Chereads / MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE / Chapter 21 - THE TWO NURSES

Chapter 21 - THE TWO NURSES

Sa halos isang oras na paglalaro nina Marble at ng ulyaning matanda sa bermuda grass sa labas ng bahay, sa wakas ay napagod ito at nagyayang pumasok sa loob.

"Akala ko ba 'di ka makatulog do'n?" usisa niya.

"Inaantok na po ako, Nanay. Halika na po," pangungulit nito saka siya hinila papasok sa loob ng bahay paakyat sa kwarto nito.

Minsan nagtataka talaga siya sa matandang 'to. Wala itong kilala roon maliban sa kanya pero alam na alam kung saan naroroon ang kwarto nito.

Pagkapasok sa loob ng kwarto'y bumungad sa kanila ang dalawang nurse na mahimbing na natutulog sa ibabaw ng kama.

Kunut-noong napatingin siya sa matanda. Kaya ba ayaw nitong matulog sa kama ay dahil alam nitong do'n din nagpakahilata ang dalawa nitong bantay? Kaya naman pala natatakasan ang mga ito'y mahimbing palang nagsisipagtulog samantalang gising na gising ang alaga ng dalawa.

Ang sarap naman pala ng buhay ng mga 'to.

Inilagay ng matanda ang isang daliri sa bibig nito.

"'Wag ka pong maingay, Nanay. Baka magalit sila sa'tin," bulong ng matanda sa kanya at dahan-dahan itong lumapit sa mahabang sofa saka doon nahiga.

"Halika Nanay, tabi po tayo," mahinang tawag sa kanya.

Lumapit naman siya at umupo sa paanan nito.

"Matulog ka na. Dito lang muna ako," utos niya rito.

Sumunod naman ito at agad na pumikit habang nakatagilid sa sofa.

Nakakaawa naman pala ang matanda. Imbes na do'n sa kama mahiga ay mas pinili nito sa mahabang sofa na 'yon.

Marahan niyang tinapik-tapik ang binti nito at pabulong na kinantahan ng lullaby na inaawit ng kanyang ina habang pinapatulog ang mga kapatid hanggang sa marinig niya itong humaharok.

Nang masegurong tulog na nga ito'y saka siya tumayo at naghanap ng kumot sa loob ng malaking kabinet. Merung manipis na kumot duon. Dalawa niyon ang kanyang kinuha at isang makapal na kumot din na kasya lang sa kanya ang lapad.

Pagbalik niya sa sofa ay kinumutan niya ang matanda saka tinanggal ang center table at duon siya sa sahig natulog, sa baba lang kung saan nakahilata ang matanda, ginawa niyang sapin ang makapal na kumot at itinakip sa katawan ang manipis na kumot.

Naramdaman niyang bumibigat ang kanyang mga talukap hanggang sa pumikit na ang kanyang mga mata.

Ang sarap talaga ng tulog niya lalo na't malamig ang loob ng kwartong 'yon kaya 'di niya naramdamang bumangon ang matanda at tumabi sa kanya ng higa. Pinagkasya nito ang maliit na espasyo saka tumalikod sa kanya pero magkadikit ang kanilang mga likuran.

*************

"Hoy gising! Gising!"

Naalimpungatan siya sa malakas na boses na 'yon ng isang babae.

Nilinis niya muna ang mga mata bago tapunan ng tingin ang nanggigising sa kanya.

"Ang sarap naman ng buhay mo. Alas otso na nang umaga pero natutulog ka pa rin?" nakapameywang na singhal sa kanya ng isang nurse.

Napabalikwas siya ng bangon. Alas otso na pala nang umaga?

"Sensya na," mahina niyang sambit saka tumayo agad at tinupi ang kanyang ginamit.

"Saan ko po ba pwedeng ilagay 'tong mga kumot?" tanong niya sa nanggising sa kanya.

"Bobo! Comforter 'yan. tsaka 'yang isang manipis, bedsheet 'yan," pagtatama nito, ininsulto pa siya.

"Ah gano'n ba?" an'ya, tiningnan ang mga dala.

'Di ba lahat ng tawag do'n eh mga kumot? Para namang inenglis lang ang kumot eh, iniba lang ang mga pangalan pero ang alam niya kumot pa rin mga 'yon. Bakit siya nito tatawaging bobo? Dahil lang sa hindi niya kilala sa English ang klase ng kumot na dala niya?

Napapailing na lang siyang nagtungo sa kabinet. Ibabalik sana sa pinagkuhanan ang mga 'yon.

"Oyy, 'wag mong ibalik do'n! Mamaya, may germs na 'yang ginamit mo, magkahawa-hawa do'n sa loob. Ilagay mo 'yan sa labahin," awat ng isa pang nurse na nag-aayos ng kamang pinaghigaan ng mga ito.

Napatingin siya sa ibabaw ng kama, do'n na natutulog ang matanda. Parang ang himbing ng tulog nito.

"Pero isang beses ko pa lang ginamit ang mga 'to. 'Di naman ata marurumihan agad," katwiran niya.

Lumapit ang nurse sa kanya at itinuro ang isang malaking basket ng mga labahin.

"FYI, kahit dampian mo lang 'yan ng kamay mo, madumi na 'yan. Ilagay mo sa labahin nang malabhan agad. 'Tsaka 'wag ka basta-basta gagamit ng kung ano-ano rito at sensitibo ang alaga namin. Mamaya magkasakit siya dahil sa ginagawa mo. Kami pa pahihirapan mo!" sita sa kanya, nagtataas-baba ang kilay habang pinadidilatan siya ng mga mata.

Muli niyang sinulyapan ang natutulog na matanda. Sensitibo ba talaga ito? Bakit nang ando'n sila sa Luneta di naman ito nagkasakit eh.

Nakatungo siyang sumunod at inilagay sa basket ang mga bitbit.

"Ang sabi pala nina Madam at Senyor. 'Pag tulog ang alaga namin, tumulong ka raw sa mga katulong maglinis sa labas ng bahay," malakas pa rin ang boses na wika ng nurse na nanggising sa kanya habang pinapagpag ng hawak nitong mga balahibo ng ibon ang ibabaw ng sofa.

"O baka naman itong hawak ko eh 'di mo rin alam kung ano? Tandaan mo ha, feather duster 'to. Pantanggal ng mga dust sa mga ibabaw ng sofa, ng tv at kung ano-ano pa. Mamaya gamitin mo 'to kung saan-saan lang!" panunuya nito.

Tumango lang siya. Balahibo din 'yan ng ibon, inenglis lang na naman nito.

'Makaalis na nga!' maktol ng isip niya.

Sinulyapan na uli niya ang tulog na matanda bago lumabas ng kwarto.

Tuluy-tuloy siya sa hagdanan hanggang sa makababa sa unang palapag ng bahay.

Pinagmasdan niya munang mabuti ang buong paligid. Sa tatlong pintong nakikita ay 'di niya alam kung saan duon ang papunta sa kusina. O ayun kayang kanto paliko? Initry niya ang bandang kaliwa paliko pero wala siang pintong nakita.

Naglakad pa siya paunahan subalit liban sa maluwang na swimming pool ay wala na siyang napansin sa pasilyong sinusog kaya't tumalikod na siya at bumalik papasok ng bahay.

Eksakto namang nasa swimming pool si Vendrick at naliligo nang maramdaman nitong may naglalakad palapit dito kaya agad itong umahon sa tubig, nahabol pa nito ang pagtalikod niya at biglang pagpihit papasok na uli ng sala.

Napakunot ang noo ng binata nang sa pagtingin nito sa kinaruruunan niya'y pamilyar niyang mukha ang agad na rumihestro sa paningin nito.

"Did I see a ghost? Bakit parang nakita ko ang bampirang 'yon sa loob ng bahay?" tanong nito sa sarili.

"That's impossible." Pero nang maalalang nasa manila na pala siya ay nagmadali itong umakyat sa hagdanan at agad hinablot sa upuan ang tuwalya saka ipinangtapis sa beywang pababa at nagmamadali siyang hinabol.

Ngunit nakapasok na siya sa loob ng kusina nang makarating ito sa sala.