Chereads / UNO (Tagalog) / Chapter 20 - Lies

Chapter 20 - Lies

Matapos matiyak na safe silang makakabalik sa headquarters nang tawagan niya si Michael ay agad na ginising ni Kyel si Melissa.

"Anong lugar 'to?" Tanong niya kay Kyel habang humihingal na sumusunod dito mula sa underground tunnel na pinasok sa ilalim ng safe house na pinagdalhan nito sa kanya.

"You don't really have a memory of this?" Takang tanong naman ni Kyel na patuloy lang sa paglalakad.

Napailing naman siya.

"So that's another concern of yours, Melissa. All your memories as an agent have been erased." Wika ni Kyel saka siya inalalayang paakyat sa bakal na hagdan hanggang mabuksan nila ang bilog na bakal sa taas.

Malalim naman ang buntong-hinga ni Melissa at di na nakapagsalita pa dahil pag sampa nila sa taas ay bumungad sa kanya ang malawak na taniman ng tubo. Matatayog ang dahon nang nakapalibot sa kanila ngunit sa kinaroroonan nila ay nagapas na.

Tumambad din sa kanya ang limang itim na armoured van na nakapalibot sa bilog na pintuang bakal sa lupa na pinaglabasan nila.

"Tara." Wika ni Kyel na pinagbuksan siya ng pinto ng sasakyan.

Tinanaw na lamang niya ito nang sumakay sa ibang sasakyan.

"I am Agent 5." Pakilala ng lalakeng may hawak ng manibela ng sasakyan.

"Agent 1 will go straight to the headquarters, while for you, you'll be going to one of our safehouses." Pagpapatuloy nito saka pinaandar ang sasakyan.

"Why-I mean-"

"Malalaman mo na lang pag dating mo doon. But don't worry, you're safe." Paninigurado nito.

Napahinga siya ng malalim saka itinuon ang pansin sa daan. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit tila balisa siya. Marahil ay dahil wala si Kyel sa tabi niya. Kahil ilang araw palang niya nakikilala ang lalake ay tila wala siyang nararamdamang takot pag kasama ito.

Napabuntong-hininga siya at kinig niya ang malakas na kabog ng dibdib.

"Relax, Agent 34. You're with us. Walang mangyayaring masama sa'yo. " Ani ni Agent 5 nang tila mapansin ang kanyang pagkabalisa. Pilit siyang ngumit dito at muling itinuon ang pansin sa kalsada.

Niyakap niya ang sarili nang biglang bumuhos ang malakas na ulan habang tinatanaw ang dinaraang kalsada.

Maya-maya pa ay narating na nila ang isang abandonadong gusali na napapalibutan ng mataas na gate. Pinagbuksan sila ng gate ng dalawang nakakapoteng lalake.

Inihinto na ni Agent 5 ang sasakyan. Hindi pa man ito nakababa ay nabuksan na ang passenger's seat.

"Kyel!" Sigaw ng utak niya ng bumulaga sa nabuksang pinto ang lalake na nakapayong. Hindi na niya nakuhang makapagsalita pa dahil alam niyang di rin maririnig nito dahil sa lakas ng ulan.

Mabilis siya nitong inalalayan pababa ng sasakyan saka pinayungan. Hinapit nito ang kanyang bewang palapit sa katawan nito upang hindi siya mabasa ng ulan.

"Akala ko papunta ka sa headquarters?" Halos pasigaw niyang tanong dito ng marating ang bukana ng gusali.

"Yap. But I have to make sure na safe kang makakarating dito." Seryoso namang sagot nito.

"Pare!" Tawag nito kay Agent 5 nang bumaba sa sasakyan. Patakbong tinungo ni Kyel ang lalake habang nakapayong.

"Agent 34, please come with me." Wika ng isang babaeng lumapit sa kanya.

"You are?" Tanong niya.

"I am Doctor Luz. Michael is waiting for you inside." Nakangiting sagot nito saka tumalikod at naglakad papasok.

Bago niya ito sundan ay muli niyang tinanaw si Kyel na mukhang sumakay na sa sinakyan niya kanina. Umandar na ito kaya hindi niya tiyak kung tinatanaw din ba siya ng lalake. Bumuntong-hininga siya at pumasok na sa gusali.

"Agent 34." Bati ni Michael habang papalapit ito sa kanya at iginiya siya patungo sa long table na sila lamang dalawa ang nag-uusap.

"I don't know if you want me to help you, but here..." Paunang wika nito ng maupo na sila saka inabot ang isang short brown envelop.

Agad naman niyang tiningnan ang nasa loob nito.

"That was you, five years ago." Pagpapatuloy naman nito.

Pinag-aralan niya ang mga larawan. Makikita sa isang larawan na nasa loob siya ng laboratoryo.Mayroon namang nakasuot siya ng wig at maikling dress sa isang bar habang nakikipag-usap sa hindi niya nakikilalang lalake. May larawan din na nasa isang eskinita siya habang ang kanyang baril ay nakatutok sa ulo ng isang bugbog saradong lalake.

"Naalala mo ba ang mga yan?" Tanong nito.

Napailing naman siya at malalim na napabuntong-hininga.

"Then let me help you." Seryosong ani nito.

"What do you mean?" Naguguluhan naman niyang wika.

"Well, first of all, you are still an official agent of Greater Heights." Sagot nito na may inabot na naman na dokumentong nagpapatunay sa mga sinasabi nito.

"So we have a responsibility to take care of you, Agent 34. But beford we do that, kailangan munang maialis ang tracker chip na nasa ulo mo." Muling paliwanag nito.

"A tracker chip?" Pag-uulit niya na tila hindi makapaniwala.

"Yes. Someone has put that in you, to track you down & control you. But don't worry, that's just a minor operation. The Greater Heights has excellent doctors to help you." Pagpaninigarado nito na wala siyang dapat ikatakot.

Napahinga ng malalim si Melissa. Sa sandaling iyon alam niyang wala siyang ibang malalapitan kundi ang Greater Heights.

"Ok." Mabigat sa dibdib na wika niya. "But in one condition." Pagpapatuloy niya.

Tumango naman si Michael at seryosong nag-aabang nang kanyang sasabihin.

"I want Agent 1 beside me while I am undergoing with the operation." Wika niya. Alam niyang kapag kasama ang lalake ay wala siyang pangamba.

"Alright." Sagot naman ni Michael saka kinuha ang cellphone at nag-dial.

Maya-maya naman ay iniluwa ng pinto si Kyel. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Napakurap si Melissa na tila slow motion ang paglalakad nito papalapit sa kanila at hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit tila nawala ang pangamba niya pagkakita dito.