Chereads / Unveiled Love / Chapter 11 - Chapter 10

Chapter 11 - Chapter 10

Sa buong byahe walang tumatak sa isipan ko kung hindi ang nangyari kaninang madaling araw.

Hindi ko alam bakit hinayaan ko ang sarili kong ilagay sa ganoong sitwasyon.

Lasing siya nung may nangyari sainyo, ivanna. Sana nag-isip ka man lang!

"Tanga!"

Pagkarating ko sa bahay ay agad na sinalubong ako ni mama. Nagkasalubong ang mga kilay niya, at sa ayos niyang ito ay galit nga siya.

"Ivanna, nasaan ka nang galing kagabi? At bakit ngayon ka lang nakauwi?!"

"Ah...Sinundo po kasi ako ni stefan, mama!" Palusot ko.

"Huwag ka nga magsinungaling saakin. Tumawag ako kay stefan at sinabing hindi naman kayo magkasama!"

Pumikit ako at wala ng magawa kung hindi sabihin ang totoo.

"Nagkaproblema lang po kagabi, mama. Kaya sinundo ko si ares kagabi."

"Naku! Anong oras na iyon at lumabas kapa! Paano pag meron nangyari sa'yo, huh?"

"Mama, okay naman ako, eh. Tsaka, andito na nga ako, o."

Inirapan ako nito at pinalo ako sa braso. Napa-aray naman ako sa ginawa niya.

"Mama!" Reklamo ko.

"Sabihin mo nga saakin, anong meron sainyo ni ares na iyon?"

Hindi agad ako nakasagot. Kasi hindi ko naman talaga alam anong isasagot ko sa tanong niya.

"Naku, ivanna.."napahilot ito sa sentido at tumingin saakin. "Ayoko ng maulit pa ito. Pinag-alala mo ako."

Yumuko ako at niyakap ito sa likuran.

"Hindi na po mauulit, mama."

"Dinadaan mo pa talaga ako sa lambing mo. Oh sha, gisingin mo na ang kapatid mo at tulungan niyo ako rito. Panahinga ko muna si meneng dahil nagkasakit. Kawawa naman kung pagta-trabahuin ko pa rin rito."

Tumango ako. Laking pasalamat ko at walang pasok ngayon. Dahil hindi ko alam kung kaya kong pumasok sa araw na ito. Nawawalan ako ng gana at hindi alam anong gagawin ko.

Pumasok ako ng kwarto at agad na tumalon sa kama ko. Ngayon ko lang din naramdaman na sobrang magkaiba ang lambot ng kama ko kompara sakanya.

Nangyari ba talaga iyon, o nanaginip lang ako?

Ginawa ko na ang lahat para maalis iyon sa isipan ko, pero pakiramdam ko hindi ako papakawalan nito!

"Okay ka lang, ate?" Tanong bigla ni karius nang marinig ang mahinang mura ko.

"Oo, naman!." Agap ko kaagad.

Tumulong narin kami ni karius kay mama. Ito ang lagi namin ginagawa pag walang pasok, ang tumulong. Wala rin naman kaming ibang gagawin.

Kinuha ko ang cellphone ko at mabilis na hinanap ang pangalan ni stefan at nagtipad doon ng mensahe para sakanya.

"Sunduin mo'ko ng six pm dito sa bahay."

Agad na sinend ko iyon kay stefan at hindi na hinintay ang reply nito.

Naging abala kami ni mama at karius sa karenderya. Wala naman masyadong studyante at puro construction worker minsan ang pumunta sa ganitong araw.

"Hindi mo sinasabi saamin, eva, na ang ganda pala ng anak mo." Napatingin ako sa matandang nagsabi nun at ngumiti nalang.

"Nagmana lang saakin 'yan." Si mama.

Marami pumupuna saakin pero wala ako sa mood para sumabay sa tawanan nila. Tsaka, maghihintay pa ako ng tatlong oras para dumating si stefan dito sa bahay.

"Ate, kanina pa ring ng ring yung cellphone mo sa kwarto."Si karius.

"Baka si stefan yun." Sabi ko at umalis muna para kunin iyon.

Pagkapasok ko ay hindi na nga tumigil ang pagtunog. Lumapit ako at napasinghap nang makita ang pangalan niya doon. Kinabahan agad ako at hindi alam anong gagawin ko.

Anong sasabihin ko? Ni hindi ko pa nga kayang makita o makausap siya. Paniguradong wala akong makapa na salita pag nagkaharap na kami. Natatakot ako..hindi ko alam..

Nakahinga naman ako nang maluwag nang makitang tumigil na ang pagtawag niya. Dalawang mensahe rin ang natanggap ko galing sakanya.

"Where are you?"

"Answer my calls, Ivanna."

Siguro'y nagkasalubong na ang kilay niya. O paniguradong galit nga nga siya ngayon.

Gusto ko na siya..pero hindi ako sigurado kong gusto niya rin ako. Or maybe, he treats me like a friend.

"Hindi pa yan tapos kay lianna."

Biglang naalala ko ang sinabi ni stefan saakin.

Kinagat ko ang labi at pilit na pinatatag ang sariling damdamin.

Sa tagal kong paghihintay ay hindi nga ako binigo ni stefan at sinundo niya talaga ako. Ngumisi ako nang makita siya kahit labag sa damdamin ko ang ngumiti ngayon.

"Stefan!" Tawag ko at lumapit sakanya.

"Pasalamat ka at nasa mood akong pumunta ng bellca. Marami kang sasabihin saakin ngayon."

Nanlaki ang mga mata ko. Lumapit ito saakin at bumulong. "Nasaan ka kagabi at bakit tumawag saakin si tita eva?" Tinaasan ako ng kilay nito.

"Mamaya na sa bellca, magpapaliwanag ako." Sabi ko at unti-unting nawala ang kaba. Akala ko pa naman alam niya ang nangyari saamin ni ares.

Mabuti nalang talaga at pinayagan ako ni mama. Nga lang, alas dyes lang ang curfew ko sakanya ngayon dahil sa nangyari.

Hindi ko alam bakit pinili kong pumunta ng bellca. Siguro gusto ko lang kalimutan saglit ang nangyari. Hindi ko alam anong unang sasabihin ko pagnagkita kami.

"We had sex, ares, naalala mo?"

Mali, mali!

"Ares, sorry sa nangyari."

Shit! Mali talaga!

Nadismaya rin ako nang hindi na siya magtext saakin. Siguro ganoon na nga siya. Either two sentence or three are enough for him!

"Sabihin mo nga saakin, ivanna, anong meron sainyo ni ares?" Si stefan nang makaupo kami sa counter habang kumukuha ng inumin.

"Alam mo, tinanong na rin yan ni mama saakin kanina." Sabi ko. I sighed. "Hindi ko alam..friend?" Sagot ko.

Mabilis na nilagok ko ang tequila at pinares iyon ng chaser.

"Huwag mong sabihin saakin na magkatabi kayo natulog ni ares?!"

Hindi lang tulog ang nangyari..

Hindi ako kumibo sa tanong niya at pinili nalang inumin ang nasa harap ko. Paano ba mawala ko sa isipan iyon, kung ang isang 'to ay tanong ng tanong tungkol kay ares!

"Ewan ko ba, kung anak ka ni tito stephen o anak ni tito boy abunda, dami mong tanong." Umirap ako.

Hindi ko naman maiwasang matawa nang makita ko ang reaksyon nito. Laking pasalamat ko at hindi na nagtanong pa si stefan at busy na kay krish. Pumupunta lang naman ito para makipag landian sa bartender na ito.

Nagpaalam muna rin ako kay stefan para makihalubilo sa gitna. Hindi maiwasang sumiksik ako dahil sa rami ng tao rito. Tsaka, weekend ngayon kaya aasahang marami nga ang pumupunta rito.

"Ivanna, right?" Biglang tanong ng lalaki.

"Yes, and you are?"

"Ivanna."

Naestatwa ako sa boses na iyon. My heart pounded. Anong gagawin ko? Hindi ko alam! Nag-uunahan ang klase-klaseng mura sa isipan ko.

Mabilis niya akong hinatak paalis doon. Hindi ko pa makita ang itsura niya dahil nakatalikod ito saakin. Padabog na binatawan niya ako at hinarap.

Hindi ako makahanap ng salita. Tumitig siya saakin. This time..it was different. Nagkasalubong ang mga kilay nito habang paulit-ulit ang pagtiim bagang niya.

Gusto kong tumakbo, pero pakiramdam ko magugulat siya pag ginawa ko iyon!

"Bakit ka andito? At bakit nalaman mong andito ako?" Tanong ko at pilit na pinakalma ang sariling damdamin.

"And now you're asking me that." Diin na sabi nito. Sa itsura palang na pinakita niya ay alam kong galit nga siya.

"Kasi may bibig ako!"

He smirked.

"You're not answering my calls and texts, Ivanna." He looked so serious

Hindi matigil ang mabilis na pintig ng puso ko.

"May ginawa lang ako." Umiwas ako ng tingin.

"Yeah, right. Busy dancing with someone, while someone was worried about you, huh?"

Hindi siya nakatingin saakin habang sinasabi niya iyon, pero pagkatapos ng huling salita ay nag-angat siya muli ng tingin saakin. Umigting ang kanyang panga nang paulit-ulit. Gusto kong hawakan iyon para maramdaman.

Napasinghap ako sa sinabi niya. Umiwas ako ng tingin at hindi nakayanan ang paninitig nito.

"You left and didn't even care to wake me up, damn it!"

Napatalon ako nang tumaas ang boses nito, at sa huling salita na sinabi. Wala akong makapa na salita. Nakita ko kung paano niya pinikit ang mga mata nito at mukhang nahihirapan idugtong ang mga salita.

"I saw blood on my sheets."

Parang tumigil ang paghinga ko sa sinabi niya. Shit!

Ni hindi ko naalala iyon. Nakakahiya!

"Akin na at ako ang maglalaba nun!" Agap ko.

Hindi siya nagreak sa sinabi ko, pero pinagmasdan lang ako na parang laruan. Takot akong mabasa niya itong isipan ko.

"You were a virgin when I took you, Ivanna." There was no a hint of rumor in his tone.

Ngayon ay nakuha niya na ang atensyon ko sa sinabi niya. Nanginginig ako ngayon, hindi dahil sa lamig.

Ano naman ngayon, kung virgin pa ako. Ano naman iyon sakanya!

"Then be thankful!" Medyo napalakas ang boses.

"That's not what I meant, Ivanna—-"

"Umuwi kana." Putol ko at nilagpasan siya. Nanginginig rin ang labi ko. Hindi ko alam bakit gusto kong maiyak.

Bago niya pa mahablot ang braso ko ay iniwas ko na iyon.

"Ivan—

"Leave me alone, ares!"

Hindi na siya nagpumilit pa at hinayaan ako. Tinext ko narin si stefan dahil sa nangyari.

"Umuwi kana, stefan. Masama ang pakiramdam ko, kaya umuwi na ako."

Sinend ko agad iyon nang makapasok sa taxi.

"Ang hilig mo talagang mang-iwan!"

Iyon ang natanggap kong text galing kay stefan, pero hindi na ako nagreply pa.

May namumuong luha sa mga mata ko. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko.

Kung kailangan kong umiwas, iiwas ako. Hindi ko siya mabasa, at kahit kailan hindi ko mababasa kung ano ang nasa isipan niya!