Chereads / Unveiled Love / Chapter 20 - Chapter 19

Chapter 20 - Chapter 19

Hindi na rin ako nagtagal doon sa coffee shop at sumunod na kay ares. Hindi ko maiwasang kabahan dahil sa kinikilos niya.

Kahit sa loob ng kotse ay nanatili itong tahimik at madilim ang kanyang mga mata. Natanto ko kaagad na galit nga siya.

Dahil ba lumabas ako na hindi siya kasama? Pero nagpaalam naman ako!

Seryosong nagmaneho ito. Nakatitig parin ako sakanya. He looked so pissed and frustrated. Umaasa rin akong madadala siya sulyap kong ito.

"Galit kaba?"

Hindi ito sumagot at pinagpatuloy ang sarili sa sa pagmaneho. Naninigas na pinagmasdan ko ang kanyang dalawang braso habang nakahawak ito sa manibela. Galit nga siya.

"Ares.." tawag ko ulit.

Nagkasalubong na ang kilay niya ngayon, halatang napupuyos at nawawalan na ng pasensya.

"Ares, pansinin mo naman ako."

Nagulat ako nang biglang hininto niya ang kotse sa gilid at ngayon ay nakatingin na saakin at galit parin.

"What now, Ivanna." He demanded

"Kausapin mo kasi ako!" Medyo naiinis na.

Mahinang nagmura ito.

"I told you not to go outside without me!" His voice thundered.

Naghahamon ang titig niya saakin. Umiigting ang kanyang panga.

"Nagtext at nagpaalam naman ako sa'yo kanina, a!"

Umiling siya at parang hindi kombinsedo sa sinabi ko. Mataman ko siyang tinitigan. Pumikit ito nang mariin at muli binalik ang galit na mata saakin.

"You should wait for me, so I can go home early and leave that fucking meeting for you, Ivanna."

Nagulat ako sa sinabi niya. Uuwi siya nang maaga para saakin? Idi sana pala nagreply siya kanina para alam ko!

"Kasama ko naman si stefan at christian kaya hindi ka dapat nag-alala pa saakin!

"I don't trust that guy. I don't like him!"

Umawang ang bibig ko. Hindi ako nakasagot at umiwas ng tingin dahil sa riin ng titig niya

"Bakit...nagseselos kaba?" Hindi ko na napigilan tanongjn iyon.

"I'm trying not to be," Umiwas ito ng tingin. Napakurap-kurap ako at hindi inasahan ang sinagot niya.

"Bakit may gusto ka na saakin, no?" Hindi na nawala ang ngiti ko sa labi.

"Are you playing with me?"

"Of course not!"

"I still don't like that guy."

Bakit ba lagi napupunta kay christian ang usapan na ito. Ano ba dapat kong sabihin para pagkatiwalaan niya na ang kaibigan ko. Kawawa naman ang isang iyon at laging naiipit sa away namin. Bumaling ako ulit sakanya.

"Bakit ba parang galit na galit ka kay christian? Tsaka, kung nagseselos ka lang, kaibigan ko lang naman si christian!"

Umiwas ito ng tingin pero ilang sandali rin ay binalik ito.

"Ikaw naman talaga ang gusto ko hindi si christian. Alam mo na iyon! Kung manhid k—"

"Shut up, Ivanna!" Medyos tumaas na ang boses nito at iritado na. Hindi naman ako nagpatinag.

"What? Bibig ko naman ito!" Agap ko at nakaramdam na ng iritasyon.

Umigting ang kanyang panga. Hindi ito nagreak sa sinabi ko.

"Sabagay, gwapo naman talaga si christian at maganda ang katawan..kaya possibleng magkakagusto ako sakan—"

"I'm going to shut your mouth if you keep on mentioning his name, woman."

Umirap ako.

Kinagat ko ang labi ko. Nakita ko naman ang pagsulyap niya doon. Halos rinig na rinig ko ang kabog ng puso ko.

"Bakit sasaktan mo na ako? Sige, saktan mo kami ng anak mo! And Chirstian is just m—"

Hindi ko na nadugtungan ang sasabihin ko nang biglang lumapit ito at mariin akong hinalikan sa labi. Nanlaki ang mga mata ko at nanigas ang buong katawan. Namumungay ang mga mata at namumula ang kanyang labi pagkatapos humiwalay ang labi niya saakin.

Dilat na dilat parin ako dahil sa ginawa niya.

"Try to mention his name again, woman." Sabi nito sa galit na boses bago binalik ang sarili sa pagmamaneho. Sumulyap ako sakanya. The ghost of a smile on it is showing now.

Kahit lumabas na kami ng kotse ay hindi na nawala ang mga ngiti ko. Hinawakan ko ang labi ko at ramdam parin ang labi niya doon. Matagal na kaya iyong hinalikan niya ako. Gusto ko siyang tanungin bakit niya iyon ginawa, pero sa lagay niyang ito, hindi parin siya natapos sa away namin kanina.

Away ba talaga iyon? Ewan..hindi ko alam.

Pagkarating namin at dumiritso agad ako sa kwarto para maligo. Ngayon, napag-isipan kong pipilitin ko siyang magkatabi kaming matulog mamaya. Tsaka, malaki naman ang kama niyang ito! Akala niya siguro gagapangin ko siya, kapal naman ng mukha!

Pagkatapos kong maligo ay lumabas ako na suot ang shorts/short at pink strap sleeveless ko. Nagulat naman ako nang makita kong nakatalikod ito saakin habang tinatanaw ang tanawin sa labasan. Dahil nasa huling floor ito, kitang-kita namin ang kabahayan at ang dumadaang sasakyan sa baba.

Pinagmasdan ko rin ang malapad niyang likod. He's too perfect for me. Hindi parin ako makapaniwala na ang kagaya niya ay iniiwan at pinapalitan din pala. Namangha rin ako dahil hindi man lang siya nagtanim nang galit kay lianna. Well..mabait din pala kahit papaano.

Inayos ko ang sarili ko bago nagsalita

"Tapos na ako."

Humarap siya saakin. Dinungaw ko ang buong mukha niya at pinuna ito. Ngayon ko lang din napansin na bahagyang basa pa ang kanyang buhok. Magulo ito, pero bakit mas guwapo pa siya lalo. Ang madilim niyang mata ay tumitig saakin at unti-unting bumaba sa suot ko. Umigting ang kanyang panga. I felt so uneasy habang tinitigan niya ako ng ganito. Pakiramdam ko hinuhubad niya ang buong pagkatao ko.

"Go and rest then."

Umupo ako sa kama at sumulyap sakanya ulit.

Lumunok ako. Sige, Ivanna, landiin mo.

"Tabihan mo'ko." Sabi ko.

Hindi ito nagsalita. Buti nalang at hindi ito kuripot sa pera, sa salita nga lang.

"Malaki naman itong kama mo, tsaka hindi ako sanay."

Umekis ang mga kamay niya kaya nakita ko kung paano gumalaw ang kanyang braso. Mukhang hinintay niya talaga ang susunod kong sasabihin!

"Bakit ba kasi ayaw mo akong tabihan? Hindi naman kita pagnanasaan!" Iritado na.

His lips twisted at nakita ko ang pagnguso nito. Mukhang pinigilan ang sariling pagngiti.

"Kung ayaw mo akong tabihan.." napaisip ako. "Magtatampo itong anak ko!" .

"Anak natin, Ivanna." Pagtama niya saakin.

"Anak natin!" Ulit ko.

Ngayon ay tumawa na ito.

"Alright."

Dahil sa kahihiyan na ginawa ko ay mabilis na humega ako at tinakpan ang sarili ng kumot. Baka isipin niya, ang desperada at sabik na sabik talaga ako sakanya. Hindi naman talaga! Tsaka, sabi ko nga..nakakahiya na ako lang mag-isang natutulog dito. Paano pag naabutan kami ng mama niya, baka ano pa ang sabihin.

Biglang dumilim ang paningin ko at konting ilaw lang ang nakikita ko sa gilid. Naramdaman ko rin ang pag-uga ng kama. Hindi ko alam bakit kinakabahan ako. Unti-unting binaba ko ang kumot at hinayaan ang sariling makahinga nang maluwag.

"Ares?" Tawag ko.

"Hmm?"

"Inaantok ka naba?" Tanong ko.

"Yeah."

"Bakit ang tipid mo magsalita?"

Narinig ko ang mahinang tawa niya.

"Just sleep, woman."

"Alam mo..hindi ko akalain mangyayari ito sa atin." Sabi ko at pinagpatuloy ang gustong sabihin. Ewan ko kung nakikinig ba siya saakin.

"We'll talk tomorrow, Ivanna. Ayokong mapuyat ka bukas."

Ngumiti ako sa sinabi niya.

"Salamat talaga, ares. Akala ko kasi pababayaan at iwan mo kami pagnalaman mo ang tungkol sa pagdadalang tao ko. Sobrang nangunguna ang takot at negatibong pag-iisip ko. Pero lahat ng iyon, pagkakamali pala. Kaya salamat at tinanggap mo kami."

Narinig ko ang paggalaw ng kama. Humarap ako sakanya at laking gulat nang makitang nakaharap din pala ito saakin. Kitang-kita ko pa rin kung gaano kaganda ang buong mukha niya. Bumagsak ang buhok niya sa noo nito. Ang makapal niyang kilay ay halos nagkasalubong na. Hindi ko na rin napigilan ang sarili at inangat ang dalawa kong kamay para mahaplos ang mga panga niya. Nakita ko ang pagpikit niya sa ginawa ko. Ang paghinga lang namin nag tanging naririnig ko. Kinagat ko ang labi ko at pilit hindi humikbi ngayon sa harapan niya. Ayoko pa naman mag-alala siya saakin.

Sana, makuha mo ang ganda ng mga mata ng ama mo, anak. Minulat niya muli ang mga mata at tumingin saakin. Ni hindi narin naalis ang paninitig ko sa buong mukha niya, trying to memorize every inch of him.

"That won't never happen.."seryosong sabi nito at hindi parin naalis ang mga mata niya saakin. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko..kaba at takot para sa sarili at sa anak ko. Ang daming tumakbo sa isip ko, pero pilit kong alisin iyon dahil alam kong andito lang si ares sa tabi ko.

"Thank..youzzlnanginginig na ang boses ko.

Mabilis na pinaalis niya naman ang luha ko.

"Don't think and worry too much, okay?"

Tumango ako. Hindi ko akalain ganito kalapit ang mukha namin sa isa't-isa. Sa sobrang gaan ng pakiramdam ko hindi ko na napigilan ang sarili na halikan at idampi ang sariling labi ko sakanya. Sandali lang iyon bago ako pumikit at hinayaan ang luhang lumandas sa pisngi ko.

"Goodnight, Ivanna."

Iyon ang huling salita bago ako nakatulog.