Chapter 25 - Part 24

Nagmukhang octopus ang ulo ni Lily dahil sa kinabit na lead materials sa ulo niya. Mayroon sa magkabilang temples at apat sa gitna. Itim at pula ang kulay niyon at nakakonekta sa isang square na aparatus na kamukha ng maliit na TV.

"Ayon sa resulta ng neuro operatio test natin, wala namang kakaiba or abnormal na galaw sa utak niya." Nakatingin ang manggagamot sa monitor na nakadikit sa machine habang binabasa ang nakasaad doon.

"Kung ganoon, bakit hindi niya ako naaalala?!" si Juda na hindi parin humihinahon. Gusto na niyang magroll ng eyes.

'Ugh! Sino'ng gustong maalala ka?'

"Doctor Corsi, wala pong maalala si Lily alinman tungkol kay Juda, pero maliban doon maayos naman ang lahat. Posible ba ang ganoon na may specific na bagay o tao lang ang mawala sa isip?"

Alanganing napatingin ang manggagamot kay Lily at sa monitor. Nalilito na rin dahil sa hindi magkatugma ang resulta ng test.

"Diba, hindi naman talaga na di-detect sa machine kung may amnesia o wala? It's a common effect from a head trauma." Iyon ang napapanood niya sa TV. "At may tinatawag na selective memory loss kaya posible na may specific na tao lang ang makalimutan ko." sabi niya na para bang hindi big deal ang nangyayari.

"Pero wala akong maalalang nabunggo o natamaan ng matigas na bagay ang ulo niya." saad ni Juda na nakatingin sa mukha ng manggagamot

"Who knows?" sagot naman ni Lily, kagyat na napatingin si Juda sa kanya

"Kung hindi man physical trauma ang dahilan kagaya ng sinasabi mo, Juda, maaaring dahil ito sa binigay na gamot na pampatulog sa kanya. Masyadong nagrelax ang buo niyang utak at naapektohan ang electrical impulses kaya marahil may alterations sa memorya niya ngayon." si doctor ulit

"Korek, possible." tatangu-tangong sang-ayon ng dalaga

"Pero my lady, sa panahon ngayon, may mga makabago nang kagamitan para sa ganyang sitwasyon. Maaari nang malaman kung may abnormal neural connections sa utak kaya nawawala ang memorya. Pero labis ang pagtataka ko kung bakit hindi tumutugma ang resulta ng test sa actual na dinadanas mo."

'Ay ganun? I forgot, years ahead nga pala ang technology nila dito. Hmp!'

"Maybe because I'm a tao, I mean taga-Earth. Hindi applicable sa katawan ko ang mga kagamitan ninyo, just guessing. Anyways, wala na tayong magagawa kung may selective amnesia talaga ako. Afterall, machine parin yan, anytime p'wedeng masira." Gusto na niyang matapos ang usapang iyon kasi mas lalong mauubusan siya ng lusot at baka mabululyaso pa ang pagpapanggap niya. Nakakahiya at the same time nakakatakot, baka ibalibag ulit siya ni Juda.

Humahapdi ang dibdib niya na para bang pinilipit ang loob niyon sa tuwing naalala niya ang eksena sa study room noon.

Pasimple niyang sinulyapan si Juda na nakaupo sa berdeng ottoman na nasa paanan ng kama, nakatukod ang mga siko nito sa tuhod at matamang nakikinig sa pag-uusap. Kakitaan ng labis na pag-aalala ang mukha.

'Ohohoho! Natatae kaba, Juda?'

Namayani ang katahimikan sa silid kaya sumingit ulit si Lily. "Ahm, I feel tired. Parang... nanghihina ako, p'wede bang next time nalang natin ulit i-continue 'to?" parang bidang artista lang sa teledrama na pinalamlam niya ang mga mata at nag-astang nanghihina.

Nakasali yata siya sa top one hundred fifty contestants ng PBB noon.

Sumandal siya sa headboard, nilaglag ang mga balikat. Pinalalim din niya kuno ang paghinga at pinikit ang mga mata para isipin ng mga nasa paligid na 'she's really not feeling well.'

'Baka karmahin ako no, at matuluyan na.'

Naibuka niya ulit ang mga mata nang marinig ang pagkabahala sa boses ni Juda.

"Dok, nanghihina daw siya. Itigil muna natin ito, tanggalin mo na ang mga iyan." tukoy ng lalaki sa lead wires na nakadikit pa sa ulo niya. Iniwas niya ang tingin mula sa lalaki dahil lumapit ito sa tabi ng kama at inalalayan siyang humiga. Inayos din nito ang mga unan sa ulohan n'ya.

Parang naninigas ang kada parte ng katawan ni Lily na hinawakan ng lalaki lalo na nang naglanding ang palad nito sa batok niya. Wala iyong kahit anumang takip kaya dikit na dikit doon ang balat nito. Feel na feel niya ang pananayo ng balahibo sa batok.

"Nilalamig ka ba?" Ngali-ngali siyang mapasinghap nang dumaan sa pisngi niya hanggang sa tenga ang may kainitang hininga nito.

Naki-join din pala ang mga balahibo niya sa kamay sa goosebumps ng batok niya. Agad niyang hinila ang kumot at tinakpan ang katawan.

"W-wala naman. Thank you... Juda, right?"

Tiim-bagang ang isinagot nito bago nagbaba ng tingin at mahinang tumango.

"Mas makabubuti kung maiwan kana namin, Lily at nang makapagpahinga ka nang maayos. Babalik si Mali mamaya para sa hapunan mo." saad ni Gavin

"Okay." tipid niyang ngiti, tiningnan si Ara na kung makatingin ay parang siya na ang pinakamasamang tao sa balat ng Sauro.

"NOW, speak." nakakrus ang mga braso ni Ara sa dibdib na nakatunghay sa nakahigang pinsan. She rolled her eyes dahil imbes na gumising at magsalita ay nagpakawala ito ng malakas na hilik. "Lily, alam kong gising ka."

"Kay, fine." anitong bumangon at umupo sa kama.

"Bakit mo ginawa 'yun?"

"The hu-whaaat?!" lahad sa kamay at pagmamaang-maangan nito.

"Kailan lang pinag-usapan natin si Juda then bakit biglang... after four hours, nagka amnesia kana? Ano 'yun, delayed symptoms?"

"Hah! Nagiging joker kana, couz ha?" anang babae at ngumisi

Napabuntong-hininga si Ara napapikit, her cousin is just so stubborn. How can she talk to her properly?

"You know what, baby is getting stressed." sabi niya na hinimas ang sariling tiyan.

"Buntis ka?"

"Well, obviously. Look at my tummy."

"I thought busog ka lang."

"Everytime?"

"Ah, maybe? Congrats, couz!" inilahad nito ang mga kamay in a big hug.

"Lily, thank you. I know you're happy for me but let's cut the chase. Bakit ka nagpanggap kanina na may amnesia? Nakakaawa sa lalaki, o. Nakita mo ang reaction ni Juda? Ginawa mo siyang tanga!"

"Buti nga sa kanya." bulong nito na dinig naman, ibinaba ang mga kamay sa hita na hindi niya tinanggap kanina

"Ako nga kausapin mo nang seryoso. Yung honest, definitely, absolutely no lies, no plus minus."

"Anong plus, minus?"

"Walang sobra, walang bawas."

"Aha-ha, nakalawa kana ha..."

"Go."

"Ahmm, pwede next time? 'Pag magaling na'ko?"

"No. Telling the truth won't harm your health." nakataas ang kilay na sabi niya.

"Teka lang"

Nawawalan na siya ng pasensya. Pinasingkit niya ang mga mata at mataman na tinitigan si Lily

"Sound proof ba 'tong kwarto? Baka marinig tayo sa labas."

"It's not sound proof pero sure akong walang makakarinig sa labas. Walang tao ngayon malapit dito kahit buksan pa natin ang pinto na iyan. Everyone's out for work, si Mali umalis, may binili."

"Okay." Hinayaan niya si Lily na punuin ang dibdib ng hangin. Kita niyang lumunok muna ito bago magsimulang magsalita. " Well... Hindi ko alam kung paano siya pakiharapan. Totoo ang hinala mo, sinaktan niya 'ko."

"Pati 'yang sugat mo sa pisngi?"

"Oo."

"P-pero bakit? Bakit niya gagawin 'yon? Babae ka at mahina."

"Exactly the reason kung bakit niya ginawa 'yon, dahil mahina ako, tao lang ako. He always hated us. Lahat ng tao, sinusuka niya! Sa Rattus, alam mo ba kung pa'no n'ya ko tratuhin? Masahol pa sa isang insekto."

"Hindi parin ako makapaniwalang kaya niyang gawin 'yun sa'yo. Kahit na tao ka, babae ka parin."

"Now you know. Ganun kawalang-hiya ang taong yun! E--hindi pala tao, butiki!" nag-pause ito at lumunok ulit. "I-I even told him I loved him." sa panahong iyon bumigay na ang mga mata nito. Nag-uunahan nang mahulog ang malalaking butil ng luha sa pisngi nito. Lily didn't care, hinayaan lang nitong mabasa ang mga pisngi habang patuloy salita. "Minahal ko siya, Ara, totoong minahal ko s'ya. I thought we were good, I thought minahal na rin n'ya 'ko pagkatapos ng nangyari sa amin, tanga lang." mapakla nitong tawa. Mabigat ang lumalabas na mga salita sa bibig nito dahil sa barang nararamdaman sa lalamunan. "Sa study room, harap-harapan niyang sinabi sa akin na laruan lang ako." Gumaralgal ang boses ng dalaga sa huling tatlong salita. Na wala akong pinagkaiba sa naka... naka-sex niyang daga sa Rat...tus." Lily grabbed the thick blanket saka tinakip sa mukha. "Pucha, Juda!" sigaw nito sa gitna ng haguhol. Ara cringed, ramdam niya ang matinding sakit sa likod ng binitawan nitong salita. Hindi natural dito ang magmura.

"Lily..." hindi mapigilan ni Ara ang mapaiyak sa sakit na nakikita niya sa pinsan. Hindi niya kayang isipin na dinanas ni Lily ang ganoon kalubhang kabiguan.

Tumigil ito sa kakangawa at binaba ang comforter, namamaga ang mga mata nitong hindi parin humihinto sa kakalikha ng luha. Nakangiwing hinawakan ng dalaga ang tiyan at diniinan iyon.

"Ara... s-sumasakit ang puson ko."

"A-ano? Bakit? T-teka, tatawagan ko si doctor Corsi!"

Nagtungo si Ara sa gilid ng pintuan at pinindot ang maliit na kulay silver na buton sa nakadikit na maliit na keypad.

"Doctor Corsi, emergency po."

"DR. Corsi, anong nangyari?" bungad agad ni Juda nang makapasok sa silid ni Lily.

"She was under stress, kaya na trigger ang sugat sa reproductive organs niya. Hindi pa masyadong naghilom ang mga iyon. Nabigyan ko na siya ng gamot kaya nagsa-subside na ang sakit na nararamdaman niya. She needs rest."

Nakahiga si Lily sa kama and this time totoong nanghihina siya. Marahil dahil sa sakit kanina o epekto ng gamot na binigay.

"Ara..." sinenyasan niya ang pinsan na lumapit. "Bakit s'ya nandito?" pabulong niyang tanong

"Ah..." alanganing sumulyap ang pinsan kay Juda bago sumagot. "Tinawagan siya ni Dr. Corsi."

"Bakit?"

"I need to know everything about you."

Kahit nanghihina at tila inaagaw na ng antok ang isip nito ay nakaya pa ni Lily na ngumiwi.

"English."

LIHIM na napabuga ng hangin si Ara. Sa kabila ng pinagtapat ni Lily sa kanya, hindi parin niya magawang magtanim ng galit kay Juda dahil nakikita niya sa mga mata nito ang labis na pag-aalala para sa pinsan. Hindi niya alam kung ano ang rason nito kung bakit sinaktan ang pinsan pero kung siya lang ang tatanungin, may nababasa siyang pagmamahal sa likod ng mga galaw ng lalaki, lalo na ngayon.

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag