Chereads / UNO (Tagalog) / Chapter 17 - Caroline Crisostomo

Chapter 17 - Caroline Crisostomo

Niyakap ni Melissa ng mahigpit ang matanda. Sa mga narinig ay tila nabunutan siya ng tinik at nakahinga nang maluwag.

"So I am the real Melissa? How come Michael told me, I died with my family?" Balik na tanong niya kay Kyel na nanatiling nakatayo sa tabi ng upuan ng kanyang lola.

Imbis na sagutin siya ni Kyel ay tahimik itong naupo sa upuang katapat ng matanda.

"Mrs. Gracia, you are a good storyteller. You are good. Is that what they told you to say?" Nakangising wika ni Kyel dito.

"I am telling the truth!" Giit nito.

"How much did they pay you? Or maybe...may iba pang dahilan kung bakit hawak nila ang leeg mo?" Ani ni Kyel na nakikipaglaban ng titigan dito.

Si Melissa naman ay kunot ang noong nakatunghay dito.

"Totoo lahat ng mga sinabi ko!" Pagmamatigas nito.

Inis na tumayo si Kyel saka lumapit kay Melissa at saka hinablot ang braso niya upang mailapit siya sa matanda. Saka mabilis na hinawi ng lalake ang mahaba niyang buhok upang ipakita sa matanda ang kanyang batok.

"Then why she has the mark, huh?" Tanong ni Kyel dito.

Nanlaki naman ang mata ni Melissa saka siya mabilis na nagtungo sa kanyang silid at pinag-aralan ang batok sa salamin. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng makita ang marka.

"Lola.." Hindi makapaniwalang bulalas ni Melissa.Nagsimula na ring mangilid ang luha sa kanyang mga mata.

"She is not Melissa. She is Caroline Crisostomo." Matigas na wika ni Kyel sa matandang tila hindi na malaman kung ano ang isasagot.

Nanlulumo namang naupong muli si Melissa at tila tulalang tumunghay sa matanda.

"Don't pretend Agent that you don't know how Greater Height works." Nakangising wika ng matanda.

"Tell me, where is Agent One?" Tanong niya dito.

Humalakhak lang na malakas ang matanda.

Magsasalita pa sana si Kyel ngunit nagulat siya ng mabilis na kinuha ni Melissa ang baril na ipinatong niya sa mesa at itinutok sa kanya.

"Hey, what the-" Mabilis naman niyang nasugod ang babae at ilang sandali pa ay muli niyang naagaw ang baril mula rito. Napakunot ang noo niya ng makitang blanko lamang ang ekspresyon ng mukha nito na tila wala sa sarili. Maya-maya pa ay ito naman ang sumugod sa kanya.

Halos mawasak ang silid na kinaroonan ng magpambuno sila ng babae. Bihasa din ito sa martial arts. Dahil sa balingkinitan lamang ang katawan nito ay napakabilis nitong kumilos. Naiiwasan nito ang kanyang mga suntok at sipa.

Napangiwi siya ng mahagip siya ng binti nitong kay lakas na sumipa sa kanyang tagiliran kaya napaluhod siya sa sahig.

"Melissa, you have to wake up!" Singhal niya dito dahil tila robot lamang ito na walang tigil sa pag-atake. Nakuha rin nito ang kutsilyo na mabilis na sinubukang isaksak sa kanya. Malakas na sinipa niya ang kamay nito kaya tumilapon ang hawak nito kutsilyo.

Walang humpay ang pagsusuntukan at sipaan nilang dalawa hanggang sa makapasok sila sa isa pang kwarto.

Sinipa niya nang malakas ang babae kaya tumilapon ito sa ibabaw ng higaan. Manlalaban pa sana ito ngunit agad niyang naiposas ang mga braso nito, saka niya itinali ang paa nito ng kumot. Agad niyang kinuha ang isang seringgilya sa loob ng kanyang jacket at agad na itinurok sa braso ng nagwawalang babae. Maya-maya pa ay tumigil na ito sa pagwawala at nawalan ng malay.

Humingihal siyang tumayo at pinunasan ang dugo mula sa kanyang labi at muling binalikan ang matandang nakaupo pa rin sa kusina. Napangisi ito nang makita ang kanyang itsura na puro galos at maraming dugo sa katawan.

"What have you done?!" Galit na singhal niya dito.

Umiling naman ito.

"A micro chip is planted on her brain. They can control her." Wika nito.

"Who are they?" Tanong niya dito.

Nakangising tumitig lamang ito sa kanya at napapikit siya ng may tumamang bala sa gitna ng noo nito. Mabilis naman siyang dumapa sa ilalim ng mesa ng paulanan nang bala ang buong bahay.

"I need backup." Ani niya ng i-on ang aparato na nakakabit sa tenga niya habang mabilis siyang gumapang sa silid na pinag-iwanan niya kay Melissa habang patuloy pa rin ang pamamaril sa buong kabahayan.

Nang huminto ang pamamaril ay mabilis niyang inalis ang posas at tali sa walang malay na babae. Agad niyang binuhat ito at binasag ang salamin ng bintana saka tumalon palabas.

Isang humaharurot na armoured van ang biglang sumulpot sa daan na pinagbabaril ng mga nakabonet na grupo ng mga lalake sa hindi kalayuan ngunit dahil bullet-proof ito ay dirediretcho lamang ito hanggang sa makalapit sa kinaroonan ni Kyel. Agad siyang sumakay at inihiga ang walang malay na si Melissa sa bakanteng upuan.

"Thanks, Marcus." Humihingal na bati niya sa driver nang van na mabilis na pinaharurot ang sasakyan.