Chereads / UNO (Tagalog) / Chapter 23 - Accepting the Truth

Chapter 23 - Accepting the Truth

"Trust me, Melissa." May pakiusap na wika ni Kyel nang makarating na sila sa headquarters at salubungin sila ni Michael at tatlo pang agents.

"Huminga ng malalim si Melissa saka sumama kay Michael na binigyan ng huling sulyap si Kyel habang papalayo.

Hindi niya malaman kung ano ang mararamdaman: una'y ang magulo niyang pagkatao na unti-unti pa lamang niyang natutuklasan. At hindi pa man ito natutuldukan ay panibagong usapin na naman- na isa siyang robot?

Napapantiskuhan ang isipan niya. Paano mangyayari iyon kung alam niyang may puso at pkiramdam na nakadarama ng lahat ng emosyon.

"I now you have a lot of question, Agent 34. But for now, you have to take a rest." Ani ni Michael nang ihatid siya sa tila suite sa 5th floor ng headquarters.

"You're still calling me, Agent 34." Pabuntong-hiningang wika niya dito.

"What should I call you then?" Tanong naman nito.

Napabuntong-hininga naman siya.

"Goodnight, Michael." Nasabi na lamang niya dito bago niya tuluyang isinara ang pinto at sumandal dito. Hinawakan niyang ang dibdib saka pumikit. Kanyang dinama ang tibok ng kanyang puso.

Maya-maya pa ay biglang nagmulat ang kanyang mga mata at nakuyom niya ang kamao habang tila pagal na tinungo ang silid at humalata sa kama.

"Now, I know the truth." Bulong niya sa sarili saka pumikit hanggang tuluyan na siyang tangayin ng antok.

Nagising siya dahil sa malakas na alarm na umalingaw sa buong silid kasabay ang isang boses na nag-aanunsyo sa lahat ng mga agents na binibigyan lamang sila ng labing limang minuto upang bumaba sa gym ng gusali.

Agad namang nagmadaling naghilamos, nag-toothbrush, at nagpalit ng damit si Melissa. Wala siyang dalang anupamang gamit kaya laking pasalamat niya na may mga damit at sapatos sa loob ng cabinet na tila binili para talaga sa kanya.

"Agents, I want you to welcome back, Agent 34. Starting today, she'll be with us on the training." Pakilala ni Michael sa kanya sa halos singkwentang agents na naroroon.

"Is she really an agent?" Bulong ni Allen kay Kyel habang kasama nila ang iba pang agents na nakayo sa harap ni Michael kasama ang babaeng tinutukoy.

"I don't know." Pag-amin naman niya.

"I think my plano ang Greater Heights sa kanya." Dagdag naman ni Marcus.

"That's right, Agent 2. She has the key on Uno." Pag-papaalala niya sa kanilang naunang misyon.

"Greater Heights knows that that's why she has to be kept here." Bulalas ni Agent 3.

"Right, Allen." Ani niya.

"Pero..." Bulong nang isip ni Kyel. Alam niyang anumang sandali ay maaari na namang mawalan ng kontrol ang babae sa sarili. Maaari ring gamiting ang babae upang mapag-aralan ng sinumang kumokontrol dito ang system ng Greater Heights.

Ang nag-aalala niyang mukha ay hindi nakaligtas sa kanilang Direktor na si Michael at halata din dito ang pagkabalisa.

"Why did you want her to join us, Michael. We don't know yet who's controlling her. She is like a time bomb." Giit niya kay Michael nang sundan ito sa opisina nang iwan sandali ang gym. Ang ibang agents ay nagpasimula na sa training kasama si Melissa.

"I know, Agent 1 but we should know what she's capable of. We have to know everything about her system." Paliwanag naman nito.

Napabuntong-hininga naman siya at muling bumalik sa gym. Agad niyang nilapitan si Melissa na nakaupo lang sa bleachers at nanuod sa mga nag-eensayo. Umupo siya sa tabi nito saka huminga nang malalim.

"You've told me to trust you..again." Makahulugang wika nito.

"That's the 1st time I told you to trust me. I know what I am doing, Melissa." Matigas na wika niya dito.

"You are always telling me to trust you." Napapantiskuhang wika ng babae.

Nakakunot naman ang ulong ibinaling niya ang tingin dito.

"My memories came back. And believe it or not Kyel, you're part of it." Mapait na wika ng dalaga.

"I am part..of your memories." Di makapaniwalang pag-uulit niya. Kahit pappaano niya kasi isipin ay wala siyang alaala patungkol sa babae.

"Yes. You're with me, in all my missions bago tayo nagkahiwahiwalay sa China." Panimulang pagtatapat ng babae na halos pabulong lamang.

Naiiling siyang tumitig dito at itinaas ang dalawang kamay.

"Melissa, you are a robot. All those things in your mind? Lahat yan ay ipinogram sa isip mo. Lahat ay inimbento nang machine." Bawal salita niya ay may diin.

Inis na napapikit naman si Melissa.

"I know the truth now, Agent 1. Please you listen!" Mahinang giit niya dito na pilit ngumiti pagkat tintingnan sila ng ibang agents doon.

"Then you show me the proof na ang totoong alam mo ay talagang totoo." Malamang wika ni Kyel. Nakipaglaban naman ng titigan ang babae.

"When are we going to start?" Mapang-hamon namang tanong ni Melissa.

"Now." Mabilis na sagot ni Kyel.