"Si Juda? Iniligtas ako?" tumango si Ara
"Hah!" pagak na napatawa si Lily, amused na napailing.
"Bakit, Lily?"
"Baka naman gawa-gawa lang nila yan para maibida ang reputasyon n'ya."
"Lily, totoo ang sinasabi ko. Sa oras na nalaman niya ang pagkadukot sa'yo, nilusob n'ya nang walang hesitation ang Piscis para iligtas ka. Kahit nga kami nagulat sa ginawa n'ya kasi ang Piscis ang main source ng weaponry nila, diba?"
"He wouldn't do that." anitong may bahid ng sakit sa boses, medyo pumiyok pa ang salita nito pero pilit na tinago sa pamamagitan ng pag-irap. Itinukod ni Lily ang kanang siko sa kama at inalalayan ang sarili na makabangon. "Impossible." Agad naman niyang tinulungan ang pinsan. Nakahinga ito nang maluwag nang makaupo nang maayos at mailapat ang likod sa headrest.
"Here, ilagay natin sa likod mo." tukoy ni Ara sa hawak na unan.
"Thank you."
"Bakit hindi ka naniniwala na ginawa ni Juda 'yun? Juda is a very strong warrior."
"Hmn, no doubt, pero hindi s'ya magpapaka-hero para sa isang tao, lalo na sa akin." usal niya habang inaayos ang naipit na damit sa may p'wet.
"Bakit mo nasabi 'yan?"
"I'm starving, may food ba? 'Yung masarap."
"Magpapahatid tayo kay Mali mamaya pagdating n'ya. For now, just answer my question. Wag kang obvious na iniiwasan mo ang topic."
Napabuga ng hangin si Lily at muling hinarap si Ara.
"Well... we all know na pangit ang ugali n'ya and bayolente. A huge hater at may obvious grudge sa mga tao, diba? So, kung sino man ang gumawa ng kwentong yan, nakakatawa siya na hindi nakakatawa. Anyways, I am here, buhay. Kung ano man ang rason kung bakit ako naiuwi dito, let it be a history. Move on." kibit-balikat nitong pahayag.
Malungkot na nanahimik na lamang si Ara. Alam niyang hindi lang ganoon kasimple ang totoong rason bakit ganoon ang salita nito. When they saw the two together in Rattus, they knew something is blooming between them. Compassion was carved in their eyes everytime they looked at each other, especially Juda.
"Lily, nung bago ka umuwi sa Earth, anong nangyari? Bakit ka umiyak? Pa'no ka nasugatan sa pisngi?"
"Ah yun? Nasagi lang 'to ng kuko ko." sagot nito na pasimpleng umiwas ng tingin.
"I knew it."
"Huh?"
"Noon, ang sabi mo na nasagi 'yan sa sanga ng kahoy, ngayon kuko mo."
'Huh? Sinabi ko 'yun?'
"May kinalaman kay Juda ang nangyari noon. Sinaktan ka ba n'ya? Tell me the truth, ano ang nangyari?"
Magkasunod na katok ang sumingit sa usapan ng dalawang babae bago bumukas ang pinto. Napansin ni Ara na napakislot ang katabing dalaga nang sumungaw si Gavin.
"Gavin..." sambit ni Ara
Akala siguro ni Lily na si Juda ang sumungaw.
Lumapit ang lalaking Sauro sa paanan ng kama at nakangiting binati si Lily.
"Maligayang pagbabalik, Lily. Masaya ang lahat sa paggising mo."
"S-salamat, Gavin."
NAKATULONG ang paglipas ng isang buwan na pahinga at pag-inom ng gamot sa paggaling ni Lily.
Kung noon ay nahihirapan siya kahit sa pagbangon dahil kumikirot ang buong puson niya, ngayon ay nakakapaglakad na siya sa tulong ng crutches.
"Gumagamit ng malaking karayom ang scientists ng Piscis para maextract ang egg cells sa ovaries ng human sample. This explains the punctures and bruises in her belly at ng sakit na nararamdaman niya." ang sabi ng Saurong manggagamot ng mansion.
Nakipagtulungan daw ang head scientist ng Piscis na si Dr. Polim sa pagbibigay ng information tungkol sa sinapit niya at sa treatment na isinagawa at napatunayan na wala itong kinalaman sa nangyaring abduction.
Nahinto ang pagsusuklay niya ng maikling buhok sa harap ng salamin nang marinig ang malakas na trumpet sa headquarters, di kalayuan sa mansion.
"Anong meron?"
Dumungaw siya sa bintana at tinanaw ang matayog na gusali mula doon. Dahil nasa second floor ang kwarto niya, kita niya ang itaas na bahagi ng headquarters.
'May bisita?'
"Dumating na ang mga mandirigma! Nagwagi daw sila sabi ni Ama." narinig ni Lily na usal ng babaeng Sauro na nasa garden malapit sa main entrance.
"Hali kayo at pumunta sa plaza! Siguradong iaanunsiyo at magpapakita ang mga magigiting na mandirigma doon!" excited din na sabi ng isa pang babae
May nagsilabasan pa na ibang mga babae mula sa first floor ng mansion, mga anim, kasama na ang nakikilala pa niya hanggang ngayon, si Frida.
Gumuhit ang kirot sa puso ni Lily nang maalala ang huling pagtatagpo nila ng babae.
'Buti nalang hindi kami nagkikita dito.' tumalikod na siya at iniwan ang nakabukas na bintana.
'Pumunta kana at salubungin si Juda, YOUR valiant warrior. Makapagtoothbrush nga bago mahiga.'
RELAX na ang utak niyang handa na sa isang payapang panaginip. Unti-unti nang nahuhulog ang gunita niya sa mababaw na pagtulog at bumubuo ng mga imahe ang isip niya pero naririnig pa ng huling sensasyon ni Lily ang paligid kahit nakapikit. Ang sayaw ng mga dahon ng puno malapit sa kanyang kwarto, ang mahinang tunog ng nag-uusap na mga Sauro marahil sa labas ng mansion at ang yabag ng mabibigat na paa.
'Sa kwarto ko yata papunta, ayoko munang humarap ng bisita. Magtutulug-tulogan lang ako, aalis naman kaagad yan kung hindi ako sasagot.'
Hinila niya ang kumot hanggang sa leeg at pumwesto ng komportable sa kama.
Napamulat siya nang tumunog ang lock ng pinto pabukas.
'Alam n'ya ang passcode, sino kaya 'yan?'
Agad siyang pumikit bago pa nakapasok ang panauhin. Nakatihaya at ipinilig nang kaunti sa kanan ang ulo sa anyong tila mahimbing na natutulog.
Mariing pinigilan ni Lily na magtagpo ang mga kilay sa pamilyar na tunog ng yabag nito. Ngayon niya mas narecognize dahil mas malapit. How could she forget? She fell deeply inlove with the man who owns those large footsteps.
'Juda.'
Huminto ang mga hakbang sa gilid ng kama. Ramdam niya ang malakas na presensya nito, tuluyan nang nagising ang isip niya, she became very sensitive. Totoo pala talaga siguro na mag sensitive ang pandama ng mga bulag. Kahit ang hininga nito at pintig ng kanyang puso ay tila nasa gilid lang ng kanyang tenga.
'Pa'no ba humihinga ang totoong tulog? Dapat pantay lang, diba and shallow. Shallow, Lily.'
Hindi ito nagsalita, hindi na rin gumagawa ng anumang kilos.
'Ano bang kailangan mo? Umalis kana, ayaw kitang makita!
Nanunuot sa ilong niya ang kakaibang amoy mula dito. It was stenchy, parang pinaghalong pawis, dumi at... dugo.
'Dumiretso ba s'ya dito galing sa pakikipaglaban?'
She held her breath nang dumaiti ang kamay nito sa noo niya sa napakabanayad na paraan at maramdaman ang mukha nito sa kanyang pisngi. Uminit ang gilid ng nakapikit parin niyang mga mata kaya kinabahan siya, malalaman nito na nagpapanggap lang siyang tulog kung tuluyang mahuhulog ang luha n'ya.
'Please, umalis kana.'
Sa wakas ay tumuwid ito ng tayo, ilang sandali ay tumalikod at lumayo.
Napabalikwas si Lily sa kama nang marinig ang pagsara ng lock. Tinitigan nang masama ang likod ng pinto na para bang tatagos sa lalaki ang nararamdamang sakit sa pamamagitan niyon.
Tinuyo niya ng likod ng palad ang namamasang pilik-mata at bumuntong-hininga.
'Bakit kailangan mo pang gawin 'yon, Juda?'
NAKANGANGA ang lahat nang nasa loob ng kwarto. Si Ara ay hindi makapaniwalang tinitigan si Lily samantalang ang huli ay iniiwasan ang mga mangha ngunit nagtatanong na mga titig ng kasama.
Flashback. Seven Minutes Ago
Nagsidatingan ang mga bisita ni Lily sa silid. As usual, nasa kama siya at nakaupo sa gitna habang nagsusulat ng as many as she can na 'I don't love, Juda!' sa papel. Agad niyang inipit sa ilalim ng kumot ang notebook nang pumasok ang mga ito.
"Lily, dinalhan kita ng fresh flowers para sa kwarto mo." sabi ni Ara na pumunta sa banyo para lagyan ng tubig ang dalang flower vase.
"Mas nagkakakulay na ang balat mo, magandang senyales iyan na mas bumubuti na ang kalusugan mo." the ever kind Gavin
"Magandang umaga, my lady." si Mali
Sa kabila ng magandang bungad at pagbati ng magkatipan at ni Mali, isang tango lang ang tinugon niya at nanatiling walang emosyon ang mukha.
"Ayan, diba ang ganda? Pastel colors, ako ang pumitas ng mga 'to." anang pinsan niya na kalalabas lang ng banyo.
"Ahm, excuse me..." usal ni Lily sabay taas sa kamay. "Sino s'ya?"
Naiwan sa ere ang flower vase na sana ay ilalapag na ni Ara sa bedside table. Nagtagpo naman ang mga kilay ng iba lalo na ang kay Juda.
"Lily, sinong ibig mong sabihin?" tanong ni Ara na nakalimutan nang ilapag ang vase
"Siya." saad niya sa curious na mukha sabay turo sa Saurong nakasuot ng pulang kapa.
"Anong pinagsasasabi mo, Lily?" si Ara ulit
"Hindi mo ba natatandaan si Juda, Lily?" tanong ni Gavin sa sorpresang tingin
"Ju...da?"
"Si Juda, ang kapatid ko." turo nito sa katabing lalaki na hindi na maipinta kahit ni Michael Angelo ang mukha.
Umakto siyang tila hinahalungkat ang memorya saka naguguluhang umiling.
Rumehistro sa seryosong anyo ni Juda ang labis na pagkalito at slight na inis. Gustong bumunghalit ng tawa ni Lily dahil lumaki ang butas ng ilong nito.
Oooh, the typical Juda.
"Anong ibig sabihin nito?!" napakislot siya sa biglang pagtaas ng boses nito. Iyon din ang first time na narinig niya uli ang boses nito pagkatapos ang masaklap nilang paglalayo.
"Juda..." sambit ni Gavin sa kapatid
"Mali, tawagin mo ang doktor dito ngayon din!"
"Y-yes, my Lord." nagmamadaling tumalima si Mali, natakot yata sa sigaw ng amo.
'Hmp! Whatever, Juda.'