Hindi pa man natatapos ang pagpapaliwanag ng doktor tungkol sa natuklasan nito kay Agent 34 ay na malakas na alaram sa buong gusali ang maririnig.
Mabilis silang lumabas ni Micahel sa laboratoryo at sinalubong sila ng humahangos na isa pang agent.
"They tracked us, Michael. We have to close this place down." Wika nito.
Napatango naman si Michael at sumenyas kay Kyel na puntahan si Melissa upang isama ito paalis sa lugar.
Halos takbuhin naman niya ang silid na kinaroroonan nang babae habang hinahanda ang baril at nilalagyan ng bala.
Napakunot ang noo niya nang makitang wala ang babae sa loob.
"Melissa!" Pagtawanag niya dto habang chinicheck ang CR na nakabukas na nakasara ang pinto. Wala ring tao sa loob ngunit agad na napukaw ang atensyon niya nang makita ang kwadradong butas sa kisame.
Agad siyang lumambitin na parang pusa saka ipinasok ang katawan sa loob nito hanngang sa marating niya ang dulo na nahaharangan nang bakal na sarahan na halatang inilock muka sa labas.
May dinukot siya sa bulsa na tila maliit na kawad at pinasimulang sinusubukang buksan ang lock nang susud-sunod na putukan ang umalingaw-ngaw. Mas lalo pa niyang binilisan ang pagbubukas ng padlock dahil baka malagay sa panganib si Melissa kung matatagpuan ito ng mga armadong lalake na ngayo'y nagpapaulan ng bala sa gusali.
Pagapang siyang lumabas mula sa lagusang pinanggalingan nang pag-angat ng paningin niya ay sinalubong siya nang baril na hawak ni Melissa at ngayon ay nakatutok sa kanyang ulo. Nsa likuran nito ang mahigit sampung armadong mga lalake.
"Melissa.." May pakiusap ang mga matang ani niya na tinitigan ang babae na blangko lamang ang ekspresyon nang mukha. Ito ang itsura rin ng babae nang bigla siyang atakin nito sa bahay ng lolo nito.
Lihim siyang napamura pagkat alam niyang wala ngayon sa sarili ang babae at kinokontrol lamang ito.
Sandali siyang nag-isip dahil alam niyang sa estado ngayon nang babae ay wala ito sa sarili. Kaya naman mabilis niyang naagaw ang baril dito saka niya hinapit ang katawan nito palapit sa kanya at saka niya itinutok ang hawak na baril sa sentido nito. Napaatras naman ang mga armadong lalake ng makita ang ginawa niya.
"Ibigay mo lang siya sa amin ng maayos. Hindi ka namin sasaktan." Wika nang matangkad na lalake na halatang lider ng grupo.
Napangisi lamang si Kyel habang patuloy sa pag-atras upang tunguhin ang kanyang sasakyan na naka-park sa di kalayuan habang ginawa niyang tila hostage ang babae. Maingat namang sumusunod ang mga armadong lalake sa kanya.
"Melissa, wake up!" Giil na bulong niya sa babae habang mahigpit na nakapulupot ang braso niya sa katawan nito habang nakatutok pa rin ang hawak niyang baril sa ulo ng babae hanggang sa tuluyan silang makalapit sa itim na kotse niya. Dinarasal siya na manumbalik na sa ulirat ang babae upang hindi na siya mahirapan pa ngunit patuloy ang pagpupumiglas nito.
Pwersahan niyang ipinasok ang babae sa backset at ipinosas ang mga kamay nito sa gilid ng pintuan ng kotse habang siya naman ay mabilis na umupo sa driver seat at mabilis na pinaandar ang sasakyan.
Hindi pa man sila nakakalabas ng gate ay malakas na pagsabog ang yumanig sa buong gusali kasabay ang pagbigay niyon at tuluyang nagiba.
Mas lalo pang binilisan ni Kyel ang pagpapatakbo sa kotse lalo pa at nakasunod din agad ang mga armadong nakamotorsiklo.
Sinilip niya si Melissa mula sa salamin sa bandang taas ng sasakyan at kita niya ang panlilisik pa rin ng mga mata nito.
Napahinga siya nang malalim at tila nakipagkarerahan sa mga sasakyan. Panay ang ginawa niyang overtake sa mga nangungunang sasakyan.
Inihanda niya ang baril ng makita sa side mirror na ilang sandali pa ay madidikitan na siya ng isa sa mga riders at agad nga niya itong pinaputok ng saktong makatapat niya ito sa daan. Agad namang bumagsak ang rider. Napayuko naman siya ng paulan nang bala ang sasakyan.
Agad niyang nilingon si Melissa na may butas sa ulo at iba pang parte ng katawan dahil sa pagtama ng bala dito ngunit walang dugong mababakas bagkus ay nanayili lamang itong nakaupo at tila hindi ininda ang mga tama.
"She is not really a human." Bulong ni Kyel sa sarili saka muli niyang pinaharurot nag sasakyan.
Nang malapit na sa daanan ng tren ay mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan kahit gahibka na lang ang pagitan ng kotse sa humaharurot ding tren.
Napangisi siya ng makitang bumangga ang mga nakamotorsiklo sa tren.
Muli naman niyang binilisan ang pagpapaharurot ng kotse at ipinasok niya iyon sa maliit na eskinita saka dire-diretcho sa isang lumang garahe ng isang apartment. Agad niyang inalis ang pagkakaposas kay Melissa na gad siyang tinadyakan ngunit agad niyang nailabas ito sa kotse at muling naiposas ang mga kamay nito at agad niyang binuhat sa kanyang balikat ang babae. Dahil isa siyang malaking lalake ay tila walang anumang buhay niya ang babae sa loob ng apartment.
Pwersahan niya itong itinali sa upuan.
"We're ok, Michael. She's with me." Ani niya sa lalake sa kabilang linya habnag isinasara niya ang mga bintana ng apartment at inaayos ang pagkakatakip ng kurtina.
"Good. But you have to prepare because she can still be tracked. Because she's a machine, we have to penetrate her system para ma-control natin siya. You have to bring her here at the headquarters as soon as possible." Napatango naman siya saka muling ibinaling ang tingin sa babae na blangko pa rin ang ekspresyon ng mukha.
Akma niya itong bubuhatin na sana nang magsalita na ito.
"Kyel..." Tila nagugulumihanang wika nito.
"It's good you're back. Tara." Ani ni Kyel habang pinoposasan ang babae at hinila ito palabas ng apartment at halos ihagis na sa backseat ng kotse.
"Wait. What do you think you're doing?" Masungit na reklamo nito sa pagmumuwersa niya dito.
"I am just making sure." Balewala niyang ani saka muling pinaharurot ang sasakyan.
"Making sure of what?!" Muling tanong na babae.
"I hate seeing you like a robot, Melissa. Can you not really control it?" Tanong niya dito habang ang mga mata ay diretcho pa rin ang tingin sa daan.
"Ofcourse, I can control myself." Mabilis namang sagot nito na tila hindi naiintindihan ang ibig niyang sabihin.
"You are just a robot, Melissa. You're not a human." Ani ni Kyel.
"What?!" Natatawa namang hindi makapaniwalang bulalas ni Melissa.
"Then bakit tumagos lang sa katawan mo ang bala, Melissa. Ni wala kang dugo." Muling wika ni Kyel.
"What?!" Nagtatakang ani ni Melissa na pinag-aralan ang sarili. May butas nga ang kanyang mga damit. Maging ang ulo niya'y may butas din kaya agad niyang pinag-aralan ang ulo sa salamin ng bibtana sa kanyang tabi. Napaawang ang bibig niya niyang makitang wala ngang laman iyon at tila metal ang nasa loob.
"What did you do to me?!" Singhal niya kay Kyel.
"Hey, I saved you." Napapantiskuhan niyang sagot na hindi maintindinhan ang babae.
"I am human. But what happened? Galing lang ako sa lab ng Greater Heights, then after that ganito na ako? What did you do to me?!" Galit na sigaw ng babae mula sa backseat.
"Ganyan ka na bago ka pa namin makita, Melissa." Mahinahong saad ni Kyel.
Umiling-iling si Melissa na halatang hindi maintindihan ang sinsabi ni Kyel.
"You will know everything once we arrive at the headquarters." Wika ni Kyel.
"No..no..no...Hindi ako pwedeng pumunta doon. Baka kung ano pa ang gawin nila sa akin." Nababahalang wika ng babae.
"24/7 akong nagbabantay sa lab ng alisin ang tracker chip sa ulo mo, Melissa. 'Yun lng ang gnwa nila sa'yo aside from scanning & monitoring your health." Paliwanag niya sa babae.
"Everything will be alright, Melissa." Muling wika niya nang sandaling lingunin ang babae at makitang pumikit ito at umiiling na tila hindi maintindihan ang mga pangyayari.