Chapter 26 - Part 25

"JUDA, iwasan ninyong mastress si Lily. Stress is a very vicious opponent, it can kill. Sa ngayon, habang hindi pa fully healed ang mga sugat niya, kailangan iwas muna talaga. Don't worry, I will always let you know every detail, as you requested." naalala niyang saad ni Dr. Corsi

Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman noong sinabi ng babae na wala itong maalala kahit kaunti tungkol sa kanya. At first, he felt disbelief lalo nang wala naman makitang mali sa test. And then he was greatly upset but then later on, naisip niya, hindi ba mas mainam kapag ganoon na nga talaga? Makakalimutan na ni Lily ang lahat ng kapangahasang ginawa niya. Magpapakilala siya ulit bilang bagong Juda, ang Juda na lubos na nagmamahal para dito and he will make her fall inlove with him again.

Ganoon lang ba kadali iyon? Paano kung mahulog ito sa iba, hindi sa kanya? Pa'no kung hindi siya tanggapin nito? Pa'no kung hindi niya mapaibig si Lily?

He clenched his fist against the glass window ng head quarters kung saan nakadungaw siya. Abot hanggang sa mansion ang tingin niya.

"You look vulnerable." napalingon si Juda sa Saurong nagbitiw ng hindi kanais-nais na komentong iyon.

"Kaya kong tabunan ngayon ang opisinang ito ng gabundok na bangkay kung hahayaan ninyo ako."

"Oh no, don't get me wrong, Juda." saad ni Silvio na naaamused sa anak. "Ngayon ang unang beses na nakitaan ko ang mga mata mo ng ibang emosyon maliban sa uhaw sa pakikipaglaban... and as your father, I am glad."

Tahimik lang si Juda, nakatutok pa rin sa malayo ang mga mata.

"Love is powerful, son at minsan lang dumadating iyan sa buhay natin. There's no need to be afraid. Loving someone doesn't mean we're weak, ang totoo niyan, we tend to strive more and do our best to get stronger para maprotektahan ang

mahal natin sa buhay." mahigpit na hinawakan ni Silvio ang balikat ng bunsong anak at sinundan ang tingin nitong hindi mawari kung saan nakaabot.

TAHIMIK na nakatingala si Juda sa itaas ng mansion. Kararating lang niya mula sa head quarters at naisipan niyang pumitas ng bulaklak para sa dalaga. Mula sa garden na kinatatayuan, kita niya ang veranda ng kwarto ni Lily. Bukas na ang ilaw sa loob niyon dahil nilalamon ng makakapal na ulap ang kalangitan.

Mukhang uulan.

Lumiwanag ang bukas ng mukha ng lalaki nang lumabas mula doon ang may-ari ng kwarto. Nakabestida ito ng puti na halos dumampi na ang laylayan sa sahig. Hindi masyadong mahaba ang pagkakatabon sa braso nito kaya kita ang makinis at maputing balat ng dalaga. Humawak ito sa railings ng veranda at tumanaw sa langit kaya hindi napansin ang presensya n'ya na kung tutuusin ay kita kung yuyuko lang ito. Seryoso itong nakatitig sa makakapal na ulap saka itinaas ang kanang kamay, tiniklop ang mga daliri at iniwang nakabuka ang hintuturo at hinlalato.

"Gunting gunting gunting, putol putol putol." dinig niyang usal ng babae habang pinagalaw ang mga daliri na parang gunting. Napayugyog ang balikat ni Juda sa pigil na tawa sa naalalang tagpo sa kweba ng Rattus.

She's the only person who made him do silly things. Kahit na nga ba takot ito sa kanya noon, she was still very cheerful.

"Ang gaganda naman n'yan, para ba sa kanya?" saad ng babae mula sa likod kaya napalingon siya.

"Frida." nawala ang ngiti sa mga mata niya at napalitan ng seryosong tingin.

"Ang sabi ko magaganda ang mga bulaklak na hawak mo at ikaw pa talaga ang namitas para sa tao."

"Anong kailangan mo?"

"Nothing, napadaan lang ako. Naisipan kong ipaalam na babalik na ako sa bayan namin sa susunod na linggo. Baka hindi na uli tayo magkita sa mga sumusunod na araw kaya sasabihin ko na ngayon."

Napabuntong-hininga si Juda. "Frida, tungkol sa wedding cancellation--"

"It's totally fine, Juda. Ako nang bahala kay papa. Siyempre mas gusto ko parin na ako ang magiging unang asawa mo pero masaya ako na sa wakas ay umiibig ka na. Kahit hindi sa akin, afterall we're still cousins."

"Salamat sa pag-intindi."

"So, pumasok kana doon at ibigay ang mga iyan. Iparamdam mo sa taong iyan kung paano magmahal nang totoo ang isang Sauro." anang babae na tinapik ang pisngi ni Juda.

Bahagya siyang napangiti at nilingon ulit si Lily sa veranda para lang makita na nakatingin na pala ito sa kanila ni Frida.

"P-papasok na ako." aniyang ibinaba ang tingin pero hindi alam kung saan iyon ibabaling

"Sige, Juda." tinanaw ng babaeng Sauro ang likod ng nagmamadaling lalaki bago tiningala si Lily na mataman paring nakatitig. "What a sight, stammering Juda."

"THE hell I care! Kahit magmultiply pa kayo d'yan sa garden wala akong pakialam. Mga pangit! Kahit magface swap kayo, ganun din!Tamaan sana kayo ng kidlat mga butikiii!"

Tok! tok! tok!

"Ay, kabayo!" napahawak siya sa puson dahil biglang kumirot bahagya iyon nang magulat siya sa katok.

"Sino 'yan?"

"Lily, si Juda ito."

'Juda? Ba't siya nandito? Ano na namang kailangan ng bakulaw na ito?'

"P-pasok."

Dahan-dahang humakbang si Lily patungong kama dahil baka kumirot na naman ang puson niya. Sa ganoong ayos siya nadatnan ni Juda kaya nagmadali itong lumapit at inalalayan siya.

"Anong nangyayari sa'yo? May dinaramdam ka ba?"

"Wala, wala, okay lang ako." iling niya at pasimpleng lumayo para umupo sa kama. Tumaas ang manipis niyang kilay sa nakitang bulaklak na hawak nito.

'Hindi n'ya nabigay?'

"Ah, papalitan ko ang bulaklak na nilagay ni Ara, medyo nag-iba na kasi ang kulay." anito na pinakita sa kanya ang bulaklak bago umikot sa kaliwa para kunin ang vase. Pumasok ito ng banyo at narinig niya ang paglagaslas ng tubig. Maya-maya ay lumabas ito bitbit ang panibagong bulaklak sa vase.

'Hmmn... let me see.'

"Ang bait n'yo talaga sa akin, sa amin ni Ara kahit hindi tayo magkalahi... I've been meaning to ask this, paano n'yo kami natatanggap nang bukal sa loob, eh iba kami?"

'Sige nga, Juda, sagutin mo. Magsisinungaling ka ba o sasabihin mo sa akin ang tunay mong ugali?'

"... Hindi banta para sa lahi namin ang mga tao, lalo na at mga babae kayo. Walang dahilan para tratuhin kayo ng masama."

'Huwooow! Clap! Clap! Clap! May ganyang prinsipyo ka na pala ngayon! Ikaw na ang mabait. So mas pinili mong magsinungaling, huh. Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mong gawin.'

"And... bakit napaka-caring mo sa akin? Narinig ko, ikaw daw ang nagligtas sa akin mula sa mga Piscis. Ahm... close ba tayo?" pinagdikit ni Lily ang dalawang hintuturo para iemphasize ang tanong.

'Kitam! Tigalgal, ano ano ha!'

Ibinaba nito ang vase sa itaas ng mesa imbes na sumagot. "Nainom mo ba sa tamang oras ang mga gamot na binigay ni Dr. Corsi sa'yo?

'Ah-ah-ah, changing the topic? Gawain ko 'yan.'

"Sorry nga pala, Juda, kasi wala akong maalala tungkol sa'yo. Naaalala ko naman ang lahat, pero kahit anong gawin ko," ipinikit niya ang mga mata at aktong pinipilit halukayin ang isip.

"Lily, hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo na alalahanin ako. Makakasama sa kalagayan mo iyan." pag-aalalang saad nito.

"Pero baka kasi, marami tayo good memories, ayokong masayang ang mga iyon."

Humakbang si Juda palapit sa kanya kaya naalarma ang sistema n'ya pero hindi siya p'wedeng umatras, magmumukha siyang timang.

'Wrong move, wrong move.'

Dahil matangkad, kailangan nitong mag-squat sa harap niya para at least magtagpo ang paningin nila.

'Ang lapit!'

Tinitigan siya ng lalaki sa pinakabanayad na paraan, it was the second time. Una niyang nakita ang tingin na iyon noong sinundo sila ni Gavin at Ara sa Rattus.

Hinaplos nito ang ulo noo niya at pindulas ang magaspang nitong palad pababa sa tenga at nilaru-laro ng hinlalaki ang pisngi.

Natutukso na si Lily na mapapikit sa sensasyong hatid ng hawak nito, nanginginig na ang leeg niya sa papipigil na hindi mapasinghap.

"Gagawa tayo ng panibagong magagandang alaala, Lily. Lahat masasaya, burahin na natin ang mga hindi kaaya-ayang pangyayari."

"Hindi kaaya-aya?... Gaya ng ano?"

Tila nag-isip pa ito kung ano ang isasagot. "...Kagaya ng nangyari sa Piscis, at ang kalagayan mo ngayon."

"Aahh..."

Halata ni Lily ang mabigat na pagtaas-baba ng dibdib ni Juda. Hindi parin nito binibitawan ang pisngi niya sa halip ay bumaba iyon sa leeg hanggang sa balikat.

Masasabi niyang ang leeg ang isa sa pinakasensitive niyang parte ng katawan lalo na 'pag si Juda ang humahawak. Kusang tumutugon ang katawan niya sa mga haplos nito, marahil ay naaalala ang nangyari sa kanila ilang buwan na ang nakalipas.

Napalunok si Lily nang sadya nitong pinadaan ang dulo ng matalas nitong kuko sa gitna ng leeg niya. Tuluyan na siyang napapikit at nagpakawala ng hangin sa dibdib.

"J-Juda..."

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag