Chereads / MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE / Chapter 27 - STRANGE FEELINGS

Chapter 27 - STRANGE FEELINGS

Hindi nakatulog nang maayos si Vendrick nang umagang 'yon kaya alas singko pa lang nagja-jogging na siya sa palibot ng malaki at maluwang nilang bahay.

Nagpahinga lang siya nang halos kalahating oras saka siya lumusong sa pool gamit ang paboritong swimming trunk.

Nakakailang langoy pa lang siya sa malalim na swimming pool nang makaramdam ng pagod saka niya iniangat ang ulo at hinayaan munang lumutang ang katawan sa ibabaw ng tubig nang mapansin niya ang dalawang tao sa may balkunahe kung saan niya nakita si Gab kahapon.

Ang tindi ng kaibigan niya. Umagang umaga andito na agad ito saka kanila? Parang kasinglapit lang ang bahay nito sa bahay nina Chelsea pero in reality, sampung minuto ang layo ng bahay nito sa kanila pag walang traffic, pag matraffic eh umaabot ng kalahating oras ang biyahe makarating lang ito sa kanila.

Pero hindi iyon ang umagaw ng kanyang atensyon kundi yung nakaputing damit na humampas sa braso nito.

Sino 'yon? Wala naman silang bisita ngayon. Tsaka wala siyang kilalang taong kasing payat ng kausap nito ngayon sa loob ng bahay nila maliban do'n sa taong grasang isinama ng kanyang Lolo pauwi kahapon.

Umawang ang kanyang bibig at pinagmasdang mabuti ang kasama ni Gab hanggang 'di siya makuntento't nagmamadaling umahon sa tubig at hinila agad ang tuwalyang nakasampay sa bakal na silya saka itinapis iyon at patakbong lumapit sa may balkunahe upang tignang mabuti ang mukha ng kausap ni Gab.

Hindi niya alam kung bakit biglang bumilis ng tibok ng kanyang dibdib. Sa isang tao niya lang nararamdaman to. Sa bampira lang na 'yon.

Lalong bumilis ang tibok ng kanyang dibdib nang marinig ang tawa nito pero 'di niya ga'nong makita ang itsura ng huli.

Ang urge na makita ang mukha ng taong grasang iyon, mas matindi pa 'yon kesa sa gusto niyang makita ang mukha ni Chelsea.

Tinakbo na niya ang daan papasok sa loob ng bahay at nang harapang makita ang babae sa hagdanan kasama ni Gab at panay ang hagikhik, parang tumigil sa pag-inog ang mundo sa kanya, lalo na no'ng magkatitigan sila at makita niya ang mahahaba nitong mga pangil, patunay na ito nga 'yong bampirang nagnakaw ng kanyang first kiss.

Hindi niya maipaliwanag ang kabang nararamdaman nang mga sandaling 'yon. Parang gusto niya itong yakapin na gusto niya uling hagkan na gusto niyang itago mula sa paningin ni Gab.

'Damn!' Ano ba'ng iniisip niya?

Pinigalitan niya ang sarili at pinilit na pagsalubungin ang mga kilay upang makita nitong galit siya.

At talagang nakaramdam siya ng galit nang makitang nakahawak ito sa balikat ni Gab.

'Vendrick! What are you thinking dammit. She's an ugly vampire! Stop staring at her!' sigaw niya sa sarili.

Ngunit 'di niya mapigilan 'yon, kung hindi lumingon si Gab at nagkatitigan sila, 'di niya seguro ilalayo ang mga mata sa mukhang bampirang kasama ng kaibigan.

"Drick!" tawag ni Gab.

Nakailang lunok muna siya ng sariling laway bago nagkaruon ng lakas na magsali

***********

"Hey, Dude. Are you alright?" takang usisa ni Gab kay Marble nang mapansin nitong 'di siya kumukurap sa kakatitig sa kung sino.

"Hey!"

Do'n lang siya tila natauhan at tumingin sa binata saka muling tumingin sa apo ng matandang galit na nakatitig sa kanya.

Takang lumingon si Gab at nakita kung kanino siya nakatingin.

"Vendrick?" bulong nito.

Vendrick pala ang pangalan ng bastos na 'yon, kasing tunog pa man din ng kanyang crush na si Aldrick. Pwede bang baguhin na lang nito ang pangalan para sa kanya?

"Drick!" malakas na tawag ng kasama sa binatang nakatingala pa rin sa kanya, maya-maya'y nakatingin na sa kaibigan nito.

"Bakit 'di mo sinabing andito pala siya sa inyo?" nagtatampong wika ni Gab saka bumaba ng hagdanan at lumapit sa lalaki.

Siya nama'y napakapit sa Barandilya ng hagdanan at dahan-dahang bumaba.

Sana hindi na siya mapansin ng lalaki. Sana hindi na nga siya nito mapansin.

Nangangatog ang tuhod na dahan-dahan siyang naglakad papunta sa kusina.

"H-honestly, I didn't know it was him. I only saw him just now," tila nahihirapang magsalita ng bastos na 'yon.

'Di niya maiwasang magtaka. Bakit "him" ang tawag nito sa kanya? At bakit gano'n ang tanong ni Gab dito kanina? Nalilito siya pero hindi 'yon ang mahalaga ngayon. Ang pinakamahalaga ngayon ay makalayo siya sa dalawa, mamaya magbago ang isip ng lalaki at palayasin siya bigla.

Ingat na ingat siyang nagpatuloy sa paglalakad palayo sa dalawa.

"Wait tol!"

Pero sa malas niya, kung kelan malapit na siya sa pinto ng kusina ay saka naman siya tinawag ni Gab.

Wala siyang nagawa kundi pumihit paharap sa binata at tikom ang bibig na tumingin rito.

"What's your name by the way?"

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawang sa kanya nakatitig at tila kapwa naghihintay ng kanyang isasagot.

"M--Mar--" nauutal niyang sagot, hindi pa natapos kasi tinawag siya ng kababayan sa labas ng kusina.

Agad siyang napaharap sa katulong.

"Halika na. Kanina ka pa namin hinihintay!" tawag ni Lorie.

"Good morning po Senyorito, Sir Gab," bati nito sa dalawa.

*************

"So, he's Mar," nangingiting baling ni Gab kay Vendrick.

Napakamot naman si Vendrick sa batok.

"Kanina ka pa ba dito?" pag-iiba niya ng usapan.

"Medyo. Pinuntahan ko si lolo pero tulog pa siya," ang lapad ng ngiti nito saka siya inakbayan.

"You know what, hindi ako nakatulog kagabi kakaisip kay Mar, Dude," kumpisal nito.

Takang napatingin siya rito.

"Ngayon mo lang siya nakita, right?" kunut-noo niyang tanong.

Hindi ito sumagot. Sa halip ay iginiya siya pabalik sa swimming pool.

"Parang gusto kong magbabad sa tubig 'tol. Lika ligo tayo. Maligo ka uli," yaya nito.

Hindi siya sumagot pero sumunod siya rito.

Agad itong lumundag sa tubig nang marating nila ang pool, ilang beses na lumangoy saka tatawa, tulad ng ginawa nito kahapon. Ibig sabihin kahapon pa nito nakita ang pangit na yun pero di nito sinabi sa kanya.

"Hey, Drick! Come down. Magpaligsahan tayo sa paglangoy," nakangiti nitong tawag sa kanya saka lumangoy pabalik sa gilid ng pool kung saan siya nakatayo.

Tinanggal niya ang tapis na tuwalya at pinatulan ang sinabi nito.

"Okay, game. 'Pag nanalo ako, anong magiging prize ko?" kaswal niyang tanong.

"'Pag nanalo ako Dude, ilakad mo ako kay Mar,"

biro nito habang nakalutang lang ang ulo sa tubig at nakatingala sa kanya.

"'Pag natalo ka, 'wag kang lalapit na sa kanya," an'ya saka nagdive sa tubig at mabilis na lumangoy papunta sa kabilang dulo.

Kumunut ang noo ng kaibigan at hinabol siya.

"What did you say?" tanong uli nito.

Pabiro niya itong sinabuyan ng tubig. Pero gusto lang niyang ilabas ang kung ano'ng nasa loob ng kanyang dibdib na 'di niya maunawaan.

"Dude, ano na? Start na tayo. 5 times na pabalik sa starting point. 'Pag nanalo ako, ilakad mo ako kay Mar ha?" anang kaibigan.

Hindi siya sumagot pero nagbilang siya ng "One, two, three go!" at do'n ibinuhos ang lahat ng inis na nararamdaman, inis para kay Gab kasi kahapon pa pala nito nakita ang bampirang 'yon pero 'di man lang nito sinabi sa kanya, sa payatot na 'yon kasi ninakaw nito ang kanyang first kiss at ngayon ay nakatira na pala sa mismong bahay nila nang wala siyang kaalam-alam, at sa sarili niya, higit sa sarili niya dahil hindi niya alam kung bakit gustong gusto niya itong yakapin ngayon at halikan sa kabila ng katotohanang pangit ito sa tunay na kahulugan no'n.

Ilang beses siyang nagpabalik balik sa bawat dulo ng swimming pool na kung pwede nga lang ay 'di na siya umahon mula sa tubig at gano'n na lang lagi ang gawin niya mailabas niya lang ang inis sa dibdib.

"Ang hirap mo talagang talunin."

Narinig niyang wika ni Gab pero sige pa rin siya sa paglangoy na tila walang kapaguran sa ginagawa hanggang sa maramdaman ni Gab na 'di na tama ang ginagawa niya.

"Drick! Hey Drick! Stop it!" tawag nito mula sa taas.

Narinig niya 'yon pero 'di niya pinansin.

"Vendrick! Stop it!" sigaw na nito.

Eksakto namang nakaabot na siya sa kinaroroonan nito kaya tumalon uli ito sa tubig at pinigilan na siya.

"Don't touch me!" pagalit niyang sigaw at hinampas ng palad ang ibabaw ng tubig kaya nabitawan siya nito at inihilamos ang kamay sa mukhang nasabuyan ng tubig sa ginawa niya.

Mabilis siyang umahon sa tubig at walang sabi-sabing hinila ang tuwalyang ginamit kanina saka iniwan ang kaibigang puno ng pagtataka sa naging asal niya.