Chapter 30 - Part 29

"BAKIT bumabagal ang galaw mo? Suko ka na ba?!" sigaw ni Juda sa gilid ng tenga ng isa sa mga bagong recruit. "Wala pang kalahati sa kabuoang ensayo  ang dinanas ninyo pero para na kayong malalagutan ng hininga! Paano ninyo ipagtatanggol ang mga pamilya ninyo sa digmaan kung ganyan ka walang kwenta ang katawan ninyo?! Kung gusto ninyong umuwi nalang, tandaan ninyo, hindi ko hahayaan makalabas ang sinuman sainyo mula dito nang hindi bumibisita sa pagamutan!" sinaklot ng lalaki ang damit ng isang mandirigma sa may dibdib. "Dapa!"

Walang nagawa ang kawawang Sauro kundi sumunod sa utos ng pinuno.

"Kumuha ka ng isa pa." utos nito sa Saurong hinala ni Lily ay may posisyon na rin dahil iba ang damit nito sa mga bagong aplikante.

"Ikaw!" sigaw ng sidekick ni Juda sa lalaking medyo payat. Medyo nanginginig ito sa takot na humakbang palapit sa tumawag. "Gayahin mo ang ginawa niyan." ngayon magkatabi na ang dalawa habang nakadapa sa konkretong sahig.

"Lapit ka pa dito." utos ni Juda sa isa.

"Isang baso nalang siguro ang dugo mo sa katawan kaya ganyan ang hitsura mo. Bakit hindi ka makatayo nang tuwid kanina? Naiihi ka ba?" nakakalokong tumawa si sidekick. Napaikot ang eyeballs ni Lily.

Nagtagpo ang mga kilay ni Lily nang pumatong si Juda sa likod ng dalawang nakadapang Sauro.

"One thousand push ups!"

"Haaaaaah?" ang maririnig mula sa bibig ng karamihan sa mga nakalinya. Nakaguhit sa pagod nitong mga mukha ang awa sa sinapit ng dalawang kasamahan.

"Anong hah?! Gusto ninyo kayo ang padapain namin dito?!" labas ang litid na sigaw ulit ni sidekick sa harap ng recruits. "Bilang!"

"Isa.. Dalawa.. Tatlo.. Apat..." sabay-sabay na nagbilang ang lahat habang nagsimulang magpush-up ang dalawa. Halos magputukan na ang mga ugat sa noo at braso ng mga ito dahil sa bigat na pasan. Nanginginig ang mga katawan na pinagsumikapang isagawa ang mando ng nakakataas.

Push-up nga effort na, paano pa kaya kung may bakulaw na mas malaki pa sa kanila ang nakapatong sa likod. Tila tuwang-tuwa naman ang sidekick dahil nakapamaywang pa itong nakangisi.

'Hindi ba mababali ang likod nila? Abusado talaga 'tong si Juda.'

Abala ang dalawang lalaki na nakatalikod sa kanila kaya hindi nito napansin ang palapit na nilang prisensya.

Nang ilang metros nalang siya kasama si Silvio ay natanaw sila ng sidekick kaya naglaho ang nakakaasar nitong ngiti at tumuwid ng tayo.

"Lord, Silvio, magandang araw po!"

Dahil sa ginawa ng lalaki ay napalingon si Juda. Hindi siguro nito inasahang pati siya ay makikita doon kaya kagyat itong napamulagat nang magtagpo ang mga tingin nila. Napasinghap si Lily nang madulas ang kaliwa nitong paa na nakapatong sa likod ng Saurong recruit kaya nawalan ng balanse. Mabuti nalang at agad nakatalon si Juda kaya hindi natuluyan ang nakakahiya sanang pagbagsak.

"Co-commander?" nagtatakang tanong ni sidekick. Nakakunot lang ang mukha ng isa. "Anong tinutunga-tunganga ninyo mga hangal?! Magbigay pugay kayo sa pinuno!" Halos lumabas ang lalamunan ng preskong sidekick sa mahabang bibig nito.

"Long live, Lord Silvio!" sabay-sabay na sigaw ng mga nasa linya. Tumango naman ang matanda. Hindi din nakaligtas sa mga mata niya ang bahagyang pagyuko ni Juda sa ama.

"Alam mo sa movies, 'yung kagaya mo ang unang namamatay." sabi ni Lily sa sidekick sa inis niya dito.

"A-anong pinagsasasabi mo?" Bumakas ang inis sa mala-imburnal na ilong ng sidekick.

Kitang-kita ni Lily nang bigyan ni Juda ng nakakalagot-hiningang titig ang kasama kaya nagmukha itong tuta na napayuko at umatras.

'Hmmn...'  taas niya ng isang kilay.

"Ama, anong sadya ninyo dito?"

"Binigyan ko lang ng kaunting tour si Lily. Dito ang huling punta namin kaya patapos na kami. Ibibigay ko na siya sa iyo." ngiti nitong sabi. "Naghihintay sa akin si Galom, may kaunting kasayahan daw sa opisina niya."

Parang may multiple personality talaga ang papa ni Juda. Minsan seryoso, minsan naman parang bata kahit nang sandaling iyon na kaharap ang mga alepores niya.

'Paano kaya magalit si manong Silvio? Parang mas nakakatakot yata.'

Hinawakan siya ng pinuno sa balikat at iginiya paharap sa mga bagong recruits.

"Para sa lahat, nais kong ipakilala sainyo. Her name is Lily Rose, galing sa planetang Earth, at siya ang segundo domina."

A certain chill flowed in Lily's spine. Ramdam niya ang pananayo ng maninipis na balahibo sa katawan lalo sa batok. She can't help herself but raise her chin a bit, feeling so proud. The very Lord Silvio acknowledges her na para na rin nitong ipinaalam sa lahat na kabilang na siya sa tinitingalang pamilya. Na nararapat na siyang makatanggap ng respetong kahalingtulad sa binibigay ng mga ito sa pamilya ng lalaki.

Kaharap niya ang 'di halos mabilang na sorpresang mukha ng mga Sauro. May ibang lumaki ang mga mata, ang iba naman ay napanganga pa. May napasinghap, kagaya nalang ni epal na sidekick at disbelief sa iba.

"My Lady!" naunang bigkas ni sidekick at yumuko. Gumaya din ang lahat dito.

She cannot contain her happiness. Para na rin siyang pinatungan siya ng korona sa ulo ng isang hari.

Banayad na tinapik ng matanda ang balikat para hingin ang kanyang atensyon. " Paumanhin pero kailangan ko nang mauna. Magkita ulit tayo, may tea party akong ioorganisa."

Malapad ang ngiti sa mga labi ni Lily. Nakakatuwa talaga ang future inlaw n'ya, he's warm yet strange. Pero ano pa nga ba ang inaasahan niya, nasa iba na siyang mundo, and she's beginning to love it.

"Sige po, maraming salamat.

Tumalikod na ang matanda at mag-isang nagbalik ng gusali.

ILANG minuto pagkatapos nakaalis ni Silvio ay hinatid na rin si Lily ni Juda sa mansion. Nasa loob sila ng sasakyan at kakahinto pang niyon sa harap ng gate.

"Juda."

Nakaharap sa kanya ang mukha nito habang hinihintay ang kasunod niyang sasabihin.

"Gusto kong umuwi ng Earth."

Nakita niyang natigilan ang lalaki pero mukhang inaasahan na nito na sasabihin niya iyon. Nagbaba ito ng tingin bago itinuon sa manibela ng sasakyan. A shade of pain crossed his face.

"... ipapahanda ko ang shuttle."

"Ikaw ang maghahatid sa akin this time."

Tumango ito nang hindi nilalayo sa harap ang tingin. "... Oo."

"At ikaw din ang magsusundo."

Naguguluhan itong tumingin ulit sa mukha niya.

"After one year." dugtong niya na itinuwid ang hintuturo sa harap.

Juda looked so damn cute despite the humungous size when he tried to suppress a curvy smile on his lips, gumalaw lang ang ilang facial muscles nito. He even averted his gaze to hide the spark drawn in his eyes. A very rare and precious sight na kailanman ay mananatili sa isip at puso ni Lily. She will again go back, to Earth but this time with dry eyes and gleeful heart.

Makalipas ang Isang Taon at Isang Buwan

Masayang  nagliliparan ang mga insektong may makukulay na pakpak na kawangis ng isang paru-paro sa nakakaakit na mga bulaklak na nakasabog sa hardin. May nilalabas itong kumikinang  na animoy alikabok sa buntot kaya tila nababalutan ng mahika ang buong paligid. Ang berdeng damo na pantay ang pagkakatabas ay nagsilbing sahig kung saan nakatayo ang kulay puting malalaking silya. Sa bukana ay may kumpol ng puting bulaklak na ginawang malaking arko kung saan dadaan ang mga panauhin. Sa harap naman ay isang katam-taman sa laking bulwagan. Maayos ang pagkakalagay sa nakapalibot na manipis na puting tela doon, natatakpan naman ng berde ding gumagapang na halaman ang bubong ng stage.

Piling mga bisita lamang ang naroroon. Sa unang hanay sa kaliwa nakatayo si Gavin kasunod ang asawang karga sa mga bisig ang mag-iisang taon na sanggol. Katabi ni Ara ay si Dr. Corsi. Sa ikalawang hilera ay ang mga kapamilya at sinundan ng malalapit na kaibigan ng pamilya kasali na si Frida at ang ama nito. Sa kanan naman ay mga opisyal mula sa iba't-ibang departamento ng pamahalaan ng Sauros kabilang na ang ministro ng planeta.

Sa gitna ng bulwagan nakatayo si Silvio bilang tagapamahala ng seremonya. Panaka-nakang sinusulyapan ang bunsong anak na kanina pa hindi mapakali sa tabi. Silvio felt tempted to throw his son a tease kung hindi lang sa pormal na atmospera ng paligid.

Ang puting damit na suot ni Juda ay pinaresan din ng puting kapa. Perpekto ang pagkakagawa ng suot niya dahil hindi mabilang sa mga daliri kung ilang beses niya sinubok ang damit na iyon bago ang seremonya. Pero hindi mawari ng lalaki bakit bigla yatang sumikip ang bandang leeg niyon. Mabibigat ang binibitiwang hininga ni Juda habang tahimik na naghihintay katabi ang ama.

"Nandito na siya." mahinang sabi ni Silvio kay Juda

Nagsimulang tipain ng mga musikero ang harp at umere ang isang kantang kaysarap sa tenga.

Sabay-sabay na napalingon ang mga panauhin sa entranda para pagmasdan ang pinakamagandang nilalang sa araw na iyon.

The breezely wind welcomed Lily's angelic face and few of her loosened curls swayed backwards. Juda literally held his breath. She was wearing a very white lacy ball gown na personal pa niyong pinagawa sa Earth. Iyon pala ang pinagkaabalahan nito kaya nagrequest sa kanyang umuwi. Off shoulder ang tabas niyon na nagmukhang may mamumukadkad na maliliit na puting bulaklak sa balikat nito. Manipis ang tela na ginamit sa bandang likuran kaya kita ang makinis na balat ng babae, ganoon din ang gwantes sa mga kamay. Nakalugay ang alon-alon at makintab na kulay tsokolate nitong buhok, inipitan lamang ang magkabilang gilid nang sa gayon ay mas maipamalas ang angking ganda. Sa itaas ng ulo ay nakadikit ang belo nitong kasinghaba ng sinag ng araw.

Juda felt the soft chills crawling his body upon seeing the enchanting smile on Lily's face.

'Fuck, I love her.'

Mas lalong sumikip ang damit niya lalo na sa bandang dibdib. Gustong huminto ng paghinga niya dahil parang umakyat ang puso niya at bumara sa lalamunan. His palms were cold, nanginginig na kinuyom niya ang mga iyon na tuwid na nakapwesto sa magkabila niyang gilid.

Sa wakas, ang pinakahihintay niyang araw ay dumating na. Pagkatapos ng seremonya ay matatawag na niyang 'kanya' ang babaeng nagturo sa kanya kung paano magmahal. Makakasama na niya ang nilalang na handa niyang pagbuwisan ng buhay. Hindi mapasidlan ang sayang nadarama niya nang mga sandaling iyon na para bang wala na siyang maihihiling pa. Hindi niya mailayo ang mga titig sa naglalakad na babae palapit sa kanya.

Habang hawak ang malaking kumpol ng puting bulaklak sa kamay, Lily was giving the guests smiles and glances as she slowly took the steps forward but when their eyes met, Juda can't help but widthraw his gaze. Napayuko siya dahil hindi na niya mapigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha. Pinisil niya ng mga daliri sa dalawang mata nang sa ganoon ay tumigil ang paglabas ng likido. He's nose got stuffy kaya sisinghot-singhot siya nang makaabot sa harap niya si Lily.

"Ang cute mo." saad ng babae bago kapwa sila humarap sa ama.

Iniwas ni Juda ang tingin kay Silvio dahil nakakaasar ang titig na binibigay nito. Para lang naman nakakita ng nakakaawang bata ang ama niya. May nakita na naman itong p'wedeng itukso sa kanya.

Nag-umpisa ang seremonya ng maayos. Ang mga salita na binitiwan ng ama niya ay gabay at paalala tungo sa matiwasay at masayang pagsasama, ang lahat ng iyon ay taus-pusong tumatak sa isipan niya.

"Tinatanggap n'yo ba ng buo at walang pagkukunwari ang isa't-isa? Maipapangako n'yo ba na walang isa sa inyo ang lilisan kahit ano mang problema o unos ang darating sa inyong buhay?

"Opo." Magkasabay nilang sagot

"Maipapangako n'yo ba na mamahalin at susuportahan ang isa't-isa magpahanggang kailanman?"

"Opo." sagot ni Lily

"Pinapangako ko." ang sabi naman ni Juda

"Kung gayon, binibigay ko sa inyo ang aking basbas. Simula ngayon, kayo na ay iisa. Mamuhay kayo ng matiwasay at puno ng pagmamahal." ang panghuling sabi ni Silvio

"Kiss the bride!" ngiting sigaw ni Ara. Naaliw naman ang mga guests at napangiti rin.

"Teka, tuturuan kita kung pa'no humalik." saad ni Lily sa asawa saka patingkayad na inabot ang mukha nito, yumuko naman ang huli. Isang malutong na halik ang pinadapo ni Lily sa pisngi ni Juda na ikinatawa ng lahat.

Wakas

Mukhang may maa-under da saya. XD

Related Books

Popular novel hashtag