Chereads / UNO (Tagalog) / Chapter 29 - Vince Sy

Chapter 29 - Vince Sy

Nasapo ni Kyel ang ulo habang nakapukol pa rin ang paningin sa monitor ng computer kung saan nakikita niya ang sarili.

"Sigurado kang hindi mo alam ito, Agent 1?" Nagugulumihanang tanong ng matanda. Umiling naman siya at malalim na nag-isip.

"Natatandaan mo ba ang pangalan ng lalake na iyan?" Tanong niya sa matanda patungkol sa kasama niyang pumasok sa Cage X.

Sandaling nag-isip ang matanda.

" You call him Mark." Sagot ng matanda ng maalala.

Pilit niyang inaalala kung sino ito ngunit wala siyang kilalang Mark.

"At sinabi nyo na gagamitin niyo ang chip para ma-trace ang dating preso na si Vince Sy." Dagdag pa ng matanda.

"Why?" Muling usisa niya. Kilala niya si Vince Sy. Noon ay isa ito sa nagtatrabaho sa finance department ng Greater Heights. Nakulong ito dahil sa kurapsyon pero kalaunan ay napawalang-sala din ito.

"May hawak ka bang impormasyon tungkol sa kanya..kung nasaan siya ngayon?" Tanong niya sa matanda.

"Nasa chip na kinuha niyo sa akin ang buong detalye pero my mga backup naman ako."Ani ng matanda saka kindat sa kanya. Agad nitong binuksan ang metal na drawer at may kinuhang USB.

Muling nagtype ito at maya-maya pa ay may lumabas na papel sa printer at inaabot nito kay Kyel. Naupo ang lalake at agad na binasa ang mga impormasyong nakasulat doon.

"Are you sure you want to find him?" Tanong ng matanda habang nagtitimpla ng kape. Ang isang tasa ay inabot nito sa kanya.

Huminga muna siya ng malalim.

"Maybe he has the key to all of these." Bulong niya sa isip.

"Alam mo kasi, Agent 1, saludo ako sa determinasyon mo. Pero hindi ka pa ba nagtanda?" Ani ng matanda sa kanya. Kunot ang noong napatingin naman siya dito.

"What do you mean?" Tanong niya dito.

"Last month lang, when you got the chip, you lied to me. Sabi mo utos ni Michael 'yun but in fact hindi naman pala. Then I've heard you've been detained." Sagot ng matanda.

Naiiling naman siya dahil wala siyang naaalala sa mga sinasabi nito.

"So alam ba ni Michael ito? Na gusto mong i-trace si Vince Sy?" Tanong sa kanya ng matanda.

"I'll talk to him, Norman. Don't worry. Lahat ng galaw ko, pinapaalam ko sa kanya." Paniniguro naman niya dito.

"Once he heard of your plan to trace Vince Sy, I think baka ma-detain ka naman." Wika ng matanda.

"Why? As far as I know, malaya na si Vince Sy." Saad naman niya.

"Yes but you are an agent. I was a former agent bago ako maging director dito kaya alam ko ang polisiya. Bago ka maging agent, pumirma ka ng kontrata, remember? Unang-una doon ang pagpayag mo na burahin lahat ng alaala mo upang muling magsimula ang buhay mo dito sa Greater Heights. Lahat ng mga taong naging parte nang nakaraan mo ay burado na lahat." Paliwanag ni Norman.

"I know. Pero ano ang kinalaman nito kay Vince Sy?" Tanong niya.

"Just ask Michael." Pabuntong-hiningang ani nito saka tumayo at nagtungo sa balkonahe. Sinundan naman ito ni Kyel.

"I am asking you now, Norman." Giit niya dito.

"Well, Agent 1. I saw you grow. When you were a kid, your family and I..we're very close." Wika nito kasabay ang malalim na buntong-hininga.

"So you're part of my past?" Di naman niya makapaniwalang saad dahil kilala lamang niya ito bilang direktor ng Greater Heights.

"You can say that. And so Vince Sy. He's your father." Pagtatapat nito.

Napaawang naman ang bibig niya at napatitig dito.

"As in my biological father?" Paniniyak niya.

Tumango naman ito at mapait na ngumiti sa kanya.

"When you went here last month, you were looking for your father's info like what you wanted right now. I gave it to you but then Greater Heights is Greater Heights. We have rules. As long as your an agent, kailangan mong sumunod, Kyel."Makahulugang wika ng matanda.

Napakunot naman ang noo niya nang tila makaramdam ng hilo at panghihina nang katawan. Naninikip din ang kanyang dibdib at di makahinga.

"What did you do?" Nahihirapan niya wika saka napaluhod sa sahig habang hinahabol ang paghinga habang nagdidilim ang paningin.

"We have protocols, Agent 1. Don't worry, hindi lason ang inihalo ko sa kape mo. It's the same medication na inilagay ko sa tubig na binigay ko sa'yo last month." Sagot nito.

"W-what?" Di niya makapaniwalang bulalas habang pilit nilalabanan ang tuluyang panghihina.

"Once you wake up, you'll come back to your normal self as an agent...without a past." Wika nito.

Napangiwi naman siya sa sobrang sakit ng ulo. Gusto niyang masuka ngunit tila naparalisado ang buo niyang katawan hanggang sa tuluyan na siyang mabulagta.

Bago siya mawalan nang malay ay may narinig siyang mga yabag na tila humahangos papalapit sa kinaroroonan niya.

"Kyel." Rinig niyang pagtawag ng isang babae.

"Caroline!!!" Sigaw ng isip ng mabosesan ito kasabay ang pagkawala niya ng malay.