Chereads / UNO (Tagalog) / Chapter 33 - Pretend

Chapter 33 - Pretend

Ang malakas na putok ng baril ang nagpagising kay Caroline. Nakaidlip na pala siya sa sofa.

"I am glad you're awake, anak. Agent 1 is also up." Ani ni Dominic at inabutan siya nang kape saka siya muling iniwan nito.

Makikita ang panginginig ng kamay ni Caroline habang hawak ang tasa ngunit nilagok ito ng babae na para bang maaalis nito ang kanyang pagkabalisa.

Matapos mag-ayos sa sarili ay napagpasyahan na niyang tunguhin ang silid ng lalake at nabungaran nga niya itong nakahiga pa rin at may mga swero pa sa ulo at katawan ngunit nakamulat na ito at agad na umaliwalas ang mukha pagkakita sa kanya.

"Hey, babe." Nakangiting bati nito sa kanya.

"Hi." Pilit naman ang ngiting ganti nya dito saka siya makahulugang sumulyap sa ama na sinenyasan siyang lumabas muna upang mag-usap silang dalawa.

"What happened there?" Tanong niya dito.

"Well, I've decided not to restore on him the memories where you betrayed him. You may thank me." Nakangiting wika nito saka kumindat.

Napailing naman siya at napatitig dito.

"That's not a good idea, dad." Wika niya saka sumulyap kay Kyel na nakatuon ang pansin sa kanila mula sa salamin na pader sa pagitan ng silid nito at ng kinaroroonan nila.

"We need him to trust you, anak. We need to infiltrate the Greater Heights. He has the key to cure you." Paliwanag ng matanda.

"I can't be fixed anymore, dad. My cells are like metallic particles. My brain is composed of magnetic chips. If you remove those, I am dead."Wika niya.

"I know. Pero ginugol ko ang limang taon para pag-aralan kung paano maire-reverse ang cell components mo para bumalik sa normal. Ang regarding the magnetic chips in your brain, those can be deactivated. We just need to hack the system of the Greater Heights-"

"Which is impossible." Siya na ang nagtuloy sa sasabihin ng ama.

"Dad, just accept what happened to me like what I am doing right now. Ang kailangan natin gawin muna dad is to stop the assassination to the president next week. I think the Greater Heights is connected with this." Seryosong paliwanag niya.

"And how do you know that?" Tanong ng ama.

"Former Agent 1's file is on my head, right? That's the end of it all. An enemy of the President established the Greater Heights for political agenda. They control majority of the government officials. And now that a new President is elected who is not under their umbrella..they have to eliminate him." Paliwanag niya.

Napatango naman si Dominic saka sumulyap sa loob ng silid kung saan nag-uusap si Kyel at ang ama nito.

"Then I have to talk to Vince. We have to prepare." Ani ni Dominic saka ito pumasok sa silid at may ibinulong kay Vince saka lumabas ang dalawa.

Huminga naman ng malalim si Caroline bago pumasok sa silid at lumapit kay Kyel.

"How do you feel?" Tanong niya sa lalake.

Malamlam naman ang matang tumitig ito sa kanya.

"I don't know but I have a feeling na parang matagal kitang hindi nakita, Caroline. I miss you." Wika nito saka mabilis na hinatak nito ang braso niya palapit dito at dinampian siya ng halik sa labi.

Pilit ang ngiting tumunghay siya sa lalake at pinag-aralan ang ekspresyon sa mukha nito. Ang kaninang nakangiti at maaliwalas nitong mukha ay naging seryoso.

"Why are you still alive, Caroline...after that fall?" Tanong nito.

Napaawang naman ang labi niya at napatitig dito.

"You remember everything?" Hind makapaniwala niyang bulalas. Mukhang nagkamali ang ama.

"When did I forget everything, Agent 34?" Nakangising tanong saka dahan-dahang bumangon.

Napaurong naman siya habang kinakapa sa bulsa sa likod ng pantalon ang kanyang baril.

"I never forget things, Caroline. Remember, I am Agent 1? I am created by the Greater Heights with the greatest technology that can't be compared to any technology ever used to other agents like you. My mind can manipulate any systems. Even these." Tukoy nito sa mga nakapalibot na apparatus at computers sa loob ng silid.

"What happened to you?" Tanong niya sa lalake sabay tutok ng baril dito. Alam niyang hindi ito ang Kyel na kilala niya.

"Who are you?!!" Singhal niya dito.

"You can't win this fight. Revocare can't bring down the Greater Heights!" Nakangising wika nito.

"Anong nangyari?" Tanong ni Vince na makitang nakatutok ang baril niya kay Kyel. Si Dominic naman ay mabilis na nag-type sa computer.

"Hi Vince. You're an asset before in Greater Heights. But you betrayed all of us." Pagpapatuloy ni Kyel.

"It's Michael. He hacks our system." Balisang wika ni Dominic.

Tumawa naman ng malakas si Kyel.

"Come on, Dominic. Stop pretending in front of your daughter. Tell her na ginagamit nyo lang siya. Tell her na kayo ang nasa likod nang nangyaring insidente 5 years ago in our mission at Belfast." Pagpapatuloy nito.

"Do everything Dominic to stop Michael from hacking our system!" Wika ni Vince na mabilis na inalis lahat ng aparatong nakasaksak sa lalake.

Tila napapantiskuhang napahalakhak si Kyel.

"Come on, guys. Tigilan niyo na ang pagkukunwari. You, two, are the masterminds right?" Nakangising tanong ni Kyel.

"Kyel..or whoever is controlling you right now..stop it..or I'll shoot you!" Singhal niya sa lalake sa ikinasa ang baril at muling itinutok dito.

"Listen, babe..they are just using you." Wika ni Kyel na lumamlam ang mata at tumitig sa kanya.

"Shoot him, anak. That's the only way to stop him. Shoot him!" Utos ni Dominic.

Napapikit naman si Caroline kasabay ang pag-alingawngaw ng malakas na putok ng baril sa silid.