Tinext ko si stefan kaagad na puntahan niya na lang ako sa cafeteria.
"Andito si carlo sa lobby, kaya dito nalang muna ako."
Iyon agad ang natanggap kong text galing sakanya. Ang landi talaga kahit kailan!
"Eat and stop texting, Ivanna." He demanded.
Wala akong magawa kung hindi itago nalang ang cellphone ko. Ramdam ko sa mga mata ko ang paninitig niya sa kabuuan ko, na para bang tinitimbang niya ang bawat kilos ko. Hindi naman ako natunaw sa mga titig niya, 'diba?"
"From now on, we'll eat our lunch together."
Mabilis na umangat ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Ano? Sabay kami kakain?
Ano naman ngayon, ivanna? Ito naman lagi niyo ginagawa, 'diba?
"Pero kasama ko si stefa—"
"I already talked to him, so don't worry about him." Pinutol niya agad ako.
Paanong..bwisit talaga ang baklang yun! Binenta ba naman ako na hindi ko man lang alam! At nag-usap pala sila! Bakit hindi ko alam?!
Bakit pakiramdam ko parang wala lang sakanya iyong nangyari? Ni hindi man lang ba siya nakaramdam ng hiya o ilang sa pagitan namin dalawa? Kasi ako..hindi ko kayang makausap siya nang ganito kalapit. Hindi gaya ng dati, natitiis ko. Pero ngayon..hindi ko na alam!
Hindi ko na napigilan pagragasa ng mga tanong ko.
"Hindi ka ba naiilang saakin?"
Hindi ito sumagot at tinaasan lang ako ng kilay.
"Hindi mo man lang ba ako tatanungin, ares?"
Hindi parin ito nagreak. Nakakainis talaga! Kung marami lang akong pera, baka noon pa bawat salita niya babayaran ko!
"Alam kong maganda ako, ares. Kaya tama na kakatitig saakin!" Umekis ang braso ko. Akala ko magsasalita na siya, pero hindi!
Umangat lang ang labi niya at seryoso akong sinulyapan. Umiwas naman ako at hindi nakayanan ang paninitig pabalik. Kinalma ko ang sarili ko at pilit na maging kalmado ang boses. Huminga ako nang malalim bago bumaling ulit sakanya.
"Iyong nangyari saatin ay pagkakamali, ares."
Ulit ko. Ngumuso lang ito saakin na para bang katawa-tawa ako sa harap niya.
"Ares!" Tawag ko medyo napalakas na ang boses sa inis. "Kung ayaw mong magsalita, aalis na ako!"
Mabilis niya naman hinablot ang braso ko.
"Ivanna." Umangat ang labi niya pero bumalik rin sa seryosong mukha at tumingin saakin.
Umikot ang mga mata ko.
"Ano?!"
"Okay, I'm sorry..hindi dapat iyon nangyari. I'm sorry.." sa wakas ay nagsalita na ito. Hindi parin ako nakatingin sakanya at hinintay na dugtungan nito ang sasabihin niya. "Please, let's not talk about it. Just eat."
Talagang hindi natin pag-uusapan dito!
Hindi ko alam anong mararamdaman ko bakit humingi siya ng tawad saakin. Alam ko naman na pinagsisihan niya iyon.
Bumibigat ang sarili kong damdamin sa hindi malamang dahilan. Gusto kong mag-isip ng ibang dahilan. Pero sa paraan nang paghingi niyang tawad ay parang nag-sisi pa siya. Alam ko naman iyon..pero hindi ko maiwasang sumikip ang dibdib ko. Kinagat ko ang labi ko at pilit pakalmahin ang mabigat na damdamin. Huminga ako nang malalim bago umangat ang ulo para matignan ito. Pero laking gulat ko nang makitang nakatingin pala ito saakin. Seryoso at tinitimbang ang galaw ko. Na para bang nababasa niya itong iniisip ko ngayon. Nanuyo ang lalamunan ko.
"Aalis na ako." Agad may nakapa na salita.
Tumayo ako pero mabilis niya na nahawakan ang braso ko. May iilan ring nakatingin saamin.
"Ivanna." Mariin na tawag niya.
Umigting ang panga ko at padabog na iniwas ang kamay ko.
"Don't tell what to do, ares. Hindi naman kita boyfriend."
That's it. Hindi kita boyfriend kaya hayaan mo ako!
He paused and looked at me for a moment bago iniwas ang mukha saakin.
Hindi na siya sumunod at hinayaan akong makaalis doon. Dumiritso na rin ako sa lobby para puntahan si stefan.
"Stefan!" Tawag ko nang makita siyang nakikipaglandian kay carlo kahit hindi naman siya binibigyan ng atensyon nito. Mabilis ko itong hinila.
"Aray!" Reklamo niya. "O, nasaan si ares?"
Tanong nito nang makitang nag-iisa lang ako.
Nang tuluyan na kaming makaalis sa lobby ay hinarap ko ito.
"Dahil sa carlo na yun, hindi mo na ako sasamahan kumain? At kinausap ka pala ni ares nang wala man lang akong kaalam-alam!" Hampas ko sa braso niya.
"Aray! Bakit, iyon naman ang gusto mo, a!"
Umirap ako.
"Ngayon, hindi na!" Padabog na naglalakad ako at tinahak ang field. Sumunod naman siya saakin.
"Hoy, ivanna!"
Mabilis na umupo ako. Kinagat ko ang labi ko at pilit na pinatatag ang sarili. Hindi ko alam bakit nangingilid itong mga luha ko.
"Hindi dapat iyon nangyari.. I'm sorry.."
Paulit-ulit iyon tumatakbo at tumatatak sa isipan ko ang sinabi niya kanina. Kung pinagsisihan niya iyon, 'idi ako nagsisi rin bakit ko binigay sakanya ang sarili ko!
"Ano ba nangyari sa'yo?" Si stefan na nasa tabi ko na ngayon.
"Pakiramdam ko kasi pinagsisihan niya ang nangyari saamin." Sabi ko.
"Yan na nga sinasabi ko, e! Alam mong mali itong pinapasukan mo, pero ikaw kasi, may pa challenge, challenge ka pa! Ikaw rin pala maagiging biktima rito. Yan napapala sa'yo!" Inirapan niya ako.
"Huwag mo nga akong sigawan!" Lumalabi na sabi ko.
Hindi ko na napigilan ay tumulo na ang mga luha ko. Stefan will always be straighforward. Kung ano ang nasa isipan niya ay paniguradong sasabihin niya iyon kaagad sa'yo. Iyon din ang nagustuhan ko sakanya.
"Jusko! Ni hindi ko akalaing iiyak ka sa lalaki, ivanna!"
"Hindi ako umiyak!"
"Talaga? E, ano yan?" Turo niya sa mga luha ko. Mabilis na iniwas ko naman ang mukha ko.
"Ewan ko!"
Hindi ko alam bakit nagiging emotional ako ngayon. Nahiya nga ako pagkatapos kong umiyak sa harapan niya. Hindi ko pa naman iyon gawain!
Nakatanggap rin ako ng text galing kay ares pagkatapos namin mag-usap ni stefan.
"Let's talk."
Ano pa ba ang pag-uusapan namin? Bahala nga siya!
Binaba ko ang cellphone ko at pinagpatuloy ang pakikinig sa harapan, kahit wala naman talaga akong naintindihan sa sinasabi ng professor.
Natapos ang klase at wala parin akong naintidihan. Lumilipad lagi ang isipan ko sakanya.
"Ivanna, si ares.." tumakbo ito at bumulong saakin. Agad napatingin ako kay stefan.
Tumingin ako sa labasan, at nanlaki ang mga mata nang makitang andoon nga siya ulit naghihintay saakin sa labas ng pinto.
"Hayaan mo."
Nagkunwaring hindi ko siya nakita at nilagpasan. Ano paba ang kailangan niya saakin? Tsaka, hindi paba sapat iyong kanina?
"Stefan." Tawag niya kay stefan kaya ito napahinto. "I'll drive her home." Sabi niya dito.
"Mag-usap nga kayo at ako lagi naiipit dito!" Huminto ito at hinarap si ares. "Binabalaan kita, ares. Oras na pinaiyak mo nanaman si Ivanna, ako makakalaban mo!"
Nanlaki ang mata ko at mabilis na tinakpan ang bibig nito.
"Stefan!"
"Ano ba!" Reklamo nito sa ginawa ko.
Kinuha niya ang kamay ko at matalim akong tinignan bago ako iniwan. Ni hindi ko man kang siya nabalaan na huwag sabihin iyong pag-iyak ko kanina! Baka isipin ng isang 'to na baliw na baliw ako sakanya, kahit hindi naman!
"Stefan!" Tawag ko. Pinikit ko ang mga mata ko at halos murahin na ang kaibigan sa ginawa. Alam niya naman na ayaw ko pang kausapin ang lalaking ito, tapos iiwan niya lang ako!
Nakakainis!
"You cried?"
Napatingin ako dahil sa tanong niya at halos irapan na.
"Oo, pero hindi dahil sa'yo!"
Nakita ko ang pagpikit niya ng mariin at nilapitan ako. Kinabahan agad ako at ramdam ang panunuyo ng lalamunan.
Mabilis naman akong naka kapa ng salita, at unahan na siya kung ano man ang sasabihin niya!
"Kaya ko ang sarili ko, kaya uuwi na ako!"Sabi ko at hindi na nagpaligoy-ligoy na talikuran siya.
"Ivanna." Tawag nito. Hindi naman ako lumingon at pinagpatuloy ang paglalakad.
Nang tuluyan na kami makalabas ng university ay mabilis niya akong hinarangan. Sa taas ba naman ng bias, paniguradong matatalo ako!
"Please, talk to me..galit kaba?"
Matalim na tinignan ko ito. Gusto kong magalit at sabihin sakanya na Oo nagagalit ako! Nagagalit ako sa sarili ko, Ares. Tangina!
"Wala naman akong sinabi, a!" Sabi ko at nilagpasan siya ulit. Gusto ko siyang itulak sa iritasyon ko!
"Baby, damn it! Listen."
Huminto ako at hinarap siya ulit ito. But I couldn't look at him. Hindi ko kaya.
"What now?!"Kahit sabihin kong hindi ako galit, halata naman talaga sa boses ko! At hindi ko iyon mapigilan.
Hindi ko naman maiwasang bumaba ang tingin ko sa labi niya. Hindi ko akalain nahalikan ko ang mga labi na ito..at...unti-unting bumaba ang tingin ko sa ibang parte ng katawan niya..the shadow of his member is killing me!
"Ivanna, eyes on here!" Pagalit na sabi niya.
Nanlaki ang mga mata ko at nataranta. Nakita niya..nakita niya ang paninitig ko! Nakakahiya!
Ramdam ko rin ang pamumula ng pisngi ko sa kahihiyan. Umiwas agad ako ng tingin.
Nakita niya ba talaga? Ano ba itong nangyayari saakin!
"I'll drive you home. Lets'go." Inunahan na ako nito at nilagpasan.
Dahil sa kaba ay hindi na ako nakipagtalo pa at hinayaan na siya sa gusto niya.