Hindi talaga niya maunawaan kung bakit kailangang paupuin sa wheelchair ang matanda habang pababa sila sa ground floor gamit ang private elevator ng bahay, eh marunong namang bumaba mag-isa sa hagdanan at alam din kung saan ang kusina.
Tulad ngayon, nakasunod lang sila ng among babae habang ito'y masayang pumasok sa kusina.
"Good day Senyor!" bati ni Manang Viloa pagkapasok ng matanda sa loob ng kusina.
"Good day Viola," sagot nito na ikinagulat ng mayordoma at ng manugang na nauna sa kanyang pumasok ng kusina at agad na humarap sa byenang lalaki.
"What did you say?" humihingal nitong tanong sa matanda.
Takang pinaglipat-lipat niya ang tingin sa tatlo. Ano ba'ng merun bakit nagulat ang mga 'to?
"Manang talk to him. Just talk to him," utos ng ginang.
Sumunod naman ang inutusan.
"What do you want to eat for lunch Senyor?"
Lumingon ang matanda sa kanya.
"Nanay, halika nga po, ako ba ang kinakausap niyang matanda?" senyas nito sa kanya.
Nanlulumong napatingin ang among babae sa kanya.
Lumapit siya rito at pinaupo ito sa isang silya paharap sa mesa.
"Dapat kumain ka ng gulay ngayon ha para lumakas ka agad nang makapaglaro uli tayo sa labas mamaya," bilin niya rito.
Tumango naman ito.
"Ah, Marble. Keep talking to her as if he's just your kid. Tsaka bukas pala ibibili kita ng mga damit para may maisuot ka. What do you prefer, fitted blouses or just like what you're wearing now?" anang amo sa kanya habang nakaupo na rin sa harap ng mesa at naghihintay ng pagkain.
Sandali siyang natameme sa sinabi nito, sa abot ng makakaya ay inunawa ang sinabi nitong English.
"'Y--yong katulad na lang po sa mga suot ko ngayon, Madam. Ayuko po ng masisikip sakin," sagot niya pagkuwan.
Muli itong napangiti sa kanya.
"Okay. After mo pakainin si Papa, ibalik mo siya sa taas ha kasi paiinumin siya ng gamot ng kanyang mga nurse," paalala nito.
Tumango siya.
************
Kung tulala si Gab habang nag-i-skating, mas ata si Vendrick. Hindi niya makalimutan ang nakita kanina pag-angat niya ng ulo sa tubig. 'Yong bampira talaga ang kanyang nakita.
Anong nangyayari sa kanya? Mangkukulam ba ang bampirang yun at pagkatapos na gayumahin si Gab ay siya naman ang pinagtuunan ng pansin dahil nga nagalit ito sa kanya? Balak din siyang gayumahin?
"Hey, Drick!" tawag ni Chelsea sa kanyang likuran sabay hawak sa kanyang balikat. Kung sinadya man itong itulak siya o hindi ay di niya alam basta nakita na lang niya ang sariling na-out balance at nahila niya ang kamay nito kaya dalawa silang bumagsak sa skating rink.
Subalit kahit wala siya sa sarili ay nagawa pa rin niyang protektahan ang dalaga at ang huli niyang nakita ay nakapatong na ito sa kanya, titig na titig.
"Drick--" usal nito sa kanyang pangalan.
Nalito siya bigla at bahagya itong itinulak saka nagmamadaling tumayo.
What happened to him? 'Yon ang gusto niya noon, 'yong mayakap man lang niya si Chelsea, 'yong mailapit man lang ang mga labi sa mga labi nito. Pero bakit iba ang naramdaman niya kanina?
Inilamukos niya ang kamay sa mukha.
"Dude! What happened?" nag-aalalang usisa ni Gab saka inalalayan si Chelsea na makatayo.
"Drick, what's happening?" nalilito ring usisa ng dalaga sa kanya.
Umiling siya.
"I don't know," lutang pa rin niyang sagot. "I don't know, really."
"Maybe we should go home," suhestyon ni Gab.
"What?" ani Chelsea. "Ilang oras pa lang tayo rito Gab. Kahit mamaya na tayo umuwi ng 4. 2pm pa lang oh. Sayang lang ang ibinayad natin for 8 hours," tutol ni Chelsea saka umabrasete sa kanya.
"Drick are you alright?" usisa nito.
Nasapo niya ang noo kahit 'di naman 'yon masakit at dahan-dahang tinanggal ang kamay ng kababata sa pagkakakapit sa braso niya.
"I think we should go home. Do'n na lang tayo kina Gab mag-stay," sagot niya.
"Your house is pretty much better than ours. Mag-swimming na lang tayo sa pool niyo," ani Gab at nauna nang lumabas sa playground.
Si Chelsea naman ay muling humawak sa braso niya.
"Do you need a massage? I can do it for you," nag-aalala pa ring sambit ng dalaga.
"No," tipid niyang sagot.
Hindi na din ito nangulit. Hinayaan na lang siyang walang kibo hanggang sa makauwi sila
**************
Dahil naghihinala si Marble sa ginagawa ng dalawang nurse sa matanda ay hindi na niya iniwan ang huli nung ibalik niya sa kwarto nito. Kunwari'y abala siya sa pagpapagpag ng ibabaw ng center table gamit ang feather duster pero ang kanyang mata ay nakatingin sa ibinigay na gamot ng isang nurse sa matanda. Dalawa ang gamot na ipinainom nito sa kanya. Nakita din niya kung saan inilagay ng gamot na 'yon.
Mamaya 'pag nakatulog ang mga ito, titignan niya kung ano'ng klaseng gamot ang ipinapainom ng dalawa sa matanda, bakit simula nang magising siya kanina'y naging matakaw na sa tulog ang kanyang anak na tila buntis, inaantok lagi.
"Bakit 'di ka pa lumalabas ng kwarto? Tulog na si Senyor ah," sita sa kanya ng nurse na nanggising sa kanya kanina.
Napangisi siya, ngumiwi naman ang mga ito pagkakita sa mahahaba niyang pangil.
"Nagpaalam po ako kay Madam na dito muna magpapahinga. Aanatayin ko na lang magising si Senyor," sagot niya.
"Anong aantaying magising?" salubong ang kilay na sagot ng isa pang nurse.
"Kilala na namin si Senyor. Mamaya pa to magigising pag oras na ng hapunan niya," singhal nito sa kanya.
"Ha?" Nagulat na naman siya. Ibig sabihin, saka lang ito gigising pag oras na ng pagkain nito? Parang hindi naman din na tama yun. Wala namang sakit ang matanda maliban sa pagiging ulyanin nito.
"Ano pang hinihintay mo, alis na! Kami nang bahala rito kundi isusumbong kita kay Madam, ayaw mong tumulong kay Manang Viola sa kusina," sigaw sa kanya ng matapang na nurse.
Wala siyang nagawa kundi sumunod sa dalawa.
Pagkalabas lang ng pinto ay narinig niya ang pagclick galing sa loob. Nang try niyang buksan uli ang pinto, naka-lock na iyon.
Gigil na gigil siya sa dalawa. Ano'ng gagawin niya? Mamaya eh kung ano'ng gawin ng mga ito sa matanda. Nag-aalala tuloy siya para sa huli. Sinuyod niya ng tingin ang mga saradong pintong kahilira sa kwarto ng matanda, Bale pang-apat ang kwartong nilabasan niya at malapit yun sa balkunahe. Ano kayang meron sa balkunahe na 'yon? Meron kayang daanan do'n papunta sa bintana ng kwarto ng matanda? Pero wala naman siyamg nakitang bintana sa loob maliban sa maliit na pasingawan sa loob ng banyo.
Muli niyang pinihit ang pinto ng kwarto, nakalock pa rin 'yon.
Isip-isip, anong gagawin niya? Lumapit siya sa barandilya ng hallway kung may makikita siyang pwedeng tumulong sa kanya doon.
Laking tuwa niya nang may makita siyang lalaki, kasing edad lang marahil niya, at iwan kung anong nagtulak rito para tumingala sa dako niya.
Nagkatitigan sila, napangiti siya, napanganga naman ito parang 'di makapaniwala sa nakikita.
Katulong din ba ang binata sa bahay na 'yon?
Parang ang gwapo naman atang katulong.
Pero bahala na, baka matulungan siya nito sa kanyang problema.
"Pssst!' tawag niya saka kinawayan itong magpunta sa kanya.
Mabilis itong sumunod at inilang hakbang lang ang ilang baitang ng hagdanan paakyat sa ikatlong palapag kung saan siya naroroon.