"Dad." Bati niya kay Dominic nang maabutang abala pa ito sa loob ng laboratoryo.
"Caroline." Pabuntong-hininga namang wika nito saka inalis ang suot na gloves.
"Dinner na tayo? I'm starving." Maarteng ani niya dito saka umangkla sa braso nito.
"Sure,darling. Just wait for me, huh?" Nakangiting wika naman nito ngunit hindi pa man nito naibaba ang hawak na aparato ay may biglang malakas na sumipa sa pintuan ng laboratoryo kasabay nang pagpasok ng mga nakabonet na itim na mga malalaking lalake.
Pati siya ay napatili sa pagkabigla at agad siyang humawak nang mahigpit sa braso ni Dominic lalo pa at mga armado ang mga lalake na ngayo'y nanloob sa laboratoryo.
"Wait. I have to explain." Kandautal na wika ni Dominic sa lalakeng papalapit ngayon sa kanila na ikinasa ang baril at itinutok dito.
"We are running out of time, Dominic. Time's up." Wika nito saka tuluyang lumapit kay Dominic at itinutok sa sentido ang baril. Samantalang siya naman ay hinila nang isa pang lalake palayo kay Dominic saka nilagyan ng tape ang bibig.
"Please, don't hurt my daughter." Pakiusap ni Dominic dito.
"Then do it now!!!" Sigaw ng kaharap na lalakeng nakabonet din na halos dumagundong ang lugar sa lakas ng sigaw nito.
"All my test subjects failed. I need more time to look for someone." Paliwanag ni Dominic.
"I said, do it now!!!" Muling sigaw nito na nilapit si Caroline at itinulak ito palapit kay Dominic.
"No..no, not my daughter." Umiiyak na bulalas ni Dominic habang pinagmamasdan ang luhaan niyang mukha.
"You're not doing it? Then, I'll just kill her." Wika muli ng lalake saka itinutok naman ang baril sa babae.
"Please, not her. Just give me time. A week." Pangungumbinsi ni Dominic dito na lumuhod pa sa harapan nito upang magmakaawa.
"I said..your time is up..doc." Mabagal na wika ng lalake sabay hila kay Caroline at itinutok ang baril sa sentido nito.
Patuloy naman sa pag-iling si Dominic. Nanlaki naman ang mata nito ng tuluyang iputok nang lalake ang baril sa ulo ni Caroline kasabay ang pagbagsak ng katawan nito sa sahig.
Napabalikwas naman ng bangon si Melissa sa alaalang iyon.
"Melissa." Nag-aalalang mukha ni Kyel ang bumungad sa kanya.
"I am not Melissa, Kyel." Wika niya na tila wala sa sarili.
"Yes, you're not but you told me to just call you Melissa." Kunot ang noong ani ni Kyel saka umupo sa gilid ng higaan. Kinuha niya ang isang kamay ng babae upang tingnan kung maayos na nakakabit ang dextrose nito.
Napabuntong-hinga ang babae.
"I've remembered everything now, Kyel." Pabulong wika niya saka pinag-aralan ang paligid dahil maaring may CCTV sa loob or monitor na maaring nakikita at naririnig ang kanyang sinasabi.
"That's good then." Maaliwalas namang ang mukhang wika nito.
Umiling siya at seryosong tumunghay dito.
"Agent 1, kailangan mo ring maalala ang lahat." Pabulong niyang wika dito.
"Wait, bakit bumubulong ka..what's the matter?" Nagseryoso namang tanong nito.
"I am not safe here. Kailangan mo akong itakas, you know that. Alam mong hindi ako kailangang makita ng Greater Heights!" Muling pabulong niyang giit dito.
"What?!" Nagugulumihanan namang tanong ng lalake.
"Come on, Agent 1. Wake up!!!" Muling pabulong niyang saad.
"Hi, Agent 34." Naputol ang pag-uusap nila nang pumasok si Michael kasama ang babaeng doctor.
"What do you feel?" Nakangiting bati nito.
"I am good. Thanks." Pilit ang ngiti niyang sagot dito.
"That's great. So can we leave you for now? Para makapagpahinga ka din?" Maaliwalas ang mukhang ani nito.
Tumango lamang siya saka sinundan ang tatlo na palabas ng silid. Bago tuluyang isara ang pinto ay sinulyapan siya ni Kyel na binigyan niya nang isang nag-aalalang tingin. Mahigpit niyang hinawakan ang kumot ng tuluyang sumara ang pinto at narinig niya ang pag-lock nito.
"How's the chip?" Tanong ni Michael sa doktor habang nalalakad sila sa pasilyo. Nakasunod naman sa dalawa si Kyel.
"I removed the first one." Sagot ng doktor na nagpahinto sa kanila ni Michael.
"So hindi lang isa ang chip na nasa ulo niya?" Paninigurado ni Michael.
"Believe it or not, Michael, but I think she is not a human." Wika nang babae.
"What do you mean?" Tanong ni Michael.
"You have to see the lab tests." Wika ng doktora at nagmadaling iginiya sila sa loob ng laboratoryo.
"This is her brain scan." Ani ng doktora habang itinuturo ang monitor ng computer. Alam ni Kyel na kahit wala siyang alam sa pagbasa ng scan ay maliwanag ang kanyang nakikita. Hindi utak ng tao ang nasa resulta ng scan. Tila utak ito ng isang robot. Napalunok siya at muling inalala ang magandang mukha ng dalaga.
"She is not Caroline. She is just her clone." Pagtatapat ng doktora sa nalaman nito.