Bumuntong-hininga si Kyel bago pumasok sa interrogation room na kinaroroonan ng babaeng pamilyar ang itsura. Iniisip niya kung saan niya nakita ang babae.
Matapos itong dalhin sa hi-tech na laboratoryo ng Great Heights at itirok dito ang gamot na pangontra sa itinurok ni Dominic ay nagkaroon ito ng malay.
Pinagpahinga muna nila ang babae sa loob ng tatlong araw saka nila dinala sa interrogation room upang makausap.
Nang-angat ng paningin ang babae at nagkasalubong ang mga mata nila. Napaawang ang bibig nito na tila nabigla ng nakita siya.
"Oh my God, who's that?" Bulalas ni Melissa ng makita ang isang reporter na nakapolo-shirt na white na panay ang kuha ng litrato. Hindi ito mukhang cameraman bagkus ay tila isang modelo sa ganda ng ng tikas ng katawan.
"Sino?" Usisa naman ni Becca na napatingin din sa tinitingnan niya.
"Ayan, lumalapit siya." Hindi niya alam kung bakit ang naglulungkot niyang pakiramdam kanina ay napalitan ng kilig dahil sa lakas ng dating ng lalake. Inalis niya ang suot na shades upang makitang mabuti ang lalake.
"Oh…my…God…He's hot." Bulalas din ni Becca. "Hindi ko akalain na may hot na cameraman." Natatawang wika nito.
"Buti na lang napadaan tayo dito. Medjo naging ok pakiramdam ko." Pagbibiro niya.
"Single since birth…but so flirty!" Bulalas naman ni Becca na muling pinaandar ang kotse ng umusad ito.
"I just know how to appreciate good-looking guys." Sagot naman niya ngunit pareho silang napatili sa biglang pagpreno ni Becca.
Agad siyang napalabas ng kotse upang tingnan kung may nabangga ba sila.
"Are you ok-" Napahinto si Melissa sa pagtatanong ng bumungad sa kanya ang madilim na mukha ng cameraman na kanilang pinagtutunan ng pansin ni Becca. Ngayo'y kakalat sa daan ang mga bahagi ng camera nito matapos itong umiwas sa sasakyan nila at mabitawan ang camera.
"S-sir..sorry…" SIngit naman ni Becca na bahagya siyang siniko at napakagat sa labi.
Hindi ito nagsalita bagkus ay huminga ng malalim at tumunghay sa kanilang dalawa. Pinagmasdan sila nito mula ulo hanggang paa saka umaliwalas ang mukha nito.
"Well, I guess you did not focus on the road because you're focusing on something else."
Nakapamey-awang nitong wika saka sila binigyan ng makahulugang tingin.
"The truth is, we're looking at you. You're so hot!" Hindi naman napigilang bulalas ni Becca na pinanlakihan niya ng mata.
"Oh really?" Lalo namang lumawak ang ngiti ng lalake sabay sulyap sa kanya na tila hinihintay na sumang-ayon siya.
"Yes. Sorry." Nahihiya rin niyang pag-amin saka kinurot sa tagiliran ang kaibigang si Becca. Alam niyang iyon ang dapat niyang sabihin upang hindi na magalit pa ang lalake dahil sa nangyari sa camera nito.
"Alright. I will not ask you to pay for my camera in one condition- have a lunch with me." Nakangiting ani nito na tumiim ang titig sa kanya.
"S-sure! Kakain na rin sana kami ng lunch ngayon ni Melissa. That's great!" Mabilis naming wika ni Becca saka kumindat sa kanya.
"Melissa?" Natatawa namang tanong na lalake na sumulyap sa kanya.
"Ah, yes. I'm Becca, the driver & the owner of the car. And this is my friend, Melissa." Pakilala nito sa kanya. Agad namang inilahad ng lalake ang palad na kanya niyang tinaggap. Sinalubong niya ang mata nitong may kakaibang kislap.
"I'm Kyel." Ang naalala niyang pakilala nito.
"So he's not a reporter." Bulong ni Melissa sa isip na tila nabasa ng lalake dahil sumilay sa labi nito ang kakaibang ngiti.
"I'm Agent One and the team leader of this case, Melissa." Pauna niyang wika.
"Now, tell me who you are at kung bakit nasa laboratoryo ka ni Dominic." Pagpapatuloy niya.
Nanatili lang na tahimik ang babae at nakahalukipkip.
Huminga si Kyel ng malalim.
"Look, Melissa, we are here to protect you. You can trust me." May sinseridad na wika niya.
Umiling naman ang babae.
"I can't trust all of you here!" Galit na singhal ng babae sa kanya.
"How can I trust people like you who killed my whole family?!" Nanggagalaiting muling singhal nito sa kanya.
Napakunot naman ang noo niya sa narinig.
"What do you mean?" Tanong niya dito.
Akmang magsasalita ang babae ngunit bumukas na ang pinto ng interrogation room.
"That's enough for now, Agent One. We have important matters to discuss." Wika ni Michael, ang present director ng Greater Heights.
Napatitig naman siya sa babae. Alam niyang marami itong alam. Natitiyak niyang mapapaamin din niya ang dalaga.Handa niyang gawin ang lahat para magtagumpay ang kanilang layunin.
Nang bigyan ng isa pang sulyap ang dalaga bago lumabas ay kakaibang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi.