Chereads / UNO (Tagalog) / Chapter 15 - Greater Heights

Chapter 15 - Greater Heights

"She is our agent based in China. She's agent 34. At hindi natin alam kung ano ang nangyari pag punta niya doon. She lost her memory." Wika ni Michael ng ilapag sa kanya ang iba't-ibang pictures ni Melissa at mga papeles.

"I think Dominic is involved with this." Ani ni Kyel ng maalala kung paanong muntik ng mapatay ng lalake ang dalaga.

"I already instruct our agents to secure Dominic's Revucare. Our best doctors and tech are there to examine how the facility works. For now, we just have to wait." Paliwanag ni Michael.

Nagpatango-tango naman si Kyel. Palaisipan pa rin sa kanya ang patungkol sa babae kaya matapos makipagusap kay Michael ay agad na siyang nagtungo sa opisina dala ang mga files patungkol dito.

Isa-isang pinag-aralan ni Kyel ang larawan ni Melissa maging ang iba pang dokumentong ibinigay ni Michael.

Tama nga ito. Katulad nilang agent ang dalaga ngunit natapos na lahat ng detalye patungkol dito sa huling misyon nito- sa China. Kung ano ang nangyari doon at kung bakit nauwi ito sa pamilya ng mga Gracia ay nanatiling isang malaking palaisipan para kay Kyel.

Mga katok sa pinto ng kanyang opisina ang nagpahinto sa kanyang pag-iisip sabay bungad ni Agent Two.

"Di mo ba na-receive ang message ni Michael?" Ani nito habang nanatiling nakatayo sa harap ng pinto.

"Message?" Kunot ang noong tanong niya habang kinukuha ang cellphone sa bulsa. Dahil naka-silent mode ay di nga nya napansin.

"Hmm..meeting? Again?" Natatawa niyang wika habang naglalakad palapit kay Marcus.

"So nag-usap na kayo?" Tanong nito habang binabagtas nila ang hallway patungo sa conference room.

"It's about her." Tipid niyang wika.

"I've heard she's already an agent like us." Kumento nito.

Sasagot pa sana siya ngunit pagdating sa bukana ng conference room ay ang babae agad ang nakita niya. Katabi ito ni Michael at tila may seryosong pinag-uusapan.

Dahil sila ang pinakahuling pumasok ay sa kanila napukaw ang atensyon ng lahat. Agad na nagtama ang mata nila ng babae kaya binigyan niya ito ng isang kindat na sinuklian nito ng isang mapang-akit na ngiti na halatang tila nakikipaghamunan lamang ito. Napangisi siya at ipinukol pa rin sa dalaga ang mga mata hanggang siya'y makaupo sa tapat nito.

"Good afternoon." Pormal na wika ni Michael habang nakatayo sa harapan nila.

"I want to introduce to all of you, Agent 34." Pakilala nito kay Melissa na halatang tila nagugulumihanan.

"She lost her memory so it's our task to help her. Starting today, she will undergo trainings & clinical tests to help her gain her memory about what happened five years ago.It's our only chance to trace Agent One." Pagpapaliwanag ni Michael.

Napahinga ng malalim si Melissa. Hanggang ngayon kasi ay tila hindi pa rin siya naniniwala na isa siyang agent ng Greater Heights. At mas lalong mahirap paniwalaan na hindi siya talaga si Melissa.

Sandali siyang pumikit upang hamigin ang sarili at alalahin kung paanong namatay ang kanyang mga magulang. Bagama't sa murang isip ay naging saksi siya ng trahedyang iyon, tandang-tanda pa rin niya ang mga marka sa batok ng mga lalakeng nanloob sa kanilang bahay at pumatay sa kanyang mga magulang at sumunog ng kanilang tahanan. At ang mga markang iyon...ang mga markang nakaguhit ngayon sa mga batok ng lahat ng nasa loob ng conference room na kanyang kinaroroonan.

Kailangan niyang malaman ang totoo. Dahil kung totoong hindi talaga siya si Melissa, ibig sabihin ay hindi totoo ang nangyaring trahedya. Hindi totoong mayroon siyang lola. Hindi totoo lahat ng nasa kanyang alaala sa kasalukuyan.

"Excuse me." Pukaw niya sa atensyon ni Michael habang nagsasalita ito.

"Yes?" Tanong naman nito.

"Can I leave this place for a while? I need to talk to my lola first. Baka mag-alala siya kung matagal akong mawala." Ani niya.

Nag-isip ito sandali at napatitig sa kanya.

"The day when we found you, Agent 34, we found out in our database that you don't have any family. Your real name is Caroline Crisostomo. You are the adopted daughter of Dominic." Paliwanag nito.

"Wait. No. That can be. When I came back from China, I stayed at my gradma's house with my brother Mark Gracia who was killed by..." Napahinto siya at tila sumikip ang kanyang dibdib ng maalala kung paanong pinagbabaril ang kanyang kapatid.

"Agent 34, I know this is quiet hard to process but to tell you the truth, Melissa Gracia was already dead. She was also killed together with her family in that fire at Mendez. Dominic manipulated your brain and implanted Melissa's memory to yours." Wika ni Michael.

"No! This is ridiculous!" Singhal niya dito sabay tayo.

"I'll go to my gradma's house...right now!" Deklarasyon niya saka nagpasimulang lisanin ang lugar ngunit agad na humarang ang tatlong agent sa pintuan.

"Let her, Michael. She needs the truth." Wika ni Kyel sabay tayo.

Napabuntong-hininga naman si Michael.

"Kapag nalaman mo na nagsasabi ako ng totoo, then you have to come back here and cooperate with us." Matatag na wika ni Michael.

Tumango naman siya.

"Accompany her, Agent One." Baling ni Michael kay Kyel. Agad namang tumalima ang lalake at una nang lumakad sa babae.