"O, ang aga niyo ngayon." Salubong agad ni mama nang makita kami ni stefan. Hindi ko rin kayang ngumiti. Gusto kong mahimatay nalang dahil sa sobrang bilis ng pintig ng puso ko.
"Mama." Lumapit ako at nagmano. Gumaya rin si stefan saakin.
"O, bakit ganyan itsura niyo?"
Pumikit ako at pakiramdam ko mawawalan na ako ng lakas dito. Hindi ko kaya makita kung ano ang magiging reaksyon ni mama. Halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko. Nangunguna ang kaba ko sa dibdib.
"Mama, pwede po ba tayong mag-usap?" Tanong kahit ramdam ko ang panginginig ng aking labi.
Sumulyap ako kay stefan at nakita ang paglunok nito. Hindi pa naman huli ang lahat para umatras kami ngayon. Gaya ko, bakas rin sa buong mukha ang takot at kaba niya.
"Sige, bilisan lang natin at sasamahan ko pa si meneng. Ano ba iyon, Tungkol ba sa pag-aaral mo, ivanna?"
Umiling ako. Nanuyo bigla ang lalamunan ko.
"Kasi po tita.."hindi na natuloy ni stefan. Akala ko ba hindi siya natatakot? Kanina lang ang tapang-tapang niya. Tapos ngayon, mukhang siya pa ata ang unang mahihimtay.
Yumuko ako at humugot ng malalim na hininga.
"B..buntis po ako, mama."
Nanatili ang pagyuko ko at hindi kayang matignan ang reaksyon ni mama. Pero nagulat ako dahil wala akong narinig na salita mula sakanya. Dahil sa kuryosidad, ay unti-unti kong inangat ang mukha ko at napatili ng bahagya nang lumagapak ang kamay niya sa pisngi ko. Napaawang ang labi ko at hindi na napigilan ang namumuong luha sa mga mata.
Kahit si stefan ay napasigaw sa gilid ko.
"Omygod!"
Inasahan ko nang mangyayari ito.
"Sabihin mong hindi totoo ito, ivanna!" Tumaas ang boses nito. Sumulyap siya kay stefan. "Ikaw ba stefan..ang ama ng bat—"
"Mama, hindi po!"
"Tita, hindi po!"
Halos magkasabay na sagot namin ni stefan.
"Sino? Si ares, ba?"
Dahan-dahan na tumango ako. Muli, isang malakas na sampal ang natanggap ko.
"Sorry po, mama.."
"Tita, tama na po!" pilit na pinigilan ni stefan si mama. Hindi ko na rin kayang maigalaw ang sarili ko at nanatili ang mga paa sa sahig. Kailanman ay hindi ako pinagbuhatan ng kamay ni mama, ngayon lang.
"Pinag-aral kita ng mabuti, ivanna. Paano na pag-aaral mo? Ang mga pangarap mo?" Hinilot nito ang sentido niya at muling tumingin saakin. "Sana inisip mo iyon bago ka nakipagtukaan sakanya! Alam niya na ba ito?"
Umiling ako sa huling tanong niya.
"Diyos ko!"
"'Mama, hindi ko po pababayaan ang pag-aaral ko. Pinapangako ko po iyo—"
"Alam mo ba ang sinasabi mo? Huhusgahan ka ng mga kaklase mo, ivanna. Huhusgahan ka ng ibang tao at ayokong mangyari iyon!"
"Noon paman, wala na akong natanggap, kung hindi ang panlalait nila saakin, ma. Kaya ano pa ba ang bago."
Umiling-iling ito. Bakas sa buong mukha niya ang pagkadismaya. Tumalikod na ito at padabog na sinara ang pinto.
"Mama!"
Halos nanghina ang buong katawan ko dahil sa nangyaring pagtatalo. Hindi ko na nakayanan ay bumagsak na ako at doon na humagulhol ng iyak.
"Ivanna!" Si stefan na bigla akong inalo. "Intindihin mo nalang si tita..alam kong hindi ito madali para sakanya."
"Gusto kong ipalaglag ang batang ito, stefan. Hindi ko alam anong mangyayari pag nabuhay ito sa loob!"
"Ivanna, ayokong sa huli pagsisihan mo ito! Goodness! Tutulungan kita dito. Basta huwag mo lang ipalaglag ito.."
Hindi na bumalik si mama mga ilang oras. Ang sabi naman ni manang meneng ay lumabas ito saglit. Umuwi narin si stefan pagkatapos. Matamlay at walang gana ay pumasok ako ng kwarto. Halos nagmukmok ako at walang ibang ginawa kung hindi ang umiyak.
Alam ko naman, e..alam kong magagalit si mama. Pero hindi ko akalaing aabot sa puntong ito. Sobrang hiyang-hiya ako sa sarili ko. Pakiramdam ko dagdag problema lang ako. Hindi ko na alam anong gagawin ko.
Kung lalayas ako, saan ako titira? Ewan..hindi ko na alam!
Tumunog ang cellphone ko sa gilid at nakita ang mensahe ni ares.
"Where are you? You didn't answer my calls."
Tinakpan ko ang mukha ko sa mga palad at umiyak muli. Magkaiba ang mundo namin ni ares. Paniguradong, hindi niya kami matatanggap ng anak niya. Ni hindi niya nga ako gusto. Paano pa kaya pag nalaman niya ang batang ito? Baka nga, layuan niya na ako.
Kung pwedeng pilitin o lumuhod ako kay stefan ay gagawin ko. Gusto kong huwag niya ngsabihin kay ares ang tungkol dito.
Hindi pa nag aalas singko ay nagising na ako nang maaga. Mabilis na nadatnan ko naman si mama sa salas. Mugto rin ang mata ko kakaiyak kagabi.
"Mama.."
Hindi siya kumibo, kung hindi mabilis akong tinalikuran. Hindi ko kaya na ganito kami lagi.
"Mama, kausapin mo naman ako, o.."Pagmamakaawa ko at pilit itong sinusundan.Nanginginig ang mga labi ko. Hindi ko gusto itong pagiging maiyakin at sensitibo ko ngayon. Hindi naman ako ganito.
"Sorry, mama.." sabi ko at tumalikod na.
Siguro, parte ito ng pagbubuntis ko. Gusto ko nalang umiyak araw-araw para mawala itong mabigat na dinadala ko.
Ni kahit isa ay hindi ako binigyan ng sulyap ni mama. Kung pwede nga lang sana, hindi na ako papasok pa. Pero baka isipin niya pinababayaan ko na ang pag-aaral ko. Ayokong mas magalit pa siya lalo saakin.
Wala sa sarili ay tinahak ko ang university. Ni wala na akong oras para tignan ang cellphone ko. Gusto ko nalang ay matulog at kumain ng kumain. Kagabi ko pa gustong kumain ng apple, pero tinatamad naman akong bilhin pa iyon sa market. Baka uutusan ko nalang si stefan para doon.
"Ivanna!" Napalingon ako doon at napatigil nang makita si carolina. Halos takbuhin niya na ang paglalakad. Napaatras agad ako at kinabahan.
Mabilis niyang nahablot ang buhok ko. Pilit kong pumiglas at itulak ito, pero nawawalan ako ng lakas. Biglang napaisip ako sa batang dinadala ko. Hindi ko alam anong magagawa ko sakanya pag may nangyaring masama dito!
"Carolina!" Sigaw ko at tinulak ito." Ano ba ang problema mo!"
Naninilsik ang mga mata nito.
"Ikaw ang problema ko, ivanna! Dahil sa'yo nagkahiwalay kami ni perri!"
Lahat nalang ba saakin niya ibununtong?!
"Hindi ko alam anong sinasabi mo, carolina!"
Mabilis na humakbang ito at kinalmot ako. Hindi ko naman maiwasang mapa-aray sa hapdi. Agad nakita ko ang pamumula at panunugo doon. Tangina!
Bago pa ako makaganti ay biglang sumulpot si stefan sa gilid ko.
"Bruha ka! Carolina!" Tumakbo si steffy at pilit na inilayo si carolina saakin.
Hindi na rin ako nagpapigil at gumanti sa ginawa niya. Bwisit ka talaga kahit kailan, carolina!
Naitulak niya si stefan kaya napaatras kami pareho. Naninilsik ang mata niya at mukhang gusto na kaming patayin dalawa. Ano bang problema niya?! At ano bang pakialam ko kay perri!
"Pareho kayong dalawa! Malandi at walang ginawa kung hindi mang-agaw ng lalaki!" Sigaw nito. Gusto ko man hilahin ang buhok niya ay hindi ko na nagawa dahil iniisip ko itong bata na nasa loob.
"Ikaw ang malandi! At bakit ba sinisisi mo si, Ivanna?!" Si stefan. Hinawakan ko naman ito at pilit inilayo kay carolina.
Pero dahil narin hindi na nagpaawat si carolina ay hinablot niya ang braso ni stefan at kinalmot rin gaya ko.
"Tangina!" Mura ko at tinulungan na rin si stefan.
May pumigil sa ginawa ko pero hindi ko iyon pinansin.
"Bitawan mo ako!"
Maya-maya lang ay naramdaman ko ang malaking kamay na gumapang sa baywang ko. Isang angat ay nabuhat niya agad ako.
"Sabing Bitawan mo ako!"
"Tumigil ka Halos nabingi ako sa lakas ng boses niya. Napatameme naman ako at agad nabaling ang sarili ko sakanya.
"What the fuck are you doing, ivanna!" Parang kulob ng kidlat ang boses niya sa galit. Umigting ang kanyang panga. Ganoon na ba ako kabaliw at ultimo ang galit sa mukha niya ay ikinahimatay ko?
"Siya ang unang sumugod saakin!" Pagtanggol ko sa sarili at pilit na kumawala sa mga hawak niya. Narinig ko naman ang mura nito. Pero kahit anong tulak ko sakanya ay wala lang iyon sakanya. Pumikit ito nang mariin at maingat na binuhat ako para palitan ang pwesto namin.
"Damn it! Nababaliw ka na ba?!"
"Siya iyong baliw, ares! Ni hindi ko alam bakit niya ako pinagbibintangan!" Hindi ko na maiwasan tumaas ang boses ko. May iilang studyante na rin ang nakatingin saamin. May namumuong luha saakin pero hindi ko iyon pinansin at pilit ipakita sakanya ang tapang ko.
"Ares, ilayo mo si ivanna!" Sigaw ni steffy.
"Malandi kang babae ka!" Si carolina at pilit abutin ako mula kay ares.
"Ikaw ang malandi, carolina! Ang sabihin mo inggit kalang!" Sigaw pabalik ni stefan.
"Huwag ka ngang makialam dito, bakla ka!"
"Bakla pala ha.." walang pag-alinlangan ay sumugod ito kay carolina at hinila ang mahaba at maalon niyang buhok.
"Stefan!" Sigaw ko. "Ares, ano ba! Pigilan mo!"
Nakita ko naman kung paano niya hinagod ang kanyang buhok at mukhang hindi narin alam ang gagawin. Mabilis na humakbang ito tungo kay stefan.
"Damn it!"
Walang kahirap-hirap ay nabuhat niya agad stefan. Mabilis naman siyang pumagitna sa dalawa. Hindi ko alam bakit pakiramdam ko unti-unting dumidilim ang paligid ko. Bawat paghinga ko ay bumibigat. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko at pilit na pinakalma ang sarili.
"Kasalan mo ito, ares!" Bulyaw ni stefan kay ares.
Hindi ito nagreak sa sinabi ni stefan at madilim ang kanyang mga mata na sumulyap saakin. Kumukuyom ang mga panga niya at kapansin-pansin parin sa buong mukha ang iritasyon at galit.
"Hindi pa ako tapos sainyo!" Umirap si carolina at padabog na tinalikuran kami.
Kung hindi lang masama itong pakiramdam ko at hindi ko iniisip ang bata sa loob ng tiyan, baka nga hindi na nakaalis ang babaeng iyon na buhay! Hindi ko kayang isipin na halos patayin niya na ako kanina! Magbayayad ka talaga!
"Pag meron mangyari kay ivanna..Naku! Hindi ko alam anong magagawa ko sa'yo!"
Sinubukan kung pigilan si stefan pero sobrang nanghihina na talaga ako. Natatakot ako baka masabi niya bigla kay ares ang tungkol sa bata.
"What are you talking about, stefam?"
"Huwag mo ako idadaan sa english mo!" inirapan ito ni stefan.
"Stefan, tumigil ka—"Naputol ang sasabihin ko at iniinda ang sakit mula sa tiyan. Pumikit ako ng mariin at pilit kinalama ang sarili. Mabilis na tumingin ang dalawa sa direksyon ko. Sinubukan kong tumayo nang maayos pero umiikot ang paningin ko. Unti-unti ay dumidilim na ang mundo ko. Nawalan na ng lakas ay doon na ako bumagsak.
"Fuck! Ivanna!"
"Ivanna!"
Iyon lang ang huli kong narinig mula bago umitim na lahat ang paligid ko.