"MENDES MASSACRE."
Pagbabasa ni Marcus sa bold letters na nakasama sa headline ng newsclip na ipinin ni Kyel sa board. Kasalukuyan silang nasa loob ng condo na kanilang inupahan sa Mendes. Naupo sa sofa si Allen at Kyel habang nakatayo sa harap nila si Marcus na hawak ang folder.
"So at first, akala ng lahat ay sunog lang iyon na di umano ay aksidente lamang mula sa nag-leak na gas. Pero based on the investigation ay sinadya iyon…and further investigation should be done to trace the suspect." Pagpapatuloy na wika ni Marcus habang binabasa ang istorya sa balita.
"And that was twenty years ago. Until now, wala pang nagyayari." Dugtong ni Kyel.
"So anong connection niyan kay Agent One?" Tila inosenteng tanong naman ni Allen na abala sa pagkain ng crackers na inilapag ni Kyel.
"Could we just call him 'UNO' guys? I am Agent One, ok?" Tila inis naming ani ni Kyel. Natatawa naman ang dalawang kasama na makitang naasar siya.
"Ok. So anong connection ng balitang 'yan kay UNO?" Pag-uulit ni Allen. Huminga muna ng malalim si Kyel saka tumayo at may kinuha na envelop sa bag niya. Inilabas niya ang mga larawan at inihanay iyon sa mesa. Napaawang naman ang bibig ni Allen at Marcus ng makita ang larawan ng mga sunog na bangkay. Halos masuka si Allen dahil kasusubo lamang niya sa bibig ng crackers.
"These are the victims. But…they are not just victims. They have the same markings like ours." Pagpapaliwanag ni Kyel sabay turo sa mga kwardradong guhit sa mga likod ng katawan ng mga ito. Sa gitna ng kwadradong guhit ay may mga letrang GH na nangangahulugang Greater Heights.
"So they are agents like us? But why at the back?" Tanong ni Marcus. Ang mga totoong agents kasi ng Greater Heights ay may tatak sa batok.
"That's what we have to know. One thing is for sure- hindi sila sa atin." Ani ni Allen. Napatango naman ang dalawa.
"But the question is, bakit sa likod nila ilalagay ang markings kung gusto nilang mag-pretend na mula sa atin? Eh di mahahalata sila? It doesn't make sense." Tila malalim ang iniisip na ani ni Kyel. Nagkatinginan naman si Marcus at Allen.
"Flash report…Isang lalake ang pinagbabaril sa kahabaan ng Rodriquez Highway kanina lamang umaga. Limang nakamotor umano ang walang habas na namaril dito. Para sa detalye, ibalita mo Koreen Santillan!"
Napukol ang atensyon nilang tatlo sa balita sa TV. Ngunit nagkatinginan sila ng rumehistro ang pangalan ng lalakeng tinutukoy sa balita.
MARK GRACIA.
"Lloyd Gracia, Estrella Gracia, Julio Gracia, Elizabeth Gracia, Ferly Gracia and Diego Gracia- They are the family members who were massacred twenty years ago. And now, another family member is killed..the son of Ferly and Diego Garcia. It's now making sense." Tila wala sa sariling wika ni Kyel na patayin ang TV. Nagkatinginan naman sina Marcus at Allen.
"We have to look for the remaining family members bago pa may mamatay na naman." Pagpapatuloy ni Kyel saka nagmadaling naupo sa tapat ng monitor ng computer.
Mabilis ding tumutok sa kani-kanilang laptop sina Allen at Marcus.
"No records, as if Mark Gracia is the only sole survivor of the massacre?" Nagtatakang bulalas ni Marcus.
"Any information about Mark Gracia?" Tanong ni Kyel.
"Wala ring lumalabas." Sagot naman ni Allen.
Napaisip ng malalim si Kyel at tila naalala ang sinabi ni Michael.
"Finding a missing person is the easiest thing a single agent can do, Michael." Wika ng isang agent na nakaupo na sinang-ayunan naman ng lahat.
"Yes….unless wala na ang lahat ng source maging ang lahat ng may koneskyon kay Agent One." Sagot ng lalake na ikinatahimik ng lahat.
"I think malapit na tayo kay UNO guys. He has no trace, no information, nothing at all…like the Gracia Family." Wika ni Kyel habang nirereplay mula sa Youtube ang balita sa pagkamatay ni Mark Gracia. Paulit-ulit niya iyong pine-play hanggang sa i-pause niya ang screen sa bahagi ng interview sa balita.
GOVERNOR JUDE CHAVEZ.
"Before he became the Governor, he was a business man who owned a multi-billion company. He now turned the management to his only son named KERVY CHAVEZ." Pagpapaliwanag ni Marcus habang nakatutok ang paningin sa monitor ng laptop nito.
"KERVY CHAVEZ is now the CEO and Director of Chavez Business Firm. He finished his bachelor, masteral, and doctorate degrees in Harvard University. He stayed in China for five years after graduating. Then he came back here in Mendes and handled his father's businesses." Pagbabalita naman ni Allen.
Napatango-tango naman si Kyel saka bumuntong-hininga.
"Let's visit Funeraria Paz." Pagkuwa'y ani niya.
Nagtagpuan nga ng tatlo ang sarili sa tapat ng Funeraria. Sa labas palang ay may mga police at media na.
"I'll go. You stay here. Report to me any suspicious person na makikita niyo sa paligid. It's undercover time." Wika ni Kyel saka niya inayos ang suot na white polo shirt at inihanda ang camera.
Inaasahan niya na may makikitang kamag-anak sa loob ngunit puro media lamang ang naroon. Nasa gitna ang kabaong nitong na nakasara.
Iginala niya ang paningin sa paligid. Tiningnan lahat ang mukha ng mga taong naroroon ngunit halos camera at mic ang dala ng mga ito at nag-aabang din ng taong maaring makausap.
"Are you his relative?" Tanong ng isang reporter sa kanya pagpasok niya.
"I'm also a reporter." Sagot naman niya saka inayos ang dalang camera at nagsimulang kumuha ng mga litrato.