Chereads / Unveiled Love / Chapter 16 - Chapter 15

Chapter 16 - Chapter 15

"Magpahinga ka nalang saglit dito, Ms. Aragon." Sabi ng nurse dito sa clinic.

"Ilang oras na po ako dito?"

"Mag tatlong oras na." Sagot nito. "Ang sabi ni Mr. Campbell, hintayin mo nalang raw siya rito at may aasikasuhin lang siya saglit."

Hindi ako kumibo. Hinayaan ko rin na tumalikod ang nurse. Nasa clinic ako ng school!

Tatlong oras? Sino ang nagdala saakin dito? Si ares ba? At bakit ko naman siya hihintayin?

Biglang naalala ko ang nangyari kanina. Mahinang napamura ako. Si carolina..si carolina ang may kasalanan nito! Malalagot talaga iyon saakin! Napansin ko rin sa braso ko ang isang tape. Iyon din ang naalala ko ang pagkalmot ng bruhang iyon saakin.

Nakita ko ang nakalatag kong gamit sa gilid ng kama. Agad na kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng bag. Mabilis na tinawagan ko naman ang numero ni stefan.

"Sagutin mo naman..please.."

Ilang ring na ang nagawa ko pero hindi iyon sumasagot. Kaya napilitan akong itext nalang ito.

"Please, puntahan mo ako sa clinic."

Kanina ko pa hinintay na tumunog ang cellphone ko, pero kahit isa hindi man lang iyon nag blink. Nasaan ba kasi si stefan at bakit wala siya rito!

Hindi naman malala itong sugat sa braso ko. That bitch! Hindi ko hahayaan na saktan niya lang ako nang ganun-ganun lang! Ni wala nga akong ginawa sakanya!

Tumayo na ako at mabilis na lumabas ng clinic. Hindi narin ako nagpaalam pa. Kailangan ko na rin umuwi. Hindi ko alam anong nangyari at bakit napunta na ako rito. At halos magtatlong oras na pala ako dito! Ang naalala ko lang ay nawalan ako ng malay kanina. Kailangan kong makausap si stefan para tanongin siya tungkol sa nangyari. At sino nagdala saakin rito!

Bumaba naman ang tingin ko sa tiyan at marahan iyong hinagod.

"Hindi ka naman nasaktan 'diba?"

Bumuntong hininga ako. Hindi ko talaga alam anong magagawa ko kay carolina kung may mangyari nga!

Bago ko pa maihakbang ang mga paa ko ay isang kamay na ang humatak saakin.

"Ano ba—ares?" nanlaki ang mga mata ko.

Napatalon ako nang biglang pinako niya ako sa dingding. Kinabahan agad ako nang makita ang galit sa mga mata niya. He looked as if he lost his temper. Sa titig niyang ito, pakiramdam ko may ginawa akong masama sakanya.

Did he..shit!

"Pitawan mo ako!" Pilit na pumiglas ako. Dahil sa lakas at higpit nang pagkahawak niya ay wala akong magawa. Ang lakas niya para manlaban pa ako.

"Tell me, ivanna." Mariin na sabi nito. Kumunot naman ang noo ko.

Pilit kong iniwas ang mukha ko dahil hindi ko kaya ang paninitig niya saakin. Para akong napapaso.

"Now tell me, everything." He demanded.

"Ano bang dapat mong malaman, ares!"

Kahit alam ko naman talaga ano ang tinutukoy niya.

"Really, huh?" He smirked. Binitawan niya ang kamay ko at napatili nang biglang lumipad ang kamao nito sa ere at malakas na sinuntok ang likuran na sinasandalan ko.

"Ares!"

"Fuck, ivanna." Paulit-ulit na umigting ang kanyang panga. His eyes are now in darker shade. Kinabahan agad ako. "I don't know how I could ever forgive myself if something bad happen to you!" Sa lakas ng boses na iyon ay alam kong naririnig iyon ng ibang tao. His angry voice sent shivers down my spine. Matindi rin ang kalabog ng puso ko. Hindi ko alam kung matatakot ako ngayon. Naramdaman ko ang panginginig sa labi ko.

"Ano pa ang pinagsasabi mo, ares!" Mabilis na inalis ko ang mga luha. Ni hindi ko alam bakit ganoon kabilis lumabas ang mga luha ko!

"You're pregnant with my child, ivanna!" pumikit ito ng mariin at parang nahihirapan pa. Napalunok ako. Dumilat ito ulit at ang tanging nakita ko lang ay sobrang galit niya sa mga mata. "Wala ka bang balak na sabihin saakin ito?" Kumuyom ang mga panga niya. Napansin ko rin ang taas baba ng dibdib nito.  I couldn't even look at him dahil sa takot ko. Hindi ko siya kailanman nakitang ganito kagalit.

Pumikit ako nang mariin. Stefan!

"Bakit, anong silbi para malaman mo itong dinadala ko—"

He got pissed more because of that.

"Damn it, ivanna! Hindi ako pumapatol ng babae, but I could kill carolina if I want too!" Napatalon ako sa tindi ng galit ng kanyang boses. Kumuyom ang panga niya nang paulit-ulit. Nanlaki naman ang mga mata ko at hindi makapaniwala sa narinig.

Sa lagay na ito, alam kong hindi siya nagbibiro sa sinasabi niya. Paano pag sabihin kung papatayin niya ngayon ang babaeng iyon? Syempre, biro lang! Ayoko naman makulong ang magiging ama ng anak ko.

"Sasabihin ko naman, e, pero sa tamang panahon!"

"At the right time, huh?" He smirked. "And you're leaving again, hmm?"

Nakita ko ang pagbasa ng labi niya gamit an dila. Napatingin naman ako doon at napanguso nang may naalala. Grabe! sa lagay na ito Ivanna, may panahon ka pa talaga!

"Uuwi na ako!" Agad naka agap ng sasabihin.

"Annaliene told you to stay, ivanna. Bakit ba hindi mo magawang maghintay saakin? You really want me to chase you, aren't you?"

Hindi ko pinansin ang tanong niya, kung hindi napansin ang unang sinabi nito. Annaliene? Bakit niya kilala iyon?!

"Bakit kilala mo ang nurse na iyon?" Ngumuso ako. "Siguro babae mo rin iyon!"

Pumikit ito muli at hinilot ang kanyang sentido.

"Damn it, baby! She's not.." Nawalan na ng pasensya. Mariin ang bawat salita niya at mukhang pinipigilan parin ang pagsabog. Sumeryoso ulit ang buong mukha nito at tumingin saakin. Umatras naman ako ng kaonti. "You should be the one who told me about this one..hindi iyong sa iba ko pa malalaman." Umigting muli ang kanya panga.

Wala naman ibang magsabi sakanya tungkol dito. Simo paba? Pumikit ako nang mariin at halos magisang daan minura si stefan sa isipan. Bahagyang tinulak ko siya kaya nakawala agad ako rito.

"Uuwi na ako at may bibilhin pa ako. At puntahan mo ang annaliene doon at magusap kayo!" Sabi ko at hindi maiwasang mairita.

"Stop bringing her name. She's out of our topic!"

"Aalis na ako!" Inirapan ko ito at hindi pinansin ang sinabi niya. Bakit niya ba kasi kilala ang nurse na iyon? Baka naging ka fling niya iyon dati siguro!

Mahinang mura ang narinig ko. Napansin ko naman ang pagdagan ng mga kamay niya sa buhok. Mukhang nawawalan narin siya ng pasensya pero pinipigilan niya parin ang sariling damdamin.

"I'm not yet done, Ivanna." At mabilis akong nilagpasan. "Let's go."

Wala akong nagawa kung hindi sumunod sakanya na nakasimangot at naiirita parin.

Nasa loob ako ng kotse niya. Pakiramdam ko babagsak ito ng tuluyan ang nga luha ko. Hindi ko alam bakit ganito nalang ako ka emosyonal. Ilang sandaling pananahimik ay hindi ko na napigilan ay lumabas na ang mga hikbi ko mula sa bibig.

Hindi ko alam kung gutom or nang dahil iyon sa annaliene na iyon!

At dahil sa bagal ng takbo ng kotse parang maiiyak na talaga ako dahil sa gutom. Oo gutom nga ako at gusto ko nang kumain kanina pa! Kanina patumatakbo sa isipan ko ang masarap na mansananas. Gustong-gusto ko na talagang kagatin iyon! Tapos...tapos ngayon, galit pa siya saakin!

Mabilis niyang hininto ang kotse at ramdam sa gilid ng mga mata ko ang pagkataranta niya.

"Damt it, baby..what's wrong?" Ramdam ko sa boses ang punong pag-alala nito. Hindi ako kumibo kaya nagulat nalang ako nang hinawakan niya ang pisngi ko at pilit na tignan siya sa mga mata. "Ivanna, say something, please.."

Lumabi ako at nahiya ng kaonti. Hindi ko naman sinasadyang magkakaganito ako, a!

"I..." inalis ko ang mga luha ko at sinubukan pakalmahin ang sarili. Sa iritasyon ko kanina ay naitulak ko siya palayo saakin. "I hate you!"

Nagmura ito at muling tinagilid ang ulo. Hindi ito nagsalita at nag-igting ang mga panga na pinagmasdan ako. Sumimangot ako.

"Gusto ko kasi kumain ng apple!" Pagalit na sabi ko.

Nakita kong umangat ang labi niya at mukhang pinigilan pa ang pagtawa.

"Tinawanan mo ba ako?" Masungit na tanong ko.

Bumalik agad ang pagkaseryoso nito sa mukha at ngumiti. Hindi naman iyon agad na proseso sa utak ko. Minsan ko nang nakita ang mga ngiti na iyon, pero hindi ko parin maiwasang mamangha.

"We'll buy lots of apple, then."

Biglang nagbago agad ang timpla ko nang marinig ang sinabi niya. Ngumisi ako at mabilis inayos ang pag-upo.

"Talaga?"

Seryosong tumango siya at pinaandar muli ang makina ng kotse.

Hindi ko inasahan na bibili siya ng dalawang box na apple. Natuwa naman ako doon. Pagkapasok niya ay mabilis akong tumalon at niyakap ito.

"Thank you!" Natutuwang sabi ko.

Hindi ko na tinignan ang reaksyon niya at humiwalay narin mula sa yakap at hindi na nagpaligoy-ligoy na kainin ang hawak kong apple.

"Ang sarap!"

"You want something else?"

Umiling-iling ako at tinuon ang atensyon sa kinakain. Grabe, hindi ko akalain ganito pala kasarap ang mansanas na ito. Baka nga maubos ko ang isang box na ito sa isang araw lang!

Ngayon ko lang din napansin na huminto na pala ang kotse nito sa tapat ng bahay namin. Nataranta naman ako.

"Ares! Huwag kang lumabas!" Sabi ko.

Tumaas ang kilay niya.

"Please.."pagmamakaawa ko. "Hindi parin ako kinakausap ni mama. Baka kung ano pa magawa saiyo pagnakita ka."

He sighed.

"I just want to talk to her, Ivanna."

Umiling-iling ako.

"Tsaka, kung na aawa ka lang saakin o sa batang ito..hindi naman—"

"Ivanna." He cutted me. "I didn't say anything. Pananagutan ko ang bata. Just give me more time para masabi ang tungkol dito kay mommy at daddy."

Umiwas ako ng tingin at hindi makapaniwala sa sinabi niya. Akala ko, magagalit at iiwan niya ako. Akala ko tatakasan niya kami, pero nagkakamali pala ako. Mali lahat ang iniisip ko tungkol sakanya. Nahihiya ako sa mga iniisip ko sakanya noon. Gusto ko pa siyang tanungin nang marami, pero hindi ko na ginawa. Tsaka, dahil lang naman sa bata kaya niya ito ginagawa, 'diba?

"I'll be checking on you, from now on. I'll call you later."

Tumango ako sa sinabi niya.

Biglang tumunog ang cellphone ko at nakita ang hindi nakaregister na number. Nakita ko naman ang paninitig doon ni ares. Agad na sinagot ko iyon.

"So how are you, Ivanna?

Ngumiti ako at alam na kaagad kung sinong boses ito.

"Christian?"

Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya.

"May ginagawa kaba ngayon?"

Napaisip ako sa tanong niya.

"Wala naman..bakit mo naitanong?"

"Kain tayo sa labas." Humalakhak ito.

Muntik ko narin nakalimutan nasa gilid ko pala si ares! Tumikhim ito at nagkasalubong ang mga kilay na umiwas saakin.

"Okay!" Mabilis na sagot ko.

Natapos narin ang tawag kaya balak ko na sanang lumabas nang magsalita ito. Umigting ang kanyang panga that makes him more define.

"I'll be calling you later, Ivanna. So better to stay in your house."

Umawang ang labi ko. Narinig niya ba ang usapan namin ni christian? Ngumuso ako sa iniisip ko. Well..ipagbubukas ko nalang ang lakad namin ni christian. Mas gusto ko pa atang marinig ang boses niya mamaya.

Ngumisi ako.

"Okay!"