Chapter 27 - Part 26

***Warning!!! This chapter contains MATURE content. Parental guidance is highly encouraged.

Huli na nang maramdaman niya na nagawa na palang pumaloob ng kamay ng lalaki sa bestidang suot niya. Nagtagpo ang mga kilay niya sa pagtataka kung ano ang gusto nitong gawin pero nasagot ang maikli niyang katanungan sa isip nang ipaghiwalay nito ang mga binti niya at dinama ang gitna niyon.

Napasinghap siya, singhap na nauwi sa ungol.

"Lily..."

Inilabas ni Juda ang mahaba niyang dila at pinalakbay sa maliit niyang leeg paakyat sa naghihintay niyang tenga. Ang nakakabaliw na kiliti na nararamdaman niya ay nag-udyok sa kanya na humawak nang mahigpit sa balikat nito at mas paghiwalayin pa ang dalawang hita.

"Juda..."

Nangangalay ang magkabila niyang binti kaya dahan-dahan niyang inihiga ang itaas na bahagi ng katawan sa nakapatong na mga unan. Hindi niya inakala nang itaas ni Juda ang laylayan ng damit niya hanggang sa balakang at nilasap ang kanina pa'y handa na niyang pagkababae.

Mas lalo niyang pinag-igihan ang pagbuka ng mga paa nang sa gayon ay hindi ito mahirapan sa pagpasok ng dila sa loob niya.

"Juda... 'y-yan... sige pa..." ungol niya na para bang naglaho ang lahat ng galit at pangamba sa dibdib niya. Ang tanging naiwan ay ang pagnanasa na laging pinapadama sa kanya ng lalaki.

Tok! Tok! Tok!

"My lady."

Nanumbalik ang tila naliligaw niyang kaluluwa sa katawan at mabilis na napabalikwas sa pagkakahiga. Binaba ang bestidang nalukot sa baywang at tumuwid ng upo.

Si Juda naman ay napalunok at natigilan din.

"My lady?" si Mali

"Y-yes, Mali, ikaw ba 'yan?"

"Yes, My Lady. Maghahatid lang po ako ng pagkaon ninyo."

Tiningnan niya si Juda sa nagtatanong na mga mata.

Tumayo ang lalaki at sa nakasimangot na mukha ay binuksan ang kwarto.

"My--My Lord!" yuko ng kasambahay. "Ipagpaumanhin po, hindi ko alam na nandito kayo."

Hindi ito sumagot bagkus ay nilagpasan ang babaeng Sauro at tuluyan nang lumabas ng kwarto.

"WAAAAAH!" pinagbabayo ni Lily ang kawawang unan na nakalatag sa kama. "Nakakahiya ka, Lily! Nakakahiyaaa!" Padabog siyang bumaba ng kama pinuntahan ang salamin. "Wala kang delekadesa! Walang dignidad! Haliparot! Saan mo natutunan ang ganoon, ha?" hinubad niya ang malambot na saplot sa paa at binato sa mukha ng babaeng nakatitig sa kanya. "Mababang uri! Kalapating walang pakpak! Bumigay ka nang ganun lang?! Wow namaaan, ang cheyaaap! (cheap) Pa'no mo ipagpapatuloy ang amnesia ko eh bumigay ka, higad ka!"

Habol niya ang hininga pagkatapos ng mahabang sermon na binigay sa sarili. Laglag ang balikat na napaupo siya sa kama, napagod na.

"Talo kana, Lily... Kahit kailan ang hina mo talaga." nalaglag ang mainit na preskong luha sa likod ng kamay niyang nakakuyom sa ibabaw ng hita.

Ano nang gagawin n'ya? Magmumukha siyang tanga kung ipagpapatuloy n'ya pa ang pagpapanggap.

"Hindi ako susuko, tanga na kung tanga."

"HAVE you settled the negotiations with Neri?" nakaharap sa patung-patong na papeles ang mukha ni Silvio habang nakikipag-usap sa panganay na anak.

'Kailan ba matatapos ang tore ng papel na ito?'

"The Feles are still undecisive but I know we will get positive response." sagot ni Gavin. Inutusan niya ito na kausapin ang pinuno ng purchasing department ng Feles o daigdig ng mga pusa. "Sa tingin ko, kahit hindi tayo ang top priority nila, kaya nilang dagdagan ang quantity ng supply na idi-deliver sa atin. Pansamantala lang naman habang hindi pa nakakarecover ang Piscis."

"Alam kong ikaw lang naman ang may kakayanan na makipag-usap kay Neri." anang ama na napangisi. Napapailing na lamang si Gavin sa panunukso ng ama.

"Matagal nang nangyari iyon, ama kaya mas mabuting huwag na nating halungkatin pa." kibit-balikat na napainat sa kinauupuan si Silvio. "Ama, alam kong hindi ngayon ang pinakamagandang panahon para pag-usapan ang bagay na ito pero... nais ko nang pakasalan si Ara."

"... Sigurado ka na ba? Na ang magiging unang asawa mo ay isang tao? We nobles can keep a dozen of concubines as we please, I believe you know about that."

"Iisa lang ang babaeng pakakasalan at mamahalin ko, ama at iyon ay si Ara."

"Why?" nakapanglumbabang tanong niya sa anak na para bang nakakabagot ang sagot na narinig mula dito.

"Dahil ayokong saktan ang nag-iisang babaeng papangakuhan ko ng katapatan. Nalaman ko na isa sa mga kaugalian ng lahi ni Ara ay ang pagiging matapat sa kanilang kinakasama. Nasasaktan sila kapag may ibang pinagtutuunan ng pagmamahal ang kanilang katipan. Kaya ipapangako ko sa kanyang siya lang ang mamahalin ko magpahanggang kailan."

"Hmf, hmf... " napapailing na napangiti si Silvio sa tinuran ng anak. Sino ba ang mas nakakatanda, siya o si Gavin? Inilahad niya ang mga kamay sa harap. "Do as you please."

"Salamat, ama." anang lalaki at tumalikod na.

Sa sandaling nailapat ni Gavin ang pintuan pasara ay nabura ang ngiti sa mga labi ni Silvio. Ang mga matang ngayon ay napatungan na ng lamlam ay nakatitig sa berdeng singsing na nasa daliri.

"Francesca..."

WALA sa loob na kinukutkot ni Lily ang mga kuko sa magkabilang hinlalaki. Palakad-lakad siya sa malapad na kwarto at panaka-nakang sumusulyap sa pintuan.

"Saan na ba si Mali? Bakit ang tagal?"

Kanina pa siya aligaga, gusto na niyang makausap si Juda para magawan na niya ng lusot ang nangyaring kahalayan. Patatawagan niya kay Mali ang lalaki, p'wede namang tawagan na lang niya diretso ang kasambahay gamit ang anyong 'intercom' na communication devide na nasa kwarto niya para utusan na papuntahin doon si Juda pero ayaw niyang magmukhang desperada.

Nang sa wakas ay tumunog ang lock ng pinto ay napahinga siya.

"Hay, Mali, salamat at nand'yan--" nakulong sa lalamunan niya ang sasabihin nang malaking bulto ng katawan ni Juda ang pumasok sa pinto bitbit ang tray ng pagkain na dapat ay si Mali ang naghahatid.

"Kumusta ka na?" tanong nito sa mababang boses

"M-mabuti naman." sagot niyang umiwas ng tingin.

'Gosh, natatae ako!'

"Kumain ka na." saad nito na tinanggal ang mga plato at ibang kagamitan na nakalatag sa tray.

"Juda... " napalingon ang lalaki sa kanya. "'Yung... 'yung nangyari kagabi... ahm, sana... kalimutan nalang natin 'yun. Na-nadala lang talaga ako. At alam ko namang ikaw din, diba?

It's our physical urge, nagkataong nagkatagpo kaya... kaya ganun. Kaya, kalimutan nalang natin 'yun--"

"Lahat ba ng tungkol sa akin gusto mong burahin na lang sa isip mo, Lily?"

"Eh?"

"Alam kong wala kang amnesia kaya hindi mo na kailangang ipagpatuloy ang pagpapanggap mo."

"Anong pinagsasasabi mo, Juda?"

"Maliban sa masyadong mataas ang kalidad ng mga kagamitan dito para magkamali nang ganoon lang, napatunayan ko kahapon."

Uminit ang magkabilang tainga ni Lily sa sinabi ng lalaki. Siguradong nagkulay merthiolate na ang anemic niyang beauty nang mga sandaling iyon.

Tumikwas ang kilay at itinaas niya ang baba. Tila siya artista na biglang nag-iba ang aura mula sa bidang mabait, naging kontrabida.

"So, sinasakyan mo lang pala ang pagpapanggap ko, ganun ba, Juda?... Ang hilig mo talagang maglaro ano, lalo sa mga walang kalaban-labang katulad ko." Lumayo siya mula dito sa distansyang sigurado siyang hindi agad-agad maaabot ng kamay nito dahil baka pulutin na naman siya sa sahig. Pumuwesto siya sa ottoman at umupo. "Naenjoy na naman ba kita, Juda? At, at iyong kahapon, how was it?" magiliw niyang tanong na para bang may nakakaaliw na nangyari. "Makalipas ang ilang buwan, ganoon pa rin ba ang lasa ko?" sa sandaling iyon ay ngumiti siya nang nakakaloko. "Wala pa rin bang pinagkaiba kay... Elysia?" diniinan niya ang pangalan ng dagang nakaniig nito.

"Stop it, Lily."

"O, bakit? Hindi ba totoo? Actually, I will tell you a little secret, I was there. Nakita ko kung paano mo binabayo sa likod si Elysia. Enjoy na enjoy ka pa nga, may papikit-pikit kapa, tapos paliyad-liyad nang ganun." Aniyang ginaya ang nasaksihan nang gabing iyon. Gaya lang din ng ginawa mo sa akin, di--"

"Sinasabi kong tigilan mo na iyan."

Nasisiyahan siya sa reaction na nakaukit sa mukha ni Juda. Halatang nagpipigil na ito sa galit dahil nagbabant na ang tono ng boses nito, nakatiim na ang mga bagang at tumataas-baba na ang dibdib.

"Oh, galit na siya. And what if I wont stop, anong gagawin mo? Sasampalin mo na naman ako? Babalibagin sa sulok o mas malala pa? Hanggang sa masugatan na ako't nagdudugo."

"I said, stop!" Lily jolted when Juda slammed the cabinet beside him. Kagyat na napamulagat ang dalaga sa nangyari pero nang makabawi ay padabog na tumayo sa kinauupuan at inilapit ang sarili dito.

"Ano?! Gusto mo akong saktan? Sige, saktan mo na'ko!"

"Lily... " nawala na ang tensyon sa katawan nito sa halip ay gumuhit sa mukha ang sakit.

'Bakit ka nasasaktan, huh? Inaano ba kita?'

"'Wag kang magpigil kasi iyan lang naman ang gusto mong gawin sa akin, diba? Ang saktan ako kapag nagagalit ka?!" Nag-umpisa nang sumilip ang luha sa magkabila niyang mga mata pero hindi pa rin siya nagpaawat. Pilit niyang hinahablot ang kamay ni Juda na matigas na nakababa lang sa gilid nito. Nang sa tingin niya ay hindi siya magtatagumpay ay binitiwan na niya iyon. "Bakit mo pa ako kinuha sa Piscis, huh? Dahil wala ka nang mapaglaruan? Hinayaan mo nalang sana ako doon! Hinayaan--mo--nalang--sana--ako--mamatay--doon!" sigaw niya sa kabila ng luhang walang tigil na dumadaloy sa pisngi habang pinagbabayo ang sariling puson na nagsimula nang kumirot.

"Lily! Anong ginagawa mo?!" agad siyang hinawakan ng malalakas na kamay ni Juda sa mga braso.

"Bitiwan mo'ko! Umalis ka sa harap ko!" pagpupumiglas niya. Sinipa pa niya ang tuhod nito pero wala namang epekto. Natigil ang paghahablot niya nang sarili nang mahigpit siyang ikulong nito sa mga bisig.

"Lily, pakiusap... tumigil kana." pagmamakaawa nito sa likod ng kanyang tenga. "Huwag mong saktan ang sarili mo."

Dahil limitado ang galaw, ang sunod niyang pinagbuntunan ay ang ulo nitong abot niya.

"Kasalanan mo ang lahat! Kasalanan mo kung bakit ako nagkaganito!" Hampas niya nang paulit-ulit sa likod ng ulo ni Juda. "... Kung hindi mo ako iniwan... kung hindi mo ako pinabayaan... kung minahal... mo'ko... hindi ako magkakaganito."

Naubos na ang buo niyang lakas kaya huminto na siya. Wala din namang sinabi ang lakas niya sa lakas nito.