Kaumagahan nagising ako na wala sa tabi ko si ares.
Agad naalala ko ang nangyari kagabi. Hindi ko mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi ko. Hinalikan ko siya! Bakit ba, nadala lang naman ako! Tsaka..hinayaan niya naman ako doon.
Halos umabot ang ngiti ko sa mga mata. Tumili naman ako nang bahagya.
Baka nasa salas lang si ares. Mabilis na tumayo ako at lumabas ng kwarto, pero nadismaya lang ako nang makitang wala rin siya rito. Kinuha ko ang cellphone na nakalatag sa kama at agad nakita ko ang dalawang mensahe niya doon.
"Sorry, hindi na kita ginising pa."
"Babalik rin ako. I have an urgent to attend."
Mabilis na nagtipa naman ako.
"Goodmorning! Kailan uwi mo?"
Nagulat ako nang tumunog agad iyon. Inabangan niya siguro ang text ko.
"I don't know. Just stay inside, Ivanna. And please, eat your breakfast."
Ngumiti ako sa nabasa ko.
"Okay!"
Hindi na naalis ang ngiti ko sa mga labi pagkatapos. Hindi ko alam at anong meeting ang pinuntahan nito. Ayoko naman magtanong pa, baka isipin niya naging detective na ako.
Sa araw na ito ay ganoon parin ang routine ko Dumating si Ma'am Lourdes ng 10am at sinimulan muli ang discussion.
"You're good at this, Ms. Aragon." Sabi nito habang tinutukoy ang ginawa kong sketch.
"Thank you po!"
Nalungkot naman ako nang matapos nang maaga si Ma'am lourdes. Pakiramdam ko kasi matatagalan si ares at wala naman akong ibang gagawin dito. Ayoko na rin ng lumabas pa muli at baka awayin at pagalitan niya na naman ako, gaya kahapon. Pero okay lang..kung ganoong paraan niya naman ako patatahimikin, aba mag-iingay nalang ako at para mahalikan niya ako araw-araw!
"Ares, gusto kong lumabas." Text ko dito. Pero sumimangot lang ako sa natanggap kong text.
"No."
Mabilis na nagtipa ako para sakanya.
"Saan kaba kasi?"
Ilang minuto na ang lumipas at wala na akong natanggap na text mula sakanya. Nakakainis naman!
Dahil wala naman akong ibang magawa at hindi rin na siya nagreply saakin. Sinubukan ko nalang enjoyin ang sarili ko sa panonood ng magandang telegrama. Nasiyahan naman ako doon at kahit papaano ay nawala ang lungkot ko rito.
Hindi ko maiwasang mamiss si mama at karius. Tinawagan naman ako ni mama noon nakaraang araw, pero wala parin itong oras na bisitahin ako dahil walang magbabantay sa karenderya.
Susubukan kong kausapin si ares tungkol sa pagbisita ko kay mama. Sigurado akong hindi rin naman ako tatanggihan nun.
Sa kalagitnaan nang panonood ko ay biglang nag ring ang cellphone ko. Mabilis kong nakita ang pangalan ni stefan doon sa screen. Hindi pa ako nakapagsalita ay mabilis na akong inunahan nito.
"Check your feeds. It's all over the news, Ivanna!"
Kumunot ang noo ko. News?
"Ano naman pakialam ko doon?" Umikot ang mga mata ko.
"Gaga ka talaga! Tignan mo at para malaman mo. You won't like this, I swear." Bago ko pa maibuka ang bibig ko ay padabog niya ng binaba ang tawag. Bitch!
Walang gana ay napilitan akong e-check ang laman ng feeds ko sa facebook. Pagkabukas ko ay iyon agad ang tumambad saakin. Napaupo ako nang maayos. Tinignan ko iyon nang mabuti at mabilis na binuksan ang mga litrato.
Son of Ceo Franco Campbell, Ares Campbell caught on cam at Italian-Cuis Restaurant with Dianna Avila.
September 30, 2019
September 30? Ibig sabihin..bagong kuha lang ito..Nanunuyo ang lalamunan ko. Parang sinaksak ng punyal ang puso ko nang nakita ang iilang pictures nila doon. Magkasama sila sa isang resort habang seryosong nakatingin si ares sa babae. Ganoon parin ang itsura niya kahit dito. Hindi man lang ngumiti at paramg hindi pwedeng pagtawanan. Napabaling ang atensyon ko sa bahae.!She was indeed beautiful. Nakatali ang mahaba niyang buhok. Dumaan rin ang mga mata ko sa suot niya. Kumikinang ang mamahalin niyang kwentas. Sa yaman ni ares, alam kong hindi nababagay sakanya ang katulad ko. Sigurado akong mayaman ang babaeng ito. Inaamin kong maganda nga siya. Lalo na ang brown at tsinita niyang mga mata..
Kaya ba maaga siyang umalis dahil kay diana avila? Siguro tinago niya ito dahil ayaw niya akong masaktan. Kaya ba ayaw niyang sabihin saakin kanina kung nasaan siya. Kung bakit hindi na rin siya nagreply saakin dahil magkasama sila ng girlfriend niya?
Ano naman ngayon, Ivanna..wala naman kayo!
Gusto kong magalit sakanya. Porket ba gusto ko siya, basta-basta nalang niya ako masusunod? Iyong paghalik niya saakin kahapon, ano 'yon? Ewan..hindi ko alam!
Nakakahiya pag ako pa yung nagalit, wala rin naman akong karapatan. Wala akong karapatan para magalit at sigawan siya dahil lang sa nakita ko. Hindi rin naman niya kasalanan kong nagustuhan ko siya. Pinatira niya lang din naman ako dito, dahil anak niya rin itong dinadala ko.
Sino rin naman ako para magustuhan niya ang isang katulad ko, 'diba? Hindi ako mayaman kagaya nitong babae na kasama niya.
Tsaka..itong pagtira ko rito ay dahil lang rin sa kalandian ko at kamalian. Dahil lang sa bata, iyon lang yun.
Nagbara na ang lalamunan ko at nangingilid ang mga luha. Kahit pilit kong pigilan iyon ay kusang bumabagsak.
Bullshit!
Mabilis na pinaalis ko ang mga luha. Sinubukan kong pakalmahin itong nararamdaman ko, pero mas sumikip ata lalo ang dibdib ko. Kahit kailan ay hindi ako nasaktan ng ganito.
Binaba ko na rin ang cellphone na hawak ko at pinagpatuloy ang panonood sa telegrama. Pilit kong inintindi itong pinapanood ko, pero litseng utak at lumilipad lagi sakanya. Sana pala hindi nalang iyon sinasabi saakin ni stefan saakin!
Nagkulong at nagmukmok nalang ako sa kuwarto. Nawalan na rin ako ng ganang kumain at itong apple lang ang kinakagat-kagat ko.
Bumuntong hininga ako at napag-isipan na lumabas na ng kuwarto. Saktong pagbukas ko ay pagkarating ni ares. Mabilis na umiwas ako ng tingin sakanya at mas piniling dumiritso sa kusina.
Ramdam ko ang paninitig niya saakin. Binuksan ko ang ref at kumuha ng isang tubig doon.
"Ivanna, have you eaten already?"
Hindi ako kumibo at pinagpatuloy ang sarili sa pag-iinom.
Bakit andito na siya? Tapos na siguro ang date nila ng babaeng iyon. Halos irapan ko na ang sariling pag-iisip ng kung ano-ano. Binaba ko ang inumin ko at balak na sanang lagpasan ito, nang biglang hinawakan niya ang braso ko.
"Are you okay?"
Sa tingin mo? Okay ba ako, ares?
Gusto ko siyang tanungin nang napakarami, pero may parte saakin na hindi na gawin iyon. Para saan pa? Sabi ko nga..wala akong karapatan sakanya. Hindi ko rin kayang marinig kung ano man ang magiging sagot niya. Ayokong madamay rin ang anak ko sa lungkot na nararamdaman ko ngayon.
Matapang na inangat ko ang ulo ko at tumingin sakanya. Tumitig naman ito pabalik na para bang binabasa niya ako na parang libro.
"Kamusta lakad mo? Masaya ba?" Tanong ko.
Gustong-gusto kong magalit sa iritasyon pero ipapahiya ko lang ang sarili pag ginawa ko iyon. Alam ko naman kung anong meron saamin. We're nothing, indeed.
"Nakita ko ang litrato kanina."
Hindi ito nagsalita at seryosong tumingin saakin. Dumilim ang kanyang mata at mas lalong dumepina ang makakapal niyang kilay.
"Hindi mo sinabi saakin na may girlfriend ka na pala. Sana sinabi mo para naman mapigilan ko itong nararamdaman ko sa'yo!" Tumawa ako at pilit na pinagaan ang sariling damdamin.
Nanatili lang ang paninitig niya saakin. Umiwas din agad ako dahil hindi ko nakayanan iyon.
"Bagay nga kayo, e. Maganda at mayaman din siya katulad mo."
"Are you happy for me?"
Hindi ko inasahan ang tanong na iyon. Pakiramdam ko kung hindi ako aalis dito, tuluyan nang lumabas ang mga luha ko. Unti-unting tumango ako sa tanong niya. Gusto kong magalit. Gusto ko siyang sapakin dahil sa tanong na iyon, pero wala naman akong karapatan. At kahit anong gawin ko..magmumukha lang akong tanga kung sisigaw ako sa sobrang inis, o...selos! Oo na, nagseselos ako!
Ang kapal niya para itanong saakin iyon! Hindi niya man lang ba napapansin na maaaring masasaktan ako!
Ngumiti ako ng pilit.
"Oo, naman!"
Sige, magpanggap kapa, ivanna.
"Really? But..it seems like you're not,"
"Masaya kaya ako!" Kombinse ko sa sarili kahit ramdam ko na ang panginginig ng buong katawan.
Totoo nga..girlfriend niya iyong Diana Avila!Gusto ko nalang umalis dito at dumistansya sakanya, pero paano ako makakatakas kung hinaharangan niya ang dinadaanan ko.
"Nakahanap ka na pala, no?" Tumawa ako kahit wala naman talagang nakakatawa.
Nagulat nalang ako nang biglang inangat niya ang baba ko.
"Ivanna."
Mabilis na umiwas ako. Hindi ko na kaya ito. Yumuko ako at kinagat ang labi para pigilan ang paghikbi. Panira naman! Bakit ba kasi hindi nalang umurong itong mga luha! Mabilis kong pinunasan iyon.
"Ivanna, I'm sorry.."
Nanatili ang mga mata ko sa baba at hindi kayang matignan siya. Huminga ako nang maayos at nagsalita ulit.
"Hindi mo naman kailangan mag sorry, ares. Tsaka, hindi mo rin naman kailangan suklian itong pagkagusto ko sa'yo. Kaya okay lang kung may girlfriend kana. Masaya nga ako, e!"
Ang galing mong mag-panggap, Ivanna!
"Please, look at me."
Umiling-iling ako at pilit na tinulak siya para makadaan.
"Dadaan ako." Nanginginig na ang boses ko.
Pero kahit gaano kalakas itong tulak ko ay hindi man lang ito natinag. Sa sobrang tigas ba naman ng dibdib niya ay paniguradong wala lang sakanya itong pagtulak ko. Shit!
Hindi ko na natiis ay Isang hikbi ang pinakawalan ko.
"Tabi nga kasi!" Iritado na.
Napasinghap ako nang biglang hinatak niya ang baywang ko at diniin sakanya.
"Ares!"
Mabilis akong pumikit ng mariin at dinama ang isang malambot na labi. Hindi ko akalain ganito niya ako kasimpleng mabaliw dahil lang sa halik. Halos nakalimutan ko nga ang galit at ang selos ko kani-kanina lang!
Ganito rin niya ba hinalikan ang diana na iyon? Bumalik ang iritasyon ko kanina. Mabilis ko itong tinulak. Tumigil rin ito at nagkatinginan kami.
"Magagalit ang girlfrien—" Hindi na natuloy.
"She's not my girlfriend, Ivanna. And She will never be." Mariin na sabi nito. Ang madilim niyang mata ay mas lalong nakapanghina saakin.
Ngumuso ako. Napansin kong bumaba ang tingin niya sa katawan ko. Umiigting ang kanyang panga.
Yumuko ito at muling inabot ang labi ko. Sa bawat nag daang halik ay hindi ko na namalayang naging sabik na pala kami sa isa't-isa.