"Kaya pa?" Humihingal ngunit nakangiti at malambing na tanong ng binatilyong si Kyel sa dalagitang halos hila na ang paa habang pagal na pinipilit pa rin na akyatin ang bundok.
Tumango lamang ito saka nauna nang humakbang sa kanya ngunit hinabol niya ito saka biglang binuhat.
"Kyel!" Gulat na wika ng dalagita sa ginawa nito ngunit patakbo siya nitong binuhat paakyat sa finish line. Sinalubong sila ng umuulan na confetti dahil sa pagkapanalo.
"Ibaba mo na ako!" Gigil na wika ng dalagita kay Kyel. Natatawa naman niyang binitawan ang dalagita.
"We won!" Nakangiting ani niya dito. Isang irap lamang ang binigay nito sa kanya saka siya iniwan upang kumuha ng tubig. Agad naman niyang nasalo ang mineral water na hinagis nito papunta sa kanya.
"So anong plano mo dito sa prize natin?" Tanong niya sa babae habang pinapakita ang sobreng organizer ng event kanina. Agad naman itong kinuha ng babae at binilang ang pera.
"Dating gawi." Tipid nitong sagot.
Umiling siya at muling inagaw ang sobre sa kamay ng dalagita.
"Akin na yan!" Natatawang ani ng babae na pilit kinukuha muli ang sobre. Natatawa ding pilit na iniiwas ni Kyel na maagaw ito ng babae. Nawala sa isip nila na isang maling galaw lamang ay maari silang mawalan ng panimbang at mahulog sa bangin.
"Akin yan!" Tumatawang ani ng babae na mabilis na umupo sa kandungan niya upang hindi na siya makaiwas pa. Ngunit kasabay nito ang tuluyan ding pagkawala niya ng panimbang.
"Kyel!!" Sigaw ng babae at napayakap sa kanya ng tuluyan na silang gumulong pabulusok mula sa taas ng kabundukan.
Humihingal at pawis na pawis si Kyel nang magising mula sa bangungot na iyon. Nasapo niya ang ulo saka tumayo at nagtungo sa kusina upang kumuha ng tubig.
"You're ok?" Tanong ni Melissa na nasa sala lang pala at nanunuod ng TV. Hindi niya ito napansin dahil sa lubhang sakit ng ulo pagkagising niya.
Tumango naman siya at naupo din sa sofa.
"Have you remembered anything in your past?" Tanong ng lalake.
"Ofcourse. I remembered how I grew up until I ended up in China, working. But.. Dominic & Michael said it was not my past. Pero malinaw sa isip ko. Is there a possibility na talagang mag-implant ng ibang memory sa isip nang tao?" Seryosong tanong niya dito.
"With Dominic, I think he can do that. And you are an exemption." Sagot ni Kyel na nakikain sa crackers na inilapag niya sa mesa.
"Why?" Muling tanong niya dito.
"The initial step kasi bago ka maging full-pledge agent ng Greater Heights is to let your memories of the past be erased. The only thing left are the memories of your motor skills, and other important memories you can use as an agent. And we were not given a new memory, like you." Paliwanag niya dito. Ngunit napaisip siya ng malalim dahil sa napaginipan. Hindi niya maipaliwanag kung panaginip nga ba iyon o parte ng nawala niyang alaala.
"Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, ang hirap paniwalaan. Alam mo 'yun. Pag pipikit ako, ang linaw talaga. Ang linaw ng mga alaala ko bilang si Melissa." Malalim ang buntong-hiningang wika niya.
"Anything suspicious in your life as Melissa? How about in China?" Usisa niya dito. Naalala pa niya ang sinabi ni Dominic na maaring alam ng babae ang patungkol kay Uno.
"Hmm.." Napaisip naman siya. Naalala niya na matapos siyang ipadala nang Philippine sports team sa China upang mag-train din doon ng mga bata sa martial arts ay doon na siya namalagi dahil sa isang magandang offer ng private sports clinic doon. Wala namang kakaibang nangyari sa kanya doon. Wala rin siyang naging problema. Sa isiping iyon ay nanlaki ang mata niya at napatitig siya kay Kyel na agad namang nagseryoso upang makinig sa kanyang sasabihin.
"Siguro ang palaisipan lang sa akin ay kung bakit sa alaala ko ay wala akong pinagdaanang problema sa China. Parang ang gaan lang. Parang lahat ay naayon sa gusto kong mangyari." Pagpapaliwanag niya sa lalake.
"So there's a possibility na wala ka talaga sa China at nasa Revocare facility ka lang..." Ani ni Kyel na tumayo at napalakad-lakad sa kanyang harapan na tila may iniisip.
"I remembered my late brother told me na alam niyang wala daw ako sa China...dahil lagi daw nagkukrus ang landas namin dito. Pero hindi ko siya nakikilala. But I swear Kyel, wala akong naalala na bumalik ako dito sa Pilipinas." Muli niyang saad dito.
"Kung gayon, may mga ginagawa ka dito nang hindi mo alam. Somebody has been manipulating you." Ani ng lalake.
"If that is the case, ano ang ginawa ko sa loob ng 5 years na ang nasa alaala ko ay nasa China ako?" Nagugulahan niyang wika.
"Maybe Dominic can tell us?" Suhesyon ni Kyel.
"Hindi ako sigurado. Ang alam niya ay nasa China ako. Nagulat siya nang makita ako sa party. He told me he already sent me to China." Paliwanag niya.
"Or maybe he's not telling the truth." Wika ni Kyel.
"Then let us try to find out." Matatag naman niyang wika.