Agad na tinurukan ni Caroline ang nakahandusay at walang malay na si Kyel ng syringe na dinukot niya mula sa bulsa ng suot ng leather jacket saka niya sinenyasan ang mga nakabonet na mga lalakeng kasama.
Agad na nilagyan ng mga ito ng takip sa mukha si Norman at ipinosas ang mga kamay sa upuan.
"Let's go." Utos niya sa mga kasama at binuhat nito si Kyel. Nagmadali silang bumaba ngunit napahinto sila ng salubungin sila ng mga armadong mga lalake sa labas at agad na ikinasa ng mga ito ang mga hawak na baril.
"Agent 34! I thought mahihirapan kaming hanapin ka." Nakangising bulalas ni Michael pagkababa sa kotse nito. Agad ikinasa ng mga kasama niya ang mga hawak na baril at itinapat dito ng magsimula itong humakbang palapit sa kanya. Napahinto ito sa paghakbang at nagpamulsa sa harapan niya.
"Just leave Agent 1 then I'll you go." Balewalang ani nito.
"You know I can't do that, Michael. This is enough! We're tired of you manipulating all of us!" Singhal ni Caroline dito.
"Manipulate? How? Lahat ng ginagawa ng Greater Heights ay nasa kontratang nilagdaan nyo, remember?" Naiiling na wika nito.
"And that does not include killing me & Kyel!" Muling saad ng babae.
"We did not kill you. See? You're both alive, Caroline." Napapantiskuhan nitong wika.
"I am done with this drama, Michael. You are a liar!" Singhal niya dito saka sumenyas sa mga kasama. Agad namang dinukot ng mga kasama niya ang tear gas at inihagis ito.
Mabilis ang pagtakbong ginawa ni Caroline at mga kasama nito habang mainit ang putukan. Maging siya ay panay ang pagpapaputok ng baril.
Humihingal ngunit mabilis siyang nakasakay sa helicopter at inalalayan niya ang mga kasama na maisakay ang walang malay na si Kyel.
Nakahinga siya ng maluwag nang mapalipad na ang helicopter at walang nagawa sina Michael at mga kasama nito kundi ang tanawin sila.
"Kyel, wake up." Pilit niyang ginigising ang lalake ngunit tila wala itong naririnig. Pinulsuhan niya ito saka nag-aalalang sumulyap sa katabi na nag-alis na ng bonet sa mukha.
"Kervy, mahina ang pulso niya." Balisang wika niya. Agad namang inalalayan si Kervy ng dalawa pa nilang kasama sa paglalagay ng oxygen sa lalake. Muli niya itong pinulsuhan at saka siya tumango at malalim na bumuntong-hininga habang pinagmamasdan ang lalake.
"How's he?" Makahulugang tanong nito sa kanya.
"Like before..he knew nothing." Malalam ang matang wika niya.
"I know but he's part of this mess already, Caroline." Madilim ang mukhang wika ni Kervy.
"You can't blame me, Kervy! Nakulong ako for almost 5 years and they did a lot of experiments to my body. I lost myself! And you guys did not even manage to save me." Saad naman niya dito saka napapikit habang hinihilot ang noo.
"Alam mong we tried our best to save you pero masyadong mahirap pasukin ang security ng Cage X. Last month lang kami naging successful." Paliwanag naman nito.
"Whatever! Hindi na maibabalik nun ang nangyari sa akin. Look at my freaking body! I became a robot!" Galit na singhal niya dito.
"We have your father now, Caroline. I know gagawin niya ang lahat to fix you." Mahinahong wika na Kervy.
Bumuntong hininga naman siya at muling tumunghay sa walang malay na si Kyel.
"How about him?" Malungkot na wika niya habang nakatitig kay Kyel.
"Alam mo kung ano ang dapat gawin, Caroline. Maraming panahon na ang nasayang sa atin ng dahil mas pinili mo siya kesa sa misyon natin. Ngayon ang panahon na itama ang lahat at tapusin ang dapat tapusin." Madiing ani ni Kervy saka kinasa ang baril na hawak at inabot kay Caroline.
"I told you he has to know first everything before we kill him!" Kandaiyak niyang giit sa kausap.
"Ayaw ko siyang mamatay na puno ng pagkamuhi ang isip niya sa akin, Kervy. He has to know na I did those things because I love him." Lumuluha niyang pagpapatuloy.
"A love that almost killed you." Mapait namang wika ni Kervy at madilim ang mukhang sumulyap kay Caroline.
"Make sure to end things right, Caroline. Ito na ang huling pagbibigay ko sa gusto mo." Blanko ang ekspresyon ng mukhang ani ni Kervy.