Chapter 28 - Part 27

"SO, 'yun nga ang nangyari."

Nasa garden si Lily kasama si Ara. Nakadekwatro siyang nakaupo sa metal na puting bench habang pinapanood ang pinsan na namimili ng pipitasing bulaklak. Dalawang araw na ang nakaraan simula nang mangyari ang harapan nila ni Juda.

"Nababaliw ka na talaga, babae ka!" mahinang hinampas ni Ara punpon ng bulaklak sa ulo niya. "At binugbog mo pa talaga ang sarili mo? Di'ko in-expect na may self inflicting tendencies ka. Kailangan mo nang magpatingin, ha."

"Di naman, grabe 'to. Ginawa mo naman akong loka-loka."

"Mas masahol pa." anang dalaga na inayos ang nagulong hawak na bulaklak.

"Nagiging maldita ka na talaga, couz, napi-feel mo ba 'yun?"

"Napakadelikado ng ginawa mo, sukat ba namang prinovoke mo si Juda! Si Juda pa talaga."

"I was just... you know, kinda... teasing him." kinampay-kampay niya ang mga kamay sa ere dahil nabo-bore na siya at nangangalay ang mga kamay. "Kung hanggang kailan ang pagbabait-baitan n'ya. And nakakatuwa talaga ang mukha niya, couz! Hindi mo maiimagine na ang kinatatakutan dito sa Sauro, kaya palang gumawa ng ganung expressions. It's priceless!"

"Tumigil ka nga, marinig ka ng mga nandito, iisiping inaabuso mo si Juda."

"But somehow, deep inside me, alam kong hindi n'ya ako sasaktan. I can see through his eyes... hmn." tatango-tango siya na parang naconfirm ang hinala. "I like that magenta one." pagkuway turo niya sa bulaklak na kakabukadkad palang.

"Aling magenta? 'Yung red?"

"Magenta 'yan! Ano ka ba? Dagdagan mo naman ang colors sa knowledge mo."

"Whatever." maingat na humakbang si Ara para hindi maapakan ang magagandang bulaklak sa garden at pinitas ang 'magenta' na isang metro ang layo mula dito. "Tapos, tapos, ano nang sunod na nangyari? Okay na ba kayo?"

"Yeah... were good." napalingon si Ara sa gawi niya dahil bigla siyang huminto sa pagsasalita. Napangiti ang babae nang makitang namumula ang pisngi ni Lily habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi.

"Nag 'i love you' na ba?" tanong nito na nakangisi.

"Sshh! 'Wag kang ganyan, nakakahiya!" Napabunghalit ito ng tawa marahil dahil sa reaksyon niya.

The garden sounded cheerful, ang tawanan nilang dalawa ay mas nagbigay buhay sa makulay nang paligid. Kahit ang kombinasyon ng init na nilikha ng makapangyarihang araw at ang mayuming buga ng hangin ay tila masayang pinaglalaruan ang mga bagay-bagay sa paligid. Ang maliliit na insekto na palipat-lipat ng dapo sa malulusog na halaman ay naghahatid ng tampay sa kalooban ng sinuman.

"Dadahan-dahanin natin para may thrill, ganito 'yun."

"... TAWAD."

'... ano daw? Tuwad?'

"Mahal na mahal kita..." mahinang usal ng nanginginig na boses ni Juda sa gilid ng kanyang tenga.

Tama ba ang naririnig niya? Pinahid niya ng likod ng palad ang basang paningin at tumuwid ng upo. Tinulak ang dibdib ng lalaki para matitigan ng maigi ang ang anyo nito. Napalunok siya.

"Anong... sabi mo?" pilit niyang hinahabol ang paningin nito pero sadyang iniiwas ng lalaki ang mga mata sa kanya, wala ring kasagutang lumabas sa bibig.

"Pinaglololoko mo na naman ba ako--?"

"Hindi---hindi." matigas nitong iling na parang batang napagbintangan na nagkasala. Wari ay naglaho ang kinatatakutan at matigas na karakter ni Juda nang mga sandaling iyon. All she can see were guilt, pain and fear.

"Anong nararamdaman mo sa akin, Juda? Iyong totoo."

"Gusto kitang alagaan..."

"Iyon lang?"

"Gusto kitang makasama araw-araw."

Itinaas niya ang mga kilay hudyat na naghihintay siya ng kadugtong pang sagot.

"Gusto ko masaya ka lagi. Gusto kitang protektahan sa lahat ng oras. Gusto kong durugin ng libu-libong beses ang sinumang magtangkang manakit sa iyo hangga't mawala na kahit isang hibla ng buhay niya sa mundong ito. Tuhugin ng pinakamatalas na sandata and ulo hanggang sa lumugwa ang laman niyon at ipakain sa mababangis na halimaw."

"O-okay, masyado nang morbid. Pero... bakit mo ako sinaktan, Juda? Kung ganoon mo ako kagustong protektahan."

"... akala ko iyon ang makabubuti para sa lahat, pati sa iyo. Nakatakda na ang seremonya ng pag-iisa namin ni Frida kaya naguguluhan ako dahil may obligasyon akong ituloy iyon."

"Naguguluhan din ako sa explanation mo ngayon, Juda."

"Minadali kong asikasuhin ang shuttle para makauwi ka sa Earth nang sa ganoon ay hindi mo na masaksihan ang seremonya, at uuwi kang walang nalalaman. Pero nakita mo kami ni Frida sa study bago pa ang pag-alis mo. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin noon at paano ko ipapaliwanag sa iyo ang nasaksihan mo. Hindi ko alam kung bakit iyon ang mga nasabi ko. Siguro dahil alam kong may nararamdaman ka sa akin at posibleng piliin mong huwag bumalik ng Earth pero hindi ko masusuklian ang pagmamahal na inaalay mo. Mas pinili ko nalang na kamuhian mo ako nang sa ganoon ay hindi mo na gugustuhing manatili dito.

"Kaya sinaktan mo ako, pinisikal pa."

"Lily, hindi ko sinasadya iyon, maniwala ka. Hindi ko kayang pasakitan ang napakaselan mong katawan."

"Pinanindigan mong hindi mo ako mahal at wala kang pakialam sa akin. Nakaya mo pang ihatid ako ng tingin 'nung umalis ako kahit alam mong nahihirapan na'ko."

Napatungo na naman ito, mas pinili na huwag na lamang magkomento dahil lahat naman nang binintang niya ay tama.

"Diba sabi mo mahal mo'ko?" tumango itong pero hindi parin makatingin nang diretso. "Let me think about it first, give me time. Masyado mo akong nasaktan kaya hindi easy 'yun."

"Oo, alam ko."

"Mga one month."

"Oo."

"Ah, hindi, mga three weeks."

"Maghihintay ako."

"Ah maghihintay ka? O sige gawin nalang nating one year!" nakataas ang kilay na hinintay niya ang sagot ng lalaki.

".... Maghihintay ako."

"Hmp, sige deal. One year, ha?"

"GRABE ka naman! One year? Ang tagal naman nun para magpakipot lang."

"Okay lang 'yan para one year din niya akong liligawan. Then 'pag sasagutin ko na s'ya sisiguraduhin kong magpapakasal na kami. And mahaba na hair ko nang time na yun, maganda na uli ako.

"Maganda ka naman kahit kalbo ka, couz."

"Take note, semi-kalbo. Tumutubo na kaya 'to." saad niya na hinawakan ang bagong tubo na buhok.

"My ladies." si Mali na lumapit sa kanila.

"O, Mali, may kailangan ka?" tanong niya sa pulang Sauro.

"Pinapatawag po ng panginoong Silvio ang presensiya ng segundo domina sa head quarters."

"Seg- ako 'yun 'di ba?" tanong niya kay Ara

"Mmn..."

"Ano nga ulit ang meaning nun?"

"Pagkakaalam ko parang 'second son's mistress' or 'mistress of the second son'." sagot ni Ara.

"Ikaw, anong tawag sa'yo?"

"Maximus domina."

"Aahh...  Teka, sa headquarters?" baling ulit ni Lily kay Mali.

"Yes, My lady."

Nagkatinginan ang magpinsan. "Sige, Mali. Magbibihis lang ako. Ipasundo mo ako pagkatapos ng kalahating oras."

"Masusunod po."

"Na-meet mo na ba ang papa nila, couz?" tanong niya nang makalayo na si Mali.

"Oo, once. 'Nung tinanggap niya na ang relasyon namin ni Gavin. Kagaya ngayon, pinapunta din ako sa office niya sa headquarters."

"Nakakatakot ba? Diba 'yun ang head day talaga ng army nila dito?"

"It's for you to find out."

"Whoa! 'Wag naman ganyan, guuurl. Baka i-firing squad na talaga ako this time."

Tatawa-tawa si Ara na dinampot ang mga naipong bulaklak na inilatag sa damuhan habang hawak nito ang maumbok nang tiyan sa kabilang kamay.

"Sige na, i-briefing mo'ko."

"Ano bang briefing ang pinagsasasabi mo, halika na nga, sasamahan kitang mag-ayos."

"Natatakot ako." sabi ni Lily na umalis na din sa bench.

"Ha-ha! Hindi ka nga natakot kay Juda, eh."

"Iba naman 'yun."

"Anong pinagkaiba?"

Tuloy ang pangungulit ni Lily sa pinsan habang magkasabay nilang tinalunton ang pasilyo papasok ng mansion.

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag