyon namin. Hindi ko maiwasang mahiya. Baka kasi isipin nila, kasal ako sa baklang ito! Alam naman siguro nilang bakla ito, hindi ba? Pero sa itsura ni Stefan, ay hindi!
"Ano bang meron dito, stefan?" Tanong ko nang mapansin ang nakapalibot na mga tao sa gitna. Napansin ko rin na papalubog na ang araw at halos matakpan na ang kulay kahel sa kalangitan.
"Basta, halika na!"
Sumimangot ako. Pagkarating namin ay biglang tumabi ang mga tao. At laking gulat ko kung anong nakita ko. Hindi na naalis ang tingin ko doon. Totoo ba ito?
Mas nagulat pa ako lalo nang makitang andoon din si lianna at mason! Walang kahit isang salitang lumabas sa bibig ko. Namamangha at hindi makapaniwala sa nakita. Nakaawang ang labi ay pinagmasdan ko ang taong nasa harapan ko. Bumaba rin ang tingin ko at nakita Ang mga bulaklak na nakalatag sa buhangin.
Lumuluhang hinampas ko si stefan sa tabi ko.
"Bwisit ka talaga! Sana sinabi mo!"
"Well..I can't wait to see you getting married! Woo!" Si stefan na tumili.
"Stefan!" Tawag ko nang bigla itong tumakbo at iniwan ako.
Nakita ko naman ang paglapit ni mama sa kinatatayuan ko. Gaya ko, nakasuot rin siya ng white dress, nga lang may strap na iyon.
"Mama!"
Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng luha ko. Mabilis niya naman iyon pinunasan.
"Huwag kana umiyak. Ikakasal kana ngayon." Ngumiti ito kahit nangingilid narin ang mga luha niya. "Sobrang saya ko, anak. Kami ng papa mo, sa St. niño kami kinasal noon. Tapos kayo, dito sa masao. Kayo ang kauna-unahang ikakasal dito."
Hindi na ako nakapagsalita. Hindi ko na alam kung matutuwa ako o magagalit. Kaya siguro nawala sila kanina at pinagbilin ako kay stefan. Hindi ako makapaniwalang ngayon mangyayari ang kasal ko. Akala ko sa susunod na araw pa iyon!
Binalik ko ang tingin sa harap at nakita si Ares doon, naghihintay saakin. Hindi rin naalis ang tingin ko sa suot niya. Suot niya ang linen oasis shirt at isang nude pants na nakatupi rin. Namangha ako nang makitang wala man lang iyong suot na sapatos o kahit ano. Ang kanyang buhok ay inihipan ng hangin. Ang itim niyang mga mata ay nag-iba ang kulay dahil sa papalubog na araw na tumama sakanya.
Kapansin-pansin kung gaano kaganda ang mga mata niya. Hindi na rin naalis ang paninitig niya saakin. Na para bang ako lang talaga ang babae ngayon ang nakikita nito.
Dahan-dahan ay hinatid ako ni mama tungo sakanya. Para akong lumulutang sa ere. Matindi ang kalabog ng puso ko. Hindi ako makapaniwalang mangyayari ito sa buong buhay ko. Inilibot ko ang paningin ko at nakita rin ang iilang taong naka-abang sa amin. May iilang kumukuha rin ng litrato. Akala ko noong una, hindi totoo ang mga ganito, iyon pala..si Ares ang tumupad sa pangarap ko na ikasal sa dagat!
Niyakap na ako ni mama at binigay kay ares.
"Ingatan mo 'yan, ha?"
"I will, ma'am." Si ares.
"'Mama." Mama corrected him. Nakita ko ang pag ngiti ni ares at niyakap ito.
Pagkaalis ni mama ay mabilis ko siyang hinarap.
"Akala ko sa susunod pa ang kasalan!" Sumimangot ako. Tumawa lang ito at pinaalis ang luhang lumalandas saakin.
"I'm sorry..I just can't really wait.."
Mabilis na niyakap ko ito nang mahigpit. Kahit kailan ay hindi ko ito naisip. Iyong katawan niya lang naman ang laging tumatatak sa isipan ko!
"In my life, I never met someone as crazy as you. You're too unveiled, unlike me, Ivanna. And now, I want to veiled how much you mean to me and our baby. Mababaliw ako ulit kung iiwan mo ako."
Narinig ko ang tawanan at tilian. Naluluhang tumatawa naman ako. Ni hindi ko inasahan sasabihin niya ang lahat ng ito sa napakaraming tao. Akalain mo, binabaliw ko na pala ang ares campbell. Napansin ko rin ang pamumula ng mga mata niya at pinigilan ang pag-iyak sa harap ko. Halos malusaw na ang puso ko habang makita siyang ganito.
"Please, don't ever leave me again, Ivanna. I promise to give my best as a father and husband to you. Please, promise me, you will never love or look anyone. Because woman, I can beat them if I want too. Kahit ugod-ugod na ako nun."
"Ares!" Natatawang hampas ko.
Nagtawanan naman lahat ng mga tao.
"I want you. All of you. Your flaws, mistakes and your imperfections. I want you, and only you. Please, marry me now, Ivanna. We'll live together and have our own family. Alam kong hindi ko pa ito nasabi saiyo. And never once I told you how much I love you..baby, I'am madly Inlove with you..will you accept me as your husband?"
Hindi ko na napigilan ay bumuhos na ang mga luha ko. Panira naman!
Gusto kong tumalon sa tuwa. Alam kong magkaiba kami ng ugali ni ares. Pero itong ginagawa niya ay nagpapatunay na mahal niya nga ako. At sinasabi niya iyon sa buong mundo. They all witnessed it!
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at mariin na siyang hinalikan.
"Yes, I do..I really do, Ares!" sabi ko sa gitna ng halik.
Narinig ko rin ang iyakan ng iba, tilian at sigawan.
Nalungkot rin ako dahil wala man lang ang pamilya niya rito.
Kapos sa hangin ay humiwalay ang labi ko mula sakanya. Ngumiti ako habang hinahaplos ang kanyang panga. Hinabol niya naman ang aking kamay at dinama iyon sa labi niya. Nanatili ang halik niya doon.
Mabigat ang bawat hininga ko at hindi alam paano sasabihin ito. Pumikit ako at dumilat din nang ilang saglit.
Hindi ko akalain pagmamay-ari ko na siya. Wala na akong ibang hihilingin pa. Ang makasama siya at ang magiging anak namin ay sapat na saakin iyon. Napansin ko rin ang papalubog na araw na nagsisilbing ilaw saamin dito. Hindi ko alam na ganito kaganda ang masisilayan ko ngayon at sa araw pa ng kasal ko.
Gaya ng kulay sa langit, naging kulay kahel din ang mga mata niya.
Huminga ako nang malalim at hindi inilag ang paninitig niya saakin. Ngumiti ako at naramdaman ang patak na luha sa magkabilang pisngi. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko ngayon.
Nanginginig ang mga kamay ay hinawakan ko muli ang igting niyang mga panga. Halos pumikit ito sa ginawa ko. Namumungay ang mga mata ay nakitaan ko ang pagmamahal niya doon saakin. Umawang ang labi ko nang makitang may pumatak na luha mula sakanya. Ngumiti ako at bumaapaw na ang emosyong naramdaman.
"I will never loved anyone as veiled as you, ares. I will always unveiled my love for you."
Mahinang nagmura ito bago tinagilid ang ulo at hinalikan ako muli.