Chereads / UNO (Tagalog) / Chapter 5 - Brother

Chapter 5 - Brother

Pabaling-baling sa pagkakahiga si Melissa. Hating gabi na ngunit hindi pa rin siya makatulog. Hindi niya alam kung dahil ba sa namamahay siya dahil ito palang ang unang gabi niya sa bahay na iyon matapos ang halos limang taong pamamalagi niya sa China o dahil sa init ng panahon. Napabuga siya sa hangin saka nagmulat at dahan-dahang bumangon. Pakiramdam niya kasi ay nanunuyo ang lalamunan kaya kailangan niya ng tubig na maiinom.

Maingat ang bawat hakbang na kanyang ginawa patungo sa kusina upang hindi magising ang kanyang lola. Matapos uminom ng tubig ay dahan-dahan niyang muling ibinalik ang maliit na waiter pitcher sa loob ng ref. Napakunot ang noo niya ng makarinig ng mga kaluskos pababa sa bodega ng bahay.

Huminga siya ng malalim saka kinuha ang kutsilyo't dahan-dahang tinahak ang madilim na bahagi ng bahay at humakbang pababa sa hagdan patungo sa bodega.

Mahigpit ang kapit niya sa kutsilyong hawak ng dahan-dahan niyang pinagkasya ang sarili sa awang ng pinto upang hindi siya makalikha ng anumang ingay.

Kita niya ang isang anino na mabilis na nawala ng marinig ang mahinang kaluskos ng kanyang mga paa. Hulin a upang siyang makasigaw nang may tila bakal na mga kamay ang sumakal sa kanyang leeg at malakas na naisandal sa pader ang kanyang katawan.

"Ku-kuya…" Hinahabol ang hiningang wika niya ng matunghayan ang mukha ng kapatid. Kahit madilim ang paligid ay aninag niya ang mga sugat sa mukha nito at pamamaga sa gilid ng labi. Dahan-dahan namang binitawan ng kapatid ang kanyang leeg.

"Kuya, bakit-

Hindi na niya nagawa pang magsalita ng pagalit na itaas ng kapatid ang kamay na naghuhudyat na siya ay tumahimik. Sinalubong ng matalim nitong mga mata ang mga mata niyang nang-uusisa.

"Hindi kita ginulo nang umalis ka, Melissa…kaya 'wag mo rin akong pekealaman." Pigil ang galit na ani nito saka humakbang patungo sa isang mesa na may iba't-ibang uri ng baril. Kinuha nito ang isa at sinimulang linisin.

Halos hindi naman makahinga si Melissa sa nasasaksihan. Hindi niya kasi alam na puno pala ng mga baril at iba't-ibang sandata ang bodega.

"Kuya, please…hindi ko alam kung anong ginagawa mo, pero ayaw kong may mamatay pa sa pamilya natin." Naiiyak niyang wika ng tumayo sa harap ng kapatid. Inihinto nito ang ginagawang pagpupunas sab aril at padabog na inilapag iyon sa mesa.

"I am already dead, Melissa. I know ikaw din." Mapait na wika nito saka nagtungo sa gilid ng silid kung saan naroon ang isang laiit na ref at kumuha ito ng beer na agad nilagok pagbukas nito.

"Kuya…" Nanlulumo niyang wika na hindi na niya napigilan ang luha sa mga mata.

"Stop pretending you are ok, Melissa! Alam kong pareho lang tayo! So leave me alone!" Paasik na wika nito sabay ang pagbasag ng bote ng alak nito sa kanyang harapan. Napatili naman siya sa ginawa nito kasabay ang tuluyang pagpatak ng masaganang luha sa kanyang mga mata. Ramdam niya ang sakit sa damdamin- sakit na makitang ballot ng poot, hinagpis, at galit ang kapatid. Hindi na niya kilala kung sino ito.

"Kuya, please…stop doing this. I need you." Umiiyak niyang ani saka sinubukang yakin ang kapatid ngunit mabilis nitong naiiwas ang sarili sa kanya.

"You need me?! I think that's the opposite of what you've told me before you left. You told me we don't need each other anymore. Then, I realized it's true. We don't need each other anymore, Melissa. We need to work separately to find the justice that we need. So stop pretending. I know who you are, my little sister." Madilim ang mukhang ani nito saka muling kumuha ng beer sa ref at ininom ito.

"Hindi ko alam kung anong ibig sabihin mo, kuya-"

"Alam kong wala ka talaga sa China, Melissa! Ilang beses kitang nakita dito sa Mendes! Ilang beses na nagtatagpo ang landas natin sa mga lugar na hindi ko akalaing kaya mo ring puntahan pero nagkukunwari ka lang na hindi mo ako kilala. Alam kong pareho lang tayo ng ginagawa. At masaya ako na pareho tayo ng gustong mangyari, Melissa." Putol ng kapatid sa iba pa niyang sasabihin sa pagitan ng paglagok nito ng alak.

Napapailing naman si Melissa dahil wala siyang maintindihan sa sinasabi ng kapatid. Mahigit limang taon siyang namalagi sa China bilang isang professional martial arts trainer at hindi siya umuwi sa Pilipinas mula noon. Kaya naman wala siyang ideya sa sinasabi ng kapatid. Nakita siya nito? Nagtagpo ang landas nila sa panahong nasa China siya? Paano nangyari iyon? Imposible.

O may nanggaya sa kanyang katauhan? Hindi maaring mangyari iyon. Hindi pelikula o produkto ng isang imahinasyon ang kanyang pagkatao.

"Kuya…" Umiiyak niyang wika. Masakit sa kanyang kaloobang tanggapin na marahil ay nawawala na sa katinuan ang kapatid. Gusto niyang sisihin ang sarili sa pag-alis at pag-iwan dito sa mga panahong dapat ay kasama niya itong kinakaya ang bigat ng pagkamatay ng mga magulang. Marahil ay dahil sa sobrang kalungkutan ay bumigay ito.

"I'm sorry, kuya…" Humahagulgol niyang wika habang nakatunghay sa kapatid na naupo sa sahig ng silid habang patuloy sa paglagok ng alak.

Humalakhak naman ito ng malakas habang nailing.

"Malapit na tayong matapos, Melissa. Malapit na natin silang maibaon sa hukay. Hindi tayo susuko, hindi ba Melissa? Hanggang sa mapatay natin silang lahat?" Tanong sa kanya nito habang nakangisi.

Napapikit naman siya kasabay ang pagpatak ng masaganang luha sa kanyang mga mata.