Napasinghap si Caroline habang nanginginig ang kamay na nabitawan ang hawak na baril saka napaluhod at nanlalaki ang matang tinitigan si Kervy habang patuloy ang pagdaloy ng dugo mula sa likod niyang binaril ng lalaki.
Kasabay nito ang pagbaril din ni Kervy sa mga nabiglang sina Dominic at Vince na kapwa pinaulanan ng lalake ng bala kasabay ang pagbulagta ng mga walang buhay na mga katawan ng mga ito.
"Hey, brother!" Nakangising bati ni Kyel dito habang inaalis ang mga aparatong nakakabit sa katawan nito.
Pagkatayo ni Kyel ay iniabot ni Kervy ang baril dito saka itinutok ng lalake sa ulo ni Caroline.
"I thought you love me.." Nahihirapang wika ng babae kasabay ng pagbagsak ng masaganang luha sa mga mata.
Bumuntong-hininga naman si Kyel saka bumulong sa babae.
"Where is Caroline?" Tanong niya dito.
Napatitig naman ito sa lalake.
"See? You're bleeding. And Caroline doesn't bleed because she's a robot." Mariing wika niya dito.
"Where is Caroline?" Pag-uulit niya saka inalis ang maskarang paggaya ng mukha mula sa babae.
"Agent 11." Napapantiskuhang bulalas ni Kyel saka sumulyap kay Kervy.
"She will be dead kung hindi ka babalik sa Greater Heights, Agent 1." Wika ng babae.
"Where is she?!" Tanong naman ni Kervy dito.
"Oh..the agent who betrayed the Greater Heights is here. And you, two, working together?" Nakangising wika ng babae ngunit napasuka ng dugo ng malakas na sipain ni Kervy.
"Where is she?!" Tanong ni Kyel kasabay ang pagkasa ng baril at pagtutok sa ulo ng babae.
"Maybe right now, she's dead." Wika ng babae.
"What do you mean?" Nanggagalaiti sa galit na tanong ni Kyel.
"The chips on her head, the Greater Heights need those. Only her death can make it happen." Sagot naman ng babae na nakikipaglaban ng tingin sa kanya.
Tumingin siya kay Kervy at sinenyasan ito. Umalis ito sandali at maya-maya pa ay may dala na itong lubid at tape. Agad nitong itinali ang babae at nilagyan ng tape ang bibig.
Mabilis nilang iniwan ang lugar sakay ng kotse na nakita nilang nakaparada.
"Thanks, Kervy." Sulyap niya sa lalake na nakaupo sa tabi niya.
"You're welcome, pare." Nakangiti naman nitong wika sabay kindat sa kanya.
"Sorry if I made all these mess. I asked you & Caroline to spy on Revocare. You were declared the Greater Heights enemies because of that." Ani ni Kyel.
"Alam mo namang yun lang ang paraan para mapag-aralan namin ang Revocare. Wala lang akong nagawa nang kailangang gamitin si Caroline sa experiment. We will both die kung mabubuking nila na di talaga kami loyal." Paliwanag nito.
"I get it. But don't worry, I'll do everything para maitama ang lahat." Mariin niyang wika saka mas pinaharurot pa ang sasakyan.
"Look, who's here?" Bati ni Michael sa kanila ni Kervy pagpasok nila sa gusali ng Greater Heights. Agad na pinalibutan sila ng mga agents at itinutok ang baril sa kanila.
"Where is Caroline, Michael?" Tanong niya dito.
"Agent 1..you know why I need, Caroline, right?" Wika ni Michael habang nakapamulsa.
"Yes. But there's one thing you don't know." Wika ni Kyel.
"What is it?" Tanong ng Michael.
"Caroline and Kervy did not betray us. I assigned them a mission to infiltrate Revocare. I forgot all of those because Revocare controlled my memories and used me. Now that my memories come back, I know I have to tell you this." Paliwanag niya.
"Why should I believe you?" Tanong ni Michael.
"Here is my memory box. You can check." Sagot ni Kyel saka inabot dito ang USB. Ibinigay naman ito ni Michael sa isang agent na mabilis na kinuha ang laptop at pinag-aralan ang files.
Kapwa sila lumapit ni Michael upang panuorin ang mga video footages na nagpapatunay na totoo ang mga sinasabi niya.
Maya-maya pa ay makikita ang pagkabigla ni Michael at napatitig sa kanya.
"So the former Agent 1, and you...are?"
"We are just one." Putol niya sa iba pang sasabihin ni Michael.