Chereads / UNO (Tagalog) / Chapter 28 - Cage X

Chapter 28 - Cage X

Nagtagis ang mga bagang ni Kyel habang pingmamasdan si Caroline na mabilis na dumistansya sa kanya. Alam niyang marami pa itong inililihim sa kanya.

"If you are Caroline, then who are you?" Nakikipaglaban ang tingin na tanong niya dito habang sinusundan ito sa paglalakad.

"I am just a robot." Sagot naman nito na mas binilisan pa ang lakad habang hinahawi ang mga talahib na nadaaanan.

Napatawa naman siya sa narinig.

"I know you're not." Makahulugan naman niyang wika dito.

"What happened to you? Who did that to you?" Muli niyang tanong na ang tinutukoy ay kung bakit tila naging robot ang katawan nito.

Sandali itong huminto sa paglalakad at humarap sa kanya.

"I am a robot. It's the Greater Heights project." Sagot naman nito. Napailing si Kyel na tila nahihirapang intindihin ang sinasabi nito.

"The real Caroline is a spy from Revocare, and I am a spy of Greater Heights. Michael created me to pretend like the real Caroline and infiltrate the Revocare." Pagpapaliwanag nito.

"Then where's the real Caroline?" Muling usisa niya.

"She's imprisoned at Cage X." Sagot ng babae.

Napabuga siya sa hangin at tila hindi makapaniwala sa sinasabi nito.

"We're heading at Cage X now para makita mo na totoo ang sinasabi ko." Dagdag pa nang babae nang mahalata nito sa mukha niya ang pagkadiskumpyado.

Iginala niya ang paningin sa paligid. Kaya pala pamilyar ang lugar sa kanya dahil nakarating na din siya doon kapag inihahatid nila ang mga high class criminals na nahuhuli nila.

Sinalubong sila ng mga gwardya at agad niyang pinakita ang ID dito. Ang babae naman ang binalingan nito at napangisi siya nang makitang may ID din itong hawak.

"Why?" Nagtatakang tanong ng babae sa kanya.

"I am just wondering bakit halata ang kaba mo kung robot ka talaga?" Wika niya habang panuring pinagmamasdan ang babae. Dalawang beses na niyang nahalikan ito at ilang beses na rin niyang nahapit ang katawan nito palapit sa kanya at sa mga sandaling iyon ay masasabi niyang hindi ito robot.

"This is what I was designed- to be like a real human." Sagot naman nito habang tinatahak nila ang metal na daan patungo sa opisina ng Cage X. Agad na napatayo ang may edad ng lalake nang makita sila.

"Agent 1..and Agent 34?" Salubong nito sa kanila at tila hindi ito makapaniwalang nakatitig sa babae.

"Norman." Bati niya dito at kinamayan ngunit ang mga mata nito ay nakapinid pa rin kay Caroline.

"Sigurado ako, nakakulong ka sa Section 89." Tila nagugulumihanang wika ng matanda na mabilis na humarap sa computer monitor at tila may hinahanap.

"See." Ani nang babae sa kanya bilang patunay na totoo ang sinasabi nito.

Napaisip naman siya at umupo sa tabi ni Norman upang makita ang hinahanap sa monitor.

"Paanong..." Saad nang matanda nang makita sa monitor ang nakakakulong sa Section 89 na kahawig din ng babaeng kasama ni Kyel.

Tinitigan namang mabuti ni Kyel ang monitor saka ibinaling ang tingin kay Caroline na nakapamulsang nakasandal lamang sa pader ng silid malapit sa pinto. Ang pagkakaiba lamang nito sa babaeng nasa kulungan ay maikli ang buhok nito samantalang ang kasama niyang babae ngayon ay mahaba ang buhok.

At kung aalalahanin niya ang mga alaalang paunti-unting bumabalik sa kanya ay ang Caroline na maikli ang buhok ang babaeng nasa kanyang alaala. Ibig sabihin ay totoo ang sinabi ngayon nang babaeng kasama na robot lang talaga ito. Ngunit bakit tila hindi iyon matanggap ng kanya isip.

"Can I talk to that woman, Norman?" Tanong niya sa matanda na agad namang tumango at tumayo. Mabilis nila itong sinundan hanggang makarating sila sa elevator at pinindot nito ang 80th floor. Panay pa rin ang sulyap nito kay Caroline at halatang balisa ito.

Huminga naman nang malalim si Kyel at sinulyapan si Caroline na binigyan siya nang isang makabuluhang tingin na tila nagpapahiwatig sa kanya na hindi ito nagsisinungaling.

Paglabas sa elevator ay bumungad sa kanila ang napakaraming silid na bakal na may maliit lamang na butas kada pinto. Sinundan nila muli ang matanda hanggang huminto ito sa pintuan na may tatak na Section 89. Agad nito binuksan isa-isa ang limang padlock na nakalagay doon.

Kapwa napaawang ang kanilang mga labi ng makitang wala namang tao sa loob. Agad na hinanap nang mata niya ang kasamang si Caroline pero wala na ito sa tabi nila.

"Shit." Bulalas niya at mabilis na lumibot sa kinaroroonan. Hindi pa man nagtagal ay may narinig siyang bakal na pinto na nabuksan at agad niyang hinanap kung saan iyon.

Agad niyang kinasa ang baril nang makita si Caroline at kasama nito lalake na alam niyang preso dahil sa suot nito. Ang dalawa ay patakbong patungo sa elevator. Pinaputukan niya ang mga ito ngunit mabilis na nakapasok sa elevator ang dalawa. Maabutan niya sana ang mga ito ngunit pinaputukan siya ni Caroline.

"Agent 1." Pagtawag sa kanya ni Norman habang nakaharap ito sa computer monitor na andun din sa nasabing floor habang umaalingawngaw na malakas ang alarm.

"I'll get back to you later, Norman. Kailangan ko muna silang mahuli." Ani niya dito saka tumakbo patungo sa hagdan. Huminga muna siya nang malalim bago bumaba.

Nang marating niya ang 76th floor ay natanaw niyang lumabas elevator ang dalawa at patakbong tinatahak ang bintana. Mabilis niyang pinaputukan ang mga ito ngunit nabasag ni Caroline ang bintana at saka tumalon ang dalawa.

Kumaripas siya nang takbo patungo sa bintana ngunit napamura siya nang makitang sinalo ang dalawa ng isang helicopter. Nakangiting kumaway pa si Caroline nang matanaw siya.

Madilim ang mukhang tinawagan niya si Michael upang ibalita ang nangyari at masundan ang mga ito saka niya muling binalikan si Norman.

"Sino ang itinakas niya, Norman?" Humihingal pang tanong niya sa matanda.

"Dominic Rivera Hernandez I." Sagot nito.

Nasabunot niya ang buhok at napabuga sa hangin.

"Ang tanong, bakit nakikita ko sa monitor na may tao sa loob ng selda?" Naiiling na ani na matanda na ang pinatutungkulan ay si Caroline. Alam niyang napakahigpit ng security ng Greater Heights lalo sa mga selda nito.

"I am sure na-hack ang system natin pero hindi mo ba napansin, Norman? You've been serving here for too long." Saad niya dito dahil ito na ang tumatayong director doon mula pa nang nag-uumpisa pa lang siya bilang agent.

Umiling ito at tila nagugulumihanan.

"Try to remember, Norman. Wala ka bang naaalala na nangyari dito sa Cage X?" Seryosong tanong niya sa matanda.

Sandali itong nag-isip at biglang napatitig sa kanya.

"Last month, nagpunta ka dito at you asked me to give you one server chip na naka-connect sa security system. I told you then na baka mag-cause siya ng glitch but then you assured me na ok lang dahil kasama mo ay isang tech expert ng Greater Heights. Pero after noon, my mga abnormalities na nangyari pero napaayos ko din." Paliwanag ng matanda.

"I went here last month?!" Hindi niya makapaniwalang bulalas dahil alam niyang noong nakaraang taon pa siya huling pumunta doon.

"W-what's going on, Agent 1?" Nagugulumihanang tanong nang matanda.

"Do you have a CCTV footage nang pagpunta ko dito last month?" Tanong niya sa matanda. Tumango naman ito at nag-type sa keyboard ng computer at maya-maya pa ay nag-appear nga ang video.

Nakikita nga niya na siya ang nasa screen at may kasama pa siyang lalake na hindi niya nakikilala. Mula sa pagpasok sa Cage X hanggang sa makitang kausap niya si Norman ay malinaw na napapanuod niya, at maging nang may iabot nga sa kanya si Norman.

Malinaw na siya nga ang nasa monitor ngunit bakit wala siyang alam at wala sa alaalala niyang pangyayaring iyon.

Napapikit siya at nasabunot ang buhok.

"What's going on?" Bulong niya sa sarili.