Chapter 23 - Part 22

MALUNGKOT na nagpalitan ng tingin ang magnobyong Gavin at Ara mula sa pintuan ng silid. Nakatanaw sila sa kama kung saan payapang nakahiga si Lily, may puting kumot na nakatabing sa kalahati ng katawan nito.

"Gav, kausapin mo na si Juda. Ilang araw na siyang hindi umaalis sa tabi ni Lily, halos hindi rin kumakain."

"Naiintindihan ko, hinahanap na nga rin siya ng mga opisyal sa headquarters dahil sa malaking gulo na ginawa niya. Hindi alam ng buong congress ang plano niyang paglusob sa Piscis. Wala talagang makakakontrol sa init ng ulo ni Juda." iiling-iling na napapikit ang nakakatandang Sauro. Nahahabag sa sinapit ng kapatid pero hindi maiwasang makaramdam ng sakit sa ulo. "Pero sa estado niya ngayon, mukhang mahihirapan akong kumbinsihin siyang umalis dito. Kailangan ko ang tulong mo, baka mas makikinig siya sa'yo."

"Ganun ba?" Sinulyapan ulit ni Ara ang kapatid ng nobyo na tahimik na nakaupo sa silya katabi ng kama ng pinsan. Gamit ang pagod at namumulang mga mata, mataman lang itong nakatitig na nakahigang babae. Minsan, gumagalaw ito para lang ikulong sa palad ang kamay o haplusin ang pisngi ng huli. "Sige, tutulungan kitang kausapin s'ya."

Unang lumapit si Gavin at bahagyang tinapik ang balikat ng kapatid. "Juda, kailangan mo nang magpahinga. Kami na ang bahala kay Lily."

"Hindi na kailangan." anitong nagbawi ng tingin

"Juda, safe na si Lily ngayong nandito na siya sa atin. Huwag kang mag-alala, hindi ko s'ya pababayaan, kami ni Mali, t'saka ng kapatid mo. Ilang araw kanang hindi kumakain, baka ikaw naman ang magkasakit." segunda ni Ara

"Hinahanap ka na rin ni ama at ng mga opisyal sa head quarters. Magpahinga kana muna."

Walang tugon mula dito hudyat na wala talaga itong balak na umalis sa kinauupuan.

Tatlong katok ang nagpalingon sa tatlo sa pintuan.

"Ipagpaumanhin n'yo po ang aking paggambala." yukong bungad ng kawal.

"Anong kailangan mo?" si Gavin

"Commander, kailangan po ang presensya ninyo sa head quarters ngayon din. May mensaheng natanggap mula sa planetang Anguis."

Nagkatinginan ang magkapatid habang nabahiran ng pag-aalala ang mukha ni Ara.

"Juda, halika na. Sabay na tayong pumunta sa headquarters." sabi ni Gavin

Alanganing tumayo si Juda habang sinusulyapan si Lily.

"Juda, sige na. Hindi ko iiwanan si Lily hangga't hindi ka makakabalik kaya 'wag ka nang mag-alala."

Tumango lamang ito bago tumayo at naunang lumabas ng silid.

"Mag-iingat kayo." paalala ni Ara sa nobyo at humalik sa pisngi, sumunod na ito sa kapatid.

Kinagabihan tanging si Gavin na lamang ang mag-isang nakabalik sa mansion.

"Kumusta? Si Juda?" tanong ni Ara

"Mas tumindi ang hidwaan ang Sauros at Anguis. Akala ko ay kaya pang idaan sa masisinang usapan ang problema dahil tanging si Elko lang naman ang may pakana ng pag-ambush sa atin, pero naghamon si Juda ng digmaan." nahahapong napaupo ang lalaki sa silya malapit sa bintana. "Hindi ko na alam kung paano siya pipigilan. Masyadong mainit ang ulo niya. Gusto n'ya laging idaan sa marahas na paraan ang lahat."

"Hindi mo masisisi si Juda, Gavin. Namiligro ang buhay natin noon nang dahil sa kagagawan ng mga Anguis, sinuwerte na nga lang tayo sa pagkakatakas. Naiintindihan ko kung malalim ang galit niya sa mga taga Anguis."

"Hmm, kumusta na si Lily?" alam niyang gusto lang baguhin ng nobyo ang usapan, ganoon ito kapag nagkataong hindi magkatugma ang mga opinion nila. A good thing dahil umiiwas ito na magkasamaan sila ng loob.

Talagang napakabait ng mapapangasawa niya.

"Nagpunta ang doktor dito kanina, ang sabi mukhang matatagalan pa bago maibalik ang normal na lakas ng katawan n'ya. Medyo uminit na naman siya kanina pero hindi ko tinigilan ang pagpunas ng basang tela kaya nagsubside na ang temperature."

"Mukhang hindi pa makakabalik dito si Juda. Nagsisimula na silang maghanda para sa paglalakbay sa susunod na linggo."

"Saan sila pupunta?"

"Sa Anguis, sasalakay sila kasama ang limang daang mandirigma."

Napasinghap si Ara sa narinig. Naitakip niya ang kamay sa maliit na bibig.

"Ganoon kalubha?"

Tango lang ang sagot ng nobyo.

"Magtatagal ba ang digmaang 'yan?"

"Oo, lalo at kilala ang mga ahas sa pagiging matalino. Marami silang nalalamang strategies sa labanan, isa sila sa mahirap kalabanin."

"Gaano katagal? Mga ila araw o linggo?"

"Sa tantya ko, sa bilang ng kawal na dadalhin ni Juda ay magtatagal iyan ng buwan. Magpahinga kana, ipapatawag ko si Mali para magbantay kay Lily."

"S-sige."

Umalis sandali ang lalaki para tawagin ang babaeng Sauro.

"Lily," ginagap ni Ara ang kamay ng pinsan at bahagyang pinisil. "Buwan bago uli makakabalik dito si Juda, kami muna ni Mali ang mag-aalaga sayo ha? Kailangang magpagaling kana para pagdating niya, magkakasama na ulit kayo. Nanganganib ngayon ang buhay ni n'ya. Sana mas mapadali ang paggising mo para sabay nating ipagdarasal ang safety nila."

After Two Months

"MALI, ikaw muna magpunas kay Lily. Papalitan ko lang 'tong tubig sa bowl."

"Masusunod po, my lady."

Maingat na dinampot ni Ara ang metal na planggana at pumasok sa banyo.

'Buti nalang talaga at masipag si Mali, at mabait pa. Kung hindi mahihirapan akong mag-alaga kay Lily nang mag-isa. Lalo na sa kalagayan ko.' sa naisip ay napayuko siya at hinaplos ang apat na buwang tiyan.

"Magpray tayo araw-araw, baby na magising na at gumaling si Tita Lily Rose mo. Siguradong lab-lab ka masyado nun."

napuno na ang planggana kaya automatikong namatay na ang sensored na gripo.

"My lady, Ara!"

"Yes, Mali?" nagtatakang tanong niya. Binabanlawan niya ang ginamit na basahan sa pagpunas sa paa ni Lily.

"May kailangan kayong makita!"

"Bakit parang urgent? Anong meron?" piniga na niya ang tela at isinabit sa tubong lalagyan ng tuwalya sa loob ng banyo saka lumabas bitbit ang plangganang may bagong tubig.

"Ang lamiiig..." narinig niyang ungol. Sigurado siyang hindi boses ni Mali iyon kaya dali-dali niyang ipinatong sa oblong na mesa na nagsisilbing center table sa maliit na tanggapan sa sulok ng kwarto ang planggana.

"Lily? Gising na si Lily, Mali?" excited niyang tanong habang pinupunasan ang kamay sa gilid ng suot na bestida.

"Yes, My Lady." masayang ngiti ng kasambahay.

Tumabi siya sa uluhan ng kama at hinaplos ang noo ng pinsan.

"Lily, kumusta? Anong nararamdaman mo?" naiiyak niyang tanong dahil masayang-masaya siya na tuluyan nang nagising ang pinsan.

"Ang lamig naman... nasa pluto na ba'ko?"

Napangiti si Ara. Gising na nga ang pinsan niya. Nagbalik na ito sa normal na sarili. Hindi mapasidlan ang galak at relief na nararamdaman niya ngayon. Nagbunga na ang araw-araw na taimtim niyang pagdadasal.

"Nasa Sauro ka, Lily, si Ara ito. Nandito din si Mali, katulong ko sa pag-aalaga sa'yo."

"Sauro? Ako nasa Sauro?... Ara?!" bulalas ng dalaga nang marealize ang sinasabi ni Ara

Nakangiting tumango-tango lang siya sa reaksiyon ng pinsan. Naiintindihan niya kung medyo disoriented pa ito, normal daw iyon dahil epekto ng pampatulog na gamot na binigay ng mga Piscis kay Lily.

"Mali! Gurl! Kayo nga!" bulalas ng babae. Nakikita niya na masaya itong nagkita silang muli.

"Yes, my lady." naiiyak din na sagot ni Mali. "Maligayang pagbabalik."

"Mali, pakitawagan mo si Gavin, at ipaalam mo na nagising na si Lily."

"Ngayon din, my lady." anang kasambahay at may kagalakang lumabas ng kwarto.

"Teka at io-on ko ang warmer ng kwarto." nilapitan ni Ara ang hugis kwadrado na kaanyo ng window type aircon at pinindot ang power button. "Aside sa nilalamig ka, may iba ka pa bang kakaibang nararamdaman? Yung parang di normal?"

"Hmmn,. Wala naman. Pero ba't parang ang gaan ng feeling?" Kinapa nito ang ulo para lang matigilan.

"Ara, naiwan ba sa Earth ang curly hair ko?"

May two inches nang tumutubo sa buhok ni Lily kaya hindi na masyadong litaw ang anit nito. Nagmukha lang itong cancer patient. Lumilitaw na ang original na kulay itim nitong buhok.

"Lily,.." tumabi si Ara sa kama at masinsinang hinarap ang dalaga. "Dinukot ka ng mga taga Piscis galing sa Earth." nakitaan ng pagkaalala si Ara sa reaksyon ng mukha ni Lily. Sa anyo nito ay parang sinasabi sa sarili na 'ah, oo nga, naalala ko!'

"Ginawa ka nilang human sample sa laboratory. Binigyan ng gamot na pampatulog at... tinanggal ang lahat ng buhok sa katawan. Fertility Experiment daw iyon dahil nag-evolve sa katawan mo ang serum na nasagi mo noon sa laboratory, naalala mo?"

"Yun?"

"Yes, yun, kaya dinukot ka ng isa sa mga scientists ng Piscis. Pero look, unti-unti nang tumutubo ang hair mo. Ipa-pixy cut natin 'yan pag medyo humaba na, diba gusto mong itry yun noon pa?"

"Mirror naman, couz please!" binuksan ni Ara ang drawer ng bedside table at naglabas ng salamin na hugis oblong at inabot sa pinsan.

Nalukot naman ang mukha ng dalaga nang mapagmasdan ang sarili sa repleksyon. "Ang pangit ko na." komento nito habang hinahagod ang buhok.

"Of course not! You're still as pretty as before. Hindi kawalan ang short hair sa ganda mo."

"Pa'no ako nakabalik dito, Ara? Nagsawa sila sa'kin, ganun?" pagkuway tanong nito

Umiling si Ara. "Iniligtas ka ni Juda."