"Look who's suspicious here!" Bulalas ni Allen ng makita ang pagpapa-cute ni Kyel sa dalawang babaeng kausap.
Natatawa naming sinipat din ni Marcus ang pinagtutuunan ng pansin ni Allen habang nasa loob sila ng kotseng nakaparada malapit sa pwesto ni Kyel.
"I think makakalimot ka talaga kapag kaharap mo ang ganyang kaganda at kaseksing babae." Nakangisi namang ani ni Marcus habang nakatuon ang pansin sa babaeng nasa gawing kanan ni Kyel na nakabestidang puti na hanggang tuhod na may bulaklaking disenyo. Balingkinitan lamang ang katawan ng babae ngunit maganda ang hubog nito. Napakinis din ng kutis nito at nakadaragdag sa kakaibang alindog nito ang mahabang buhok nito na hanggang bewang na lalong kuminang dahil sa tindi ng sikat ng araw.
Napaawang na lamang ang bibig nina Allen at Marcus ng makitang sumakay si Kyel sa kotse ng mga babae.
"What station do you belong?" Usisa ni Becca kay Kyel. Dumiretcho sila sa isang ekslusibong restaurant. Magkatabi sila Becca at Melissa habang nasa tapat naman nila si Kyel na maaliwalas ang mukhang nakatunghay sa kanila.
"KRH Network." Tipid niyang sagot saka uminom sa fruit tea na inorder.
"Wow!" Bulalas ni Becca. Pinakamalaki at sikat kasing istasyon ng telebisyon sa kanila ang KRH Network.
"Wait guys, I need to go to CR muna." Pagkuwa'y paalam ni Becca kaya naiwan sila ng lalake.
Nakangiti itong tumunghay sa kanya na tila ba gusting basagin ang pananahimik niya. Nahihiya naman siyang tumikhim at sumubo sa pagkaing inorder.
"You, media people, looked so busy a while ago." Sa wakas ay nakuha din niyang magsalita. Sa lakas kasi ng dating ng lalake ay tila hindi siya makahinga. Ang mga tingin nito sa kanya ay tila tumatagos sa kanyang kaluluwa.
"Yes. We're covering the issue of this man who was killed this morning." Sagot naman nito saka sumubo rin sa pagkaing inorder.
Natigilan naman siya sa pagsubo at tinitigan ito.
"A man who was killed this morning? My brother?" Tanong niya sa sarili ngunit marahil ay iba dahil sa Funeraria Han nakaburol ang kanyang kuya at hindi sa Funeraria Paz na kinaroroonan ng mga media kanina.
"Are you familiar with MARK GRACIA?" Tanong ni Kyel na nagpatigil sa muling pagsubo niya. Napakurap siya at napatitig dito.
"Sounds familiar but I forgot na kung saan ko narinig ang pangalan niya." Pagsisinungaling niya saka muling siyang sumubo.
"I am sure it's on TV. BInaril siya ng limang nakamotorsiklo." Pagbibigay sa kanya ng lalake ng detalye.
"Ah, yeah..parang naalala ko nga." Sagot naman niya.
"Hi, guys!" Pagpupukaw ang atensyon sa kanila ni Becca ng bumalik ito.
"You look so serious, ha. Mukhang gutom talaga kayo." Natatawang ani ni Becca ng makitang paubos na ang pagkain nil ani Kyel sa plato.
"Yes. I love good food." Nakangiti namang sagot ni Kyel.
"Hindi ka siguro pinagluluto ng wife mo?" Tanong ni Becca.
"No wife. I'm single." Sagot ng lalake sa pagitan ng pagsubo.
"Really?! How about girlfriend?!" Interesadong tanong ulit ni Becca. Siniko naman niya ito dadhil sa pangungulit sa lalakeng kakikilala lang nila.
"I don't have. I'm single and available. How about you?" Balik na tanong naman nito kay Becca na ang mga mata ay sa kanya nakatingin.
"I'm married na, sorry, Kyel." Tumatawa nitong sagot saka nagsimula na ring kumain.
"How about you, Melissa?" Tanong naman ni Kyel sa kanya.
"I have a boyfriend." Mabilis naman niyang sagot at binigyan ito ng isang makahulugang tingin. Hinihintay niya na magbago ang ekspresyon ng mukha nito ngunit nanatili pa rin iyong maaliwalas at lalong lumawak ang ngiti nito.
"Do you have?!" Makahulugang tanong ni Becca sa kanya. Pinanlakihan naman niya ng mata ito bilang pahiwatig na sumakay ito sa kanya. Laking pasalamat niya na mabilis makabasa sa kilos niya ang babae.
"Yes, she has a boyfriend na…Kyel." Sang-ayon ni Becca. Lalo namang lumawak ang pagkakangiti ni Kyel saka siya tinitigan na tila inaalam kung nagsasabi siya ng totoo o hindi kaya matatag naman niyang sinalubong ang tingin nito. Ito ang unang nag-alis ng paningin sa kanya saka muling sumilay ang isang kakaibang ngiti sa labi.
"Something temporary can be taken away." Makahulugang ani nito saka muling uminom sa fruit shake habang ang mga mata'y matiim na tumitig sa kanya.
Pinandilatan naman niya ito ng mata.
"I am engaged at naka-set na ang date ng kasal ko." Matigas niyang wika saka muling nakipaglaban ng titigan dito.
"Well, congratulations! When is that? Baka available ako?" Nanunudyo nitong tanong.
Napakagat siya sa labi at saka napabuga sa hangin.
"Next year." Si Becca na ang sumagot.
"Next year? Ang tagal pa pala. Marami pang pwedeng mangyari." Makahulugang wika ng lalake saka muling sumubo sa pagkain.
"There are a lot of things to prepare, you know." Sagot naman niya saka inis na sinulyapan si Becca na pinipigil ang pagtawa.
"Alright. Nice meeting you, ladies!" Paalam sa kanila ni Kyel matapos na silang kumain.
"Nice meeting you too!" Sabay naman nilang wika ni Becca kaya sabay silang napatawa. Matapos makalabas ng lalake sa restaurant ay agad siyang sinabunutan ni Becca.
"This is the opportunity for you, Melissa, to find the right guy! Pinakawalan mo pa!" Singhal sa kanya ng kaibigan.
"You told me he's hot…he's good-looking…and he seems so nice-
"He's asking me about my brother." Putol niya sa iba pang sasabihin ni Becca.
"W-what?!" Gulat na bulalas nito.
"Kaninang nag-CR ka he's asking me if I know MARK GRACIA. I told him I don't know him. I can't trust people that I don't know, Becca! Most especially those media." Paliwanag niya sa kaibigan. Napabuntong-hininga naman nito at hinawakan ang mga kamay niya.
"But he seems so nice…He's really so gorgeous!" Kinikilig na wika nito.
"Mas mahalaga muna sa akin ngayon ay ang mahuli na ang pumatay sa kapatid ko…sa pamilya ko, Becca. Please..you're my only friend…my bestfriend…let us keep this as a secret. Never tell anyone who I am nor my brother..and my family. This will also keep you safe." Seryoso niyang wika. Tumango naman si Becca saka bumuntong-hininga.