"Mama, nakakahiya pag doon na ako tumira!"
Hindi ko akalain nag-uusap sila kanina tungkol dito na wala ako!
"Gusto kong sa bahay ka nalang mag-aral. Mag-alala ako pag meron mangyari sa'yo. Tsaka, alam kong hindi ka pababayaan ni ares."
Iniwan muna namin saglit si ares sa salas at kinausap ako ni mama sa loob ng kwarto niya.
"Bibisitahin rin naman kita doon." Paliwanag niya.
Kahit gusto ko siya, hindi ko rin naman kayang tumira kami sa iisang bahay. Iniisip ko palang, nababaliw na ako!
Sinabi rin ni mama na sa pansamanatalang sa condo niya ako titira. Seryoso ba talaga siya dito? Paano ang pamilya niya? Nasabi niya na ba ang tungkol dito?
"Pero, ma..kaya ko naman itong sarili ko."
"Sinabi saakin ni ares ang tungkol sa nangyari. Ipagliliban ko ang ginawa ng babaeng iyon sa'yo. Pero pagnalaman kong meron ulit siyang gagawin, baka hindi na ako magdadalawang isip na sugurin siya, Ivanna."
Pumikit ako ng mariin. Alam kong tinutukoy niya si carolina. Tama si mama. Hindi ko alam anong magyayari ulit pag nagkita kami ulit ng babaeng iyon.
Isang bagahe ang dinala kong damit. Hindi ko alam anong nagpabago sa isip ni ares at bakit niya ito ginagawa. Ni hindi naman namin ito pinag-usapan kagabi. Ang tanging sinabi niya lang ay kakausapin niya si mama, pero hindi ang patitirahin ako sa condo niya.
Lumapit saakin si karius habang inaayos ko ang sarili sa harap ng salamin. Sinuot ko lang ang white off-shoulder hanggang tuhod. Mas komportble ako rito, kesa susuotin ko ang itong short at pantalon.
"Ate, kailan ka babalik? Babalikan ka naman 'diba?"
Sumulyap ako sakanya at ngumiti. Lumuhod ako para mapantayan ito.
"Oo naman. Ikaw na bahala kay mama rito, a? Tsaka, huwag masyadong matigas ang ulo para bibilhan ka ni ate ng donuts. Gusto mo yun 'diba?"
Nakita kong tumango ito sa sinabi ko. Tumayo narin ako nang makita si ares sa labas ng pintuan. Bumaba ang tingin niya sa suot ko.
"Tapos na ako." Sabi ko.
Tahimik na tumango ito at siya na rin mismo ang bumuhat sa bagahe ko.
Kalain mo naman, ang gentleman ng ama mo, anak. Sana pala, buntisin niya ako araw-araw kung ganito lang naman pala siya ka bait at maalaga. Hindi ko mapigilang matawa sa iniisip.
"Tita, si ivanna po?"
Nagulat ako sa boses na iyon kaya nagmamadaling lumabas ako.
"Christian!" Tumakbo ako at niyakap ito.
"O, there you are." Nakangiti na sabi niya at niyakap ako pabalik.
"Sorry talaga hindi natuloy yung lakad natin. Sa susunod ako na manglilibre sa'yo."
"Nagtatampo na ako sa'yo, pero promise mo yan, a?"
Masayang tumango naman ako. Nakita ko ang pagbaling niya sa bagahe ko sa gilid. Ngayon ko lang din napansin ang paninitig ni ares kay christian at pagkatapos ay saakin. Umiwas ito ng tingin kaya mas lalo kong nakita ang pag-igting ng kanyang panga at mukhang hindi na mabasa ang buong itsura. Kumunot ang noo ko. Ganun paman, iisipin kong suplado lang talaga siya. Hindi naman ito seloso.
"Saan ka pupunta? Aalis ka?"
"Ah, oo. Papaliwanag ko nalang sa'yo pagnagkita tayo." Ngumiti ako. Lumipat rin ang tingin ni christian kay ares at bakas sa mata niya ang katanungan. Binalik ni christian ang atensyon saakin at ngumiti.
"Tatawagan nalang kita mamaya." Sabi nito.
Bago ko pa maibuka ang bibig ko ay inunahan na ako ni ares.
"Ivanna, let's go." malamig na sabi niya at tumalikod na. Ni hindi man lang niya ako hinintay. Sumimangot ako.
"Christian, text nalang kita mamaya. Bye!" Sabi ko.
Nagmamadaling sinundan ko naman si ares at mabilis na pumasok sa loob ng kotse. Nakapagpaalam narin kami kay mama.
Pagkarating namin ay mabilis siyang bumaba ng sasakyan. Akala ko tuluyan niya na akong iwan, pero pinagbuksan niya ako ng pintuan. Sumulyap ako sakanya at supladong iniwasan ako. Nagtaka naman ako sa inasal niya. May problema ba sa companya nila?
Umikot ito at kinuha ang bagahe ko sa likod ng kotse bago ako nilagpasan. Mabilis na sumunod ako at hindi ito nadala sa mga sulyap ko.
Galit ba siya? Ewan ko ba, at bakit minsan ay hindi ko siya nababasa.
Bumati saakin ang gwardya pero hindi man lang kumibo si ares at mukhang masama talaga ang timpla. Pagkarating namin ay hindi ko maiwasan maalala iyong unang punta ko rito. Kung paano nabuo ang bata sa loob. Nga naman, akalain mo, makakabalik pa pala ako rito.
"Ares!" tawag ko pero hindi man lang niya magawang sulyapan ako. Ngumuso ako.
"Galit kaba?"
Hindi ito sumagot ulit. Tumikhim ako.
"Okay ka lang ba?"
Hindi parin ito sumagot. Talagang tuluyan ko nang iisipin na galit nga siya!
Ngumuso ako at naisip ang sinabi ni christian kanina.
"Magkikita kami mamaya ni christian."
Umigting ang kanyang panga. Kitang kita ko iyon habang inaayos niya ang bagahe ko sa gilid. Hindi parin siya nagreact sa dami ng sinabi ko.
"Sandali lang naman ako." Patuloy ko.
Huminto siya sa ginagawa at sumulyap sa akin. I licked my lips at ngumiti para maibsan ang tensyon. Bahagyang kumalabog ang puso ko.
"Really?" Ang malamig at iritasyon sa kanyang mata ngayon ay naging klaro na saakin.
"Hmm..oo.."
"Ganoon na ba kahalaga ang lalaki para saiyo at hindi mo yan kayang ipagliban, Ivanna?"
Namilog ang mata ko at gustong umapela sa sinabi nito.
"Pero minsan lang kami magkikita ni christian!"
Ngayon ay dumilim na ang mga mata nito dahil sa naging sagot ko. Mas lalong tumitigas rin ang ekspresyon dahil sa galit.
"May pupuntahan tayo." Pagiiba niya sa usapan.
Ngumuso ako.
"Saan naman tayo pupunta?"
"We're going to see my mom's friend, Doctor Caldwell. She's the best obstetrician. Gusto ko malaman ilang araw na ang pagdadala mo."
Wala na akong magawa kung hindi tumango nalang. Magtatampo na talaga nang tuluyan si christian nito. Pero kung magpapaliwanag ako, sigurado naman akong maintindihan niya ako.
"Ayokong umaalis ka na wala ako." Biglang dugtong niya.
Ngumuso ako muli at pilit pinigilan ang pag-ngiti. Pakiramdam ko, ayaw niya talagang magkita kami ni christian.
"Pagnagkita ba kami ni christian, dapat andoon ka rin?" May panunuya kong tanong.
His eyes narrowed and he gritted his teeth. Hindi ko naman maiwasang matuwa dahil sa pinapakita niyang reaksyon. Ewan ko ba, bakit parang natutunaw ang puso ko pag ganito siya lagi.
Humakbang ito palapit saakin. Dahil matangkad ito, kailangan ko pang tumingala sakanya. Matindi naman ang kalabog ng puso ko. Hindi ko alam kung kinakabahan ba talaga ako o natutuwa sa pagiging suplado niya ngayon. Matapang ko siyang tinignan.
"What's special with that guy, huh?"
Gustong-gustong sumilay ang ngiti saaking labi pero pinigilan ko iyon. Kinagat ko ang labi ko at yumuko ng konti para hindi niya kita itong pamumula ko. Sa isipan ko, gustong-gusto ko pa siyang inisin lalo.
"Special saakin si christian."
Gusto ko lang naman malaman mo na kababatang kaibigan ko si christian, ares. Iyon lang. Gusto kong sabihin sakanya iyon pero hindi ko na ginawa at natutuwang pinagmasdan lang ang iritasyon niya sa mukha
Tumingala ako ulit. I glanced at him to see his reaction, pero mas lalo ata ko siyang ginalit.
"Really, huh?"
"Bakit, nagseselos kaba?" Hindi ko na maiwasang itanong iyon.
"I just don't like that guy, Ivanna." Mariin na sabi niya.
"Ako, gusto ko siya, e. " pang-aasar ko lalo.
Kinuha niya ang nakatukod na kamay at mabilis akong tinalikuran. Palihim na ngumisi naman ako.
"Nagbibiro lang ako!" Natatawa kong sabi dito.
Tignan mo naman, anak. Napaka seloso ng ama mo. Hindi niya man aminin, pero alam kong nagseselos yun!
"Get ready. Pagbalik ko, aalis na tayo." Sabi niya habang hindi ako sinusulyapan at galit parin.
Biglang umalis naman ito at hindi man lang nagpaalam kung saan siya pupunta. Ngumisi ako pero agad din naglaho.
Umupo ako sa kama at hindi na maiwasang isipin ang mangyayari bukas. Malaki naman ang suite niya, pero pakiramdam ko lumiliit iyon lalo para saakin. Hindi ko akalain ang may-ari ng campbell corp ay makakasama ko sa iisang bahay, at ang magiging ama ng anak ko.
Hindi ko alam anong mararamdaman ko. Nasa condo niya lang ako dinala at hindi mismo sa mansyon ng mga campbell. Paniguradong, hindi niya pa nasabi ang tungkol dito. Ni hindi nga ako sigurado kung matatanggap ng pamilya niya itong anak ko, o ang magiging anak namin ni ares.
Tsaka, sino naman ako para magreklamo. Okay na rin saakin ang ganito. Nasa kanila na rin iyon kung matatanggap nila ito o hindi. Hindi ko naman ipagkakait ang bata na ito sakanila.
Pumunta na rin kami sa hospital na sinasabi ni ares. Pagkarating ko ay inexamin agad ako. Kinuha rin ni Doctor Caldwell ang vitals ko. Natuwa naman kami nang malaman na normal lahat ang resulta. Pagkatapos ng pag e-examine ay dinala ako sa ultrasound room para sa gawing pelvic ultrasound. Nalaman rin namin na mag dadalawang linggo na itong pagdadalang tao ko.
"Hindi ko akalain magkakaanak kana, ares."
Ngumiti lang si ares sakanya.
"How about your mom, excited rin ba para rito?"
Inabangan ko naman ang pagsagot nito.
"She doesn't even know this yet."
Tama nga ako, hindi niya pa nasabi ang tungkol dito. Tumango-tango ang doktora at tumingin saakin. Parang may bumara na kung ano saaking lalamunan.
"Meron ka bang ayaw na pagkain, iha?"
"U..uhh Nalalansahan po ako sa cheese, doktora." Sagot ko.
"Ano naman ang lagi mong hinahanap?"
"She likes apple," Si ares na ang sumagot para saakin.
Ilang oras din ay natapos kami. Nasa loob na kami ng kotse nang magsalita ito.
"Do you want something to eat?"
Napa-isip agad ako sa sinabi nito. Wala naman akong ibang gusto, kung hindi iyong may apple lang.
"Gusto ko ng salad na may maraming apple." Sagot ko agad.
Tumango ito.
"We'll buy then."
Hindi na ako sumagot pa at umiwas na nag tingin.