Chereads / MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE / Chapter 19 - NEW HOME, NEW LIFE

Chapter 19 - NEW HOME, NEW LIFE

"Wow!" bulalas niya nang pagbukas ng pinto ay bumungad agad sa kanya ang maluwang na silid ng matanda, doble ang laki sa kanilang bahay at sa kanang bahagi niyon ay naroon ang isang maluwang na kama, nakadikit sa may dingding ng kwarto.

Sa tapat ng kama sa dingding din ay nakadikit duon ang isang divider kung saan nakapatong sa gitna ang isang malapad na flat screen na tv at sa mga gilid niyo'y mga picture frames ng matanda at asawa nito. Sa harap niyon ay ang dalawang single sofa at salaming center table saka sa tapat niyon sa bandang gilid ay mahabang sofa na pinatungan ng maliliit na mga unan na may iba't ibang kulay ng punda, dark blue, red at maroon ang kulay mga mga 'yon.

Sa malapit sa sofa ay naroon ang mataas na ref.

May isang daan papasok sa unahan pa ng kwarto.

Tumakbo siya papunta roon.

Sa magkabilaang bahagi ay nakita niya maraming pinto ng kabinet, magkatapatan ang mga kabinet na yun pero di na siya nangialam run at unang binuksan ang isang pinto sa gitna. Banyo pala 'yon. Malawak ding banyo.

May maliit na parang swimming pool, kwadrado 'yon pero walang lamang tubig.

At sa may bandang gilid ng pinto ay naroon ang toilet bowl.

Isang dipa ang layo roon ay meron namang napapalibutan ng malabong salamin. Nang pumasok siya sa loob ay nakita niya ang mataas na gripo, lampas tao.

Lumabas siya agad sa kwadradong kwartong yun at pinagsawaan munang pagmasdan ang malaking banyo bago lumabas doon.

Nakita niya ang matandang hinuhubaran ng damit ng dalawang nurse at sinuotan ng isang tuwalyang may mahahabang manggas saka binuhol ang dalawang tali sa gitna ng t'yan ng matanda.

'Di sinasadyang mapatingin siya sa dalawang nurse na nagpakasimngot sa kanya, ang isa pa nga'y tila nandidiri sa kanya at may ibinulong pa sa isang kasama dahilan upang makaramdam ng takot ang huli saka nagmamadaling lumabas ng kwarto. Sumunod naman ang isa palabas.

Napabuntunghininga na lang siya at tinawag ang matanda.

"Anak, halika, saan maliligo rito?" usisa niya.

Natatawang lumapit sa kanya ang matanda.

"Ito po, Nanay. Dito tayo maliligo," turo nito sa kwadradong salamin saka humarap sa pinto ng banyo at isinara iyon pero 'di ini-lock.

"D'yan? Pa'no natin maabot ang gripo eh matangkad pa satin 'yon?" maang niyang tanong.

Hinawakan siya sa kamay ng matanda at itiburo sa kanya ang gripo sa baba.

"Buksan natin, Nanay. Itong kulay bughaw, malamig na tubig 'yan. Itong pulang gripo, mainit na tubig 'to. Timplahin lang natin tapos saka tayo magshower," pagdi-demonstrate ng matanda sa kanya.

"Ah, gan'on pala 'yon. Akala ko naman ang gripo ay 'yong nasa taas," engot niyang wika.

Hinubad ng matanda ang suot nito, iniwan lang ang short at itinapon sa labas ang hinubad. Siya nama'y hinayaang mabasa ng tubig ang damit at agad naghilamos ng mukha pagkabuhos lang ng tubig mula sa shower.

Maya-maya pa'y naglalaro na sila sa shower na parang mga bata.

Saka lang sila tumigil nang marinig ang katok mula sa labas.

"Papa, tapos na ba kayo maligo?"

Natandaan niya agad ang boses na yun, yung among lalaki 'yon.

"Anak, tawag na tayo. Halika na," yaya niya sa nagtatampisaw pa sa tubig na matanda.

Nauna na siyang lumabas at ibinigay ang tuwalyang may manggas na suot nito kanina saka itinapis sa katawan nito.

Siya'y hinayaan na lang lumabas na basa ang damit. Wala naman kasi siyang pamalit, 'di siya binigyan ng bagong damit ng dalawang nurse.

Sandaling natigilan ang lalaking amo pagkakita sa kanya.

Sa hiya tuloy niya'y agad siyang napayuko.

"Look at me," utos ng among lalaki.

Alanganin siyang sumunod ngunit tinakpan ng kamay ang nakaumbok na dibdib.

"Ano'ng pangalan mo?" usisa nito.

"M--arble," mahina niyang turan.

Lalo itong natigilan nang magsalita siya at makita ang mga pangil na ipin.

"Honey, where are they?" Tawag ng asawa nito at nagulat din nang makita siya.

"Oh my! She's a girl?" bulalas ng babae.

Tumango siya, hiyang-hiya.

"And she had really fangs just like your grandma, Honey. No wonder napagkamalan siya ni Papa na si Granny," dugtong nito.

"Nanay, nilalamig na po ako. Asan po ang damit ko?" reklamo ng matanda.

"A-san pala ang damit niya?" tanong niya sa dalawa.

Ang babae na ang agad na kumilos at ibinigay sa kanya ang damit ng byenang lalaki. Saka ito nagmamadaling lumabas ng kwarto.

Kahit 'di niya alam pano mag-alaga ng matanda, pero natutunan na lang niya 'yon nang makitang nilalamig nga ang kanyang tagapagligtas.

Parang bata niya itong dinamitan habang nakapikit ang isa niyang mata at ang isa ay nakabukas lalo na nang makita ang maselang parte ng katawan nito.

"Do you know how to take care of him?" tanong ng amo sa kanya.

Mabilis siyang tumango nang maintindihan ang sinabi nito.

"Kung papayag kayo, ako ang mag-aalaga sa kanya basta pakainin niyo lang ako," saad niya.

"Here, magbihis ka muna nang 'di ka magkasakit sa lamig," anang babaeng agad na nakabalik sa kwarto at iniabot sa kanya ang isang pares ng damit at underwear.

Pagkakuha lang niyo'y pumasok uli siya sa loob ng banyo at nagbihis sa likod ng pinto, saka inilagay muna sa gilid ng banyo ang basang mga damit at lumabas na uli duon.

Nakita niyang nakaupo na sa mahabang sofa ang tatlo at pinagitnaan ng dalawa ang matanda.

"Marble, come," tawag sa kanya ng babaeng amo.

Nahihiya siyang lumapit at umupo sa katapat na single sofa paharap sa mga ito.

Pinagdikit niya ang mga tuhod habang nakaupo at ipinatong duon ang dalawang kamay.

"Saan ka galing? Bakit may tono ang tagalog mo?" usisa ng babae.

"Galing akong Cebu. Kaka-graduate ko lang p-po ng high school at sumama p--po ako sa tiyahin ko papunta rito sa Manila upang magtrabaho at ipagpatuloy ang pag-aaral ko para mahango sa kahirapan ang mga magulang ko," sagot niya, halatang nauutal pag nagsasabi ng po. 'Di kasi siya sanay duon pero napansin niya sa matanda 'pag nakikipag-usap sa kanya, lagi itong may po sa bawat sagot kaya gumaya na rin siya kahit pautal.

"Asan ang tyahin mo ngayon?" tanong ng lalaki.

"Iniwan po niya ako sa Luneta. Sabi niya bibili lang daw siyang pagkain pero 'di na siya bumalik," kwento niya.

Napahawak sa kamay ng lalaki ang asawa.

"I pity her, Honey. Maybe we should take her and let her stay with your father. I think she's better than those nurses. You just saw what she did before. She and father are protecting each other," wika ng babae sa asawa.

"Hon, I don't trust her yet. What if she's just faking her attitude towards my Papa, towards us?" sagot naman ng lalaki.

"I don't think she is. She just talks naturally and acts naturally. I am also a woman. I can feel that she's an honest person," pagtatanggol ng babae sa kanya saka siya tinitigan.

"Ano ang ginawa niyo ni papa para makakain? Namalimos ba kayo?" usisa nito sa kanya.

Duon lang siya nagtaas ng mukha.

"Hindi p-po. Ahm, parang ganon na din. Kumakanta kami tapos sumasayaw ang ama niyo. May mga tao namang naghuhulog ng pera sa cup noodle. Ganon ang ginagawa namin sa loob ng limang araw," kwento niya.

Awa ang nakita niya sa mukha ng babae habang hinihimas sa ulo ang ulyaning byenan na napapapikit na sa antok.

Pero nang marinig ang kwento niya sa ginagawa nila sa Luneta ay tila ito nagising.

"Nanay, mamaya balik tayo sa bahay natin, maghanap uli tayo ng pera duon. Pag nagkaruon na tayo ng malaking ipon, ipapaputol natin 'yang mga pangil mo nang 'di ka ipinagpapalit ni tatay sa iba," anito sa kanya.

Napatingin siya sa mag-asawang nagkatinginan at nag-usap ang mga mata.

Maya-maya'y bumaling na uli ang mga ito sa kanya.

"Kukunin ka naming tagapag-alaga ni papa," anang lalaki. "Hahayaan ka naming gawin ang lahat ng gusto mo sa kanya basta 'wag mo lang siyang sasaktan at 'wag na 'wag mo siyang palalabasin ng gate. Pwede kayong maglaro sa labas ng bahay pero 'wag kayong lalabas ng gate," dugtong nito.

Mangiyak-ngiyak siyang tumayo at lumuhod sa harap ng mga ito saka pinagdaop ang mga palad at ilang beses na yumukod sa mga ito.

"Maraming salamat po. Maraming salamat po sa inyo. Gagawin ko po ang lahat para maalagaan ko nang mabuti ang ama niyo," anya sa dalawa.

Tumayo ang matanda saka siya pinatayo at itinuro ang dalawa.

"Nanay, sila po ba ang aampon sakin?" inosenteng tanong nito.

Tumingin muna siya sa dalawa at nang ngumiti ang mga ito'y saka siya bumaling sa matanda.

"Hindi anak. Sila ang mga magulang ko. Dapat iginagalang mo rin sila ha? 'Wag kang magpapasaway sa kanila. Susunod ka lagi sa kanila," sagot niya.

"Gano'n po ba? Mababait pala ang mga magulang mo, Nanay?"

Mabilis siyang tumango.

Tumayo ang dalawa saka tinawag ng lalaki ang ama.

"Apo, halika rito. Ikikiss ka ni Lolo," anito sa matanda.

Nakangiti namang sumunod ang huli.

Mapula ang mga mata ng lalaki habang humahalik sa noo ng ulyaning ama na wala nang nakikilala sa mga ito.

"Kahit 'di ka namin lubusang kilala pero nakikita naman namin ang maganda mong pakikitungo kay papa kaya tatanggapin ka namin sa bahay. Sana 'wag mong sayangin ang tiwalang ibinibigay namin sa'yo."

"Opo, pangako po, hindi ko kayo bibiguin," sagot niya.

Saka lang umalis ang dalawa at lumabas ng kwarto.