Chereads / Unveiled Love / Chapter 12 - Chapter 11

Chapter 12 - Chapter 11

"Hindi na po ako magdadala, mama." Sabi ko na tinutukoy ang pagdadala ng ulam.

"Bakit naman?"

"Bibili nalang po ako sa canteen." Palusot ko.

Hindi na nagtanong pa si mama. Nagpaalam narin ako at dumiritso na sa sakayan tungo university. Tahimik na tinahak ko ang university kahit ramdam ko naman ang kaba ko. Pakiramdam ko mahihimatay ako pagnakita ko siya ulit dito. Kahit ngayon, hindi parin nawala ang nagyari sa amin. Ramdam ko parin ang malambot niyang labi saakin. Umiling-iling ako at pilit alisin ang maruming iniisip. Hinding-hindi ko makakalimutan kung paano ko siya binigyan ng ungol nang gabing iyon, na kailanman ay hindi ko nagawa sa iba!

"Ivanna!"

Napahawak ako sa dibdib ko nang biglang sumulpot si stefan sa gilid ko.

"Bwisit ka! Ginulat mo'ko!

"Pakiramdam ko talaga, may nagiba sa'yo." Nailang naman ako kung paano niya ako pinagmasdan nang mabuti.

"Bakit, mas gumanda ba ako lalo?"

"Feeling mo! Btw, natapos mo na ba ang pinagawa ni sir jon?"

Kumunot ang noo ko.

"Anong pinagawa?"

"Gumawa raw tayo ng poem! Ayan, puro ka kasi ares, ares." Umikot ang mga mata niya.

Umirap ako. Napansin ko naman na hindi na siya nakatingin saakin, kung hindi sa likuran ko. Dahil narin sa kuryosidad ay tumingin rin ako kagaya niya.

Agad nataranta ako kung sinong lalaki ang papalapit dito.

"Halika na, stefan!" Sabi ko at mabilis na hinatak siya. "Magsisimula na ang klase natin!" Palusot ko.

Hindi ko pa siya kayang maharap ngayon. Ni hindi nga nawala ang usapan namin kagabi. Sobrang hiyang-hiya ako!

"I saw blood on my sheets."

Nakakahiya talaga! Hindi nawala sa isipan ko ang sinabi niya!

Hindi narin ako sumulyap kung nakasunod ba siya saamin o hindi. Ang gusto ko lang ngayon ay makawala muna sakanya. Agad nakahinga ako nang maluwag nang marating namin ang field.

"Alam mo, hindi ko na kayo maintindihan. Ano ba talaga ang meron? Iniiwasan mo ba si ares?" Sunod-sunod niyang tanong.

Kahit nahihingal ay sinubukan ko parin ibuka ang sarili kong bibig ko para sagutin ang mga tanong niya.

"Hindi, ah!"

"Akala ko ba papasok na tayo? Bakit andito tayo?" He paused and looked at me intently. "Tama nga ako, iniiwasan mo siya! Tsaka, alam kong hindi ka ganoon. Pagnakita mo lang si ares, didikit kana agad, pero ngayon.." hindi niya tinuloy at may panunuya ang mga tingin niya saakin.

"Wala nga!" Pagtanggol ko sa sarili ko.

Umupo na kami pareho. Hindi ko alam kung sasabihin ko kay stefan ang totoo. Pero matagal na kaming magkakilala at halos kapatid narin ang turingan namin sa isa't-isa. Maliban kay christian, alam rin ni stefan ang buong pagkatao ko.

Sa gilid ng mga mata ko alam kong nakatitig siya saakin at alam kong sa ganitong itsura ko hinintay niya akong magsalita ngayon. Kumawala ako nang malalim na hinga at malungkot ko siyang tinignan.

"Steffy.."

Kumunot ang noo niya at tinaasan ako ng kilay.

"Say it."

Sa ganito kasing itsura ko alam niya ng may tinatago ako.

"Binigay ko na."

Mabilis na bumalik ang ala-ala saakin noong gabing iyon. I can even heard my moaned!

Goodness!

Umiling-iling ako at pilit alisin ang ala-ala na iyon sa sarili.

"Anong binigay?" Nagtataka na tanong niya. "Ano bang binigay mo?" Dugtong niya ulit at parang atat na marinig ang sagot ko.

"Sarili ko." Simpleng sagot ko.

"Pakiulit?" Lumapit ito at pilit na inilapit ang tenga saakin na para bang hindi niya talaga narinig ang sinabi ko.

"Naisuko ko na nga ang bataan, stefan." Yumuko ako sa kahihiyan. Hindi siya nagsalita kaya umangat ang ulo ko para makita ang reaksyon nito. Nanlaki ang mga mata niya at ang mga kamay ay maarteng lumipad sa nakaawang niyang labi.

"Ano?! Kanino?! Saan? Kailan?!" Sunod na sunod niyang tanong.

Hindi ko alam kung sasabihin ko pa sakanya ang pangalan. Pero this is stefan, hindi ako tatantanan nito. Pumikit ako nang mariin bago minulat muli ang mga mata para tignan siya.

"Kay ares." Umiwas ako ng tingin.

Gulat na gulat parin ito.

"Ano?!"

"Paulit ulit ka naman, e!" Reklamo ko.

"Hindi ka naman nagbibiro, 'diba?"

"Sa tingin mo, nagbibiro itong mukha ko?" Sarkisto na sabi ko.

"Ivanna!" Tawag niya saakin at hinampas ako nang paulit-ulit. "Hindi ka nagiisip!"

"Aray! Huminahon ka nga." Diin at pabulong na sabi ko.

"Baliw kaba? Dahil sa nalaman ko galing sa'yo ay hindi ko na alam paano mananahimik. Goodness gracious!" Hinilot nito ang sentido niya at maarteng pinaypayan ang sarili.

"Stefan jude!" Tawag ko.

"Huwag mo nga akong tawagan sa pangalan ko!"

Pumikit ako at pilit na pakalmahin ang baklang nasa harapan ko ngayon. Sana pala hindi ko na sinabi. Huminga ako ng malalim at tumingin sakanya ulit.

"Kagabi kasi, tumawag siya saakin. Tapos lasing. Hinatid ko lang naman siya sa condo niya tapos hindi ko inasahan na may mangyayari saami—"  Agad naputol nang magsalita ito ulit.

"Eh tanga ka pala, ivanna! Alam mong lasing yung tao, pinatulan mo pa!" Sinabunot nito ang buhok niya.

"Alam ko.." I paused and looked at him. "I think..I like him, steffy..hindi ko ibibigay ang sarili ko sa tao, paghindi ko mahal at alam mo iyo—"

"Ang tanga mo talaga! Paano pag nabuntis ka?!" He cutted me.

Napasinghap ako sa sinabi ni steffy at mabilis na tinakpan ang bibig niya.

"Tumahimik ka nga!" tumingin ako sa paligid at laking pasalamat na malayo kami sa kanila, kaya possibleng maririnig nila kami rito. Inayos ko ang sarili ko at kinuha na ang kamay na nakatakip mula sa bibig niya.

"Huwag ka nga mag-isip nang kung ano-anu, stefan. Hindi iyon mangyayari. Tsaka, hindi ako mabubuntis." Mariin at siguradong-sigurado na pukol ko.

"Paano nga kung may nabuo?!"

"Hindi nga kasi, stefan. Tsaka, hindi ako pwedeng mabuntis. Marami pa akong dapat gawin pagkatapos ko rito!"

"Sana inisip mo 'yan bago ka naki—"

"Shh!" Tinakpan ko ulit ang bibig niya. Padabog na inalis niya naman ang kamay kong nakatakip sa bibig niya.

"Nababaliw kana talaga! Did you two talk already?""

Malungkot na tumingin ako at umiling-iling sa tanong niya.

"Goodness! Kaya ba iniiwasan mo yung tao?"

Dahan-dahan na tumango ako.

"Naku! Hindi ko alam ano itong pinasok mo, Ivanna!" Hinilot nito ang sentido at parang problemado talaga.

Hindi na ako nakipagtalo pa kay stefan. Kasi hindi ko rin alam anong gagawin ko. Ano naman ang pag-uusapan namin? Wala kaming pag-uusapan. Tsaka..hindi na yun big deal saakin ang nangyari. Nangyari na ang dapat mangyari at wala na akong magagawa doon.

Wala sa sariling nakinig ako sa discussion. Lumilipad lagi ang isipan ko sakanya. Minsan naman ay naririnig ko ang sariling ungol. Tangina!

Kailan ba ako titigilan nito?! Oo na! Masarap nga iyon kaya please naman, patahimikin mo na ako!

"Let's meet tomorrow. Dismissed." Si sir jon at nagpaalam na saamin.

Mabilis na tumayo ako. Kagaya ko ay tumayo na rin si stefan.

Napahinto kami pareho nang makita siya sa labas ng pinto na nakapamulsa na naghihintay.

"Grabe, hindi parin talaga ako makapaniwala..Malaki ba?" Binulong ni stefan ang huling salita. Mabilis ko naman itong siniko.

"Aray! Pero aminim n mo, masarap siya." Humalakhak ito malapit sa tenga ko.

Hindi ko na napigilan na hampasin ito sa rumi ng iniisip niya. Pero..masarap naman talaga. Shit! Ano ba itong pinagsasabi ko!

"Ivanna." Tawag niya saakin kaya napaayos ako ng tayo at nahihiyang sinulyapan siya.

"Magkita nalang tayo sa lobby." Si stefan. "Usap lang kayo, huh? Usap lang, ivanna." Mariin at may kahulugan na sabi nito.

Kahit kailan talaga ang baklang 'to!

"Bakit ka andito?" Tanong ko. Nataranta naman ako nang humakbang ito palapit saakin. Pakiramdam ko mawawalan ako ng malay dahil titig niyang ito.

"You're avoiding me." Hindi iyon tanong.

Umiling lang ako at hindi makakapa ng salita. Nanunuyo ang lalamunan ko.

"Iniiwasan mo ba ako?" Ulit niya.

Umiling ulit ako at pakiramdam ko mamamatay ako sa lakas ng tibok ng puso ko.

"Really? Then, why are you running away from me, huh?"

"Hindi nga kasi kita iniiwasan, ares!" Medyo tumaas ang boses ko. His jaw clenched.

"Really?"

"Oo nga sabi!"

"Then, let's go and eat our lunch together."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Pero..may gagawin ako!" Habol ko.

"I don't think you're telling the truth, ivanna. You're avoiding me and that's a fact." He smirked.

Biglang nairita naman ako.

"Pagkatapos kong kumain, may gagawin ako. Iyon ang ibig kong sabihin! Oo, yun dapat sasabihin ko!" Ngumuso ako at mabilis iniwas ang tingin.

Sa kauna-unahan ay nakita ko pag-angat ng labi niya. Hindi naman maproseso iyon sa isipan ko.

"You're really good at excuses, huh?"

"Halika na! Kung inakala mo iniiwasan kita, pwes hindi. Bakit naman kita iiwasan? Wala akong dahilan para iwasan ka!" Sabi ko at nilagpasan na siya.

At ngayon, pangiti-ngiti siya saakin!

Kung gusto niya kumain kami ng sabay, 'idi pagbibigyan ko! Iyon lang naman pala!