"Do you like it?" Tanong niya nang makitang halos ubusin ko na ang salad sa harapan.
Masayang tumango naman ako.
"Ang sarap!"
"We should buy more." Sabi niya at mabilis na tinawag ang waiter. Nahiya naman ako dahil sa katakawan kong ito.
Hindi ko naman maiwasang magragasa ng tanong habang hinihintay ang ino-order niyang pasta at salad na gusto ko.
"Kailan mo sasabihin sakanila?"
Ngayon nakaangat na ang ulo niya saakin. Ilang segundo bago niya ako sinagot.
"Sasabihin ko pagkauwi nila galing china. Kailangan nilang pumunta doon nang tatlong araw para sa investment kay Mr. Ty."
Tumango-tango ako. Hindi narin ako nagtanong pa. Sa rami ng kinain ko, feeling ko bibigat ang timbang ko pagkatapos nito. Hindi ko na mabilang kung ilang subo na ang nagawa ko ngayong araw na ito. Hindi rin ako tinigilan ni ares at laging nilalagyan ang pinggan ko.
"Ares?"
Isang pamilyar na boses ang nakakuha ng atensyon ko. Napatigil agad ako sa ginawa nang makitang nasa harapan namin si lianna. Mas nanlaki pa lalo ang mga mata ko nang makitang kasama niya si mason!
Pumikit ako nang mariin nang maalala ang kabaliwang ginawang pag halik sakanya. Ngayon lang ako nakaramdam ng kahihiyan sa sarili. Pinagsisihan ko rin naman iyon!
"You're with...ivanna?" Si lianna na ngayon ay masamang ibinaling niya ang mga mata saakin.
Yumuko ako. Sa rami ba naman na pupuntahan nila, bakit dito pa sila kakain.
"Lianna, mason." Si ares at mabilis na tumayo. "What brings you here?"
"Isn't it obvious." Si mason. Pinandilatan naman ni lianna ito ng mata. "Mason!"
Hindi rin naman nagreak si ares at parang sanay na talaga siya sa pagiging pilosopo ni mason.
"Nagutom kasi kami kaya dito na kami dumiritso." Sagot niya at hindi parin nawala ang paninitig saakin. Hindi ko naman maiwasang mailang ngayon. "Bakit kasama mo siya? Don't tell me.. Omygod!"
Ngayon ay nakaangat na ang ulo ko sakanya. Nakita kong lumipad ang mga kamay niya sa bibig at parang gulat na gulat talaga. O baka nagulat sa kagandahan ko. Gusto kong ikutin ang mga mata ko dahil sa kaartehan niya. Ngumuso ako at pilit na inaalo ang sariling utak. She's pretty. Inaamin kong hinahangaan ko ang kagandahan at pananamit niya.
Ngayon ko lang din napagtanto na dapat pala ako magpapasalamat sakanya. Kung hindi sila naghiwalay, hindi kami magkasama ngayon ni ares.
"Are you.."hindi na natuloy ni lianna.
Hinintay kong magsalita si ares, pero hindi niya iyon ginawa. Mukhang inaabangan niya talaga ang gustong sabihin ni lianna.
"Omygod!" She paused. "Ibig sabihin..siya ang tinutukoy mo na babae?"
Simpleng tumango lang si ares. Tinutukoy na babae? Aba! Pinaguusapan pala ako ng dalawa!
"I don't like your reaction, lianna." Nagsalita si mason bigla.
"Pero hindi lang talaga ako makapaniwala!" Nakasimangot na sagot nito.
"What? Do you want to get pregnant too? We'll make one, later!"
Nagulat ako sa sinabi ni mason. Alam ba nila? Ibig sabihin..naikuwento ni ares ang tungkol dito?
"Ang bastos mo talaga!" Si lianna at bahagyang hinampas si mason sa braso.
Hindi ko namannapigilan ang sariling pagtawa sa dalawa. Tinikom ko naman agad iyon nang mabaling ang atensyon nila saakin.
What?! Nakakatawa naman talaga!
Mabilis na hinatak ni mason si lianna, pero rinig na rinig ko parin ang pagtatalo nila.
"I just can't believe it! And I don't like her! She even kissed you before!"
Pumikit ako at nahiya nang marinig na pinag-uusapan nila iyong halik na ginawa ko noon. Malamang, sinabi talaga ni mason ang tungkol doon.
Humalakhak ako at naalala iyong araw na iyon. Bwisit ka talaga, Ivanna. Mabilis naman na umayos ako ng upo nang makita ang pagsulyap saakin ni ares at tinaasan ako ng kilay.
"You kissed him and you still find that funny, huh?"
"Hindi, ah!" Sagot ko agad at mabilis na ibinalik ang sarili sa pagkain.
"Tss.."
Kinagat ko ang labi ko at pilit inaaliw nalang ang sarili sa salad. Gusto kong matuwa dahil sa araw na ito, laging nagsusungit saakin si ares kahit hindi naman talaga dapat. Ayaw niya man aminin, alam kong nagseselos siya. Sus! Kung alam mo lang, ikaw lang naman ang gusto ko.
Malungkot ang naging sumunod na araw. Laging wala at pumapasok si ares sa skwelahan. Hindi kagaya ko, ako lang nag-iisang estudyante rito. Tinupad nga ni ares ang sinabi niya kay mama. Kumuha siya nang magaling na professor at si Ma'am Lourdes iyon. Ni hindi ko nga naisip na maging homeschooled student! Hindi ko rin maiwasang mamiss doon sa pinapasukan ko, ang kumain sa cafeteria o tumambay sa field kasama si stefan.
Dahil naalala ko ang bakla na iyon, ngayon ko lang din napag-isipan na basahin lahat ang natanggap kong text galing sakanya, noong isang araw lang.
"Miss Aragon, Are you listening?"
Napabalik ang atensyon ko muli sa harap.
"Yes, ma'am!"
Boring ang naging leksyon para saakin. Gusto ko nang matapos ito at para maitext ko na si stefan. Pagkakaalam ko kasi mamaya pa ang uwian ni ares, at mababagot lang ako nang ilang oras kakahintay sakanya mamaya.
"See you on wednesday, Ms. Aragon. Have a good day." Ngumiti ito saakin.
Mabilis na tumayo ako at hinatid siya sa labas ng pinto.
"Ingat po kayo, Ma'am Lourdes!" Paalam ko.
Pagkatapos kong maisara ang pinto ay mabilis na tinawagan ko si stefan. Hindi pa nagdadalawang ring ay sinagot niya agad iyon.
"Bruha ka! Buti naman at tumawag ka!" Halos ilayo ko na ang cellphone ko dahil sa lakas nang pagbulyaw niya saakin. Pasalamat siya at hindi kami magkatabi.
"Magkita tayo sa coffee shop. Itext mo na rin si christian." Sabi ko.
"Talaga lang! at marami kang dapat ipaliwanag saakin!"
Umikot ang mga mata ko. Tiyak na hindi ako titigilan nito mamaya.
"Basta sumipot kayo, bye!" Sabi ko at mabilis na binaba ang cellphone.
Dahil mabait ako. Nagtipa ako ng mensahe para kay ares. Naalala ko pa naman ang sinabi niya saakin.
"Ayokong umalis ka na wala ako."
Hindi ko alam kung matutuwa o magagalit ba ako sa sinabi niya. Pero ganoon paman, hindi ko maiwasang kiligin.
"Magkikita kami ngayon ni stefan. Sandali lang naman kami."
Mabilis na sinend ko iyon sakanya.
Hindi ko na rin hinintay ang reply niya at binaba na iyon. Busy siya ngayon kaya hinayaan ko nalang din. Mabilis na pumasok rin ako ng banyo para maligo.
"Ano? Magkasama kayo ni ares sa suite?!"
"Oo nga! Huwag ka ngang sumigaw at naririnig naman kita, stefan." Umirap ako.
Kakarating ko lang dito sa coffee shop at agad niya akong niragasa nang napakaraming tanong. Hinintay rin namin si christian na makarating dito.
"Hindi ako makapaniwalang..omygod! Ibig ba sabihin niyan, may nangyari ulit sainyo?"
Tinakpan ko nang mabilis ang bibig niya.
"Ikaw talaga kung ano-ano ang iniisip mo! Syempre, nasa sofa siya natulog. Nakakahiya nga, e."
Nahirapan nga akong matulog kagabi. Siya ang may-ari ng suite, tapos ako pa ang natulog sa kama niya. Malaki naman iyon, bakit ayaw niya lang akong tabihan!
Ilang oras ang hinintay namin bago nakarating si christian. Mabilis na napabaling naman ang atensyon namin sakanya na palapit dito.
"Hindi ka ba talaga nahulog diyan?" Si stefan.
"Syempre, hindi!" Agap ko. "Tsaka, parang kapatid ko na si christian."
Tumango-tango ito sa sinabi ko.
"I can hear both of you." Si christian na umupo na ngayon sa harapan namin.
Akala ko nakatakas na ako kay stefan, pero hindi rin pala ako tinantanan ni christian!
Kung alam ko lang na ako pala ang magiging topic dito, sana pala hindi na ako nakipagkita pa. Wala naman akong magawa kung hindi sagutin ang mga katanungan nila.
"Sabihin mo lang saakin pag sinasaktan ka nun." Si christian.
Tumawa ako.
"May magagawa ka ba pag sabihin kong lagi siyang nagsusungit saakin?" Humalakhak ako.
"Just flirt with him, Ivanna. Tignan lang natin kung magsusungit pa yan." Inirapan naman ako ni stefan.
Hindi ko naman mapigilang matawa. Biglang tumunog ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa at alam ko na agad kung sino iyon.
"Where are you?
Mabilis akong nagtipa.
"Sa coffee shop malapit sa school."
Hindi ko na ulit nasilip ang cellphone dahil masyadong abala sa pakikinig kay stefan tungkol sa mga lalaki niya.
"It's that...si ares yan 'diba? Inimbita mo ba siya rito, Ivanna?"
"Huh?" Kumunot ang noo ko.
Mabilis na tumingin ako sa likod at nagliwanag ang mga mata ko nang makitang andito nga siya!
"Ares!" Masayang tawag ko, pero hindi man lang ito ngumiti saakin.
Pinuntahan niya nga ako! Akala ko mamaya pa ang uwi niya.
Kaya lang, mukhang wala sa mood at taliwas ang pinapakitang itsura ni ares sa akin. Pero ganun paman, inisip kong ganito naman talaga siya, suplado at masungit.
Biglang kinabahan ako dahil napansin ko ang pagkuyom ng kanyang panga.
"Galit ata.." si stefan.
Ngayon ay nasa harapan ko na siya. Bumaba ang malamig na tingin niya saakin.
"Ivanna." Galit at mariin na tawag niya saakin.
"Ares! Akala ko mamaya ka pa uuwi." Sabi ko kahit ramdam ko ang kaba sa dibdib.
Hindi ito sumagot. Tumayo agad ako para ipakilala ang mga kaibigan. Syempre, kilala niya na ang dalawa.
"Ares, si christian nga pala iyong sinasabi ko." Hindi ito nagreak at seryosong ibinaling ang mga mata sakanila. "Tsaka si stefan."
Bilang respeto ay mabilis na tumayo si christian.
"So, it's you. I'm christian."naglahad ito ng kamay.
Pinanood ko ang pagtanggap ni ares sa kamay nito. Napasinghap naman ako nang biglang pinulupot niya ang kamay sa baywang ko. Hindi na man ako nakagalaw doon. Kahit si stefan at christian ay bumaba ang tingin sa ginawa iya. May panunuksong mata na tumingin naman saakin si stefan. Inirapan ko lang ito.
"Ivanna, talks about you a lot. " Ngumiti si christian at sumulyap saakin.
Tumagilid ang ulo ni ares kaya mas lalo kong nakita ang pag-igting nang kanyang panga.
"Really?" Sagot nito habang saakin nakatingin.
Mariin ang bawat salita niya saaking tenga at kinilabutan ko.