"I can manage." Pigil niya sa akma sanang pagbukas ni Kyel ng pinto ng driver seat.
"This is a protocol, honey." Nakangising wika ni Kyel na tuluyang binuksan ang pinto at naupo sa driver seat.
Wala namang magawa si Melissa kundi maupo na rin sa tabi nito.
"Just think of me as your driver, honey." Wika nito sabay kindat sa kanya.
"Don't call me honey, ok? I am not your girlfriend." Mariing niyang wika ngunit nagkibit balikat lang ito at lalong lumawak ang ngiti.
"So we're heading to Mendez." Ani nito.
Alam niyang nais nitong malaman ang saloobin niya ngunit alam niyang walang dahilan para kausapin ito. Wala siyang tiwala sa sinuman, lalo na sa mga taong may marka sa kanilang mga batok, marka ng mga taong pumatay sa kanyang pamilya. Humalukipkip lamang siya habang ang mga mata ay nakatanaw sa malayo.
"I know you did not lose your memory, Melissa." Pagpukaw nito sa atensyon niya.
Sinulyapan lamang niya ito at nanatiling nakahalukipkip.
"I've read some reports about you and there were some surveillance photos of you at Mendez 5 years ago. You did not stay in China." Pagpapatuloy ng lalake.
Natigilan siya at napatitig dito. Ito rin ang sinabi ng kapatid sa kanya. Ngunit malinaw sa kanyang alaala na nanatili siya sa China ng 5 years at hindi siya umuwi ng bansa.
"That's impossible. I was in China for 5 years!" Wika niya.
"But the evidences proved you're wrong." Ani nito.
Napapikit siya. Pakiramdam niya ay sasabog ang utak niya. Alam niyang lola lamang niya ang maaring makapagbigay ng linaw sa kanya.
"Lola." Mangiyak-ngiyak nyang salubong sa matandang babae na agad siyang niyakap ng mahigpit.
"Sobra akong nag-alala sa'yong bata ka. Dalawang araw kang hindi umuuwi. Pati si Kervy pinapahanap ka na niya sa mga pulis!" Nag-aalalang wika ng matanda na ang atensyon ay nabaling sa papalapit na si Kyel.
"Good afternoon po." Magalang na wika nito sa matanda na nagmano pa kaya nakita nito ang batok ng lalake.
"Pasok kayo, bilis." Nataranta nitong wika na agad silang pinapasok sa loob ng bahay at saka ini-lock ang pinto.
"Lola.."Pagpukaw niya sa atensyon ng matanda pagkatapos nitong lumagok ng tubig.
Maya-maya pa ay may agad itong kinuha sa ilalim ng mesa. Mabilis nitong kinasa at itinutok ang baril kay Kyel.
"Lola!" Gulat na wika ni Melissa.
"Pinatay niyo ang pamilya ko!!! Pinatay niyo!!!" Nangagalaiting singhal nito sa lalaki.
"Lola, please. Pwedeng makinig ka muna sa akin. Andito ako para malaman kung ako ba talaga si Melissa o si Agent 34 ng Greater Heights?" Umiiyak niyang tanong sa matanda.
Nabaling naman ang atensyon ng matanda sa kanya kaya agad namang sinamantala iyon ni Kyel para maagaw ang baril dito at agad niyang naiposas ang mga kamay ng matanda sa upuan.
"Kyel, don't do this to my lola. I know she will answer all my questions. You don't have to do this." Pakiusap niya kay Kyel habang puno pa rin ng luha ang mga mata.
"I have to make sure we're safe." Matigas nitong wika saka tumunghay sa matanda.
"So..answer her question." Ani ni Kyel dito.
Napapailing naman itong tumunghay sa kanya.
"Apo ko. Ikaw si Melissa. Paanong hindi ka magiging si Melissa?" Sagot ng matanda.
"That's a lie!" Singhal ni Kyel dito sabay kuha ng envelop sa kanyang jacket at inilapag sa mesa ang mga larawan ni Melissa na kausap ito sa isang laboratoryo.
"That's Melissa 5 years ago at Revucare Lab, with you..na supposedly dapat nasa China siya." Paliwanag ni Kyel.
Nanginginig ang mga kamay na kinuha ni Melissa ang mga larawan at pinag-aralan ang mga ito.
Tama. Siya nga iyon at maliwanag na iyon ay kuha sa panahong nasa China siya at abala sa pagte-train ng martial arts.
Nagsimula namang lumuha ang matanda.
"Sorry apo ko...sorry..sana mapatawad mo ako." Umiiyak nitong wika.
"Lola, please...I want to know the truth." Pagsusumamo niya dito.
"Ikaw si Melissa. Ikaw ang apo ko." Umiiyak nitong wika.
Tila napupuno naman si Kyel kaya malakas niyang hinampas ng kanyang mga palad ang mesa.
"Lola, kailangan niyong sabihin sa apo niyo ang totoo kung ayaw niyong mamuhi siya sa inyo habang buhay!" Ani ni Kyel dito.
"Maniwala kayo. Apo, maniwala ka. Ikaw si Melissa, ang apo ko..." Umiiyak na wika nito.
"So sino 'to, la?" Tanong niya dito habang hawak ang larawan nito kasama ang kamukha niya.
"That's not you, apo. That's not you." Umiiyak nitong ani.
"Then who's this?" Tanong ni Kyel.
"Papatayin niya tayo, apo. I have to protect you. Please, hindi mo dapat malaman. Ayaw kong mawala ka sa akin." Gumagaralgal na tinig na pagsusumamo nito.
"Lola!!! Tell...me...the...truth!!!" Pasigaw niyang ani.
"Caroline Crisostomo. She's the daughter of our tenant, Mang Gino. Kasamang namatay si Mang
Gino sa nangyaring massacre ng pamilya natin. Then Dominic Uno came. He adopted her." Paliwanag ng matanda.
"How come kamukhang-kamukha ko siya, la? And why were you here in the lab?" Paguusisa ni Melissa.
"Nagtatrabaho na ako nun pa sa lab ni Dominic, apo, mula pa ng dalaga ako. Then ng magasawa ako at magkaapo, ipinasok q rin ang mga magulang mo at ang buong pamilya..kaya may mga marka kami sa likod. Kung ang mga agents ng Greater Heights ay sa batok, kami naman na sa laboratoryo ay sa likod." Paliwanag ng matanda.
"When Dominic saw you, he asked permission na gamitin ang itsura mo para daw sa robot na binubuo niya. Your parents & I agreed without knowing na sa human subject niya pala kokopyahin ang itsura mo, apo." Pagpapatuloy na paliwanag nito.
"When we found out, he threatened us. Then that night, pinasok ang bahay. The massacre happened. I escaped with my two grandchildren." Muling napaiyak ang matanda dahil sa ala-alang iyon.