Chapter 25 - WITH GAB

Napakunut-noo siya sa naging reaksyon ng binata nang magkaharap sila, namumula ang pisngi nito na nakabuka pa rin ang bibig habang tila naniningkit ang mga mata sa saya at 'di inaalis ang titig sa kanya.

Napatitig na rin tuloy siya rito.

Makinis ang mukha nitong namumula at matangos ang ilong at tila lagi nang nakangiti ang mg mata sa tao lalo na ngayon. Kasingtangkad lang seguro ito ng bastos na binatang nagnakaw ng kanyang halik, pero mas maamo ang mukha nito kesa sa maskuladong mukha ng bastos na 'yon.

Bagay dito ang gupit ng buhok na medyo mahaba sa harap at may hawi sa gitna.

"Hi!" ang tamis ng ngiti nito sa kanya na para bang balewala ang kanyang itsura, parang 'di man lang ito nandidiri sa madami at malalaki niyang pimples sa mukha.

Ngumisi siya para ipakita ang mahahaba niyang pangil pero sa halip na matakot ay napahalakhak pa ito sa tuwa.

Nalito tuloy siya at lukot ang noong tumitig rito. Baliw ba ang lalaking ito? O sadyang 'di lang ito mapanghusga ng kapwa?

"Katulong ka rin ba dito?" tanong niya.

"What?" Mahina itong tumawa sa sinabi niya.

"Kabisado mo ba ang bahay na 'to? Halika tulungan mo akong makapasok sa kwarto ng anak ko," hinawakan niya ito sa kamay at hinila papunta sa may balkunahe.

"Anak mo?" takang balik-tanong nito.

Paliko na sila sa balkunahe nang marinig niya ang boses ng anak ng kanyang mga amo.

"Hey, somebody out there?"

Nahila niya agad ang kamay ng binata palayo sa pinto nang di sila makita ng tumatawag.

"Sssshhhh, 'wag kang maingay. Hindi alam ng bastos na yun na andito ako sa bahay niya. Secret lang natin 'to," anya sa kasama sabay dikit ng daliri niya sa bibig nito na ikinatuwa pa nito lalo.

"You know--Ahmmm, kilala mo ang binatang 'yon?" usisa nito nang tanggalin niya ang daliri sa bibig nito at hilain na uli ito papunta sa gilid ng balkunahe.

"Oo, bastos ang giatay na yun. Kaya 'di ako nagpapakita ruon mula nang mapunta ako rito," sagot niya at tiningnan sa gilid kung may daanan siya papunta sa likod ng kwarto ng matanda.

'Di niya kita ang amused na titig ng binata sa kanya.

"Ikaw ba 'yong sinasabi nilang kasama ni Lo-- ni Senyor kahapon?" usisa na uli nito.

"Oo. Ako nga," an'ya saka lang humarap uli sa binata.

"Matagal ka na bang katulong rito? May alam ka bang daan papunta sa kwarto ng anak ko?" tanong niya.

"Sino'ng anak?" maang nitong tanong.

"'Yong matanda. Anak ang tawag ko do'n. Napagkamalan kasi niya akong Nanay niya, ulyanin na pala 'yon. Kailangan kong makapasok sa loob ng kwarto nang 'di nalalaman ng dalawang nurse," kwento niya.

"Ha? Bakit?" sumeryoso na ang mukha nito.

"Alam mo, nagtataka talaga ako kung bakit buong araw na tulog ang matanda samantalang nung andun kami sa Luneta eh isang beses lang kaming matulog, sa gabi lang. Dito lagi siyang natutulog, saka lang nagigising pag oras na ng pagkain niya," sumbong niya rito.

"Pero 'wag mong sasabihin sa kahit kanino ha? Lalo na sa mga amo natin baka mali lang ang hinala ko at mapalayas ako rito," bilin niya rito.

Humalukipkip ito't nagsalubong ang dalawang kilay.

"Bakit, ano bang hinala mo?"

Lumingon muna siya sa paligid baka may tao.

"Ang hula ko, may ipinapainom yung dalawang 'yon sa matanda para lagi itong makatulog nang 'di tumakas. Pero 'di rin naman din tama 'yon 'di ba? Kailangan din kasi ng anak ko ang maglakad lakad para mapanatiling maging malakas ang katawan niya. Mamaya rumupok ang mga buto ng anak ko tapos tuluyang 'di makalakad sa ginagawa nila, kawawa naman 'yong matanda 'di ba?" paliwanag niya.

Nagulat siya sa binata nang bigla siyang hilain palapit sa gilid pa ng balkunahe at isandig sa dingding.

"Gab, ano ba'ng ginagawa mo d'yan? Halika na rito!" tawag ng nasa baba ng bahay sa binata.

Gulat na napatingin siya sa binata, tinitigan itong mabuti, saka lang niya naalalang magkasama pala ang dalawang bumili ng buko juice noon. Ito 'yong tinatawag ng mga kasamang si Gab.

"Hindi ka katulong rito?" bulalas niya.

"Sssshhhh..." saway nito saka idinikit ang isang daliri sa bibig niya.

"I'm sorry that I didn't clarify things before. Pero I promise, secret lang natin 'yong sinabi mo sa'kin ngayon. Gagawa ako ng paraan para makapasok tayo sa kwarto nang 'di nalalaman ng dalawang nurse," anito sa kanya.

"Hey, Gab. Who are you talking with?" aburido nang tanong ni Vendrick.

"Ano'ng oras ka walang trabaho rito?" tanong ng binata sa kanya habang nakadikit pa rin ang daliri sa bibig niya.

Ngunit nang maalalang 'di siya makapagsalita sa ginawa nito'y natatawa nitong inalis ang daliri sa kanyang bibig.

"'Di ko alam. Kahapon lang ako nagpunta rito. Ayukong magpahinga. Gusto kong magtrabaho lagi para 'di nila ako paalisin dito," sagot niya.

"I'm Gab. Remember my name. Gab," sambit nito saka siya uli hinawakan sa kamay at tinakpan habang papasok sa loob ng bahay nang di makita ni Vendrick.

**************

Hindi na inalis ni Vendrick ang tingin sa kaibigang si Gab mula nang bumaba ito galing sa ikatlong palapag ng bahay at sumunod sa kanya sa may swimming pool.

Tumatawa itong mag-isa saka lalangoy mula sa kinaruruunan niya hanggang sa dulo ng pool.

Takang pinagmasdan niya ang kinaroroonan nitong balkunahe kanina. Imposible namang nakakita ito ng multo duon kung ganun kalutong ang halakhak nito.

"Hey, Dude! Okay ka na?" usisa nito sa kanya nang lumngoy ito pabalik.

"Yes, why? Ikaw okay ka lang," confused niyang tanong.

"Of course, yes!" tumawa na uli ito.

"Bukas pala, okay lang kung dito na ako kakain sa inyo?"

"Yeah! But why that face all of a sudden? parang nabunutan ka ng tinik ngayon ah," 'di niya mapigil ang sariling mag-usisa rito.

"Ayaw mo ba no'n, masaya na uli ako," mahina itong tumawa saka siya sinabuyan ng tubig sa mukha.

"Drick! I think pinupulikat ako! 'Di ko maigalaw ang paa ko!" malakas na tawag ni Chelsea sa kanya sa gitna ng pool.

Nag-unahan silang lumangoy ni Gab papunta sa kinaruruonan ng dalaga.

Nauna nga lang siyang rumesponde sa huli at hinawakan ito sa beywang saka dinala sa gilid ng pool. Si Gab nama'y umahon agad sa tubig at hinila ang dalaga para makaupo sa ibabaw ng tiles na sahig.

Umahon na rin siya agad at hinilot ang pinupulikat nitong binti nang aksidenteng mapasulyap siya sa balkunaheng kinatatayuan ni Gab kanina.

In a blink of an eye, nakita niya yung itsura ng bampirang yun na nakatingin sa kanila. Pero 'di niya 'yon pinansin.

"Wait!" sambit niya, ilang segundo ang lumipas saka muling sumulyap sa bandang yun ng bahay pero wala na siyang nakitang anino man lang ng tao.

"Why Drick?" usisa ni Chelsea.

"No, nothing," sagot niya.

Baka namamalikmata lang siya kasi kanina pa niya iniisip ang pangit na 'yon.

"Here, Drick." ani Chelsea at hinawakan ang kanyang kamay saka hinila sa itaas na parte ng binti nito kung saan daw masakit.

"Dito ba?" tanong niya, pakaswal lang.

"Yup, touch it gently baka lalong sumakit," anito saka napahawak sa balikat niya nung hinihilot na niya ang parteng 'yon subalit wala namang ekspresyon ang mukha, nakatitig lang sa kanya.

"There, okay na," sambit niya saka tumayo at kinuha ang tuwalyang nakapatong sa bakanteng silyang gawa sa bakal sa harap ng isang mesa at itinapis sa katawan.

Tumayo na rin si Gab at sabay pa silang napatingin sa balkunahe, confused ang mga titig niya samantalang ang tamis naman ng ngiti ng kaibigan.