"You're my...?" Hindi niya makapaniwalang bulalas at napapatitig sa babae. Nabigla man ngunit sumilay ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata at lumiwanag ang kanyang mukha.
"You're my son's wife?!" Nabigla ring wika ni Dr. Sy na lumawak ang ngiting tumitig kay Caroline.
"Unfortunately." Sagot naman ng dalaga.
"Ready?" Dagdag pa nito.
"Wait. I am asking you..." Pigil sana niya sa pagbuhay nito nang makina sa tabi niya kasabay ang pagdaloy nang kulay asul na likido sa mga kableng ikinabit nito kanina sa ulo niya.
"Once you wake up, then I'll tell you everything, Kyel. For now, you have to sleep." Putol nang babae sa iba pa niyang sasabihin.
"Double the dosage, iha. We have to reprogramme his memory." Utos naman ng ama ni Kyel sa dalaga. Tumango naman ang babae at ginawa ang sinabi nito. Maya-maya pa ay nakatulog na ang lalake.
"So?" Baling ni Caroline sa matanda saka sumulyap sa mahimbing na si Kyel.
"You need to make him believe na you are really his wife, Caroline. You have to make him trust you." Malalim ang paghingang wika ng matanda habang nakatingin sa monitor ng computer.
"How's Agent 1?" Bungad na tanong sa kanila ni Dominic na iniluwa nang bumukas na pinto.
"Dad." Bati naman ni Caroline dito at niyakap nang mahigpit ang lalake na halatang hindi kalayuan ang edad sa ama ni Kyel.
"Here..I am reprogramming his memory." Ani ni Dr. Sy sabay sulyap sa monitor ng computer nito.
"Here are Agent 1's memory banks na nakuha ko sa Revocare facility." Wika ni Dominic sabay abot kay Dr. Sy.
"Dad. No." Agad na pigil ni Caroline sa pag-abot ng ama sa mga USB.
"Trust me, anak. This is what's best for all of us." Mahinahong ani nito sa dalaga.
"No, dad. It's not. Can we just choose what memory he has to regain?" May langkap na pakiusap sa ama.
Napaisip ito at napatitig sa kanya.
"Caroline, we have to do this." Matigas na wika nito saka tuluyang ibinigay kay Dr.Sy ang mga hawak na USB.
"Don't worry, Caroline." Ani naman ng ama ni Kyel saka nagsimulang mag-type sa keyboard ng computer nito.
Napabuga naman sa hangin si Caroline. Saka tila pagal na naupo sa swivel chair at pinanuod na lang ang ginagawa ng dalawang lalake upang maibalik ang mga alaala ni Kyel.
Pumikit muna si Caroline kasabay ang muling pagbabalik ng isang alaalang pilit niyang gustong kalimutan.
"What would Michael do with us once he found out that we're in a relationship?" Tanong nang dalaga matapos niyang bigyan ng mainit na halik. Nakahiga pa rin ito sa gitna ng ring na pinagpa-prakisan. Humiga rin siya sa tabi nito at tumitig sa kisame.
"He knows." Sagot niya.
"He knows? What did he say? It's against our rules, right?" Nag-aalala niyang tanong dito.
"That's why I told him we're gonna retire from the service." Tila balewala naman niyang wika.
"'You're willing to do that for us?" Di makapaniwalang ani nang babae. Alam kasi nito na halos buong buhay nila ang kanilang hawak ng Greater Heights.
"Ofcourse. I love you. And.." Ani ng lalake at may kinuha sa bulsa nito.
"Will you marry me, Caroline?" Pagpapatuloy nito nang itaas ang kamay na may hawak na singsing.
Napaawang naman ang bibig ng dalaga kasabay ang pagpatak ng masaganang luha sa mga mata.
"Yes. I love you, Kyel." Wika niya saka masaya ngunit lumuluhang pinanuod niya ang lalake habang isinusuot ang singsing sa kanya at muli nitong sinakop ang kanyang mga labi.
"So you're here, lovebirds." Pabirong ani ni Kervy nang makita sila pero halatang humahangos ito. Agad naman silang tumayo ni Kyel at lumapit dito.
"Any news?" Tanong ni Kyel habang isinusukbit ang baril sa black na leather jacket.
"We know where Vince is." Seryosong wika nito. Sumulyap siya kay Caroline at tumango ito.
Mabilis silang lumabas at sumakay sa kanya-kanyang motorsiklo hanggang makarating sila sa abandonadong riles ng tren.
"Stay here." Bulong sa kanya ni Kyel saka naglakad na ang dalawang agents na kasama papasok sa isang sirang tren na may ilaw sa loob.
Ganoon naman lagi ang set-up nila. Siya lagi ang nagsisilbing look out. Kaya naman muli niyang tinest ang earbuds na nakasaksak sa tenga.
"Hi loves." Mahina ngunit malambing niyang wika habang itinatago ang sarili sa pagitan nang dalawang bakal na tila malaking box. Sumandal siya habang ang mga mata pa rin ay nakatuon sa mga kasama na pumasok sa sa loob ng sirang tren.
"I am listening, Caroline." Ani ni Kervy na ikinangiti niya.
"You better look for a girlfriend, Kervy." Wika niya pero hindi na sumagot ito, bagkus ay mga yabag ang kasunod niyang naririnig pagkatapos ay mga putukan ng baril.
"We got the files." Wika ni Kyel habang tumatakbo kasama ni Kervy palayo ng tren. Tumulong naman si Caroline sa pakikipagbarilan habang maingat na inilagay sa kanyang jacket ang ibinigay ni Kyel na napakaliit na capsule.
Bago pa sila makasakay sa kanilang mga motorsiklo ay may tila napakalakas na tunog ang umalingawngaw. Sa sobrang lakas ay napaluhod silang tatlo habang pilit tinatakpan ang tenga ngunit nanuot hanggang sa kanilang utak ang lakas ng tunog nito.
Tumingin siya kay Kervy habang nakangiwi pa rin dahil sa lakas ng tunog. Tumango ito saka sinipa si Kyel. Napabulagta ang lalake ngunit agad ding nakatayo dahil tumigil na ang malakas na tunog.
Nagtatanong ang mga mata nito nang sabay nilang ikasa ni Kervy ang baril at itinutok dito.
"Babe?" Tanong nito sa kanya na halatang di makapaniwala sa ikinikilos nila ni Kervy.
"Don't call her 'babe' again, Kyel. I am her real boyfriend." Nakangising ani ni Kervy.
Nakaawang ang labing pinapapalitan sila ni Kyel ng tingin.
"Wake up, honey. Sana naiintindihan mo na ngayon na we are not in the same team." Wika naman ni Caroline.
"Wh-what?!" Di pa rin makapinawalang bulalas ni Kyel. Ngunit mabilis nitong naagaw ang baril kay Kervy at hinila ang lalake saka ini-lock sa bisig nito at itinutok ang baril sa ulo ni Kervy.
"Put you gun down, Caroline, or else I'll shoot the head of your damn boyfriend!" Mapait na singhal sa kanya ni Kyel.
"Then shot him." Nakangisi naman niyang ani saka mabilis na sumakay sa motorsiklo at pinaharurot ito.