Chereads / UNO (Tagalog) / Chapter 11 - Revocare

Chapter 11 - Revocare

Walang nag-claim sa bangkay ni MARK GRACIA kaya ang Funeraria Paz na ang naglibing sa kanya." Ani ni Marcus ng makabalik na sila sa condo.

Nakapikit na nakasandal sa sofa si Kyel habang abala sa paglalaro ng games si Allen sa iPad nito.

"Have you checked other funerarias nearby?" Tanong ni Kyel habang nanantiling nakapikit.

Tila natigilan naman si Marcus maging si Allen at napatitig sa kanya.

"Are you thinking na kapangalan lang ng Mark Gracia ang ibinurol sa Funeraria Paz, Agent One?" Tanong ni Allen na namilog ang mata.

"There's a possibility. I'll check." Mabilis na wika ni Marcus saka tuluyang lumabas ng condo. Agad namang humabol dito si Allen.

Napabuntong-hinga naman si Allen saka kinuha ang laptop at nag-type ng pangalan.

MELISSA GRACIA

Napapikit siya ng makitang walang lumabas na impormasyon. Sinaway niya ang sarili sa mga iniisip. Nagtataka lang siya sa pagbabago ng mood ng babae. Masaya ito at halata ang interes sa mga mata nito ngunit ng tanungin na niya ito patungkol kay MARK GRACIA ay tila naging malamig na ang pakikitungo nito sa kanya.

"Who's that woman?" Tanong niya sa isip. Gusto niyang pagalitan ang sarili dahil sa hindi niya pagkuha ng buong pangalan nito. May bahagi ng utak niya na nagsasabing ibalewala nalamang niya ito ngunit malaki ang bahagi ng kanyang isip ang tila nagrerehistro sa maamo nitong mukha at ang kakaibang alindog ng katawan nito. Naalala pa rin niya ang napakaganda nitong buhok na nakapagpapaakit sa sinumang lalakeng kaharap nito. Napapikit siya at hinamig ang sarili.

Sa ngayo'y hindi siya makapag-isip ng maayos.

"May celebration ang Chavez Group of Companies tonight at seven sa Veniz Hotel. I've got us a VIP pass. Prepare your suit." Ani niya sa kabilang linya.

"We'll be there. Magkita na lang tayo dun." Sagot naman sa kanya ni Marcus.

Saktong alas-otso ng kasabay din niyang dumating sa hotel sina Marcus at Allen na katulad niya'y magaganda ang tikas dahil sa black suit na suot. Matapos ipakita sa mga gwardiya ng hall ang kanilang VIP pass ay pumasok sila at naghiwa-hiwalay na tila hindi sila magkakilala.

"Is it ok that I invited you here?" Bulong ni Kervy kay Melissa na lalong naging kapansin-pansin ang kagandahan sa suot na silver gown na kumikinang pati pa ang V-shaped neckline nito na bahagyang nagbigay-laya sa halos kalahati ng kanyang dibdib.

"Yes. I need this." Sagot naman niya. Katatapos lang kasi ng libing ng kuya niya kaninang umaga at alam niyang kailangan niya munang ibaling sa ibang bagay ang atensyon upang sandaling makalimutan ang lungkot na nararamdaman sa pagkamatay ng kapatid.

Napatango naman si Kervy saka itinuon din ang atensyon sa entablo kung saan nagsasalita ang ama na si Governor Jude Chavez.

"We have a special guest tonight. He's a friend and a mentor who invested in our company where the company, in return, provided his project called "Revocare", a great support. Now, it's known worldwide. So it's an honor to present to you- Dr. Dominic Rivera Hernandez I."

Masisigabong palakapakan ang yumanig sa buong bulwagan kasabay ng pag-akyat ng matandang lalakeng halos paika-ika na ang paglakay at may dalang tungkol. Inalalayan ito ng governor saka inabot dito ang mikropono.

"Dr. Dominic Rivera Hernandez I? Dr. Dominic? Hernandez the first? Dominic….Uno?!" Nanlalaki ang matang ani Melissa ng malakas na rumehistro ang pangalan nito sa kanyang utak at ang larawan ng naghihingalong kapatid habang binabanggit ang pangalan nito.

"REVOCARE. It's a Latin word means REMEMBER. REVOCARE PROJECT. The company is doing this for twenty years now and for those who's new about this- let me give you a brief description." Pagsisimula nito na maaliwalas ang mukhang nakatunghay sa lahat.

"It's a memory preservation project. Yes, MEMORY PRESERVATION." Pagbibigay nito ng diin sa bawat salita.

"How can I reach him, Kervy?" Tanong niya sa katabi na kanina pa nakatitig sa kanya imbis na sa taong nagsasalita. Agad naman itong napatikhim at nag-iwas ng paningin sa kanya ng tumunghay siya dito.

"W-who?" Tanong naman ng lalake saka napatingin sa nagsasalita sa entablado na kanyang itinuro.

"Ah, you mean Dr. Hernandez? You want to preserve your memory, honey?" Malambing na tanong nito na may panunudyo ang tinig. Napabuga naman siya sa hangin saka ito seryosong hinarap.

"Y-yes. I'm serious." Mabilis namang sagot naman ni Melissa.

"But only the members of the Chavez Group of Companies are allowed to-

"Can you provide a recommendation then? You are the CEO, Kervy." Putol niya sa iba pang sasabihin ng lalake. Napatawa naman ito.

"Revocare Project is our secret weapon against other companies, Melissa. It's a strict regulation not to allow anyone except for its member to enter the facility. Even I, the CEO, can't allow anybody without the membership, to go near Dr. Hernandez." Paliwanag nito.

"I am not an 'anybody', Kervy." Ani niya na ikinalawak ng ngiti ng kausap.

"Then who are you to me, Melissa?" Nakangiting tanong nito kasabay ng pagtiim ng titig sa kanya.

"I am you're friend. You're childhood friend." Mabilis naman niyang tugon. Napahalakhak naman ang lalake.

"Be my girlfriend. Then you can freely reach Dr. Hernandez any time." Nakangising ani naman nito saka lumagok ng wine mula sa hawak na kopita.

Inis na pinandilatan naman niya ito ng mata.

"Nevermind." May langkap na pagtatampo na ani niya saka humalukipkip.

Napabuntong-hininga naman si Kervy ng makita ang paglungkot ng mukha niya.

"Hey, Mel..I'm sorry. That's the protocol of the company. I hope you understand na ayaw kong may maibutas sa akin ang company lalo pa't ka sisimula ko palang." Paliwanag nito.

"You know how much you mean to me, Mel. I love you. But I can't do anything pag REVOCARE PROJECT na ang pinag-usapan." Pagpapatuloy nito.

Napahinga naman siya ng malalim at napatango saka muling ipinukol ang atensyon sa entablado. Matapos na magsalita ito ay inalalayan ito ng mga maskuladong mga lalake na nakablack T-shirt na kung titingnan ay mga gwardiya nito. Sinundan niya ang mga ito ng tingin hanggang sa maigiya na muli ang matanda paupo sa pwesto nito.