Chereads / Unveiled Love / Chapter 14 - Chapter 13

Chapter 14 - Chapter 13

Sa nagdaang araw, iyon na ang naging routine ko, ang makasama siya kumain sa cafeteria. At iyon narin ang naging kasanayan ko. Minsan nagdadala rin ako ng luto ni mama kagaya nang ginagawa ko noon. Lagi niya rin kasing tinatanong saakin, bakit hindi na raw ako nagdadala.

"Kasi akala ko hindi mo na gusto ang mga dala ko!" Sabi ko nang magtanong ito noong isang araw.

"I didn't say something, ivanna."

Wala parin naman nagbago. Ganoon parin siya makikipag-usap saakin. Minsan galit, minsan seryoso..minsan..ewan! Hindi ko siya maintindihan minsan!

He's stiff, cold and too serious! Theres no rumors on him. Kaya hindi ko alam bakit nagustuhan ko ang lahat ng iyon!

Pero ngayon, si stefan ang kasama ko dahil nagpaalam muna ito saakin na hindi niya ako masasamahan ngayon. Ni hindi ko nga alam kung napapansin ni stefan ang busangot ko sa buong mukha. Gusto ko siyang tanungin anong ginawa niya at bakit wala siya ngayon. Pero ayokong magmukhang desperada sa harap niya.

Ang dami kong tanong sa sarili ko ano itong ginagawa namin. Gusto ko siya, pero alam kung iba ang tingin niya saakin. Siguro nga, na-aawa lang ito saakin o nakonsensya dahil sa nangyari. Alam kong sa huli, ako parin ang masasaktan dito. Pero ganun paman, hinayaan ko lang ang sarili sa gusto ko.

"Eat your lunch with stefan. Hindi kita masasamahan ngayon."

Sumimangot ako sa nabasa ko. Mabilis na nagtipa ako ng mensahe para sakanya.

"Bakit saan ka pupunta?"

Hindi pa nag-iilang minuto ay tumunog na agad ang cellphone ko.

"I have to finish our research."

Busangot ang mukha ay hinintay ko muna ang pagbalik ni stefan, bago ko sinimulan ang pagsubo ng pagkain na nasa harapan ko.

"Bakit ganyan itsura mo?" Si stefan nang makaupo na ito sa harapan ko.

"Wala kasi si ares." Sumimangot ako.

"Hindi kaba masaya ako kasama mo? Ilang araw na kayo magkasama, a!" Inirapan ako nito. "O ito, binilhan kita ng ensaymada."

Napatingin ako sa dala niya.

Binuksan agad iyon ni stefan. Dahil sa amoy, pakiramdam ko ay nag-iiba ang tiyan ko at parang nasusuka pa ako.

"Stefan!" Mabilis na tinakpan ko ang ilong ko. Ang tapang talaga ng amoy! "Ano ba yan, ang baho!" Reklamo ko. "Alisin mo nga 'yan saakin!"

"Ano ba, Ngayon kapa aarte!" Umirap ito saakin pero agad din natigilan.

"Omygod, Ivanna!" Seryoso na tumitig ito saakin at parang nakakita pa ng multo. Lumipad ang mga kamay niya sa bibig at may kahulugan na bumaba ang mga mata saakin.

"Ano ba, stefan! Nakakailang ang paninitig mo." Umirap ako.

Nagulat ako nang binuksan niya ulit ang ensaymada na iyon at nilapit malapit sa ilong ko.

"Stefan!" Reklamo ko at mabilis na tinulak ang pagkain na iyon.

Pakiramdam ko masusuka na ako nang tuluyan dito. Hindi naman ganito ang amoy noon, a! Tsaka, ito ang lagi namin kinakain. Baka panis lang, kaya ang lansa ng amoy!

"Kailan kapa nagiging sensitive sa cheese?" May panunuya niyang tanong.

"Panis yan kaya ang baho!"

"Ivanna! Papatayin talaga kita!" Nagulat nalang ako nang hinila ako nito at mabilis na umalis kami sa cafeteria. Pilit ko naman tinatawag ang pangalan niya pero ayaw itong makinig!

"Stefan, ano ba!" Pumiglas ako sa hawak niya.

"Hindi ko alam..pero sa nagdaang araw lagi ka nalang nagsusungit. At kahit maliit na bagay ay nagiging emotional ka!"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ano ba ang pinagsasabi mo?"

"Ivanna, I think...goodness gracious! you're pregnant." Halos ibulong niya ang sinabi sa huling salita.

Umawang ang mga labi ko sa sinabi niya.

"Tama na nga 'yang pagbibiro mo, stefan. Hindi nakakatuwa!" Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba.

"Hindi mo ba napapansin, nagiging sensitive ka sa cheese kahit hindi naman dapat!" Nakita kong nataranta na ito. "Sumama ka saakin at bumili tayo ng pregnancy test." Mariin na sabi niya.

Hindi pwede..Hindi pwedeng mabuntis ako! Siguro, panis lang iyon kaya ako naging sensitibo!

Gusto kong magalit kay stefan dahil sa sinasabi niya..pero hindi ko maiwasan mag-isip dahil pakiramdam ko ay tama siya..tangina! Hindi pwede!

Ayaw ko man gawin pero wala na akong magawa kung hindi sundin si stefan sa gusto niyang mangyari.

Nasa tapat kami ng pharmacy at hinintay ko si stefan na mabili iyon. Hindi ko alam bakit ako nanginginig at kinabahan. Sigurado akong hindi ako buntis. Siguro nagiging paranoid lang si stefan. Nagkakamali siya!

"Ate, pabili nga po ng pregnancy test, baka buntis na po ako." Narinig kong sabi ni stefan. Napapikit ako at bahagyang namula dahil sa sinabi ng kaibigan.

Bumili ng isang box si stefan at hindi ko alam bakit ganoon karami ang binili niya. Bumalik kami kaagad sa university at hindi na nagpaligoy-ligoy na dumiritso sa banyo.

"Kailangan ba talaga nating gawin ito, stefan? Hindi nga kasi ako buntis." Mahina kong sabi at baka may makarinig pa saakin dito.

"Wala naman mawawala, kung susubukan natin, ivanna. And I want to make sure."

Pumikit ako nang mariin. Kung totoo nga ang sinabi niya..hindi ko na alam anong gagawin ko. Hindi ko kaya makita ang magiging reaksyon ni mama. Ang dami ko pang gustong gawin sa buhay bago ako makapagtapos sa kolehiyo ko.

Huminga ako nang malalim bago tumango at pumasok na sa loob ng banyo.

Sinunod ko ang nakasulat sa likod. Umupo ako at hinintay ang resulta. Mabilis naman akong napatayo at lumabas nang makitang isang guhit lang iyon.

Negative!

"See, negative, stefa—"naputol ang sinabi ko nang makitang unti-unting naging dalawang guhit iyon.

"Omygod!" Si stefan.

Hindi na ako nakagalaw sa nakita ko. Kahit isang salita ay walang lumabas. Nangingilid ang luha ko at umiling-iling dahil hindi ko paniniwalaan ito!

Impossible! Isang beses lang nangyari iyon. We only had one sex!

Hind ito totoo..paano..paano si mama? Paano na itong...tangina!

Si ares, alam kong hindi niya matatanggap ito, alam kong hindi pa siya handa. Lalo na ako, hindi ko pa kaya! kailanman, hindi ko pa nakikita ang sarili na maging ina sa idad kong ito!

"Let's try another one, stefan. Baka nagkamali lang ito. Akin na!" Mabilis na hinablot at kinuha ko ang ibang dala niya at sumubok muli. Baka nagkamali lang. Pero nadismaya lang ako dahil dalawang guhit parin ang nakikita ko.

"Stefan..hindi pwede..tangina!" hinilot ko ang sentido ko at hindi na alam anong gagawin ko. "Huwag mong sabihin kay ares ito.." mabilis ang bawat hinga ko. Pabalik-balik rin ang lakad ko at hindi na alam anong gagawin.

"Nababaliw kana ba, ivanna? Kailangan niya malaman ito! Tsaka, ginusto niya rin ang nangyari!" Nakita ko ang pag-alala sa mga mata ni stefan.

"Hindi ko kaya, stefan..hindi pa huli ang lahat para ilaglag ko ang batang ito. Hindi pa naman i—"

"Alam mo ba ang sinasabi mo, ivanna? Nahihibang kana ba?!" tumaas medjo ang boses niya at parang gusto na akong sakalin sa ayos niya ngayon.

Paano ang pag-aaral ko? Shit! Ang tanga mo kasi, ivanna! Hindi ka man lang nag-isip!

Hindi ko na napigilan ay humagulhol na ako. Kinagat ko ang labi ko at pilit alisin ang mga luha. Pero sobrang sikip na ng dibdib ko. Hindi ko kaya..

"Stefan..anong gagawin ko.."

"Hindi pwedeng ilihim natin ito kay, tita eva. Sa ayaw at gusto mo, sasabihin natin ang tungkol dito."

Umiling-iling ako.

"Please, no..huwag, stefan.."pagmamakaawa ko dito.

"Kung hindi mo kayang sabihin, pwes ako magsasabi. Tsaka, yang ares na yan, dapat niya rin malaman!"

"Stefan!" Hindi ko na napigilang tumaas ang boses ko.

"You can't stop me, ivanna. Alam mo iyon." Mariin na sabi niya.

Wala sa sariling lumabas ako mula sa banyo. Bumaba ang tingin ko. Hindi ko kayang isipin kung paano pag lumaki na lumubo na itong tiyan ko. B

Totoo nga ang sinabi ni carolina, malandi ako.

"Alam mo bang gusto kitang sabunutan ngayon, ivanna?" Huminto ito at hinarap ako. Alam kong nag-alala lang si stefan saakin. "Pasalamat ka at may dinadala ka diyan sa loob."

Kagaya ni stefan ay nahihirapan din ako. Halo-halo na ang iniisip ko. Paano pagnalaman ito ng lahat? hindi lang si stefan at ako. Ano nalang ang sasabihin nila saakin..ewan, hindi ko na alam.

Nasa loob ako ng kotse ni stefan. At ngayon. sasamahan niya akong harapin si mama tungkol sa pagbubuntis ko. Balisa at hindi ko alam anong unang sasabihin ko kay mama.

"Stefan, hindi ko talaga kaya.." sabi ko at tumingin sakanya.

"Hindi rin naman ako papayag na ilalaglag mo yang bata, ivanna!"

Kanina ko pa kinombense si stefan tungkol doon. Alam kong mali itong iniisip ko, pero wala na akong ibang dahilan. Tsaka, iyon nalang ang paraan para mawala ang takot ko.

"Ang tanga, tanga ko!"

"Buti alam mo." Inirapan niya ako. "Hindi parin ako makapaniwalang dala-dala mo ang anak ni ares!"

Kahit ako, hindi rin ako makapaniwala. Tsaka, wala akong balak na sabihin ang tungkol sa batang ito.

Nakarating kami sa bahay nang maaga. Hindi ako lumabas muna ng kotse, at sumulyap muli kay stefan habang nangangausap ang mga mata.

"Paano pag.." hindi ko na natuloy. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Kinagat ko ang labi ko at pilit na pinakalma ang sarili.

Alam kong magagalit si mama saakin, pero alam ko rin na hindi niya ako matitiis. Kung kaya kong buhayin ang batang mag-isa, kakayanin ko. At si ares..hindi ko alam pag nalaman niya nga ito sakali. Anong magiging reaksyon niya? Hindi ko alam. Sa itsura niyang iyon, alam kung parehas lang kami. May gusto rin kaming gawin bago gumawa ng pamilya. Hindi niya ito matatanggap. At baka nga, papayag siyag ipalaglag ko ang batang ito...

Kasalanan ko ito..